|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Yesterday
Just wrote this out of frustration. Hope you guys will like it, or just read it anyway.
Yesterday Day 1 Wishful Thinking Ako si Brian Nadal, 23, taga-Tundo. Matapos ang halos tatlong taon mula pag-graduate ko sa college, sa wakas nagkaroon na rin ako ng trabaho, sa isang sikat na kumpanya ng mga alak. Buweno, ang kumpanya lang ang sikat at hindi ang posisyon ko dahil kahit napakaganda sa pandinig ng trabaho ko, bilang isang sales associate wala namang ipinagkaiba iyon sa isang muchacha. Nagsisisi talaga ako kung bakit nagpasulsol ako sa nanay ko noon – plano ko na kasi noon pa na fine arts ang kukunin ko pero sabi niya may mahirap na math raw do’n kaya napaurong ako at sa halip nag-business administration na lang ako. Putris, ngayon ko lang napagtanto na anlaki ko palang engot at nagpaniwala ako sa simpleng gimik na ‘yon. Kunsabagay, sakaling nakuha ko nga noon ang gusto ko baka namumulubi na rin kami ngayon. Napakagastos pala ng kursong ‘yon, araw-araw me gastos, mula sa mga simpleng gamit pan-drowing hanggang sa mga graphic software na dapat pag-aralan sa computer kaya lumalabas financial ang dahilan kung bakit ayaw nila akong mag-fine arts, at dahil do’n kaya ako nakatapos. Pero pagkatapos ano? Matapos ang tatlong taon saka lang ako nagkatrabaho, ni hindi ko pa nababawi yung lahat ng nagastos ko sa pag-a-apply dahil kung sa sweldo ko lang ako aasa, kahit siopao magmimistulang ginto dahil sa sobrang baba. Minsan naiisip ko; ito lang ba ang mapapala ko mula sa apat na taon kong pag-aaral sa college? Ganito na lang ba ang mangayayari sa akin hanggang malagutan na ako ng hininga? Sa isiping iyon parang nawawalan na ng halaga ang pera sa akin dahil parang nagtatrabaho ka na lang para makakain, tatlong beses araw-araw at pagkatapos sa hukay na ang bagsak mo; Isang nakakainip na buhay, ni hindi nga maituturing na buhay. At ngayong umaga, heto nanaman ako, papunta sa trabaho, namimingat pa ang mga mata sa antok at maliliit ang mga hakbang na naglalakad, makikipagbuno pa sa trapik hanggang makarating ng opisina. Pagsapit ni Brian sa kanilang opisina’y isang payat na lalake ang bumungad sa kanya. ‘O Champoy! Late ka nanaman! Mabuti’t wala pa ngayon si boss kundi yari ka nanaman sa bunganga no’n!’ Siya si Eddie, kasabay ko siyang nakapasok dito at kaklase ko rin sa college. Champoy ang tawag sa akin ng mokong dahil sa malaki kong nunal sa baba na may tatlong hibla pa ng buhok. Sa unang tingin para siyang payatot na bata sa poster ng UNICEF pero huwag ka, kung umubos ng kanin daig pa ang bulugang baboy. Kaya T-rex ang taguri sa kanya noon sa klase namin – hindi dahil para siyang dinosaur lumamon kundi buto ng dinosaur na malakas lumamon. ‘Wala akong pake! Gusto ko nga mahuli niya akong late eh nang mabusalan ko ang bunganga ng manyak na ‘yun sa oras na magsalita siya!’ ‘Mu’ka mo! Yabang! Baka ‘pag kaharap mo na siya umurong ang bahag mo diyan!’ ‘Kaya nga sinabi ko na kapag nahuli niya ako eh! Bobo!’ Saka sila sabay nagkatawanan. Habang papunta sa kanilang opisina’y nakasalubong ng dalawa ang isang babae. Sa gayak nito mahihinuha agad sa unang tingin ang taas ng posisyon nito, sa suot nitong eleganteng puting blouse na gothic ang disenyo na tinernohan ng itim na pencil cut skirt, naka-ponytail naman ang mahabang buhok nito, nakasuot ng dangling earrings na katamtaman ang laki, at natural na kulay ng make-up. ‘Good morning po Ms. Arboleda.’ Bati ni Eddie sa babae. Ngunit sa halip na batiin rin siya’y kay Brian ito bumaling. ‘G-good m-morning… Brian…’ nakatungo habang palipat-lipat ang mga matang bati nito sa kanya. ‘M-magandang umaga rin po sa inyo Ms. Arboleda.’ Nagtatakang tugon na lang niya. Si Ms. Ruppina Odette Arboleda, ang head ng CSR department at anak ng isa sa mga board of directors. Nagkataong kalalagak pa lamang niya sa posisyon nang makapasok rin kami ditto ni Eddie. Maganda at sexy, ismarte at kagalang-galang. Isang yuppie na maituturing. Pantsya siya ng karamihan sa mga kalalakihan dito, maging ng aming boss sa sales department na kung makatitig sa kanyang pwita’y parang gustong duhapangin. Pero hindi ako. Hindi naman sa ayoko sa kanya o sa mga tulad niya, hindi lang ako gaanong interesado sa mga babae. Saka parang mahirap siyang pakisamahan dahil sa taas ng kanyang posisyon, at least sa aking sariling perspective. Pero minsan nawiwirduhan ako sa boss naming ‘yon dahil tuwing babatiin ko siya sa mga pagkakataong nakakasalubong ko siya sa hallway parang wala siya sa sarili niya’t tuliro parati. ‘Grabe talaga sa kagandahan at kaseksihan si Ms. Odette no? Para tuloy nakakagigil na nakakainis dahil hinding-hindi ko siya mapopormahan gawa ng napakataas ng posisyon niya kumpara sa atin.’ ‘Asa ka pa, manyak!’ Pambabara niya rito. ‘Kala mo ‘to hindi rin pinagpapantasyahan si Ms. Arboleda! Halatado ka ugok, huwag ka nang magmalinis!’ ‘Huwag mo’kong itulad sa’yo! Tsaka anong mapapala ko sa pagpapatansya sa kanya? Kikita ba ako ng pera? Isa pa sa’yo na mismo nanggaling, hindi mo rin siya mapopormahan dahil hindi natin siya ka-level. Sasayangin mo lang ang oras mo sa kanya ambisyosong manyak!’ ‘Ang korni talaga nito! Alam mo sa ugali mong ‘yan tatanda kang binata! Hindi naman kaya lalake ang gusto mo?! O baka naman may gusto ka na sa ‘ken?! Kadiri ka tsong!!!’ ‘Ikaw ang kadiri dahil ang korni mo mag-joke! Halika na nga at baka maunahan pa tayo ni manyak sa opis!’ Maaaring may punto siya sa kabilang banda, pero hindi ba mas maiging mag-concentrate na lang sa buhay kaysa mangarap sa isang bagay na hindi naman mangyayari at hinding-hindi mo makukuha? Kagaguhan lang lahat ‘yun. Hindi sa naghihimutok ako, nagpapaka-praktikal lang. Sa opisina, sa gitna ng pagpi-print ng mga flyers napatigil si Brian at pabagsak na naupo sa desk. ‘Uy! Bakit ka nagpapahinga? Tapusin mo na lahat ‘yan at marami pang nakatenggang gagawin! Ayokong mag-overtime no?!’ Pananaway ni Eddie sa kanya. ‘Ikaw ba Eddie… kung may pagkakataon kang bumalik sa nakaraan, anong punto ng buhay mo ang babalikan mo?’ Napakunot-noo naman ito sa sinabi ng kaharap: ‘Ano nanaman bang kagaguhan ‘yang pinagsasasabi mo diyan?! Naka-drugs ka ba?’ ‘Ako ang nagtatanong dito kaya sumagot ka! Payatot!’ ‘Hmmm? Siguro babalikan ko ‘yung araw bago ako pinanganak, malay mo sa mga guwapo’t maganda na magulang ako mapunta di baka may “K” na rin akong pumorma kay Ms. Odette!’ saka nagpakawala ng pilyong bungisngis. ‘Alam mo ang babaw mo! Sapakin kita diyan eh!’ ‘Eh ikaw naman aber?! Ano naman ang gusto mong balikan sa nakaraan?!’ ‘Ako?... Lahat.’ ‘Lahat? Anong lahat?!’ ‘Lahat ng mali sa nakaraan ko, lalong-lalo na ‘yung araw bago ako nag-college. Kung makakabalik lang ako sa puntong ‘yon ipipilit ko talaga ang gusto ko, kahit pa tumutol na silang lahat, at kahit pa kailanganin kong mag-self support basta makatapos lang ako ng fine arts at matupad ko ang pangarap kong maging fashion designer, o kaya maging isang interior designer, walang makakapigil sa ‘kin, hindi sa boring na apat na sulok ng opisinang ito na walang ginawa kundi mag-print at magpamudmod ng mga flyers. Bigyan lang ako ng Diyos, kahit katiting na tsansa hinding-hindi ako magda-dalawang isip!’ ‘Alam mo ang labo mo! Kanina sinasabihan mo akong magpaka-praktikal, eh ikaw naman pala itong boglag eh! Mag-move on ka na! tatlong taon ka nang gradweyt, wala ka nang magagawa sa kangkungan ka na talaga bumagsak kasama ko!’ Pagbibiro pa nito. ‘Loko ka! Sige lang, oras na ma-promote ako sa trabaho hinding-hindi kita papansinin, aangkinin ko pa ‘yang Ms. Odette mo!’ Ganti naman nito. Ganito lang namin kung palipasin ang mahaba at nakakainip na trabaho sa opisina; konting tawanan, konting biruan, sa totoo lang nagpapasalamat ako’t nakasama ko rito ang mokong kong kaibigan na ‘to, dahil kung mag-isa lang ako rito malamang malaon na akong namatay… sa pagkainip at labis na stress. Bukod rito may isa pa akong ginagawa para maalwan sa pressure ng trabaho. Sa gitna ng tawanan, tumunog ang bell, hudyat ng break time. ‘Ayos! Lunch time na rin sa wakas! Champoy, sa’n ka kakain ngayon?’ ‘Mamaya na lang siguro, ‘dun na muna ako sa rooftop nang makapag-relaks naman kahit pa’no. hindi ko pa nababawi yung tulog ko sa overtime kagabi eh.’ ‘Okey… sige tsong una na ‘ko sa canteen. Siguraduhin mo lang na tulog lang ang aatupagin mo sa rooftop ha?’ Saka malisyosong tumawa. ‘Ulol! Lumayas ka na nga rito!’ Tuwing lunch break madalas akong pumunta sa rooftop para matulog, dahil wala namang nangangahas magpunta ro’n liban na lang sa ilang technical crew. Simula kasi ng matanggap ako sa trabaho hindi ko na halos nakukumpleto ang tulog ko sa kaka-overtime sa trabaho. Masarap ang tulog ko sa rooftop dahil mahangin, at sa napili kong puwesto may sapat na lilim pangontra sa sikat ng araw sa tanghali kaya presko sa pakiramdam. Sa sobrang himbing nga minsan ng tulog ko nananaginip pa ako – mga bagay na inaasam-asam ko na hindi natupad. At ngayong hapon inaasam ko na sana mapanaginipan kong bumalik ako sa nakaraan… kahit sa pagkakataon lang na ito gusto kong magkaroon ng katuparan ang sarili kong pantasya. At least sa panaginip hinding-hindi ako masusumbatan ni Eddie na lumalabag ako sa sarili kong salita. Sana nga… kahit saglit lang… Comments? Suggestions? Just reply to this post. Salamat na rin sa mga magbabasa. ![]() Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
![]() may chap 2 ba 'to?
mirrorcle_world
•reply
Jun-28-09@7:48AM
yep! pero siguro hanggang day 7 lang ako kasi 7 days lang naman ang meron sa isang linggo
teka! ANG HABA. Hahahaha. Basahin ko nalang maya. Hahaha. XD
![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77642)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) lilzupladitah20, Laiideechuii, tulungatong, vani_014, mhelaisky, anonsenselove, arzel18, and 46 guests |