tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Forever - Part 7
posted by (Jan 31, 2009 @ 6:05AM) views: 483
Malapit na.

Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/167825
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/167885
Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/167977
Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/168026
Part 5 - http://www.tristancafe.com/forum/168101
part 6 - http://www.tristancafe.com/forum/168166

*-------------------------------------------*



“O Iyay, huwag ka mashadong lalayo! Hindi pa natin kakilala ang mga kapitbahay dito.”

“Opo Yaya. Tulungan nyo na lang po sila Mama sa pag-unload ng mga gamit ha?”

“Nakuu ikaw bata ka inuna mo pa ang magpakasaya kesa tulungan mo kami...”

Lumabas ako ng gate dala ang pink kong bike. Hindi pa ako masyadong marunong – well, hindi pa talaga ako marunong. I was hoping na matututo ako ngayong weekend para naman may accomplishment ako. And siyempre, mas madaling makapag-explore kapag nagba-bike.

Huminga ako ng malalim bago ko simulang ibalanse ang sarili, pero, kahit anong gawin ko, nanatili akong nagpagewang-gewang hanggang sa sumalpok ako sa puno.

Napakaboring naman sa village na ito. Walang katao-tao. Ganito ba tagala sa Montefino?

Papaano na ang debut ko sa October kung wala naman ako masyadong kakilala...

Hay. Bakit ko ba pinoproblema yun eh January pa lang?

Anyway… back to trying… Kailangan kong matuto… Kailangan kong tumayo…

Muli akong huminga ng malalim at ibinuhos ang natitirang lakas ng loob sa bawat padyak sa pedal at sa pagbalanse ng bike kong pink…

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

Wow… Nakatagal ako ng tatlong segundo ng hindi bumabagsak…

Apat…

Lima…

Anim…

Pito…

Walo…

Nakaabot na yata ako sa isangdaan at hindi pa yata ako bumabagsak. Akalain mo yun! Success!

“Yahoo!” sabay taas ng parehong kamay at hindi sinasadyang nabitiwan ang handles. Natural, nagpagewang gewang na naman ako at sa huli’y bumagsak muli.

Pagtayo ko para pagpagin ang sariling dumi, napa-WOW ako sa nakita.

Napakaganda naman ng Clubhouse na ito...

Modern. Elegant. Simple.

In my own point of view...

At nabuo na ang isip na dito ako mag-dedebut.
Iniwan ko ang bike sa may kalsada at pinasok ang mala palasyong clubhouse.

Ang ganda talaga… May fountain, fishpond, pool, pavilion, at … wishing well?

Nilapitan ko ang kakaibang wishing well… makaluma pero maayos pa rin itong tingnan. Kung oobserbahan mo ang kabuuan ng paligid, hindi bagay ang wishing well na ito sa clubhouse…

Hinawakan ko ang gray na mga bloke ng bato na bumubuo sa balong ito. Pinakiramdaman ang kakaibang tekstura na napakagaspang. Sinilip ko ang kailaliman ng balon, pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko.

“Hello?!”

Hello…

Helloooo. Helloooo Helloooooo… Helloooooo

Echo. Hi hi hi…

Paano ako magwiwish dito eh wala naman akong barya… Sayang!

Napatingin ako sa buhangin, at may kuminang na kung ano…

Piso!!!

Dinampot ko agad ang barya at pumikit…

Teka…

Ano bang hihilingin ko?

Pera?

Marami na sila Mama nun.

Beauty?

Maganda naman ako ah! Kamukha ko kaya si Kim Chiu, pero mas maputi ako sa kanya.

Brains?

Matalino rin ako. In fairness.

World Peace?

Hi hi hi. Text ASA to 2366.

Alam ko na!

Boyfriend!

Korek!

Boyfriend nga!

Hinawakan ko ang piso, niyapos ng mahigpit at nilapit sa aking dibdib… Pumikit ng taimtim at buong pusong hiniling…

“I wish magkaroon ako ng boyfriend na hindi ako pababayaan sa lahat ng bagay, yung mamahalin ako gaya ng pagmamahal na ibibigay ko sa kanya, siya para sa akin, ako para sa kanya, yung makakasama ko forever…”

And I let the coin go, umaasang may maririnig na kahit na anong tunog, kalansing o ano pa man… Pero wala…

At biglang…

“Iyay! Susmaryosep! San ka ba nagpupunta!”.

“Yaya!” nagulat ako sa pagtawag sa akin. Para akong namulat sa isang malalim na panaginip. Grabe naman tong si Yaya Carol kung makatawag akala ko may sunog...

“Kanina pa kami naghahanap sa iyo! Jusmio... Mamamatay na ako sa kaiikot sa village na to! Ang laki!”. Inakay niya ako paalis sa Wishing Well at lumabas na kami ng Clubhouse.

