|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 24.2
Finally after almost 7 months nakagawa na rin ako ng update dito sa ginagawa kong story. Sana yung mga dati kong readers andyan pa rin. Hindi man ako makapag-update agad sa mga susunod na linggo but I'll make sure I'll make an update!
![]() Note: BInago ko na nga pala ang title ng chapter 24 so makikita niyo ang bagong title sa post na ito Previous Links Admiration (Part 2) Naglakad patungo sa basketball racks si Alfredo at kumuha ng isang bola, pagkatapos ay dinribol-dribol ito saka ibinuslo. Pagkatapos ay hinarap si Warren at nagsabi: ‘Nauunawaan ko kung ano ang pinagdadaanan mo Warren. Pero naisip mo ba, kung hindi ka maglalaro ng seryoso maaayos mo ang problema?’ Mahabang katahimikan lang ang tanging naitugon ni Warren kay Alfredo. Waring napaisip sa mga sinabi ng kaharap. ‘Hindi naman sila ang kumokontrol sa’yo, kaya bakit kailangan mong huminto sa paglalaro nang dahil lang sa mga ginagawa nila? Sila ang masisira sa mga ginagawa nila, pero hindi ang basketball, at lalong hindi ikaw. Pero pinapairal mo ang pride mo, na para bang sinasabi mong mas mataas ka sa kanila kaya wala silang karapatang makalaro ka. Pero ikaw mismo sa sarili mo wala ka pang napapatunayan, kung gano’n hindi kaya hindi ka rin nalalayo sa mga team mates mo?’ ‘Pinapairal ko… ang pride ko?...’ ‘Maraming nai-kuwento sa akin ang kapatid mo tungkol sa’yo. At alam mo ba, halos sambahin ka niya sa labis na paghanga sa’yo, at sa kabila ng mga ginagawa mo sa sarili mo ngayon, hindi nawawala ang mataas na pagtingin niya sa’yo Warren... dahil naniniwala siya sa kakayahan mo. Kaya malakas ang loob niyang ipagmalaki ka sa lahat ng tao, siya ang nag-iisa at natatangi mong fan na patuloy na sosoporta sa’yo anumang oras. Sa’yo siya humuhugot ng inspirasyon… ng pag-asa. Sa’yo siya kumukuha ng lakas para maging matagumpay rin sa larangang pinili niya. Maaatim mo bang biguin ang kapatid mo sa kabila ng lahat? Maaatim mo bang makitang mapahiya ang kapatid mo sa ibang tao nang dahil sa pagtatakip sa mga kahinaan mo? Maaatim mo ba’ yon Warren?...’ …….’Annie…’ ‘Nasabi ko na sa’yo ang mga saloobin ko Warren. Nasa sa’yo na lang ngayon kung ano ang gagawin mo sa hinaharap. May sarili kang pag-iisip at hindi kita pipigilan sa anumang bagay na napagpasiyahan mong gawin…’ Saka iniwan na si Warren sa loob ng court. Sa labas, nadatnan ni Alfredo si Annie, na impit na umiiyak. Naulingan nito ang lahat ng pinag-usapan nila ng kapatid. ‘Huwag ka nang mag-alala Annie. May tiwala ako sa kanya. Maliliwanagan rin siya sa lahat, magtiwala ka…’ Malumanay na nakangiti niyang sabi. ‘…Thank you… Alfred… thank you...’ Kinagabihan, ilang oras pagkalipas makaalis ng mansion si Alfredo, lakas loob na pinuntahan ni Warren si Annie sa kuwarto nito sa Virgo room na hanggang pag-alis ni Alfredo ay hindi pa lumalabas ng kanyang kuwarto. ‘…Annie, can we talk for a moment?...’ Nanginginig niyang sabi sa harap ng intercom sa pinto ng kuwarto ni Annie. Ngunit hindi natinag si Annie. ‘Please… I need to talk to you right now. It’s about what Alfred told me earlier… a-and I’ve come up with something… s-so… can we have a minute?...’ Tumunog ang security lock ng pinto ng Virgo room, na nangangahulugang maaari na siyang pumasok. Pagpasok sa loob, naroon at nakaupong nakatungo lang si Annie. Naupo siya sa tabi nito. Hindi pa rin sila nag-imikan pagkatapos noon. ‘…..Sabi ni Alfred huwag na muna raw kitang kausapin…’ Panimula ni Annie matapos ang mahabang minutong katahimikan sa pagitan nila. ‘G-gano’n ba?... Kunsabagay, mabuti nga ‘yon. Wala akong idinulot sa’yo kundi sama ng loob, kaya may karapatan kang magalit sa ‘kin, maybe even disowning me as your brother…’ ‘H-how can you say that?!...’ Sabi niyang bahagyang nagtaas ng boses. ‘All this time, you’ve been there for me… cheering for me… supporting me… Naalala ko tuloy, noong mga elementary pa tayo, sa gitna ng laro namin sa junior intramural finals, bigla ka na lang pumasok sa loob ng court para lang ibigay sa ‘kin yung ginawa mong wrist band na tinahi mo pa sa H.E. class ninyo. Kahit pinagtatawanan ka na ng mga tao, at ako naman na nakatungo na lang sa pagkapahiya, balewala lang sa’yo. Sabi mo, kapag isinuot ko ang wrist band na gawa mo, hinding-hindi kami matatalo… At nung nanalo na nga ang team namin ikaw ang unang pumasok sa court para i-congratulate ako… Nung mga panahong ‘yon bata pa talaga ako; ni hindi marunong magpahalaga sa mga maliliit na bagay at makasarili… pero ngayong malaki na ‘ko saka ko lang na-appreciate ang mga bagay na ginagawa mo noon na hindi mo na magagawa ngayong malalaki na tayo… bukod ‘don na-realize ko rin, na hindi ang wrist band ang nagbibigay sa akin ng suwerte… kundi ikaw… ang parati mong pagsuporta sa akin ang nagbibigay sa akin ng motivation sa paglalaro at maging mahusay pa… and honestly, that’s all that I needed to keep me going… because you are my inspiration… But then… I wasn’t able to meet up with your high expectation of me… Pakiramdam ko pinagtaksilan kita. Binalewala ko ang tiwalang ibinigay mo sa ‘kin sa pagiging makasarili ko…’ ‘…Then… then at least tell me your thoughts… everything that happened…’ ‘…Okay…’ At Ikinuwento ni Warren ang lahat ng pangyayari sa kapatid. ‘My God… so… that’s how it was…’ Halos matuyo ang kanyang lalamunan sa puntong halos hindi na siya makapagsalita dahil sa kanyang mga natuklasan. Ngunit panandalian lamang iyon nang makahinga na siya ng malalim at muling hinarap si Warren: ‘Wala ka naman palang dapat ipangamba kuya…’ Ang sabi niyang nakangiti rito. ‘Back then, when you used to avoid me every time I tried to talk to you about those things, I thought I was a nuisance to you, and I figured maybe I should give you space. Pero gusto kong malaman mo na kahit kailan hindi nabawasan, ni pinagdudahan ko ang kakayahan mo kuya, dahil noon pa man ikaw na ang idol ko. Kaya hindi sila ang dapat maging dahilan ng paghinto mo sa paglalaro kuya. Hindi mo sila katulad… dahil magaling kang player. Ang pinakamagaling para sa ’kin. But most of all… you were my only precious big brother even before you became a basketball player kuya… Never forget that…’ ‘Annie… I…’ Si Warren, ang tipong madalang kung magpakita ng emosyon sa ibang tao, maging sa kanyang kapatid o sa kanyang mga magulang. Subalit sa pagkakataong iyon, hindi niya napigilan ang sariling mapaluha, sa harap pa mismo ni Annie. Ngunit hindi na niya iyon alintana pa, pagkat ang mga luhang iyon ang siyang nagpaluwag ng lahat ng anumang bigat sa kanyang dibdib, at marahil hindi na rin niya kailangang itago pa ang kanyang damdamin sa iba. Hindi na kailanman. ‘Oh… you’re crying like a baby, brother! How embarrassing! I wonder what Chad would react if he sees you like this!’ Pang-aasar ni Annie sa kapatid. Hindi naman kumontra si Warren, gaya ng parati niyang ginagawa sa tuwing aasarin siya ni Annie, bagkus, ay niyakap pa niya ito, sukat ikagulat ng kapatid. ‘Salamat Annie. Babawi ako sa’yo pangako…’ ‘…Kuya… okay lang ‘yon… but promise me, you’ll never lie to me again, okay?’ ‘I promise!’ ‘So, kung gano’n makikita na ba kitang maglaro ulit nang seryoso?’ Nanabik niyang tanong rito. ‘Well… I have better plans… But I’ll keep it a secret for the time being. It will be a big surprise!’ ‘Really? Aren’t you hiding something from me again? Remember, what you promised!’ ‘But of course! Huwag kang mag-alala! Sa binabalak kong ito ngayon, this time hindi na kita mabibigo.’ ‘O sige, kung hindi ka talaga nagsisinungaling, bigyan mo ‘ko kahit kaunting hint!’ ‘Let see… Siguro pagkatapos nitong semester, no, as soon as magsimula ang 2nd semester! Ayos na bang hint ‘yon?’ ‘Well… Okay! I’ll look forward to that!... kuya…’ Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Perst... Whew,,, new reder, i think?? Lewl... updeytttt
![]()
resemblance
•reply
May-27-09@1:09AM
Thanks for stopping by. And yes you are my latest reader. Please check out the previous links (posted here) if you haven't already.
wow NL..
padaan muna..sana mabasa ko na to someday.. ![]()
resemblance
•reply
May-27-09@11:59PM
bakit hindi ba puwede?
o baka yung ending ang ibig mong sabihin?
aww.. x]]
hindi ako bagong reader.. xDD ang tagal rin nitong nawala ahh.. basa basa muna.. xDD
insanity41
•reply
May-30-09@2:43PM
ayee..
babalik na self niya si warren.. x]] tapos mawawala na si clifford sa storya.. x]] antay ng update.
resemblance
•reply
May-31-09@2:37AM
hindi rin! marami pa nga siyang eksenang nakareserba eh!
thanks for dropping by!
Polar22
•reply
May-31-09@5:24AM
magbreak n sna cliff at jillia
pangasar lng yan eh... update n po favve ko 2 pexman
resemblance
•reply
May-31-09@8:51AM
dahil peborit mo ko bibigyan kita ng hint. yes Clifford and Jillia will have a split up, pero kung paano sila nag-split? abangan mo na lang!
nakz ganda tlga ng story ni otor^_^ kahapon ko lang pong inumpisahang basahin to mula sa first chapter...
tsaka ung hint....next sem ba kamo naku...mgsisilipat ba lahat ng bida sa kabilang campus ![]()
tsaka po pla pwede pong magtanong???![]() tuloy parin po ba ung poll??? ![]()
resemblance
•reply
Jun-1-09@12:32AM
oh yes!!! tuloy na tuloy!!! wala pa ring putol!!!
matatapos ang poll at the 3rd to the last chapter ng story. dun ko pagbabasehan kung aling ending ang ipo-post ko sa aking story.
karura_kun
•reply
Jun-1-09@7:31AM
in case po matapos na po tong story nyo pwede ko po bang mabasa ung alter-ending nya
thank you thank you po otor
resemblance
•reply
Jun-2-09@2:33AM
puwede, pero yun ay kung hindi mapipili yung ending na ibinoto mo, then ise-send ko sa'yo yung alternate via email. (just to be fair with other readers
)
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77642)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) tulungatong, gpalileo16, ynill, anonsenselove, Laiideechuii, cptnoname, mhelaisky, dave_goodman, and 40 guests |