|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Medyas: A Love Story Book 2
NOTE: Si Janine lang po ang kilala ko diyan. Nakuha ko lang po ung ibang picture sa friendster. If ever you know these people kindly extend my apology to them for using their pictures without their authorization. Thank you.![]() Medyas: A Love Story Book 1 (Season 1) Medyas: A Love Story Book 1 (Season 2) Ang nakaraan sa Medyas: A Love Story Book 2... Chapter 1: The Beginning Chapter 2: Orientation Day Chapter 3: Peer Pressure Chapter 4: Together Again? Chapter 5: I love you... Chloe Chapter 6: Reality Chapter 7 Hay. Asan na kaya ang cellphone ko? Lagot na ako lalo kay Papa nito. Ano kaya ang nangyari kay Mama? Bakit bigla nalang siya sinugod sa ospital? Yan ang naglalaro sa isip ko habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Papa. Pagkarating ko doon ay agad kong inalok kay Papa ang binili kong pagkain ngunit hindi niya ako pinansin kaya nilapag ko nalang ito sa bakanteng upuan at kinuha ang para sakin. Nagsimula ako kumain habang si Papa naman ay nagmumukmok sa tabi. "Pa, anong nangyari kay Mama?" pagtatanong ko. "May pakielam ka pa pala." sagot naman sakin ni Papa. "Siyempre naman Pa. Sorry na po." paghingi ko ng paumanhin. "Buti sana kung yang sorry mo mapapagaling agad ang mama mo. Wag mo nga muna ako kausapin." pagtaboy sakin ni papa. "Pa, alam ko gutom ka na. Andiyan lang ung pagkain, kainin mo nalang kung gusto mo. Uuwi muna ko sa bahay para kumuha ng mga gamit." pagpapaalam ko habang tumatayo sa kinauupuan ko at umalis agad. Malapit na ako sa parking lot nang malaman kong hindi ko dala ang wallet ko kaya naman bumalik ako sa loob ng ospital. Nang makarating ako sa waiting area, nagulat ako ng makita na kinakain ng papa ko ang binili kong pagkain para sakanya. Nagulat rin naman ang papa ko ng makita niya akong nakatingin sakanya. Nangiti nalang ako ng oras na yun at kinuha ang wallet ko kung saan ko ito naiwan. Diretso uwi na ako pagkakuha ko sa wallet at kumuha ng mga gamit sa bahay. Sinamahan kong matulog sa ospital si papa at kinabukasan pagkagising ko ay saktong pwedeng bumisita kay mama kaya naman nagpasya akong bisitahin siya at tignan ang lagay niya. Nakahiga siya at mukhang nagpapahinga. Pumapatak ang luha ko habang tinitignan ang nanay ko. Tumayo ako sa tabi niya at kinausap siya. "Ma, kung sakaling gising ka, sorry kung nagbago ako. Alam kong ang laki ng sakripisyo mo para mapalaki ako ng maayos pero nabaliwala yun dahil pinili kong mapariwara. I'm sorry ma. Nagsisisi na ako. Pangako magbabago na ko. Magpapakagood boy na uli ako basta pangako mo magpapagaling ka ha? Alam kong hindi pa huli ang lahat para bumawi sayo. I love you Ma." sabi ko kay mama habang hawak ang kamay niya at matapos nun ay hinalikan ko siya sa noo at lumabas na ng ICU. Nagpaalam narin naman ako kay Papa na uuwi na ako para mag-ayos papasok sa school. Umuwi ako ng bahay, naligo, nag-ayos at pumasok. Maaga ako para sa unang klase namin, hindi pa tapos ang klase sa classroom na gagamitin namin kaya naman naabutan ko si Ana nasa labas naghihintay kasama si Timothy. Nung una ay medyo nailang pa akong lapitan siya pero nag-ipon ako ng lakas ng loob, huminga ng malalim at lumapit sakanila. "Timothy, pwede ko bang kausapin muna si Ana?" pagpapaalam ko kay Timothy. "Ayoko nga. Haha. Loko lang." sagot niya sakin. Maglalakad na sana papalayo si Timothy nang hawakan ni Ana ang braso