tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
NORTHERN LIGHT 25.1
posted by (Jun 10, 2009 @ 5:00AM) views: 190
I still can't make it all the way, pero pagtiyagaan niyo na lang din itong kaunting nagawa ko. : g r i n :  Salamat nga pala sa mga readers ko na wala pa ring humpay sa pagsubaybay sa Northern Light. Salamat, salamat!



Chapters 1-24.1

Chapter 24.2




CHAPTER 25

Back on the Road (part 1)
Matapos ang unang semester, nagpasya si Warren na iwan na ang Ateneo at lumipat sa CEU kasama si Chad. Magkasama rin ang dalawa na nag-enroll, at sa muling pagbubukas ng klase’y magkasama rin ang dalawa na mag-a-apply ng varsity grant para makasali sa basketball team ng kanilang paaralan.

‘Alam mo, hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kasama kita ngayon na mag-a-apply ng varsity grant, at lalong hindi ko maubos maisip na makakasama “nanaman” kitang maglaro sa ibang team…’ Pagsisimula niya ng usapan habang naglalakad sila patungong Student Affairs Office (SAO).

‘Bakit, ayaw mo ba?’ Matabang niyang tugon nguni’t may puntong pabiro.

‘Hindi naman ‘yun ang punto ko, hindi lang talaga ako makapaniwala. Minsan talaga ang hirap mong espilengin, hindi ko nga maintindihan kung bakit kita naging kaibigan eh!’ Natatawa niyang sabi.

‘Well, gano’n talaga ako noon pa. Kung hindi ako ganito hindi ako ito.’

‘Pero alam mo, kahit papaano natutuwa ako, dahil mukhang ayos ka na ngayon. Hindi ba?’

‘Oo… tama ka.’

Sa SAO, naroo’t nag-aabang sa kanilang pagdating si Annie.
‘O, kuya! Ba’t antagal mo? Kanina pa ako ditong 8 am!’ Bungad agad ni Annie sa kapatid.

‘…Pero ang usapan natin ay alas nueve? ang aga ko pa ngang dumating eh. Nag-cutting class ka ba sa paghihintay sa ‘kin dito?’

‘H-ha… eh… kuwan… Ah just forget about it since nandito ka na halikana na para maayos na natin ang varsity grant mo.’

‘Teka lang Annie!’ Pagsabat ni Chad. ‘Alam mo mag-a-apply rin ako ng varsity grant!’

‘So?’ Balik naman niya na nakatikwas ang kaliwang kilay.

‘C’mon! Can’t you be more sensible? Kasama ako ng kuya mong nagpunta rito, hindi mo man lang ba ako babatiin?’

‘As far as I know si kuya lang naman ang inaasahan kong darating dito sa SAO. Kung meron man siyang kasama na kung sino hindi ko na siya dapat problemahin pa hindi ba?’

‘Grabe ka naman! Ano’ng tingin mo sa ‘kin, stranger?!’

‘Kayong dalawa, ke-aga-aga ang iingay ninyo! Mabuti pa tapusin na natin kung ano ang ipinunta natin dito!’ Pag-entrada naman ni Warren sa dalawa.


Pagpasok sa loob bumati agad si Annie sa nakatalagang estudyante roon.

‘Hi Rei! Kasama ko na ngayon ang kapatid ko at itong asungot niyang alalay. Mag-a-apply sila ng varsity grant.’

‘Ah, pero sa nakikita ko parang “ikaw” ang mag-a-apply ng varsity grant eh.’ Natatawang sabi ni Rei. ‘Kung gano’n halina kayo dito at nang mai-process ko na ang mga papers. Just make sure na nakumpleto na ninyo ang enrollment papers niyo para hindi tayo maabala at makapag-try-out na kayo.

‘I-ikaw… i-kaw si… Megumi Harada…’ Nauutal at nanlalaki ang mga mata sa gulat na sambit ni Warren.

‘Kilala mo ang sexy brunette na ‘yan Warren?’ Pabulong na tanong naman sa kanya ni Chad.

