|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
trak (para sa araw ng mga ama)
inihatid ng tuyong tinta ng bolpen ni panjo. A father's day special.
Sa ating mga alaala naroon ang matamis at mapait na ngiti, ang pagtaas at pagbagsak, ang pagbubunyi at panghihinayang. Parang alon sa isang malawak na kagatan, minsan ay kalmado, minsan ay dilubyo. Ang karagatan ang saksi sa buhay ni Darwin, saksi sa tagumpay at kabiguan. Sa bawat halik ng alon sa dalampasigan, muling itong babalik sa laot marahil para ibulong sa kapwa alon na nasa dalampasigan ang tagumpay. Inaanyayahan ang lahat ng alon sa nakakapagod na pagtahak puntang dalampasigan na may kasamang pagkadapa, pagkasugat at dalamhati. Si Darwin, anak ni Mang Pindoy, kilalang mangingisda sa Probinsiya ng Mindoro. Sa lugar na hindi kakikitaan ng karangyaan. Mamasdan ang gulong sa bubungan, sirang bangka, pinatutuyong isda at isang lumang trak na ilang dekada ng hindi umaandar na nagsisilbing bilaran ng lambat ng mga mangingisda. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Darwin ang paghampas ng alon sa dalampasigan, isang gabing kumakain sila ng hapunan. "Aba Darwin, balita ko hindi ka na naman daw pumasok sa eskwela kanina?" nag-aalalang wika ni Mang Pindoy. "Hindi ko talaga siya pinapasok kasi may parating daw na bagyo baka mahirapan siya makauwi." sabat ni Aling Dionisia. "Itay, samahan ko na lang po kayo sa laot wala din naman pong pasok e." mapilit na salita ni Darwin. "Magbasa ka na lang ng mga libro mo. Ayaw kong maging mangingisda ka lang. Ako na lang ang papalaot dahil may parating na sigwa. Kukunin ko lang din naman yung iniwan kong pukot kanina." paliwanag ni Mang Pindoy. "Pero, itay..." "Wala ng pero, ikaw Dionisia isama mo ang mga bata sa bayan malakas nga yata ang parating na bagyo." paalaala ni Mang Pindoy. Pinagmasdan ni Darwin si Mang Pindoy habang inihahanda ang mga gamit pangisda. Ilang tao na rin ang nagmamadaling umalis papuntang bayan. May nakaupo rin lamang, marahil karaniwan na sa kanila ang nararanasang sigwa. Tahimik na ang paligid ng pumalaot si Mang Pindoy. Matapos makuha ang pukot agad na itong tumalilis dahil sa parating na malakas na alon. Hinampas ng nagngangalit na alon ang bangka. Ilang saglit pa napansin ni Mang Pindoy na may gumagalaw sa kabilang dako ang bangka. Si Darwin. Nagtago sa tambak ng lambat. Gulat na gulat si Mang Pindoy. Agad nyang binuhay ang motor ng bangka at nagtungo agad sa dalampasigan. Isang higanteng alon ang mabilis na rumagasa tungo sa dalampasigan. Sa isang iglap dinampot ni Mang Pindoy ang lambat para ibalot kay Darwin. Agad n'yang itinali ang magkabilang dulo sa lumang trak na nakahimpil sa dalampasigan. Ang trak na dati ay bilaran lang ng lambat ngayon ay nagsilbing tanggulan. Ilang saglit pa ay parang magnetong hinatak ng malakas na alon ang bangka kasama ang walang kalaban labang katawan ni Mang Pindoy. Para itong bulang naglaho sa kawalan. Isang bangungot na nasaksihan ni Darwin. Patak ng luha lang ang naisukli sa kabayanihan ng ama. Wala ng buhay si Mang Pindoy ng marecover kinabukasan. Lagsag ang mga buto at may tapyas sa ulo dulot ng pagtama sa elisi ng bangka. Ilang taon din ang lumipas.Limang taon. Sampu. Labinlima. Tatlumpo marahil ng muling magbalik si Darwin sa lugar. Maraming naganap, maraming nagbago, iba na rin ang anyo ng dalampasigan. Bumaba si Darwin lulan ng isang Barkong Pandigma. "Admiral Darwin Santiago, welcome back, sir." matikas na pananalita ng isang coast guard. Nakangiting muling pinagmasdan ni Darwin ang alon. Muling pinagmasdan ang paghalik ng alon sa dalampasigan, ang pagbulong ng alon sa kapwa alon na na nasa dalampasigan ang tagumpay, inaanyayahan ang bawat masalubong na sa kabila ng nakakapagod na pagtahak sa malawak na karagatan, naroon ang tagumpay at luwalhati, sa bawat hakbang naroon ang pagkatapilok at muling pagbangon, sa bawat pagluha ay may kasiyahan. Si Darwin sa kasalukuyan ay patuloy na nakikipaglaban sa alon ng buhay, sinusungkit ang ilan pang tala upang iaalay sa kabayanihan ni Mang Pindoy. May blog pala ako dun sa hindi pa nakakabisita http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Transformer downloading....
Dun sa walang budget.. Nauna ka pa sa primier nyt. http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories iM_urZ, itadakemasu, nyL_zgyd, 00gladiez00, hanzam017, peacemaker_13, babytaz_0124, mandurugas_2, noble1, and 51 guests |