|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
MR. MAYABANG MEETS MS. MASUNGIT (TSAPTER25)
PREVIOUS CHAPTERS:
wAn tU(part1) tU(part2) tRi pOr pAyb siKs sEbEn eYt nAyn tEn eLebEn tWeLb tErtiN pOrtiN piPtiN siKstiN sEbEntIn eyTin nAynTin tWeyNti tWeyNti-wAn tWeyNti-tU tWeyNti-tRi tWeyNti-pOr CHARACTERS: (NOTE: nakuha ko lang po sa friendster ang lahat ng mga pics na ginamit ko. kung kilala niyo man sila, paki-pm ako agad para ma-acknowledge sila ng maayos. thank you! )bong nadine mark liz brent love badette NOW YOU KNOW (author: nasa dorm si nadz. )(nadine's pov) ilang araw na rin ang nagdaan mula ng huli kaming mag-usap ni bong. matapos kasi ng araw na yun ay hindi na talaga niya ko pinapansin. pag nagkakasalubong nga kami, ni sulyapan ako hindi niya ginagawa. naninibago ako.. pero ito naman ang gusto ko hindi ba? e bakit ako nalulungkot? hai.. nahiga na lang ako at niyakap ang unan na bigay ni mark saken. liz: hoi bestfriend.. nadz: bakit? liz: hindi ka na naman mapakali dyan a. iniisip mo si papa bong noh? nadz: papa bong ka dyan? hindi noh! bat ko naman iisipin yun? liz: weehh.. nadz: liz, hindi ko siya iniisip at mas lalong hindi ko na siya iisipin pa! liz: asus... tumingin ako kay liz.. nadz: ELIZE!!!! liz: haha!! okay okay! o di hindi na. sabi mo e, ![]() nadz: talaga! liz: haha ![]() bakit ba ko tinatawan nitong kaibigan ko? parang baliw na ata e. tiningnan ko uli ang unan na yakap-yakap ko. pagkatapos ay pinisil-pisil ko ito. tapos pinagsususuntok. at hindi pa ko nakuntento! binalibag ko pa ito sa dingding na malapit sa kama ko. liz: hoi bestfriend, adik ka na ba? nadz: waaahhh!!!!! liz: adik ka na nga. nadz: liz, nagtatanggal lang ako ng stress okay? suportahan mo na lang ako. liz: hai naku... sinaktan mo na nga siya, pati ba naman yang unan na bigay niya sayo sinasaktan mo rin.. nadz: ano? liz: wala. nadz: meron e.. liz: wala nga. nadz: ang mabuti pa siguro ibalik ko na lang ito sa kanya. liz: anong ibabalik mo kanino? nadz: itong unan. sabi ko ibabalik ko na lang to kay mark. liz: e bakit kay mark? nadz: e kasi po siya ang nagbigay nito saken. kaya sa kanya ko syempre ibabalik. liz: pero-- *katok katok* napatingin ako sa gawi ng pintuan at tinungo na ito pagkatapos. *katok katok* nadz: sandali. binuksan ko na ito at nakita ko ang aking dormmate. nadz: oi bakit? dormmate: may naghahanap sayo sa baba. nadz: sino? lalaki ba? dormmate: hindi. babae yun e. love daw ang pangalan niya. si love? anong ginagawa niya dito? nadz: a sige salamat. bababa na ko. tumingin ako kay liz at.. nadz: iwan muna kita a. kakausapin ko lang si love. bago ko sinarado ang pinto ay nakita kong tumango at ngumiti pa saken si liz. pababa pa lang ako ng lobby namen pero tanaw ko na si love. hindi niya pa ko nakikita dahil nakatalikod siya saken. nadz: love.. kumusta? lumingon siya pero hindi sumagot. sa halip ay ngumiti lang saken. love: halika ate. upo ka dito sa tabi ko. umupo ako sa tabi niya at niyakap niya ko. nadz: love, anong ginagawa mo dito? love: anong nangyari sa inyo ni bong? nadz: alam mo na pala... love: bakit nagkaganoon? okay naman kayo diba? pano ko ba sasabihin? okay naman talaga kami ni bong e. kung hindi lang dumating si badette. nadz: alam mo kasi love, masyadong kumplikado e. love: bakit naman? nadz: hindi ko pwdeng sabihin sayo.. love: pero mahal ka niya. mahal ka ni bong. ngayon lang siya nagkaganito ng dahil sa babae. nadz: love, hindi ako ang mahal ng kapatid mo. love: hindi totoo yan. ako na ang