‘Oo naman! Isa siya sa mga pinakasikat na supermodels sa America ngayon at nanalo na sa ilang mga modelling competitions. Nag-cover na rin siya sa maraming magazines gaya ng Vogue, Gothic Beauty at Cosmopolitan. Walang hindi nakakakilala sa kanya sa modelling industry… pero hindi ko inaasahang makikita ko siya, dito mismo sa CEU…’

‘Oh, I’m flattered. Mukhang updated ka sa mga latest trends ha? In fairness kahit naka-uniform ka… sexy-ing-sexy pa rin ang dating mo sa’kin. Gusto ko ‘yan…’ Sabay kagat-labing tila nanunukso.

‘W-well… thank you… I guess…’ Naiiling naman niyang tugon.

‘Wow I didn’t know that Rei! I really thought there was a huge resemblance but I didn’t realize it, until now that it was you all along. Pero bakit hindi mo naikukuwento sa ‘kin ang tungkol sa pagiging fashion model mo?’ Manghang-mangha pa ring tanong naman ni Annie.

Well sa totoo lang ayoko talaga ng atensyon ng crowd that’s why I’ve been trying to conceal my stature to the public the whole time. Pero ngayo’t may nakakakilala na sa akin malamang dadami na ang enrollees ng CEU at puputaktihin na ako ng mga boys!’ Pagbibiro niya habang nakangiting sumulyap pa kay Warren.

‘Huwag kang mag-alala Ms. Harada.’ Tila nakuha naman niya kaagad ang ibig nitong tumbukin. ‘Mas interesado ako sa fashion kesa sa mga models na nagsusuot nito. So rest assured your stature will remain concealed.’

‘Thank you. Then perhaps you can just call me by my real name?’

‘Yeah, no big deal!’

‘Good! Ngayon maiba ako…’ Lumapit siya kay Warren at bumulong; ‘Puwede mo ba akong bigyan ng autograph? Kundi mo naitatanong big fan mo na talaga ako ever since na pumasok ka sa UAAP and I believe you’re far too good than your team captain jerk. At kung puwede gusto ko rin sanang humingi ng pabor. Puwede mo bang ilampaso para sa akin ang Ateneo lalo na yung mayabang na Cliff Sanders na ‘yun? Kung magagawa mo papayag akong makipag-date sa’yo, what do you say?’

‘Eh???... w-well… I don’t know what to say…’

‘Then, I’ll just consider that as a “yes” huwag mo akong bibiguin ha?’ Sabay kurot sa ilong ni Warren.

‘Grabe… mukhang bet si Warren ng hottie na ‘yun. Bakit ba lagi na lang nakukuha ng mga pogi ang lahat, ultimo kahit hindi na sila ang lumalapit sila pa rin ang nilalapitan?’ Himutok na sabi naman ni Chad.

‘At ano naman ang gusto mong tumbukin sa mga sinasabi mo?’ Kumento naman ni Annie sa sinabi ni Chad.

‘Ang sa akin lang naman hindi naman dapat puro sa hitsura lang tumitingin ang mga girls kundi sa kung ano talaga ang kalooban ng isang lalake. Gaya na lang ni Clifford, guwapo nga halimaw naman ang ugali at kung mangolekta ng babae akala mo namumulot lang ng tansan!’

‘Sabihin na nating tama ka, so, sa tingin mo wholesome ka?’

‘Aba naman! Hindi lang ako wholesome, maginoo pa! At kung kapogian lang naman eh hindi naman ako gano’n kalayo sa kapatid mo ‘no?’
Sinuyod naman ni Annie ng tingin si Chad mula ulo pababa: ‘Anong part ang pogi sa’yo?’ Sarkastiko niyang tanong.

‘Lahat!’ Walang pag-aalinlangan naman niyang sagot.

‘Ewan ko sa’yo!’ Sabay irap dito.

Matapos maiproseso ang kanilang mga papeles para sa kanilang varsity grant agad nagtungo sina Warren, Chad at Annie, kasama si Rei na nagpumilit sumama upang mapanood ang laro ni Warren sa Technology Center gym upang makapag-try out na sa basketball varsity team. Pagsapit roon tamang-tama namang naghahanda na ang team sa kanilang practice sa oras na iyon.

