tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
MR. MAYABANG MEETS MS. MASUNGIT (TSAPTER23)
posted by (Jun 15, 2009 @ 2:03PM) views: 795


sa wakas nag-update na rin ako! ahaha
sorry sa mga naghintay ng matagal : (  pero salamat na rin at the same time dahil sa walang sawa niyong paghihintay dito.
sana magustuhan niyo!

i believe mahaba na talaga to. haha pambawi sa matagal-tagal kong hindi pagpaparamdam. : ) 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~~~~~~~

PREVIOUS CHAPTERS:
wAn tU(part1) tU(part2) tRi pOr pAyb siKs sEbEn eYt nAyn tEn eLebEn tWeLb tErtiN pOrtiN piPtiN siKstiN sEbEntIn eyTin nAynTin tWeyNti tWeyNti-wAn tWeyNti-tU



CHARACTERS:
(NOTE: nakuha ko lang po sa friendster ang lahat ng mga pics na ginamit ko. kung kilala niyo man sila, paki-pm ako agad para ma-acknowledge sila ng maayos. thank you! : ) )
bong

nadine

mark

liz

brent

love

badette





tSaptEr nAmbER twEynTi-tRi
MALING AKALA





(bong's pov)

bong: badette tumigil ka na nga! please lang.. tigilan mo na tong kabaliwan na to.
badz: no gelo! hindi ako titigil hangga't hindi mo ko natututunang mahalin. gagawin ko lahat... lahat-lahat para sayo!
bong: ganyan ka na ba ka-desperada?

bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. marahil ay nagulat sa kanyang narinig..

bong: alam mong ayaw kitang masaktan badz...
badz: pero ginagawa mo na...

dahan-dahan siyang yumuko at ayan na nga.. umiyak na nang tuluyan.

bong: patawad badette kung nasasaktan ka dahil saken. pero talagang hindi ko kayang gawin yung hinihiling mo. hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na hinihingi mo saken.

inangat niya ang ulo niya at tumingin saken.

badz: pero bakit? may mali ba saken? come on, tell me. please gelo.. bakit hindi mo ko magawang mahalin?

hindi ako makapagsalita. hindi ko na rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya para tumigil siya. naku naman.. kung bakit kasi to nangyayari saken?

badz: meron na bang iba?

this time napatingin na ko sa kanya. at sake dahan-dahan tumango.

bong: hindi mo man lang ba itatanong kung sino?
badz: wag na lang.. baka mas lalo pa kong masaktan.
bong: badz. im sorry..
badz: ako ang dapat magsabi niyan.. im sorry.. nakakahiya.. nakakahiya talaga. im sorry.

at tumakbo siya palayo saken. tinanaw ko na lang siya hanggang sa nawala siya sa aking paningin. mabuti na rin siguro yung ganito para wala na siyang asahan.

papasok na ko sa dorm kaya lang...teka-- parang may dapat akong gawin.. ano nga ba yun?

ahaha.. baka naman kakain ako? o kaya maliligo?

*teet teet*

from: sungit
msma pkrmdm q. bkas q nLng bgay paper mo.

tama! naalala ko na! hinihintay ko nga pala si nadz dahil dadalhin niya yung exam paper ko ngayon. talaga namang napakatigas ng ulo ng babaeng yun at hindi talaga nagpunta.

to: sungit
mkuLit k tLga. dbLe, sunduin nlng kita jn 2mrw s dorm niu. 7am! SHARP! gs2 kitng mkausp.. at tska pra ndi k nmn mL8!


*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*



kinabukasan...

(nadine's pov)

dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para wag maistorbo si liz. kaya lang sadyang mababaw ang tulog ng bestfriend kong ito kya bago pa ko makalabas ng pinto, naalimpungatan na siya.

liz: best? aalis ka na?
nadz: oo e.
liz: bat ang aga naman ata?
nadz: may iniiwasan kasi ako e.
liz: sino?
nadz: mamaya ko na lang ikukwento... matulog k n lang muna dyan. bye friend..


