|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Ang Pagpapakamatay ni Kristina Moran
Ang Pagpapakamatay ni Kristina Moran
Malakas ang paghampas ng hangin, na nagagawa nitong tangayin ang may kahabaang buhok ng isang dalaga. Isang dalagang nakatingin sa malayo, tinatanaw ang sensitibo at malungkot na paglubog ng araw, malalim ang iniisip, habang hawak-hawak ang nangangalahati na niyang isang tangkay ng sigarilyong may sindi. Humithit muli siya ng isa, dahan-dahang nasunog ang dulo ng sigarilyo, nabawasan ang dami nito. Sandali pa ay bumuga na siya ng usok, at kasabay noon ay ang isang pagpatak ng luha sa kanan niyang mata, at pagbabalik ng sandamukal na malulungkot na alaala sa kanyang isipan. Sabi ng marami, kapag nabigo ka sa pag-ibig, puso lang daw ang malubhang masasaktan, ngunit iba ang pagkaka-alam ni Kristina. Iba. Nalaman niya ang kaalaman na ito batay na rin sa sarili at makatotohanan niyang karanasan. Sa malungkot niyang pagkahulog, o pagbagsak sa pag-ibig. Na hindi lang puso, kundi pati rin kaluluwa ang nadudurog sa isang tao kapag pag-ibig na ang nagiging suliranin. Ang kwento ni Kristina ay katulad lang ng madalas niyo na ring naririnig sa iba pang mga kwentong pang-kalungkutan. Pinaglaruan. Ginamit. Niloko. Ibinasura. Sinaktan. Ganoon naman kasi parati ang bawat istorya, halos pare-pareho sa simula at sa gitna; nagkakaiba-iba lang sa kahahantungan sa huli. At ang wakas ng kwento ni Kristina ay mapait. Pinunasan na lang niya ang luhang di niya kontrolado, di niya mapigilan, kaya patuloy pa ring dumadaloy sa kanyang pisngi. Pinilit niyang ngumiti, upang maibsan ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib, dahil na rin sa malubhang lungkot na kanyang nadarama. Pinilit niyang isipin ang mga masasayang alaala sa kanyang buhay. Subalit hindi na kayang magbigay ng makukulay na alaala ng kanyang isipan na tila nalugmok na sa kumunoy. Parang nauubos na ang isipan ni Kristina, inuubos ng pagkabigo, tulad ng sigarilyong kanyang hinihithit na sa kasalukuyan ay malapit na ring mamatayan ng sindi. Magdilim. Habang-buhay. Nang tuluyan nang maubos ang sigarilyo, ay huminto pa si Kristina, inisip pa niya kung handa na ba siya sa kanyang gagawin. Walang desisyon. Sa halip ay itinapon na lang niya ang upos ng sigarilyong hawak-hawak niya. Tinangay iyun ng hangin, at pagkatapos ay tuluyan ng nahulog sa isang napakalalim na bangin. Hanggang di na maabot ng tanaw ni Kristina ang nahulog na upos ng sigarilyo. Magpapakamatay si Kristina. Ngunit sa mga sandaling ito ay iniisip pa rin niya kung gagawin ba talaga niya ito. Dinungaw muli niya ang lalim ng bangin, at muli na namang umihip ang malakas at maginaw na hangin. Isang segundo lang at magagawa na niya ang pagpapatiwakal. Isang segundo lang, kung tatalon ba siya, o hindi. Isang segundo lang. At sa isang segundo na iyun nakasalalay ang kanyang buhay. Isang segundo mo lang gagawin, pero napaka-tagal pag-isipan kung ito ba ay iyong isasagawa. Sandali pa at dahan-dahan nang umatras si Kristina palayo sa bukana ng napakalalim na hukay. Mukhang napag-isip-isip niyang ayaw pa niyang lisanin ang daigdig. Dalawa o tatlong hakbang paatras, pero ang nakapagtataka ay nananatili pa ring nakatingin ang kanyang mga mata sa bangin. Hanggang walang anu-ano, ni walang pasabi, ay bigla siyang tumakbo, pa-abante, at lumundag, pahulog, sa kamatayan. Para siyang bumulusok sa tubig, pero iyun ay hangin. Para siyang lumilipad, pero ang totoo siya'y pabagsak. Para bang sa sandaling iyun ay muli niyang naramdaman na siya ay nabubuhay, pero ang nakakatawa ay patungo na siya ngayon sa kanyang pagkamatay. At isang metro na lang ang pagitan ng kanyang katawan sa isang napakalaking bato na kanyang babagsakan, kung saan siguradong ikawawasak ng kanyang katawan sa kanyang pagbagsak, nang maisipan ni Kristina na mali pala ang desisyon niyang pagtalon sa bangin. Nais pa pala niyang mabuhay. Nais pa pala niyang gawin ang ibang bagay na pinangarap niyang gawin. Nais pa pala niyang magpakatatag. Nais pa pala niyang makakita ng muling pag-sikat ng araw. Nais pa niyang makakilala ng ibang tao na maaari niyang mahalin at magmamahal rin sa kanya. Nais pa pala niya-- Blagag! At namatay na si Kristina Moran. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Hai kuligma. Musta naman jan.
Mejo nakarelate ako neto. Nung nagdaang buwan kasi ay kasagsagan ng mga atake ko halos araw-araw at may araw na 2 o mahigit akong atakehin. Sobrang hirap na all I wished was death, kesa maghirap ng ganun... Pero everytime din na ma-ok ako, parang ansarap pa din palang mabuhay. Na-appreciate na ang kahit mga maliliit na bagay na dati ay bale-wala lang sa akin, at lalo na ang pag-utilize ng time. Pag may dapat akong gawin, gagawin ko na agad un dahil baka maabutan na naman ng seizure at di ko na ulet magawa... Sometimes, ang problema ay nagiging "necessary" evil din sa buhay, if only to let it understand that afterall, life is still precious and the world, a beautiful place to live... :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories amazingboy, and 43 guests |