nagsasabi sayo, makinig ka saken ate. mahal ka niya. mahal na mahal. hai.. magkapatid nga sila. pareho silang makulit. nadz: pinapunta ka ba niya dito para kausapin ako? love: wala siyang alam sa pagpunta ko dito. kusa akong pumarito para kausapin ka. nadz: love, kung pumunta ka dito para pag-ayusin kami ng kuya mo, sinasabi ko sayo ngayon pa lang na imposible nang mangyari yun. masaya na ako na wala siya sa buhay ko. at tingin ko naman ay ganun din siya. napabuntong-hininga si love. love: tama nga siya. hindi ka nga marunong makinig. ano daw? habang sinasabi niya ito ay binuksan niya ang kanyang bag at may kinuha mula rito. love: sayo na yan.. sabay abot niya saken ng isang maliit na kahon. nadz: ano to? love: hindi ko rin alam. pero nung huli kaming magkausap ni bong, ang sabi niya itapon ko na daw yan. nadz: e kung sinabi niyang itapon mo na to, bakit mo 'to ngayon binigay saken? love: kasi alam kong para sayo yan. nadz: ano ba to? love: hindi ko alam. nadz: anong gagawin ko dito? e ni hindi ko nga alam kung anu to. inikot-ikot ko ang kahon na bigay ni love. napansin ko na mukhang lalagyan ito ng kung anu man na hindi ko alam. inalog-alog ko ito at sa tingin ko ay may maliit na bagay na nasa loob nito. love: sabi ni bong, hindi na daw niya kailangan yan. wala na raw kasi siyang pag-asa sayo kaya ipinapatapon niya yan saken, nadz: alam mo love, itapon mo na nga lang to. dahil unang-una, iyon ang sabi sayo ng kapatid mo. at pangalawa, hindi ko naman mabubuksan ito e. umiling-iling si love pagkatapos ay sinabi niya to.. love: mabubuksan mo yan,. nadz: pero pano? ni hindi mo man lang kinuha ang susi nito para naman at least makita ko ang laman. love: mabubuksan mo yan. maniwala ka... ikaw lang ang makakapagbukas niyan. nadz: pero pano? naguguluhan ako.. tumayo na siya at ni hindi man lang sinagot ang tanong ko. nadz: aalis ka na? love: oo. mauna na ko. nadz: pero pano to? anong gagawin ko dito? love: buksan mo. nadz: hindi nga-- love: mabubuksan mo yan. maniwala ka.. at pagkatapos nito ay naglakad na siya palabas ng dorm.. ako naman, eto at naguguluhan pa rin. mabuti pa siguro umakyat na lang ako sa kwarto ko. pagpasok ko, nakita ko si liz na nakatitig sa unan na bigay ni mark saken. nadz: oi matunaw yan. haha liz: kung balak mong ibalik ang unan na yan sa nagbigay sayo, hindi si mark ang tamang taong pagbabalikan mo. ano bang sinasabi nito ni liz? parang napakawirdo niya ata ngayon. liz: hindi si mark ang nagbigay niyan sayo. nadz: kung hindi siya, e sino? tiningnan lang ako ni liz. nadz: wag mong sabihing si... liz: siya nga. si bong ang nagbigay niyan sayo. natatandaan mo ba nung araw na pumunta ka kina badette, tinxt ako nun ni bong. sabi niya ilagay ko daw yang unan sa bandang lobby para makita ng guard at ibigay sayo pagbalik mo. nadz: bakit hindi mo sinabi saken agad yan liz? liz: ang gusto niya kasi siya mismo ang magsasabi niyan sayo. alam mo ba, matagal ka na niyang gusto. nung panahong pinabigay niya saken ang unan na yan, dapat kinabukasan nun magtatapat na siya sayo. kaya lang e biglang dumating yung badette. kaya ayun, hindi niya muna tinuloy. nadz: pero si badette... sigurado akong nagkabalikan na sila. liz: sigurado ka ba talaga? nadz: oo. kasi-- liz: kasi nakita mo silang magkayakap? kasi nakita mo silang naghahalikan? nadz: mismo! kaya nga sigurado akong nagkabalikan na sila! liz: nadz may itatanong lang ako sayo, binigyan mo na ba ng chance si bong na magpaliwanag sayo? pano kung mali ang