*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*



nadz: good morning manong!
manong guard: good morning! himala! ang aga mo ata ngayon a.
nadz: ah.. ano po kasi.. may gagawin pa po akong project dito.. hehehe
manong guard: ah ganon ba...mabuti yan! galingan mo!
nadz: salamat manong!

haha : )  nakakatuwa si manong guard!

anyway, umakyat na nga ko papunta sa room namin.

wala pang katao-tao dito. mabuti na rin siguro yun, at least hindi ko nakita si bong. kung nagkataon, sira na naman ang araw ko..

pumasok na rin ako sa room namin kahit nga wala pang tao. umupo ako sa may harapan at tumunganga..

hai.. ang aga pa talaga. anong oras na ba? wala pa palang 6:30am. matutulog na lang siguro muna ako dito.

kinuha ko ang bag ko at inilapag sa ibabaw ng desk. dahan-dahan akong yumuko at pagkatapos ay naramdaman ko na lang na unti-unting dumidilim ang aking paligid.



*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*



(bong's pov)


hindi naman ako masyadong excited noh? 6:30 pa lang andito na agad ako sa lobby ng dorm nila nadz. ai teka.. wala pa ngang 6:30 e! ibig sabihin, excited na excited ako! ahahaha mabuti na rin siguro 'to kesa naman matakasan pa niya ako.

"hoy!"

sabay tapik sa balikat ko.

si nadz na siguro to. lumingon ako pero hindi si nadz ang nakita ko.

liz: boss ang aga mo ah. anong ginagawa mo dito?

si liz pala. halatang kagigising pa lang. naka-pajama pa kasi siya at namumungay ang mga mata. may nakasabit ding tuwalya sa kaliwang balikat niya.

bong: susunduin ko si sungit.
liz: si nadz? e kasi--
bong: tulog pa siya? naku naman talaga. sabi ko sa kanya susunduin ko siya ngayon e.
liz: ang totoo niyan gising na siya. kanina pa nga e. kaya lang kanina pa siya umalis.
bong: ano? e ba't ang aga naman ata? sabi ko sa kanya susunduin ko siya dito.
liz: ewan ko nga ba dun.. pero parang may sinabi siya kanina bago siya umalis... ah naalala ko na. sabi niya may iniiwasan daw siya.
bong: ako ba yun?
liz: tingin mo?
bong: e bakit naman niya ko iiwasan?
liz: baka naman may ginawa ka na naman sa bestfriend ko ah.
bong: wala.. o sige mauna na ko.. hahanapin ko n alng siya. salamat!

nagpaalam na ko kay liz at dumiretso sa building namen. naku namn.. san kaya siya nagpunta?

sa library? masyado pang maaga para magbukas yun.
sa canteen? pwede sigurong kumain muna siya dun ng almusal.
sa benches? e maputik papunta dun dahil kakaulan lang.
o baka naman nasa classroom? e ano namang gagawin niya dun? e malamang wala pang tao dun.

manong guard: good morning! aga natin a.
bong: ah.. ano po kasi.. may gagawin pa kong project dito e.
manong guard: ah ganon ba? ang sisipag niyo naman ngayon.

niyo? e nag-iisa lang kaya ako!

bong: ano pong ibig niyong sabihin?
manong guard: may babae kasing dumating dito kanina. sabi niya may gagawin din daw siyang project dito kaya maaga siyang pumunta.

si nadz kaya yun?

bong: a..e h manong, yung babae po bang yun e maganda, matangkad, at may kahabaan ang buhok?
manong guard: ah oo! tama siya nga yun!

si nadine nga!

bong: o sige po manong. salamat!
manong guard: o sige! galingan niyo sa project niyo..

papunta na ko sa room namin ngayon. malamang kasi na andon siya.

at di nga ako nagkamali.

pagpasok ko ng kwarto, nakita ko kaagad siya na nakaupo sa harapan. natutulog. ahaha : ) 

tiningnan ko ang buong silid at pagkatapos ay nilapag ko ang aking bag sa upuan at umupo na rin. wala pang katao-tao dito. tamang-tama para makapag-usap kami ng maayos. mabuti pa siguro gisingin ko na siya.

aalugin ko na sana ang balikat niya akaya lang... shet. ang ganda talaga. titigan ko na lang kaya muna? tutal kami pa lang naman ang nandito.

hinawi ko ang mangilan-ngilan niyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha. hinaplos ko ang pisngi niya pababa sa kanyang mga labi.

ngayon ko lang napansin na natural pala ang pagkapula ng mga lips niya.. parang.. parang ang sarap halikan.

bong: nadine..(pabulong)
nadz: hmm..(nagising)

patay!

nadz: anong ginagawa mo saken?
bong: relax.. gigisingin na dapat kita kaya lang nakita kitang natutulog kaya hinayaan na lang kita.
nadz: kanina ka pa ba dyan?
bong: hindi naman..