niya. "Uy ano ka ba? Dito ka lang." pagpigil sakanya ni Ana. Hinawakan ko naman ang kamay ni Ana. "Ana, please?" pagmamakaawa ko sakanya. Hinawakan naman ni Timothy ang kamay ko. "O siya, siya. Hindi ko alam kung anong drama meron kayong dalawa pero mukhang seryoso kaya maiwan ko muna kayo diyan. Babu!" sabi naman ni Timothy at umalis. "Ano nanaman ba kailangan mo?" pagtatanong ni Ana. "Uhm, sorry sa nangyari kagabi ha." paghingi ko ng tawad sakanya. "Anong gusto mong sabihin ko? Ok lang? Ganun?" pagsusungit niya. "Ganun na nga. Sorry na please?" pangungulit ko. "Hindi ganun kadali un Joshua. Nabastos ako, naapakan ang pride ko." sagot niya. "Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko?" pagmamakaawa ko. "Seryoso ka? Wala ng bawian kapag um-oo ka." sabi niya sakin. "O sige game. Basta kapag nagawa ko bati na tayo ha?" sagot ko naman sakanya. "Ganito lang naman kasimple ang gagawin mo. Una, hindi ka na iinom at maninigarilyo. Pangalawa, hindi ka na magcucutting. Pangatlo, magiging alipin kita hanggang matapos ang sem na toh. Oh ano? Game parin ba?" muli niyang tanong. "Ang konti naman. Un lang ba? Game na game pero dapat hindi mo narin ako susungitan." kampante kong sagot sakanya na may kasama pang ngiti. Nag-ring narin ang bell at naglabasan na ang estudyante sa room kaya naman pumasok na kami. Habang nag-uusap kami ni Ana tungkol sa kung anu-ano ay sumabat si Liz samin. "Uy Joshua! Bigla mo nalang kami iniwan kagabi. Maya ulit ha?" pag-aaya ni Liz. Napatingin naman ako kay Ana at tinignan niya ako ng masama. "Sorry Liz. May date kasi ako mamaya eh, next time nalang." pagtanggi ko. "Ganun ba? Bagong girlfriend? (sabay tingin kay Ana ng masama at nagbitaw ng sarkastikong ngiti)" tanong ni Liz. "Hindi, friendly date lang yun." sagot ko sakanya. "Fine. Next time ha?" sabi ni Liz at lumayo na samin. "Next time pala ha." sabi naman ni Ana pagkaalis ni Liz. "Palusot lang yun para hindi na niya ko kulitin." sagot ko kay Ana. "Weh, maniwala. Mukhang hindi mo matatagalan yung deal natin." sabi naman ni Ana. "Magtiwala ka lang sa alipin mo mam." sagot ko. "Sabi mo eh. Nga pala, hindi ka nagshashare may bago ka nanaman palang kadate. Sino?" pag-uusisa ni Ana. "Bakit ka interesado?" pagtatanong ko. "Nagtatanong lang naman. Eh di wag mo sagutin kung ayaw mo." pagsusungit niya. "Oh nagsasalubong nanaman yang mga kilay mo. Nagsusungit ka nanaman. Dapat nakasmile." pagbibiro ko sabay hila sa magkabilang pisngi ni Ana. "Ahem, ahem. Sa sobrang sweet ng dalawa diyan hindi na ako napapansin." pagpaparinig ni Timothy. "Hoy Timmy manahimik ka nga diyan sasabunutan kita." sagot ni Ana kay Timothy. "Nagseselos lang yang si Timothy." pagbibiro ko. "Siguro nga!" sabi ni Ana sabay tawa niya ng malakas. Simula ng araw na yun ay naging close kami nila Ana at Timothy. Sila na ang kasama ko tuwing break time, gala, at kung saan-saan. Mahigit dalawang linggo narin akong hindi umiinom at sumasama kina Liz. Unti-unti na akong nagiging good boy uli tulad ng ipinangako ko sa mama ko. Masaya ko sa improvement ko pati narin ang mga professors ko na nagulat sa pagbabago ko. "Goodbye everyone. Have a great day." pamamaalam ng professor namin para sa huling subject sa araw na yun. "Una na ako sainyo Joshua at Aneng." pamamaalam ni Timothy samin. "Cge ingat Timmy!" sagot sakanya ni Ana. "Ingat Timo. Ana sabay tayo umuwi ha? Teka lang cr lang ako." sabi ko naman kay Ana. Naglalabasan narin ang