‘Andito na kami coach!’ Bati ni Rei sa coach ng team. ‘Kasama ko nga pala yung dalawang rookie aspirants natin. Actually mga transferees sila from Ateneo. Magugulat kayo kung sino itong kasama ko coach!’ Pagbibida naman niya.

‘Aba… hindi ko inaasahan ‘to… anong hangin ang nagdala sa rookie of the year last year sa aming abang basketball team?’ masiglang bati naman nito kay Warren.

‘Wala po coach. Ang mga paa ko lang po ang nagdala sa akin dito.’ Malumanay na tugon naman niya.

‘At may kasama ka rin palang ex-Blue Eagle? Kung hindi ako nagkakamali ikaw is Richard King.’ Pagtukoy nito kay Chad. ‘Ano naman ang dahilan ng paglipat mo sa amin hijo?’

‘Ah eh… m-medyo nababangko po kasi ako dun sa bench nila kaya napag-isip-isip kong lumipat sa inyo para maiba naman, ‘yun lang po.’ Kakamot-kamot ng ulong tugon naman ni Chad.
‘At least honest siya!’ Bumubungisngis na bulong naman ni Annie.

‘Well, I assume na naayos na ninyo, both your enrolment and varsity grant papers, para masimulan na natin ang try-out?’

‘Okay na sila coach, naayos ko na! Only your verdict will do the final say.’ Si Rei.

‘Good. Kung gano’n puwede na tayong magsila. But I will remind you that in this try-out, since wala na kayo sa Ateneo wala na ring saysay anumang stature meron kayo noon sa inyong dating school kaya ang inyong performance ang magsasabi sa akin kung tatanggapin namin kayo sa aming team o hindi. Maliwanag ba mga bata?’

‘Yes Sir!’ Halos sabay na sagot ng dalawa.





TO BE CONTINUED....

Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
..trapped inside the moment.. chap 15
older post:
destined for me [o29.]

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
karura_kun    •reply Jun 10, 2009 @ 5:01 AM
 
yess andito na ang NL : n o t w o r t h y : 
  Polar22    •reply    Jun-10-09@5:06AM
fan ka rinn ni2 bro?
hehe preho pla tau!! : s m i l e : 
  karura_kun    •reply    Jun-10-09@6:02AM
yup bro fan rin ako nito : g r i n :  ..lol..hindi ako "bro" bro : l o l : 
  karura_kun    •reply    Jun-10-09@5:16AM
kuya resemble kelan ulet ung sunod???hekhekhek... : b l u s h : 
  resemblance    •reply    Jun-11-09@1:35AM
subukan ko ngayong gabi na makapag-submit ulit kung susuwertehin. : n a u g h t y : 
Polar22    •reply Jun 10, 2009 @ 5:06 AM
 
KUYA RES. bilisan m update ah?? : n o t w o r t h y : 
  resemblance    •reply    Jun-11-09@1:34AM
sorry pero hindi ko mabibilisan : l o l :  pero sisiguraduhin ko matatapos ko to at least : r o l l : 
  Polar22    •reply    Jun-11-09@1:43AM
: c r y : 
darC_Critic    •reply Jun 10, 2009 @ 6:49 AM
 
medyo boring,,tagal na kasi e : h m m : 
  resemblance    •reply    Jun-11-09@1:33AM
sorry about that. pero salamat na rin...
gosammer    •reply Jun 10, 2009 @ 10:57 AM
 
: l o l : 
ceezzanesz    •reply Jul 3, 2009 @ 3:01 AM
 
try outs nah! : d a n c e : 


i2 tlgnh c annie..
maka kuya.. : l o l : 

kawewe nemen c richard king.. : n a u g h t y : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
..trapped inside the moment.. chap 15
older post:
destined for me [o29.]
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love is fire. But whether it's going to warm your hearth or burn down your house, you can never tell.

--Joan Crawford

You need to be logged in to Facebook