inayos niya ang buhok niya at tmayo na pagkatapos.

bong: san ka pupunta?

kinuha niya yung bag niya at lumabas na ng kwarto ng walang sabi-sabi.

bong: san ka pupunta?

kita mo to.. parang hindi ako naririnig..

bong: ui nadz, bakit mo ba ko iniiwasan? hindi ka pumunta kahapon sa dorm, tapos alam mo naman na susunduin kita dapat ngayon pero pagdating ko dun sabi ni liz umalis ka na raw.. ngayon naman kinakausap kita pero ni tumingin saken di mo magawa.. para na kong tanga dito. kanina pa kita kinakausap pero hindi ka namana sumaagot.

tumigil siya at binuksan ang kanyang bag. mula dito, inilabas niya ang test paper ko.

nadz: o ito na yung exam paper mo. nang matigil ka na sa kadadakdak dyan.
bong: ah... oo nga pala. salamat dito!

at naglakad na uli siya palayo saken.

bong: ano bang problema? nadz... mag-usap naman tayo.
nadz: wala naman tayong dapat pag-usapan e.
bong: meron. madami... tungkol dun sa sinabi ko sayo nung isang gabi.. totoo yun.. mahal talaga kita. maniwala ka.
nadz: okay.

okay? yun lang ang masasabi niya?

bong: sandali nga..

hinila ko siya papunta sa isang bakanteng kwarto at pinaupo siya sa isang upuan dun, habang ako naman ay nanatiling nakatayo.

nadz: bakit mo ba ko dinala dito?
bong: napapagod na kasi ako e.kanina pa tayo palakad-lakad. kaya ngayon, maupo ka dyan at pakinggan mo ang mga sasabihin ko.
nadz: hmp!

aba! at nagawa pa kong irapan!

bong: siguro hanggang ngayon hindi mo pa rin ako pinapaniwalaan na mahal kita. kung sabagay, sa dinami-rami ba naman ng mga pang-aaway na ginawa ko sayo, hindi imposibleng hindi mo ko paniwalaan. pero mahal tlaga kita nadine.
nadz: o anong gusto mong gawin ko?
bong: wala naman akong hinihingi mula sayo e. ayokong ma-pressure ka. kaya naman kung papayagan mo ko, gusto ko sanang ligawan ka para naman mapatunayan ko sayo na seryoso ako sa mga sinasabi ko sayo.
nadz: tapos ka na ba? pwede na ba kong umalis?
bong: nadine..
nadz: kung ganon, lalabas na ko. maiwan na kita dyan..

tumayo na sya at talagang mukhang lalabas na sa kwarto. kaya lang maagap ko siyang napigilan at nahawakan ko siya sa kanan niyang braso.

bong: sandali.. pumapayag ka na?
nadz: hindi.
bong: bakit naman?
nadz: wala kang maaasahan saken.
bong: nadine mahal kita!

hinila niya ang braso niyang hawak-hawak ko at

*PAK*

..sinampal niya ko.

nadz: wag mo na ngang masabi-sabi saken yan dahil lalo lang umiinit ang ulo.
bong: nadine bakit?
nadz: ayoko sayo.! mahirap bang intindihin yun?
bong: hindi ako naniniwala sayo! kahit na palagi tayong nag-aaway, alam kong kahit papano may nararamdaman ka rin para sakin. confused ka lang sa ngayon.. kaya nga ang hinihiling ko lang sayo ay hayaan mong patunayn ko to sayo.
nadz: sino ka ba sa akala mo para idikta saken ang mga nararamdaman ko?! bakit ba mas marunong ka pa? pag sinabi kong wala akong nararamdaman para sayo, ibig sabihin, wala talaga!okay? naiintindihan mo ba yun?!
bong: kung nakakaya mong linlangin ang sarili mo nadine, pwes, ako hindi mo maloloko.

tinalikuran na niya ko.

bong: ipapakita ko sayong tama ako.

hinila ko siya paharap saken, hinawakan ang magkabilang balikat niya at isinandal ko siya sa pader.

nadz: bong, biti--

at hinalikan ko siya.
saglit lang yun dahil nagawa niya akong itulak at..