“Nagbike lang po ako. Napasarap po kaya hindi na napansin ang oras.” Kinuha ko ang bike at naglakad na kami ni Yaya patungo sa aming bagong tahanan.

“Naku patay ka sa Mama mo! Baka nasugatan ka ha!”.

“Hindi naman po.” Buti na lang nakajogging pants ako, pero tiyak ko, magkakapasa-pasa ako nito bukas.

Unti-unti na kaming lumalayo sa clubhouse, sa bawat pagyapak ng paa ko palayo, pakiramdam ko ay may naiwan akong isang importanteng bagay...

Napangiti na lang ako ng maalala ko kung ano yung hiniling ko... Ang mura naman ng inihagis ko para sa isang imposibleng kahilingan...

Pero...

I wish magkatotoo yun...



CUTSCENE


“Nasaan ako?”

“Gising ka na pala...”

“Uhmm.”

“Wag mong piliting tumayo... Humiga ka lang.”

“Anong nangyari sa akin?”

“Wala kang maalala?”

“O-oo…”

“Tumalon ka sa building…”

“HAH?”

“Yes, you heard me. Tumalon ka sa building.”

“Buhay pa ako…?”

“Oo. Buhay ka pa. Pasalamat ka sa safety net ng ginagawang building. Sumabit ka doon.”

“Hindi ko maintindihan…”

“Alin? Kung bakit ka nabuhay?”

“Hindi… Hindi iyon…”

“Eh ano?”

“Hindi ako tumalon sa building…”

“Hah?”

“Oo… Hindi ako tumalon sa building…”

“Eh saan ka pa pwedeng tumalon para masalo ng safety net?”

“Hindi ko maintindihan… Tumalon ako sa isang madilim na butas…”

“Ha?”

“Tumalon ako sa isang...”

“Sa isang...?”

“Sa isang wishing well...”

At isinulat mabuti ng psychiatrist ang sinasabi ng kanyang pasyente...
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit (Chapter 19)
older post:
Sana Ikaw Na… [7]

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
neon_khinze    •reply Jan 31, 2009 @ 9:34 AM
 
wow medjo mhaba yta ngaun ah
hehehe gnda tlaga nito...tuloy mu lang otor lagi qng inaanty ung update mu gleng grave : n o t w o r t h y :  : n o t w o r t h y : 
iloveyou_22    •reply Jan 31, 2009 @ 9:40 AM
 
naiintndhan k0 na rin..Lil bit. : l o l : 
  frann17    •reply    Jan-31-09@10:02AM
: b o o k : 

: m e 2 : 
frann17    •reply Jan 31, 2009 @ 10:02 AM
 
: b o o k : 

aha...: s h o o t : 
resemblance    •reply Jan 31, 2009 @ 10:44 AM
 
medyo twisted pa ang story. talagang mahaba-habang paliwanagan to. : l o l : 
shiaka    •reply Jan 31, 2009 @ 12:20 PM
 
: b o w :  : b o w : 
lalaladeedah    •reply Jan 31, 2009 @ 11:41 PM
 
whoa!! andami namang twists nito! haha
ang ganda. medyo nakakabitin lang.. hehe
naodin    •reply Feb 1, 2009 @ 4:01 PM
 
hahaha... twisted nman ng story..

parang dalawang scene ang nangyyri...
cguro ung isa ay 22ong nangyyri sa buhay ni iya, tpos ung isa, sa pnaginip ni migz? : ? 

ayieeeh.. pangunahan ba nman : r a z z :  : l o l :  : l o l :  : l o l : 
  youkodjinn    •reply    Feb-1-09@6:31PM
sino ba sa kanila ang totoong nagsasabi ng totoong nangyayari... hmmmm : D  abangan!
  shahani_unsweet    •reply    Feb-1-09@7:33PM
C IYA CGURO...hahha
  naodin    •reply    Feb-1-09@8:02PM
ayiiiiehhh..

abangan nmin ang ssunod na kbanta
shahani_unsweet    •reply Feb 1, 2009 @ 5:12 PM
 
hala baliw siya??oo nabaliw na ung bida : b a l i w :  ..or pedeng naengkanto sila dun sa wishing well..wahaha..ahh ewan...grrrr...
elvenbeauty_blood    •reply Feb 2, 2009 @ 3:54 AM
 
ganda. hihi. naiimagine ko. : l o l :  : c h e e r :  : c h e e r : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit (Chapter 19)
older post:
Sana Ikaw Na… [7]
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
The greatest weakness of most humans
Is their hesitancy to tell others,
How much they love them
While they're alive.

--O.A. Battista

You need to be logged in to Facebook