mga nakita mo? nung nakita mo silang magkayakap, sigurado ka bang magkayakap sila o si badette lang ang talagang nakayakap kay bong? nung makita mo silang naghahalikan, pano kung sabihin ko sayong si badette lang ang humalik sa kanya? nadine, hindi lahat ng akala mong totoo, ay totoo. nadz: liz bakit mo sinasabi saken yan? liz: gusto kong itama ang mga maling akala mo tungkol kay bong. mali ang interpretasyon mo sa mga nakikita mo. kaya ngayon, heto ka at nahihirapan. nadz: liz naguguluhan ako.. hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. nalilito na ko kung ano ang totoo at kung ano ang hindi. nilapitan ako ni liz at niyakap.. liz: nadine.. alam kong mahal mo si bong. at mahal ka din niya. maniwala ka. kumalas ako sa pagkakayakap ni liz saken. nadz: liz, okay lang ba kung iwan mo muna akong mag-isa? gusto ko kasing mag-isip-isip. liz: okay lang. alam mo, yan ang pinakamabuti mong gawin ngayon. tumayo na si liz at naglakad papunta sa pinto. bago siya lumabas ay tumingin muna siya saken. liz: kung kelangn mo ng kausap txt mo na lang ako a. ![]() nadz: salamat liz. at lumabas na nga si liz. naguguluhan na talaga ako., kung totoo ngang mahal ako ni bong, bakit hindi ganun ang nakikita at nararamdaman ko? tiningnan ko ang unan na nasa kama at ang maliit na kahon na hawak-hawak ko pa pala. liz: siya nga pala mahal ka nun. ang tinutukoy ko ay yung nagbigay ng unan na yan. mahal ka nun panigurado. maniwala ka saken. waaa!!!!!! nakakabaliw na to! buong akala ko si mark ang nagbigay ng unan na to, pero hindi pala. kay bong pala to galing. at itong kahon na to, panu ba talaga to binubuksan? love: mabubuksan mo yan. maniwala ka... ikaw lang ang makakapagbukas niyan. waa!!!!!!!! nakakabaliw na talaga to!!! teka, sinabi ko na yun kanina a!? waa!!! nababaliw na ko!! "you'll always be a part of me.. i'm part of you indefinetely..." teka, nagriring yung phone ko! pagtingin ko sa phone ko, nakita kong unregistered number yung tumatawag saken. sino kaya to? nadz: hello? sino to? badz: ako to nadine. si badette. siya pala.. nadz: kumusta? napatawag ka? badz: magpapaalam lang ako. babalik na kasi ako sa states. nadz: ganun ba? happy trip a. sana makabalik ka uli dito sa pilipinas. badz: syempre naman babalik ako. kaya lang baka matagalan...kaya nga gusto ko sanang hingin ang email address mo. para naman may communication pa rin tayo kahit papano! at para ma-add kita sa friendster, mulitiply, facebook at twitter!! hahahaha nadz: haha sige eto e-add ko. at sinabi ko nga sa kanya ang email address ko. nadz: ano naman yung sa'yo? badz: may papel ka ba dyan? isulat mo na lang.. nadz: a sige. sandali lang ah. tumayo ako at humakbang papunta sa study table. kinuha ko yung notepad mula sa drawer nito. kaya lang may sumabit ng kunin ko yung notepad ko. yung kwintas na galing kay bong. nahulog ito sa sahig kaya naman pinulot ko ito at ipinatong sa ibabaw ng study table. isinulat ko na rin ang email adress na sinabi ni badz pagkatapos. badz: pasensya ka na kung hindi man lang ako nakapagpaalam sayo ng personal. biglaan na rin kasi e. kahit nga sina brent at bong tinawagan ko lang. teka nga lang..! kung aalis siya,. pano si bong? nadz: teka, aalis ka?iiwan mo si bong dito? pano na siya? badz: haha pano na siya? mabubuhay siya ng wala ako. at isa pa, hindi naman ako ang kailangan niya e. muli kong kinuha ang kwintas at tiningnan ito ng maigi.. galing to kay bong. isang silver necklace na may pendant na susi.. bong: ingatan mo yan