*PAK*

sinampal niya ko.

shet! ano ba tong nagawa ko?

bong: nadine, im sorry.. nabigla lang ako..
nadz: wag kang lumapit saken!
bong: nadine.. im sorry.. please..
nadz: hndi mo na talaga ako nirerespeto..

umiiyak na siya..

bong: yun ba ang mahal na sinasbi mo? lagi ka na lang ganyan! lagi mo na lang akong sinasaktan..

tumalikod na siya at naglakad ng mabilis..

bong: nadine.. im sorry..
nadz: layuan mo na ko!
bong: pero--
nadz: wag mo na kong kakausapin, wag mo na kong hahawakan at kung pwede lang, magpretand na lang tayo na hindi tayo magkakilala..
bong: pero nadine maniwala--
nadz: tigilan mo na to bong.

tumigil siya sa paglalakad at humarap saken.

nadz: please lang bong. itigil mo na to. hindi ko na kaya. ang sakit-sakit na.. sobrang sakit na..

pagkasabi nito ay mabilis nang lumabas ng kwarto si nadz. at sa isang iglap lang, nawala na siya saking paningin.


ano ba tong nagawa ko?

tila nanlambot ang aking mga tuhod at napasandal sa pader na nsa likuran ko. maya-maya pa napaupo ako at tumingin sa kawalan.



*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*




brent: bong.. huy gumising ka nga dyan..

asan ako? bakit parang umuuga ang paligid? hindi kaya may...

bong: LINDOL!!!
brent: anong lindol ba yang pinagsasasabi mo jan? ginigising lng kita.

ahh... inaalog lang pala ni brent ang mga balikat ko.

bong: akala ko naman may lindol na..
brent: ano bang trip mo ngayon at dito mo naisipang matulog?
bong: wala naman... si teka, anong oras na nga pala?
brent: 5:09pm na.
bong: ano? alas-singko na?
brent: hindi.. sabi ko, 5:09 na.
bong: ganon na rin yun.

ganon na pala ako katagal natulog..

tumayo na rin ako pagkatapos at nagsimula na kaming maglakad ni brent pabalik ng dorm..

bong: bakit naman hindi mo man lang ako tinawagan para sana nakapasok ako?
brent: tinawagan kita kanina. kaya lang yung celphone mo nasa loob ng bag mo.

bag ko? nasan na nga pala yung bag ko?!

brent: kung hinahanap mo yung bag mo, andun sa locker ko. nilagay ko muna dun. bukas mo na lang kunin pagpasok natin.

binigay niya saken ang celphone ko.

brent: o ayan.. maliban sa celphone mo, wala na kong ibang kinuha sa bag mo.
bong: salamat pare.
brent: anlakas kasi ng trip mo e. wala kang pinasukan kahit isang subject ngayong araw. akala nga namin nagdate na naman kayo nun ni sungit. ahahahaha!
bong: bakit naman?
brent: e wala rin kasi siya sa klase buong araw. kahit si mark hindi alam kung asan siya.
bong: a ganon ba..

san na kaya yun si nadine?

bong: pare, pahiram nga muna ng susi sa locker mo..
brent: kukunin mo na ba yung bag mo?
bong: ahh... oo sana e.
brent: samahan na lang kita.,
bong: wag na lang. baka kasi bumili na rin muna ako ng pagkain bago bumalik sa dorm.
brent: sige.. ikaw ang bahala.

pagkaabot ni brent saken ng susi ay lumakad na ako pabalik ng building namin.

medyo madilim na rin nang makarating ako sa locker area.. kung sabagay, papagabi na rin kasi..
nakuha ko na ang bag ko at paalis na sana ako kaya lang may narinig akong parang nag-uusap sa kalapit na kwarto.

at bilang isang natural na tsismoso, syempre naisipan kong silipin muna kung sino ang mga nag-uusap na yun ;p

humantong ako sa silid na kinaroroonan ng mga "boses." dahil hindi ko maintindihin ang mga pinag-uusapan nila, e sisilip na lang ako.

at... ABA!

may dalawang taong magkayakap sa loob.! hindi ko makita yung mukha ng babae dahil nakayuko siya sa balikat ng lalaki, na katulad niya ay nakayuko din.

kita mo nga naman! at dito pa nagalalandian 'tong mag-jowang to! ahaha sino kaya sila? ano kaya kung gulatin ko sila?! ahaha

pero bago ko pa nagawa yun, nakita kong inangat ng lalaki ang ulo niya at teka... parang kilala ko to ah,, mark?

si mark nga!

at ang babaeng kayakap niya? hindi kaya si... hindi naman siguro.. wag naman sana..