iba naming kaklase ng pumunta akong cr. Pagbalik ko ay narinig ko sina Liz at Ana nag-uusap. "Pasimpleng landi ka rin noh? Kunyari pang walang gusto kay Joshua, type mo rin pala." narinig kong sabi ni Liz. "Liz, mali ang iniisip mo. Hindi ko inaagaw sainyo si Joshua." pagtatanggol naman ni Ana. "So parang sinabi mo naring si Joshua ang naghahabol sayo?" sagot ni Liz. "Oo, tama ka. Ako nga." pagsabat ko sakanila at lumapit ako kay Ana at inakbayan siya. "Liz, gusto ko na magbago. Narealize ko na ang halaga ng buhay ko. Masaya na ako." dugtong ko. Halata ang pagkagulat ni Liz matapos kong sumingit sakanila. "Ok, good for you Joshua. Bye." ang tanging nasabi ni Liz sakin. "Alam mo ang galing mo talagang artista noh?" sabi ni Ana na may halong pagkamangha. "Tara samahan mo ko mag-auaudition na ako. Dali." pagbibiro ko. "Hay nako pagnatanggap ka, hindi na ako manonood ng tv. Haha. Loko ka talaga, mamaya isipin ng mga kablock natin mag-on tayo." sabi niya. "Hayaan mo sila mag-isip ng kung anu-ano. Alam naman natin kung ano ang totoo eh. Maliban nalang kung mainlab ka talaga sakin." sagot ko naman sakanya. "Kapal! Hindi kita type noh!" sabi niya. "Bakit ka defensive? Haha. Deal uli tayo oh, kapag nainlab ako sayo talo ako, kapag nainlab ka sakin talo ka. Game?" paghahamon ko kay Ana. "Ano naman ang premyo ng mananalo?" tanong niya. "Eh di may tatlong wishes. Payag ba?" pabalik kong tanong sakanya. "Sige. Game." pagpayag ni Ana habang inalok ang hinliliit niya. Nakipag-cross ng hinliliit naman ako sakanya. At dun na nagsimula ang laro namin ni Ana. Chapter 7 ended ito na po ung chapter 7. sensya na matagal ako magupdate. busy kasi ako sa studies eh. sana magustuhan niyo po. comment lang po kayo. thank you po uli. ![]() mukhang mahaba-haba pa tong book 2.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
,yez!perz aq!hahaha,hmf!otor tagal nga eh,namiz q 2loy fafa josh
![]()
,hmmf!parang nawwlan na aq ng pag asang magk2luyan c fafa josh at kuloy!huhu,auq ky ana!!josh-kuloy solid parn aq!hahaha,otor,blik mu na kuloy plz?
,hmmf!parang nawwlan na aq ng pag asang magk2luyan c fafa josh at kuloy!huhu,auq ky ana!!josh-kuloy solid parn aq!hahaha,otor,blik mu na kuloy plz?
,hmmf!parang nawwlan na aq ng pag asang magk2luyan c fafa josh at kuloy!huhu,auq ky ana!!josh-kuloy solid parn aq!hahaha,otor,blik mu na kuloy plz?
ay ayan nah!
![]()
dhael
•reply
Feb-19-09@7:59AM
haha. kakabitin amp.
next chapter plz? naiinlab na yta aq ky ana. ako yta ang talo janine my labb bumalik kna
dhael
•reply
Feb-19-09@8:09AM
kahit kelan dko pagpapalit c janine
naiinlab plang nmn ky ana ky janine eh inlabb na tlga
ceezzanesz
•reply
Feb-19-09@8:11AM
uo!
![]() inlab akoh kay papa josh nuh.. :inlove: matagal nah panahon nah..
hayness sa wakasness at nag updateness ka na dness otorness nakakamissness kc eh
![]() ganda naaaaaaa sna magkta na cla ni kuloy.. miss ko na moment nila he.. ![]()
weeeeeeeeeeh... ang tagal..
nainip ako khhntay nito ah... pro sulet nman... hehehe... tnx iDoL... ![]()
TAGAL KITANG HININTAY OTOR...BA'T NGAUN KA LANG?HUHUHUHU
![]()
WOOOOOT. HOHO. SAYANG NAWALA ULET SA EKSENA SI KULOY.
OTOR, IBALIK MO SI KULOY
YEHEY AT LAST NAGPARAMDAM NA ULET....ang danda tlaga ne.....pro solid parin akow sa love triangle josh-chloe-cyrus..ibalk na sa story...plssssss ![]()
wAh...
uR bAck oTor... aS usuAl lAtE rEadeR akO.. ahihihihihi.. aun.. good writting update kaagad ah...
`update na agad!