a. susi yan ng isa sa importanteng bahagi ng buhay ko,. nadz: pero pano nangyari yun? hindi ba't umuwi ka ng pinas para balikan si bong? badz: tama ka. pero akala ko kasi may babalikan pa ako. pero wala na pala, ... hindi ako makapagsalita.. naalala kong muli ang sinabi ni love kanina. love: mabubuksan mo yan. maniwala ka... ikaw lang ang makakapagbukas niyan. badz: nung nagkausap kami ni bong kanina, sinabi niya saken ang lahat ng nararamdaman niya para sayo. hindi niya ko mahal. nadine.. ikaw ang mahal niya. teka lang.. ang susi na pendant sa kwintas na to, hindi kaya ito ang susi na makakapagbukas sa maliit na kahon na bigay ni love? badz: nadine andyan ka pa ba? nadz: ano nga ulit ang sinabi mo? badz: ang sabi ko, ikaw ang mahal ni bong. hindi ako nadine. ikaw ang mahal niya. oh my god!! kung ganun, maaaring ito nga ang susi sa kahon na yun! nadz: badz, salamat!! mabuti na lamang at tinawagan mo ko. malinaw na saken ang lahat. binaba ko na ang phone matapos namin magpaalam sa isa't isa. pagkatapos nito ay mabilis kong tinungo ang kama kung san naroroon ang kahon. ito nga kaya ang susi na makapagbubukas nito? ipinasok ko ang susi, at sa isang pihit lang, bumukas ito! kinuha ko ang papel na nasa loob nito at binasa ang nakasulat.. CONGRATULATIONS!!!! siguro habang binabasa mo ito ay nagtatalon ka na sa galak dahil boyfriend mo na ko. ahaha hindi naman kita masisisi dun, sino ba naman ang hindi matutuwang magkaroon ng boyfriend na kasinggwapo, kasingtalino at kasingbait ko? ahaha kaya ikaw! napakaswerte mo! joke lang! sa totoo lang mas maswerte ako dahil sinagot mo ko, ibig sabihin non mahal mo rin ako. pero hindi ka naman lugi saken. syempre mahal na mahal naman kasi kita! ahaha sya nga pala, gawin mo na ding pendant yung singsing na nasa loob nitong kahon. ingatan mo rin yan a! pamana pa yan saken ng lolo ko! ahaha yun lang naman,. mahal kita. bong habang binabasa ko ang liham na yun ni bong ay napaiyak ako.. kung ganon, ang singsing na ito ay ibibigay niya pala dapat saken matapos ko siyang sagutin.. tama ang sinabi nilang lahat.. mark: e pano kung nagsasabi siya ng totoo? liz: nadine.. alam kong mahal mo si bong. at mahal ka din niya. maniwala ka. love: ako na ang nagsasabi sayo, makinig ka saken ate. mahal ka niya. mahal na mahal. naniniwala na ko... bong: nadine, seryoso ako. mahal talaga kita. mahal nga niya ko! dali-dali kong kinuha ang singsing at inilagay ito sa kwintas bilang isa ring pendant. tumayo ako at kinuha ang celphone sa ibabaw ng study table. kelangan ko siyang tawagan.. *kring kring* bong.. please sagutin mo... *kring kring* bong: hello sino to? sino to? hindi na ba naka-save number ko sa celphone niya? di bale, at least sinagot na niya.. bong: hello? sino to?! nadz.. magsalita ka... kaya mo yan.. bong: hoy ikaw! kung mang-iistorbo ka lang pwede bang-- nadz: bong asan ka?! ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~`` yehey! napost ko na rin ang 2nd to the last chapter! next saturday or sunday ipopost ko na ang last chapter para sa kwentong ito. ABANGAN!!! nga pala, sana hindi kayo naguluhan sa chapter na to. marami kasi akong lines na hinalukay ko pa galing sa mga previous chaps. hehe ![]() ayun. comment kayo. para masaya.tsaka 2nd to the last na to. kaya naman what are you waiting for?! magcomment na! kahit ano, masaya na ko dun!! mwah!!! Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ending na b tlga ang ksunod
lalaladeedah
•reply
Jun-28-09@4:30AM
unfortunately.. oo.