kaya lang nung inangat ng babae ang ulo niya ay lalo akong nagulat.. tama nga ako.. siya nga yun..

si nadine nga!

pero anong ginagawa nila dito? hindi to pwede!

papasok na sana ako kaya lang napatigil ako nang mapansin kong palapit ng palapit ang mukha ni mark kay nadine..
tumalikod na lng ako para wag ko nang makita kung ano man ang susunod na gagawin nila.

habang naglalakad pabalik sa dorm, naalala ko yung sinabi ni nadz..

bakit ba mas marunong ka pa saken? pag sinabi kong wala akong nararamdaman para sayo, ibig sabihin wala talaga! naiintindihan mo ba yun?

yun nga siguro talaga ang totoo.. ayaw niya saken dahil may gusto na siyang iba.. at si mark yun. .. siya ang mahal ni nadine.

marahil hanggang dito na lang talaga. tama na ito..

pinunasan ko na ang mga luhang di ko namalayan ay umagos na pala mula sa aking mga mata.

wag mo na kong kakausapin, wag mo na kong hahawakan at kung pwede lang, magpretand na lang tayo na hindi tayo magkakilala..

paalam nadine..





paalam..




(nadine's pov)

hinawakan ko ang mga kamay ni mark na kasalukuyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko, tinitigan ko siya at ngumiti pagkatapos.

nadine: salamat mark. salamat.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

yan.. sana nagustuhan niyo : ) 
comment naman kayo hehe
tsaka malapit na tong matapos. last 3-4 chapters n lng!
yehey!

ung comment wag kalimutan, kei?
mwah!

para sa mga magtatanong kung kelan ang next chapter, sa saturday ng gabi ko ipopost : )  hehe
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
si isa at ang isa..(vol. 3)
older post:
First Day, How's Your Day?

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
maffelii    •reply Jun 15, 2009 @ 2:48 PM
 
yay! ang ganda naaaa sa wakas may update na : w o o h o o : 


c mark na ba at c nadine?: s a d n a n a : 
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@2:00PM
we'll see...

abangan sa next chapter! nandun ang kasagutan sa tanong mo! haha

salamat sa pagbasa! : l o l :  : l o l : 
mhyne28    •reply Jun 15, 2009 @ 3:04 PM
 
kamotee tagal den wala update nitoo ah!!
finally : w o o h o o : 
shahani_unsweet    •reply Jun 15, 2009 @ 5:27 PM
 
bakit sa saturday pa??tom. n lng kaya ung update..ahaha maxado akong demanding ehehe!!!
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:59PM
wag nang mainip. malapit na naman ang sabado! : ) 
ellainedatu13    •reply Jun 15, 2009 @ 5:39 PM
 
sana si nadine tsaka si bong hanggang wakas!

woot woot haha tnx po sa update

: r o l l : 
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:58PM
tingnan natin kung sila nga ang magkakatuluyan..

haha! salamat sa pagbasa!
karloplondaya    •reply Jun 15, 2009 @ 6:21 PM
 
tagal nmn ng update..T_T..wwawa amn ako..haha
nice job otor!!!
antoktymstutymstu    •reply Jun 15, 2009 @ 7:38 PM
 
: w o o h o o : 
comment muna bago basa.. : l o l : 
antoktymstutymstu    •reply Jun 15, 2009 @ 8:19 PM
 
: c r y :  : c r y : 


kawawa naman c papa mark.. : c r y : 
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:58PM
kawawa din si papa bong.. : ( 
  antoktymstutymstu    •reply    Jun-17-09@11:05PM
mali ung comment ko..


c papa bong ang kawawa...wala kong pkelam kay mark n yan! : m a d : 
  lalaladeedah    •reply    Jun-18-09@2:45PM
a tama ka jan..kawawa naman si bong..
joyah03    •reply Jun 15, 2009 @ 9:16 PM
 
hay salamat nmn at nag-update na after several years hehe joke! : b l u s h :  bitin pa din sa kwento otor subaybayan ko po next update nyo. : s m i l e : 
loveu4ever915    •reply Jun 15, 2009 @ 10:39 PM
 
: w h a t t h a :  matatapos na??? amp. : c r y : 
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:57PM
wag ka nang iyak.. ganun talaga, lahat ng kwento may katapusan..

