tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
SA ARAW NI ITAY
posted by (Jun 21, 2009 @ 12:39AM) views: 358
SA ARAW NI ITAY

Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang bagong laruan ni Jomar. Ang aking kapitbahay na anak ng Seaman. Nakatamabay ako sa bakal gate habang nakasilip sa kanina pa pabalik-balik na kotse-kotsehan na may remote control. Wiling-wili ako sa patay-sinding ilaw nito at tila ambulansyang tunog habang papalapit sa akin at biglang lalayo. Napakaganda talaga. Sana ay meron din akong katulad niyon. Kung nag-aabroad lang din sana si itay. Kaso, ni masarap na pagkain nga, bihira akong makatikim, mamahaling laruan pa kaya?

“Ang galing ano?” nakangiti kong sabi kay Jomar. Bigla niyang itinigil ang paglalaro. Tumingin siya sa akin. Dinampot niya ang laruan tapos ay tumalikod at naglakad papasok sa loob ng bahay.

“Monmon!!!” Bigla akong napalingon sa pagtawag na iyon ni itay. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nakatayo doon at pinagmamasdan ako. “Halika na, kakain na.” Sabi pa niya. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya at sabay na kaming pumasok sa aming barong-barong.

“Ang ganda nung bagong laruan ni Jomar! Umaandar kahit hindi hinahawakan.” May halong excitement na kwento ko habang kumakain. Tiningnan lang ako nila inay at itay. “Tapos tumutunog pa. Weew weew weew…ganon… tapos-”

“Monmon.” Natigilan ako sa tawag ni itay. “Di ba sabi ko sayo, wag kang magsasalita kapag puno ang bibig?”

“Opo.” Yun lang ang naisagot ko at tumuloy na ako sa pagkain.

Gabi. Habang pinaglalaruan ko ang bangka at eroplanong papel na ginawa ni itay, lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi.

“Tay,” sabi ko. “Gusto ko nung laruan na tulad kay Jomar.”

Huminga ng malalim si itay. Saglit na natigilan. “Hayaan mo anak, sa Sabado, pag sweldo ko, ibibili kita ng laruan.” Sabi niya.

“Talaga po?” tumango siya. “Yehey! Kailan po ba yung sabado?”

Ngumiti si itay at ginulo ang buhok ko. “Tatlong tulog na lang. Kaya simulan mo nang matulog ngayon.”

“Pinaasa mo na naman yang anak mo.” Narinig kong sabi ni inay pero hindi siya pinansin ni itay.

Kinabukasan, pagkagaling ko sa paglalaro, nadatnan kong umiiyak si inay. Nakita ko ring malungkot si itay. Tuloy-tuloy lang ako sa kwarto at umupo habang nakikinig sa usapan nila.

“Paano na tayo ngayon?” tanong ni inay.

“Maghahanap ako ng bagong trabaho.” Sagot ni itay.

“Bakit naman bigla-bigla na lang isinara yang kumpanya nyo? Tapos hindi pa kayo babayaran?”

“Babayaran naman kami eh, hindi lang alam kung kailan dahil inaayos pa sa labor.”

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila at wala naman akong pakialam kung ano man yun.

Pangatlong tulog na. Ibig sabihin, Sabado na bukas. Excited ako sa bagong laruan na bibilhin ni itay para sa akin. Maaga akong gumising at lumabas ng bahay. Nakita kong nakaupo si itay sa labas.

“Tay, sasama po ba ako sa pagbili ng laruan?” nakangiti kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin. Malungkot ang kanyang mukha. “Hindi na muna tayo bibili ng laruan anak.” Mahinang sabi niya.

“Bakit po? Sabi nyo, bibili tayo ngayon di ba?” mabilis na tumulo ang luha ko.

“Anak-”

Hindi ko na pinagsalita si itay. Tumakbo akong papasok sa loob ng bahay at ipinagpatuloy ko ang paghagulgol. Niyakap ako ni inay at pilit na pinatahan pero hindi ako nakinig sa kanya. Pero di nagtagal ay nagsawa rin ako sa kakaiyak.

Hindi sumabay sa pananghalian si itay. Abala siya sa paglalagari at pagpukpok ng mga kahoy sa labas. Pagkatapos kong kumain ay pinatulog ako ni inay. Dahil siguro sa pagod ko kakaiyak ay madali akong nahimbing.

“Mon…mon…” nagising ako sa mahinang tinig ni itay. Tumingin ako sa kanya. Kinalong niya ako at lumabas kami ng bahay. “May bago kang laruan.” Sabi niya.

Bigla akong na-excite sa sinabi ni itay. Paglabas namin ng bahay ay bumungad sa akin ang isang kotse-kotsehan na yari sa kahoy. Pininturahan niya ito na tulad ng sa laruan ni Jomar. May tali ito sa unahan at umaandar ito kapag hinila. Hindi ko alam pero tuwang-tuwa na ako sa bagay na iyon.