`gnda nito! `knkwento ko din toh s claxmates ko. `and they really liked the story. `hehe.. + jean_jean +
midnytlove
•reply
Feb-20-09@4:46AM
aq din knkwen2 ko pa!
sana upd8 agad c otoR! joshua-kuloY pa rin!!!
an dami babae ni josh
nayun lang ako naka update magbasa ulet ![]() next!!! tagal naman ni choloe!!
aw! ang sweet...
okey n pla..my bgong ng labtim c fafa josh...di n xa mlungkot., msaya n rin ako pra s kanya. ![]()
wLa na po chapter 8?kgabi q lng 2 nkita..tpos un ngus2han q..grabe ang gnda huh..gnda ni janine..wahaha
bilis no and2 agad aq.. gling ng otor.. ![]()
otor..otor..otor..u still der otor??
wer na u??wala paren update.. ![]()
hi otor! silent reader mo ko pero ngayon lang nagcomment.
grabe, ang galing mu! saan ka na nga pala otor? wala ka pa ring update eh sana makapag-update ka na po. waiting mode muna ako ![]()
an tagal mag update waahh
excited na ko sa pagbabalik ni janine haha babalik pa nga ba? haha siguro sa kanila naman kwento to...love triangle baga haha ana-joshua-janine haha ![]()
lampas 1 month na wala pa rin
MY GULAY..kelan kaya update? haha ![]()
wala pa rin update, xD, kakabitin nmn, chapter 7 plng ng book 2 xD
Maki2sali lng s mga c0mments nyo.harhar
grbeh 5m0s n.. d n ngupdate c otor.. ![]()
Teka!naku po,july pa huling c0mment,august n po,me update n pu b medyas?iniiyakan ku to,wala pa dn!waaah,otor sto0_pid tngnan ku pu multiply mu,gang buk 1 lng pu nkalgay,haaay medyas,nkakamis.sna mgupdate n c ot0r.
Teka!naku po,july pa huling c0mment,august n po,me update n pu b medyas?iniiyakan ku to,wala pa dn!waaah,otor sto0_pid tngnan ku pu multiply mu,gang buk 1 lng pu nkalgay,haaay medyas,nkakamis.sna mgupdate n c ot0r.
san na po ung chapter 8? na bbliw na q sa story . pki post nmn po
otor?update ka na p0o..nd nq mkapaghintai.tagal na..bitin na bitin na kmi ng mga frends at clasm8 q..
waa! nbibitin na po aqu.. ala pa po bng chapter 8?? please.. pkiupdate na po.. thanks! regards
![]()
ahahaaayyss.. ate!!!!!!!!!! update kna po. miss qu na c joshua
![]()
..update na po kau..plz..miz ko na dn joshua..xcited na q sa mga mangyayari..
Hey, stoo_pid!
ang tagal ng update hope magpost kna SOOOOOON! ![]()
catherine_katie
•reply
Oct-29-09@8:25PM
gumaganun k p JENIKA !!
haha !! anyway, sna nga mg-update n kaagad c otor... haaay...
san na po ung chapter 8...
hehe...grabe...ntanggal ung pgiging masculin q... ka-inlab kc ung story...^_^ ![]()
neon25
•reply
Nov-15-09@2:54PM
ou grabeh//miz na miz kuh na c SUPERMAN...xhet uber xcited na kuh tlga...
jewel_emerald
•reply
Nov-15-09@3:01PM
hay naku...tnatamad aq magbasa...pero cge let's try 2 read it!!!!!!!!!!!!!
xhet bsahin mo 2ng medyas promisee d ka magsisisi..hehehe
jewel_emerald
•reply
Nov-15-09@3:41PM
anu ba sa tingin mu ginagawa q???!!!!!!!!!!!binanasa na nga eh!!!!!!!!!!!!!!!
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77652)Arts & Entertainment(7997) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11237) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4241) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) dimasaway, xinerous, bhebhekun, devildice, cptnoname, frarick08, louiesa_19, rain_or_shine, G_girl, fruitsoda, aLoneGirL and 59 guests Opposites attract, but after marriage, opposites attack. Most of the time, we are attracted to people who don't have the things that we have. Incompatibility is why we get married, but it's also used as a reason to divorce.
Incompatibility is just a lack of communication. If we just try to love [our spouse] the way we want to be loved, we are in trouble. Unless you communicate, it's difficult to know how to love another person. --Dr. Charles Lowery You need to be logged in to Facebook |