di bale, may gagawin naman akong iba pang kwento e. haha : n a u g h t y : 
  loveu4ever915    •reply    Jun-18-09@7:30AM
basta ba maganda din.. : n a u g h t y :  : k i s s :  : n o t w o r t h y : 
wengsky    •reply Jun 15, 2009 @ 11:37 PM
 
Yay may update na dn sa wakas
louisse    •reply Jun 16, 2009 @ 1:00 AM
 
woo..may update na!
cge otor w8 q yang update na yan!
Polar22    •reply Jun 16, 2009 @ 1:41 AM
 
update n ul8! : s m i l e : 

namiss q 2 sobra!! : n o t w o r t h y : 
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:56PM
namiss ko din to! : l o l : 

thanks for reading nga pala!
caryl_keith01    •reply Jun 16, 2009 @ 2:59 AM
 
Awts otor... Updeyt naaa!! : D 
nikoasis22    •reply Jun 16, 2009 @ 4:48 AM
 
sarap masampal sa mukha xD
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:55PM
haha pasampal nga...

joke!

salamat sa pagbasa!
iane    •reply Jun 16, 2009 @ 5:05 AM
 
tnx tnx tnx sau otor..xenxa ka na kinulit kta d0n sa patawa ka tlga cat.,hehe...maling akala tlga clang pareho...'bleeding love'?hehd
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:56PM
no worries! : ) 

salamat sa pagbasa!
naodin    •reply Jun 16, 2009 @ 11:24 PM
 
waaaaaaaaaah..........

isa pang waaaaaaaaah..

at isa pang waaaaaaaah.. : l o l :  : l o l :  : l o l : 


sa waaaaaaaakaaaaaaaaaz.......

idol.......... salamas.. hahaha..

w8, basa mode muna.. nyak.. hehehe..
naodin    •reply Jun 16, 2009 @ 11:44 PM
 
waaaaaaaaaaah...

isa pang waaaaaaaaaah...

ang ganda.........


hahahaha.....

:elag: hahaha...


kkakilig... ang galing ng story...

prang climax na climax..

kso kkaiyak... huhuhu.. : c r y : 

(parang ako lng c bong.... busted...) toinkz.... : r a z z : 
  naodin    •reply    Jun-16-09@11:56PM
ang galing mgpretend ni Nadz noh?

sket cguro sa puso nya hbang bnibigkas nya ung mga ktagang nkkasaket keh bong...


weeeh..
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:55PM
basted ka din ba? ahaha ayos lang yan : ) 

marami pa naman girl jan : ) 
shayne_sha    •reply Jun 17, 2009 @ 2:49 AM
 
otor...hanggang ilang chapter pa poh?
: ? 
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:54PM
ui magkalapit lang pala tayo. taga bulacan din ako : )  ahaha

anyway, baka nga 3-4 chapters pa.
  shayne_sha    •reply    Jun-18-09@2:02AM
san poh sa bulacan? : ( 
  lalaladeedah    •reply    Jun-18-09@2:51PM
san jose del monte : ) 
jemlu    •reply Jun 17, 2009 @ 6:25 AM
 
ngayong araw ko lang nadiscover tong story na to d2 sa tcaf..
and i finished all 23 chapters alredi..
m waiting for the next..
thank u!
keep it up.
  lalaladeedah    •reply    Jun-17-09@1:54PM
buti naman nagustuhan mo : )  sana abangan mo pa yung mga susunod. konti na lang kasi : ) 
diney    •reply Jun 17, 2009 @ 10:37 PM
 
wahh.. dont tel me pati ang story na to eh di ang mga main bida ang mgkakatuluyan.. di pwde.. haha..

dpat bong at nadine.. : ) 



update po tlga dis sat ha? : ) 
  diney    •reply    Jun-17-09@10:37PM
ganda tlga.. : ) 
  lalaladeedah    •reply    Jun-18-09@2:58PM
oo naman! may update na ko sa saturday night! : ) 
dark_princezz    •reply Jun 18, 2009 @ 3:05 AM
 
yehey!!!hahaha
  dark_princezz    •reply    Jun-18-09@3:14AM
more updates..hehe..danda pu.. : b l u s h : 
ky0t3h    •reply Jun 18, 2009 @ 11:06 AM
 
aylabit!!! : o l r a y t : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
si isa at ang isa..(vol. 3)
older post:
First Day, How's Your Day?
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
"I love thee to the depth and breadth and height my soul can reach…"

--Elizabeth Barrett Browning

You need to be logged in to Facebook