Ngayon, habang nakaupo ako dito sa bagong sofa ng bago kong bahay, masaya akong nakikipaglaro sa aking anak gamit ang bagong kotse-kotsehang de remote habang nagluluto naman sa kusina ang aking asawa. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang kadakilaan ng aking personal na bayani. Ang aking idolo. Ang aking itay. Saan man siya naroroon ngayon, sana ay nasa mabuti siyang kalagayan. Hinding-hindi ko malilimutan ang pagmamahal na ibinigay niya sa amin ni inay. Utang ko sa kanya ang karangyaang tinatamasa ko sa ngayon. Sayang, maaga siyang kinuha ng Panginoon. Pero hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay ako pa rin ang nasa isip niya. Ang perang ibinayad sa kanya ng kumpanyang naging dahilan ng kanyang kamatayan ay siyang ginamit ko sa aking pag-aaral. Sayang, maaga siyang nawala. Hindi ko tuloy nasabing mahal na mahal na mahal ko siya..

: c r y :  : c r y :  : c r y : 
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
..trapped inside the moment.. chap 17
older post:
TAMBAYAN -the end-

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
xknothing    •reply Jun 21, 2009 @ 1:49 AM
 
uy nagbabalik : n a u g h t y : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-21-09@1:53AM
halu!!! : n a u g h t y : 


matagal na akong nagbalik!! : j o m b a g : 
  xknothing    •reply    Jun-21-09@2:01AM
ah gnun ba.
di kta nppncn eh : h i d e : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-21-09@3:05AM
: t a m p o : 
PiLoSoPaDawAkO    •reply Jun 21, 2009 @ 2:30 AM
 
the comeback : ?  : g r i n : 

: w e l c o m e :  : n a u g h t y : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-21-09@3:06AM
the comeback ka dyan!!! tagal ko na dito noh? : m a d : 
  PiLoSoPaDawAkO    •reply    Jun-21-09@5:24AM
cge comefront nlng : n a u g h t y :  : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-21-09@9:49PM
pwede comeside? : l o l : 
xknothing    •reply Jun 21, 2009 @ 2:32 AM
 
ikaw ba ung batang pasaway? : e s e p : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-21-09@3:07AM
bell_aswan : n a u g h t y : 
  strange_brewha    •reply    Jun-21-09@7:19AM
belle long time no see,asan na ang tuwalya,khit natouch ako sa kwento sa taas yung update nmn ha?tnx!!!
  iloveyou_22    •reply    Jun-21-09@8:40PM
: ?  kw rin un? : l o l : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-21-09@9:48PM
saka si coffeemachine : c h i s m i s : 
_rose_    •reply Jun 21, 2009 @ 6:56 PM
 
seryoso??? :ese:
  jeddsteelhead    •reply    Jun-21-09@9:48PM
LABSIDUDETS????

haymeshu: m e c r y : 
spuddiez    •reply Jun 23, 2009 @ 8:30 PM
 
: h u g :  musta po!!

Belated happy fathers day!! : r a z z : 

lungkot nmn nito kuya -_-
  jeddsteelhead    •reply    Jun-24-09@9:20PM
halu!!!! : l o v e h u g : 



bat ngayon ka lang nagpakita? : j o m b a g : 

www.jeddpilyo.ucoz.com
anyD    •reply Jun 23, 2009 @ 8:42 PM
 
aw.. kakalungkot naman yun..
  jeddsteelhead    •reply    Jun-24-09@9:21PM
nakakalungkot nga yehey!!! : c h e e r : 
  anyD    •reply    Jun-25-09@12:36AM
natuwa pa.. : r o l l : 
ojhay101    •reply Jun 24, 2009 @ 6:02 AM
 
touch ako....

: c r y :  : c r y :  : c r y : 

n-miss ko bigla tatay ko!!!!
  jeddsteelhead    •reply    Jun-24-09@9:22PM
ngayon mo lang na-miss? : m a d : 
mandurugas_1104    •reply Jun 24, 2009 @ 12:21 PM
 
makalahati ko man lang bilang ama ang nagawa ng tatay ko sa mga anak nya sobrang saya ko na. di ko kayang tapatan man lang eh : a w a r d : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-24-09@9:23PM
aling anak ba ang tinutukoy mo? sinu-sinong nanay? : m a d : 


ay! baog ka nga pala!: h i d e : 
  mandurugas_1104    •reply    Jun-25-09@10:32PM
: j o m b a g : 




: h m m :  : h m m :  : h m m : 
Jack_Cullen    •reply Jun 24, 2009 @ 12:24 PM
 
ANG HABA
  jeddsteelhead    •reply    Jun-24-09@9:31PM
ANG TAMAD!
zhyram_aq    •reply Jun 24, 2009 @ 12:32 PM
 
natouch ako .sana magmulto sau tatay ko. : c r y :  : c r y : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-24-09@9:31PM
sana nga...

di pa kasi ako nakakakita ng multo : s a d n a n a : 
cardcaptorsakura17    •reply Jun 24, 2009 @ 6:39 PM
 
: c r y : 
  jeddsteelhead    •reply    Jun-24-09@9:32PM
: o k l a n g y u n : 



binabatukan kita!!! : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
..trapped inside the moment.. chap 17
older post:
TAMBAYAN -the end-
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
No love, no friendship, can cross the path of our destiny without leaving some mark on it forever.

--Francois Mocuriac

You need to be logged in to Facebook