|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
SoulMates
Unang Kabanata
Ikalawang kabanata One week before……….. Papetix petix na nag lalakad si Natalia Giannie Gomez papunta sa classroom nya. Disi-sais anyo at nasa ika apat na taon sa high school. Hindi alintana sa dalaga na halos may trenta minutos na syang huli sa klase. “Ms. Gomez!”sigaw ng guro nyang si Mrs. Mariano. Bagamat nagme menopause na ito kya masunget sa buong klase. “late ka na nman, tatlong beses na ngayon linggo na halos kalahating oras ka ng nale-late sa klase ko. I’m marking you absent today.” galit na sabi ng guro nya habang kinuha ang attendance sheet. “ok” maagap na sagot ng dalaga at umupo sa dulo ng klase. Ganito halos ang ginagawa ng dalaga. Huling papasok at uupo sa dulo ng klase. Matalino ang dalaga ngunit naiimpluwesyahan sya ng mga tinatawag nyang kaibigan na mag rebelde. Cool eka nga nila. Natapos ang klase nila at nilapitan sya ng kababata nyang si Vernalyn. “nahuli ka na nman sa klase, na mark ka tuloy na absent kahit nandito ka.” ang alalang sabi sa knya ng kaibigan. “hoy, nerdy! wag mo nga akong pakialaman. Sino ka ba? di nman kita nanay ha” walang pusong sabi ng dalaga. Ganito na ang naging pakitungo nito sa kababata ng maging kasapi sya sa barkadahang “the rebels” ngayong taon. Binalaan din sya na huwag makikipag usap sa mga tinatawag na invisibles o nerdy na kagaya ni Vernalyn. “nag aalala lang nman ako sayo bilang kaibigan mo, kung hindi mo ma-appreciate un wala akong magagawa” galit na sabi ni Vernalyn habang nangingilid ang luha nito. “simula ngayon wag mo na akong ituring na kaibigan” mahinang dagdag nito. “good, hindi nman kita tinuring na kaibigan at the first place” sabi ng dalaga at inirapan si Vernalyn. “bkit ba gustong gusto mo sa grupo nila ha, You used to be at the top ten since 1st year. Nasaan na ung Talia na nakilala ko? Ung best friend ko? Hindi mo kailangan maging cool para magkaroon ng kaibigan. Dahil ako, ako tanggap kita” Tumulo ang hula ni Vernalyn at agad na umupo sa upuan nya dahil dumating na ang guro nila sa 2nd lesson. Nag bago na talaga ang mabait nyang kaibigan sa isip isip nya. Mabilis dumaan ang oras at lunch time na. Agad na nag tungo sa tambayan ang dalaga upang makasama ang mga ibang meymbro ng “the rebels”. Nakita nyang naka-upo na ang ibang meymbro sa lapag ng rooftop nila at may isang hindi pamilyar na babae na mukhang may kasalanan sa ibang ka-grupo. “Talia, Can you tell this girl, what would be the punishment for disobeying us” ngiting asong sabi ng leader nila na si Myra. “Sam….”di natapos ang salitang sampal mula sa bibig nya dahil isang malutong na sampal na ang dumapo sa mukha ng babae dahilan upang mapaupo ito. Awa ang naramdaman ng dalaga para sa babae. Sa tansya nya ay Junior palang ito. “kung aagawin mo skin ulit ang boyfriend ko, mas malala pa jan ang gagawin ko” babala ni Myra sa babaeng sinampal nito “tss, pipiliin mo kung sinong babanggain mo!” sigaw pa nito at tska bumaba ng rooftop. Agad nman na tinulungan ni Talia ang babae. “hindi ko nman talaga inagaw ung boyfriend nya, nagkaton lang na mag kasama kmi sa sports club kaya mag kasama kmi kahapon” paliwanag ng babae habang tumutulo ang hula sa magkabilang mata. “mag iingat ka na lang sa susunod” mahinahong paalala nito. “cge mauna na ako sayo, baka makita nilang tinutulungan kita, ako pa ang malagot” paalam nito at iniwan ang dalaga. Sumali ang dalaga sa grupo para maging cool at maging popular Ngunit hindi nya inakala na possessive pala ang dalaga kaya sa boyfriend nito kaya minsan ay nakakasakit ito ng kapwa. Labag man sa kalooban nya iyon ay hindi na lang sya nag sasalita dahil baka sya ang pag buntunan ng galit ng leader. Ilang sandali pa ay uwian na. Nag maka labas sa gate ang dalaga ay nakita nyang nag hihintay ang buong grupo at nakaparada na ang van na sasakyan nila. “oh ito na si Talia, tara na” yaya ni Von. “saan tayo pupunta?”tanong nito. Ngunit hindi na sya sinagot ng mga ito at pinasakay na sa van. Ilang sandali pa ay nasa mall na sila at nag lakad lakad pa at napunta sila sa gilid ng mall kung saan bar na sunod sunod ang naka hilera dito. Sa totoo lang ay sa grupo natutong uminom ang dalaga. Lumipas ang ilang oras at pare-pareho na silang may tama. Ang ilan sa knila ay hindi parin maawat sa pag inom at ang iba ay umuwi na, isa na dito si Talia. Susuray suray itong umuwi kaya nagalit ang kanyang magulang. “Natalia!” sigaw ng mommy nya. “bkit lasing ka na nman ha! Aba sumosobra ka ng bata ka ha! yan ba ang natutunan mo sa iskwelahan!” ang nakakabinging sermon ng mommy nya. “mom, pwede ba, bukas na natin pag usapan ito. Masakit na ang ulo ko” pag iwas ng dalaga sa sermon ng kanyang mommy at agad na pumasok sa kwarto nya at nag lock ng pinto. Naka ugalian rin ito ng dalaga na takbuhan ang lahat ng problemang dumarating sa