wag nang malungkot. marami pa namang ibang stories na mababasa dito sa tcaf
posted june 27--bday ng mahal ko..at bday ko ngayon..saya naman..gift mo to saken ha..
go go go!cant wait for the next chapter..congrats..
lalaladeedah
•reply
Jun-29-09@4:50AM
posted june 29.
belated happy bday sayo at sa love mo! nakakatuwa na may natutuwa sa ginagawa kong to. ![]() salamat sa pagbasa!
bitin
![]()
lalaladeedah
•reply
Jun-29-09@4:52AM
wag nang magreklamo.
ipopost ko naman na sa saturday ang last part nito. kaya ngayon ka na lang mabibitin!
mata2pos n b tlga?ok lng muka nman hapi ung ending..btw buti nman at nliwanagan na c nadz,at ung sulat ang kulit ng nkasulat..haha,ano kayang reaction ni bong sa pagtawag ni nadz?hmmmm...
lalaladeedah
•reply
Jun-29-09@4:54AM
salamat sa pagbasa!
![]() buti natuwa ka sa letter ni bong kay nadz. nahirapan akong isulat yun! ahaha
weeeeeeeeeeh.. ang ganda tlga..
hahaha... gnda ng twist ah.. galing... tnx idol otor... (may nkuha na nman akong pmatay diskarteh) hahahaha... galeng mo poh.. kep it up... weeeeeeh.. excited na ako sa last part.. hahaha... ![]()
lalaladeedah
•reply
Jun-29-09@7:20AM
anong diskarte naman?
baka lalo kang mabasted pag ginamit mo yun! haha joke lang! ![]() salamat sa pagbasa!
naodin
•reply
Jun-30-09@8:39PM
dis time idol otor, bka hndi na ako mbasted
nyaaaaaaaaaah.... nakaw ako diskarte from Bong.. hahaha.. kw ninang pg naging asawa ko sya.. hehehe
lalaladeedah
•reply
Jul-1-09@2:04AM
oo ba! haha wag mo ko kalimutang imbitahin sa kasal niyo! wahaha
waaahhh nakakabitin naman yun..nxt na po ulit otor..ganda tlga..
otor sana sa next update...isang matinding..happy moment ha.
![]()
sana mahaba pa ang last chapter nito... hahaha..
shucz.. love it.. galing ng pgkakadugtong tlga ng story na to.. hmm... galing! ![]() update update update.... ![]()
wee ngaun lng ulit ako nakapag ol...bzbzhan na xe
matatapoz na pla 2...ang ganda tlaga otor... nakakainluv... gawa ka ulit ha after ng yabang at sungit ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories rubikx888, johntupas, princessaei, chuperman, lala998, JeJoHatesUsers, deadpool2010, tearsofakane, jdom, CHANGDARA, and 63 guests |