|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
NL Chapter 24.2
Delayed na masyado ang mga posts ko so I'll be deleting some scenes to save time. but don't worry dahil sisiguruhin kong hindi iyon makakaapekto sa flow ng story. so just bear with me guys a little more okay? matatapos na ako, kaunting pasensiya pa ![]() Ending Poll link - http://poll.pollcode.com/cXDv Part 1 Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988 Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984 Part Two Chapter 19 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507 Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283 Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983 Chapter 22 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832 Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/159298 Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/159922 Chapter 23 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/160401 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/160946 Chapter 24 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/161994 Back on the Road (part 2) At nagsimula na ang try-out. Gumawa muna ang team ng ilang basic drills pagkatapos ay hinati sila sa dalawang grupo para sa isang practice game at nasa magkabilang panig sina Warren at Chad. Sa mga unang minuto pa lamang ay kinakitaan na ng sigla ang dalawa sa laro, kaya’t pati ang kani-kanilang mga kakampi’y nahahawa rin sa kanila. Habang sa bench nama’y walang humpay sa kakasigaw si Annie sa pag-tsi-cheer sa kanyang kuya sa tuwing makakabuslo ito. ‘Grabe ka naman sis! Nakainom ka ba ng isang drum ng energy drink at ganyan ka kung makatili?’ Sabi ni Rei habang mariing tinatakpan ang magkabila niyang tainga. ‘Oops! Sorry, medyo na-carried away nanaman ako! Alam mo kasi ngayon ko na lang ulit napanood si kuya na agresibo maglaro. Noon kasing nasa Ateneo pa siya parati siyang late sa practices kaya hindi na siya madalas nakakalaro.’ ‘Kunsabagay, agresibo nga siya ngayon, tsaka nakakaaliw siyang panooring maglaro dahil magaling siya. Lalo akong nakumbinsi ngayon na wala talagang binatbat ang mayabang na Cliff na yun kay Warren!’ ‘You bet he really is!’ Pasigaw niyang dugtong na tila isang paslit. ‘Hoy, hindi naman kaya sobra-sobra na ‘yang admiration mo sa kapatid mo? Baka hindi na paghanga kundi incest love na ‘yang nararamdaman mo ha? Tsaka bakit hindi mo rin i-cheer yung si Chad? Kanina ka pa pinapasikatan nung tao pansinin mo naman kahit kaway lang!’ ‘Hay naku! Wala akong paki sa mokong na ‘yun! Wala namang ginawa ‘yun kundi magpa-impress bano naman! Basta, ang kuya pa rin ang the best! GO KUYA!!! LABAN LANG NANG LABAN!!!’ ‘Malala na ang isang ‘to…’ Bulong niyang iiling-iling. Natapos ang tatlumpung minutong practice, at tinipon na ng coach ang mga players. Matapos ang ilang minutong briefing personal namang kinausap nito sina Warren at Chad para pag-usapan ang resulta ng kanilang try-out. Una nitong nilapitan si Warren: ‘Higit pa sa aking inaasahan ang ipinakita mong performance. Aasahan namin ang mga game smarts mo ha? Well then, congratulations!’ Saka kinamayan si Warren. ‘Yes coach! You can always count on me!’ At tinanggap ang pakikipagkamay. Sunod naman niyang kinausap si Chad: ‘Maganda rin ang ipinakita mo hijo. Inaasahan kong lagi kang handa na itira ang mga crucial three-point shots mo sa mga oras ng kagipitan. Kaunti pa sanang training sa iyong footwork at siguradong mas huhusay ka pa. Congratulations!’ ‘Y-yes coach! Salamat po!’ ‘Buweno, magsisimula tayo ng intensive training next week, dahil obviously gahol na tayo sa oras. Gayunpaman inaasahan kong parati niyong dadalhin ang 100% ninyo sa ating mga practices, at parati niyo ring siguruhing nasa mabuti kayong kalusugan para makaiwas sa mga injuries, maliwanag ba team?’ ‘Yes coach!’ Masiglang sabay-sabay na tugon ng mga players. Gumawa muna ng ilang drills ang mga players, saka sila hinati sa dalawang grupo ng kanilang coach para sa kanilang practice game. Sinadyang ilagak sa magkabilang team sina Warren at Chad ng coach sa intensyong mailabas ng dalawa, nang buong-buo ang kani-kanilang potensyal sa paglalaro. Sa mga unang minuto pa lang na nagsisimula ang laro’y bigay todo na ang dalawa sa paglalaro – si Warren, na pinamamahalaan ang opensa ng kanilang team sa “1” position habang sa kabila nama’y si Chad na dinodomina ang paint sa rebounds, gayundin sa labas sa kanyang mga three-point shots. Makalipas ng mahigit tatlumpung minuto’y tinipon na ng coach ang kanyang mga players na may pagkakuntento na maaaninag sa ekspresyon nito. ‘Okay team, magaling ang inilaro ninyo ngayong araw. Let’s keep this pace and try to improve on your flaws by training hard regularly, even without our practices. Hindi porke baguhan tayo’y gagawin na nating excuse iyon upang huwag magsikap. Tandaan ninyong bawat team ay dumadaan sa ganitong proseso kaya’t kailangan ang sipag at determinasyon, maliwanag ba team?’ Masigla namang sumagot ang mga players. ‘Good. Well we’re done for today. Magkita-kita muli tayo sa susunod na sabado para sa simula ng ating intensive training. Pagkatapos mai-dismiss ang mga players sunod naming binalingan nito sina Warren at Chad. ‘At sa inyong dalawa naman, natutuwa ako sa naging performance ninyo kanina, higit pa sa inaasahan ko. Ganunpaman huwag sana kayong tumigil lamang dito, malayo pa ang daan na tatahakin ninyo sa inyong mga career at dito pa lamang magsisimula ang lahat. Magsikap pa kayong lalo pero huwag rin ninyong kalimutang mag-enjoy. Well, that being said I now welcome you both to our team! Congratulations!’ Saka kinamayan ang bawat isa. ‘Thanks for having us sir! We promise to do our best every game!’ Si Warren. ‘Yeah! We’ll play our best all day, all night up to the last drop of our strengths until we beat every team!’ Dugtong naman ni Chad. ‘That’s the spirit! Well then, magkita-kita tayo muli sa ating practice next week.’ Tumungo na ang dalawa sa puwesto nina Annie at Rei, agad naman silang sinalubong ng una . ‘So, how did it go?’ Nananabik niyang tanong. ‘Practice na kami ng team bukas!’ Simpleng sagot ni Warren na nag-thumbs up pa. Sa sobrang tuwa sa balita’y pasunggab pa na niyakap ni Annie ang kanyang kuya. ‘Eeeeeee!!! You’re really amazing brother! That’s why I love you!’ ‘H-hey?! Cut it out, you might hurt both of us!’ ‘Congratulations sa pagkakatanggap ninyo sa team Warren, Chad! Galingan ninyo sa UAAP ha? Ipakita ninyo sa ibang schools, lalung-lalo na sa Ateneo na ‘yan kung paano maglaro ang team natin!’ ‘Salamat. At sisiguruhin naming makukuha namin ang respeto ng lahat ng team kapag nagkaharap-harap na kami sa laro.’ ‘Tama! Pagkakataon ko na ‘tong makabawi sa pagbabalewala nila sa laro ko! Pagsisisihan nilang hinayaan nila akong umalis! At higit sa lahat, para sa’yo prinsesa,’ Pagtukoy ni Chad kay Annie.’ Patutunayan ko sa’yong makakaya kong tapatan kahit sa Clifford kapag nagseryoso ako sa laro ko! Manuod ka lang!’ ‘Huwag ka puro dada, ipakita mo ‘yan sa actual game.’ ‘Siyempre naman! Amm… Annie… kapag na-out score ko si Clifford papayag ka na bang mag-date tayo?’ Pasimpleng pasakalye ni Chad. ‘Not so fast wise guy! Sinabi ko sa’yo papayag lang akong makipag-date sa’yo kung mabi-beat mo yung career high ni kuya, remember?’ ‘Seryoso ka ba talaga do’n?! Pa’no ko mabi-beat ang 65 points?! Di ba puwedeng kahit kalahati na lang ‘non?’ Sabi niyang tila nagpapaawang tuta. ‘Well if you’re not up to it then you can just forget about it.’ Saka tumawa ng malakas. ‘Ang lupit mo talaga!’ Himutok pa nito. ‘Siya nga pala Annie,’ Pagsabat ni Warren. ‘Alam mo ba ang schedule ni Alfredo?’ ‘Hindi kuya. Pero puwede naman nating i-research na lang sa school database.’ ‘When you said Alfredo, were you referring to Alfredo Sandoval by chance?’ Usisa ni Rei sa dalawa. ‘Oo siya nga. Kilala mo ba siya?’ ‘Well look at that! Hindi ko alam na kilala mo pala ang kaklase kong ‘yon. Kunsabagay, siya naman ‘yung tipong palakaibigan, he can literally befriend just anybody he meets.’ ‘Yeah, he’s a great guy. Nandito na ba siya sa school ngayon?’ ‘Maybe. Vacant period kasi namin ngayon kaya malamang nasa tabi-tabi lang ‘yon at nagpapalipas ng break. We may have to search all his possible hangouts though, but at least hindi siya lumalabas ng campus kaya hindi na natin kailangan pang lumayo, tena.’ ‘Kung gano’n mauuna na ‘ko guys.’ Pagpapaalam ni Chad sa lahat. ‘Malapit na kasing magsimula yung klase ko. Kita-kits na lang ulit mamaya Warren, Rei, at Prinsesa!’ Patukoy kay Annie. ‘Will you stop calling me that?! It’s annoying!’ ‘Well mas gusto ko ang “Mahal na Reyna” para sa ‘kin!’ Panggagatong naman ni Rei. ‘Sige. Kita na lang ulit tayo mamayang hapon.’ Pamamaalam rin ni Warren. Matapos makapagpaalam sa isa’t-isa’y sinimulan nang hanapin ng tatlo si Alfredo. Inikot nila ang buong building kung saan madalas magklase sina Rei, ngunit nang hindi siya mahagilap ay pumunta naman sila sa library. Wala pa rin roon ang kanilang pakay kaya’t lumabas sila, mula sa likuran ng main campus papuntang Science building sa Science building, sa likod ng main campus. Umakyat sila hanggang sa pinakamataas na baitang ng building papuntang swimming pool. Nilampasan nila ang pool palabas ng rooftop kung saan may water tank at malapit roon nakita nila si Alfredo na nakahiga sa may lilim. ‘There’s the guy!’ Pagtukoy ni Rei rito. ‘Mukhang nakatulugan nanaman ang pagre-review ng lessons kanina, how I wish I can be as carefree as him.’ ‘Grabe! Madali nga siyang lapitan pero ang hirap naman niyang hanapin. Just consider how long we’ve been looking for him, and here of all places. Such a weird guy.’ Himutok naman ni Annie. ‘You bet. Pero hindi naman na siya mahirap hanapin kung kaibigan mo na siya. And about that weird thing you said… well, he may be even weirder than you could ever have imagined.’ ‘Hmmm? Anong ibig mong sabihin?’ ‘It’s quite complicated. Mabuti pa lapitan na natin.’ Mahimbing ang tulog ni Alfredo habang nakatalip pa ng manipis na libro ang kanyang mukha, kaya makailang ulit pang niyugyog ito ni Rei para lang magising. Mabigat pa ang mga matang nagmulat siya habang inaaninag ang paligid. ‘O?... Rei… oras na ba ng klase?’ Himihikab pang tanong niya kay Rei. ‘Hindi pa naman, pero may mga bisita kasing gusto kang makausap.’ ‘Bisita?’ Nilingon niya kung sino ang mga taong tinutukoy nito. ‘Hi! You were such a sleepyhead aren’t you? Napping in the middle of the day and here in the most complicated place.’ Bati naman ni Annie sa kanya. ‘Kasama ko nga pala ‘tong kuya ko, gusto ka raw kasi niyang makita.’ ‘Kumusta bro. pasensya ka na kung nakaistorbo ako sa tulog mo.’ ‘O, ikaw pala. Mabuti’t nadalaw ka ulit sa CEU. Ano ba’ng atin?’ ‘Actually hindi lang siya basta nadalaw dito sa ‘tin, dahil dito na rin siya mag-aaral mula ngayon.’ Paglilinaw naman ni Rei. ‘Siya nga? Biglaan a? May nangyari ba at naisipan mong lumipat?’ ‘Yun nga ang ipinunta ko rito, para pag-usapan ang mga nangyari.’ ‘Gano’n ba…’ Pagkatapos ay bumaling kay Rei. ‘Ah Rei, puwede mo ba muna kaming iwan sandali? May pag-uusapan lang kami ni Warren.’ Tila naunawaan naman ni Rei ang gustong mangyari ni Alfredo. ‘Naintindihan ko. Well Annie, it’s a sincere talk between boys, we’re not needed here.’ ‘How come?!’ ‘Huwag ka nang makulit! Mabuti pa samahan mo na lang ako sa SAO at maraming nakabinbing paper works do’n na kailangang tapusin!’ Saka hinila na sa kamay si Annie. ‘No fair! I wanna listen in too!’ Nang makaalis na ang dalawa’y tumayo na si Alfredo, pinagpag ang kanyang likuran at sumandal sa railing ng rooftop. ‘Sa nakikita ko mukhang may napagpasyahan ka na… pero hindi ko ito inaasahan.’ Panimula niya. ‘Oo. Nagka-idea ako dahil sa isa kong team mate na kasama ko ring lumipat dito sa CEU. Nakakahiya nga kasi sa huli hindi ko pa rin naitapon ang pride ko. Hindi ko pa rin kayang maglaro kasama nila kaya naisipan kong lumayo na lang sa kanila at magsimula ulit sa ibang school. Pero at least masasabi kong kumportable na ako sa ganito at mukhang hindi naman ako mahihirapang mag-adjust dahil mabait naman ang coach namin. Ang kailangan ko na lang intindihin ngayon ay kung paano ko maibabalik ulit sa dati yung game shape ko.’ ‘Mabuti. Masaya ako para sa’yo.’ ‘Pero alam mo… ang totoo hindi pa rin ako sigurado kung tama ba ‘tong desisyon ko. Mula noong nag-usap tayo pinag-isipan ko nang maigi kung ano’ng gagawin ko pero hanggang ngayon may second thoughts pa rin ako… Ikaw Alfredo, ano sa tingin mo?’ ‘Kung ako ang tatanungin mo… hindi naman na siguro mahalaga kung saan ka pupunta, ang mahalaga ay ang resulta matapos mong makapili ng iyong daraanan. Napaka-istupido namang sabihin na may tama at maling daan na nakasulat lang sa libro na dapat sundin, kung gano’n ano pa ang silbi ng “free will?” May kalayaan naman ang bawat taong magdesisyon para sa sarili nila at magtagumpay sa sarili nilang kakayahan, hindi kailangang maimpluwensyahan ka pa ng iba para kumilos. Pero ang challenge para sa’yo ay ang mapanindigan mo at mapagtagumpayan ang daang pinili mo dahil kung hindi masasabi mong lumihis ka sa tamang daan at responsibilidad mo iyon. Ang mahalaga sa ngayon huwag mo munang isipin ang hinaharap at mag-concentrate ka lang sa kung ano’ng ginagawa mo sa kasalukuyan.’ ‘Tama ka. Salamat at kinausap mo ‘ko, ngayon mas naliwanagan ako sa dapat kong gawin. Malaya na ulit akong makakapaglaro.’ ‘Ngayong maliwanag na ang lahat gumawa naman tayo ng secret handshake para i-comemmorate ang paglipat mo dito sa CEU at gagawin natin ito tuwing may laro ka para magkaroon ka ng inspirasyon. Gayahin mo lang ito…’ May ilang kumpas ng kamay siyang ipinakita kay Warren. ‘Pero teka, ano naman ang itatawag natin sa secret handshake natin?’ ‘Tatawagin natin itong “Victory Handshake!” Ayos di ‘ba?’ ‘Hmmm… okay ako diyan!’ At sabay nilang ginawa ang secret handshake. I think I'm down to about 7 to 10 (will depend on what ending will I post after the poll result comes up) more chapters. Sinabi ko na para at least may idea kayo. ![]() Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
gALENG update na!!
resemblance
•reply
Jun-18-09@2:39AM
sorry this was supposed to be 25.2 pero dahil nakalimutan ko pa lang kopyahin yung link ng chapters 24.2 at 25.1 napagkamalan kong karugtong ito nung 24.1. sorry!
mga readers sori nagkamali ako sa post ko. 25.2 na po ito at hindi 24.2. nakaligtaan ko lang kasing kopyahin sa notepad ko yung 24.2 at 25.1 kaya akala ko nasa chapter 24 pa lang ako sorry...
eto nga pala yung link nung mga hindi ko nalagay:Chapter 24.2 - http://www.tristancafe.com/forum/175918 Chapter 25.1 - http://www.tristancafe.com/forum/176849
yezzzz update ulet ![]()
resemblance
•reply
Jun-18-09@4:57AM
nasundan mo ba? 25.2 eto at hindi 24.2 nagkamali kasi ako sa pagpost kanina.
whew.!
nakahabol na ko. xDD gusto ko na mabasa yung chappie na ilalampaso ni warren si clifford.. ![]()
Cge sis azhly pa otograp tau ky otor..
sna lang makasalub0ng natin sya sa skul..hehe :update: :update: enxa nah xcted lng.. ![]() ![]()
sorry!!!
maling c0mment ung nasa taas.. tsk, tsk.. hilo p ata aq.. sori otor...toink
Pa c0mment
an suweeet! ![]() kya lng grbe naman ang ant0k ni jillia, d n nya namalayan yun?ehe ok basahin qn nxt..
Ayan, eto ang tntawag n strike 2.haha
maling c0mment na naman ung nasa taas neto.. dapat s chapter 17 un ewan bkt dto nap0st.eng0rtz cp q.. ![]() nweiz, mahaba2x pah bago q mbasa t0ng latest.. balikan q muna mga previ0us.ehe nxt c0mment qo, tama nah.. haha peace! nadumihan na to.. tsk,tsk.. ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77640)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22950) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1814) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4055) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) anonsenselove, cptnoname, tootsing, freakathon, jewel_emerald, dimasaway, zh3ll3, chinkyeyes_killer, eysquared and 55 guests |