kanya. Hindi nya naa-appreciate ang pamilya nya. Kapag inaaya nilang makipag bonding sa dalaga ay agad itong tumatangi. Kinabukasan. Maagang maaga ay sermon na nman sa knya mommy ang inabot ng dalaga. Khit masakit pa ang ulo nito mula sa alcohol kagabi ay pinilit nitong bumagon dahil alam nyang hindi titigil ang mommy nya sa kakadakdak. Nag makagayak ay bumaba ito upang mag agahan. Naka upo na sa dinning table ang daddy, mommy, ang kuya Zach nito na nasa 3rd year college at ang bunso nilang si Sabrina na nasa ika unang taon ng highschool sa parehas na paaralan ng dalaga. “ulitin mo pa yang gawain mo na yan at ililipat kita ng school” babala ng daddy nya habang nag babasa ng dyaryo. “ok” ang tanging nasagot na nman ng dalaga. Sa totoo lang ay nahihirapan na ang mga magulang nya na disiplinahin ang anak nila. Kaya nman nangangamba sila na mapariwara ang dalaga. “nababarkadan nga yan daddy kaya ganyan” gatong ni Zach. “shut up, wlang kumakausap sayo. Tska bkit ikaw nasa frat ka”mataray na sabi ng dalaga sa kuya nya. “wala talagang puso kahit kailan” inis na sabi ng nakababatang kapatid nito na si Sabrina. “dad, mom mauna na ako at baka di ako makapag pigil mapa dugo ko ang nguso nyang pangalawang anak nyo” paalam ni Sabrina at humalik sa pisngi ng magulang nya. “di mo gayahin ung kapatid mo, nag pupuyat dahil sa pag aaral, ikaw nman nag pupuyat dahil sa mga barkada mo” sermon na nman ng mommy nya. “kung kelan graduating ka tska ka nag rerebelde” dagdag pa nito. “bkit ba nag kakaganyan ka anak?”mahinahong tanong ng dad nya. “dad, mom, mauna na ako, baka malate na ako”paalam ng dalaga. Umiwas na nman ito sa usapan. Ilang sandali pa ay narating na nito ang ekuwelahan nya. Nag tungo na ito sa classroom nya at laking pasasalamat nito ng hindi pa sya late. Umupo sya sa upuan nya at dumukdok sa upuan nya sandali. Ngunit nakatulog ito at na miss nya ang attendance. Ginising sya ng katabi nya at nakipag talo sa guro nya upang wag syang ilagay na absent ngunit hindi nag patalo si Mrs. Mariano. Sa inis ng dalaga ay dumukdok ulit ito at natulog. “Ms. Gomez!” sigaw ng guro nya. “Give me your school planner. Immediately!” dahan dahang kumilos ang dalaga na sadyang iniinis ang guro. Isunulat ng guro nito pagiging matigas ng ulo nya, ang argumento tungkol sa attendance at ang pag tulog nya sa gitna ng klase. Pinapunta sya sa Office of Student Affair at nasuspende ng tatlong araw, in campus. Ibig sabihin ay mag sisilbi sya sa loob ng campus at sa Library ito na-assign. Uwiaan na nman ngunit pinaiwan ni Ms. Dorina Montano si Talia na knyang adviser. Kinausap nya ito para malaman kung ano ba talaga ang problema nya at para din makatulong. Ngunit wala syang nakuhang sagot mula sa dalaga. “Alam mo Talia, hindi pag takbo sa problema ang sagot sa lahat. Kailangan mo itong harapin para hindi ka hinahabol. Sana sa suspension mo na ito ay madala ka na” pangaral ng guro nya at umalis. Diretsyo bahay ang uwi ng dalaga ngayon. Nanonood ito ng TV ng may mag text sa knya. Agad nya itong binasa ngunit laking disappointment ng makitang si Vernalyn ang nag text. “I know you will get through you suspension.” txt nito. “tss sya lang pla” bulong nito at bumalik sa panonood ng TV. Dumaan ang sabado’t linggo ngunit ni text ay wala syang natanggap mula sa mga kaibigan nya. Grounded din ang dalaga dahil nalaman ng parents nya na masususpinde ang dalaga. -ITUTULOY- Ok lang po ba? Para kasing naboboringan ako sa flow ng story. Should I continue or should I just stop? Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
`tuloy po.
`pde ko ba mkuha ung link nung una? `i like it eh. `hehe. -eJEAN ![]()
paramore_kittie_31
•reply
May-5-09@3:22PM
http://www.tristancafe.com/forum/172384
eto po ung unang link..hindi pla gumagana ung nasa taas...salamat po
sana tinuloy mo muna ung NOL..
paramore_kittie_31
•reply
May-5-09@11:05PM
opo tatapusin ko po muna ung NOL then ito na pong SoulMates
di ngshow ung comment ko.
tuloy mo ur stories r alwaes gud. kilala ko boyfriend mo c KIMBUM.haha. now i get y soulmates ang title.. galing sa boysoverflowers noh? into kpop ka? aku din.lol tuloy mo ha!! ganda sya. iba.
paramore_kittie_31
•reply
May-6-09@3:31PM
oo dun ko kinuha ung title pero ibang iba ang flow ng story nila..
ayiiii.. kinikilig nman ako kasi kilala mo si my labs KIM BUM...hihihi..cge tutuloy ko..salamat :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories akane_lee318, lala998, zurfc, chuperman, Mackaroo, and 51 guests Perfect love is rare indeed - for to be a lover will require that you continually have the subtlety of the very wise, the flexibility of the child, the sensitivity of the artist, the understanding of the philosopher, the acceptance of the saint, the tolerance of the scholar and the fortitude of the certain.
--Leo Buscaglia You need to be logged in to Facebook |