|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit (Chapter 17)
maikli lang tong update na to. hehe ;p
pasensya na. sana magustuhan niyo pa rin. yung susunod naman na chpter mahaba na uli! ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~~~~~~~` PREVIOUS CHAPTERS: tSaptEr nAmber wAn tSaptEr nAmEr tU(part1) tSapter nAmbEr tU(part2) tSaptEr nAmber tRi tSaptEr nAmber pOr tSaptEr nAmber pAyb tSaptEr nAmber siKs tSaptEr nAmber sEbEn tSaptEr nAmber eYt tSaptEr nAmber nAyn tSaptEr nAmber tEn tSaptEr nAmber eLebEn tSaptEr nAmber tWeLb tSaptEr nAmber tErtiN tSaptEr nAmber pOrtiN tSaptEr nAmber piPtiN tSaptEr nAmber siKstiN CHARACTERS: (NOTE: nakuha ko lang po sa friendster ang lahat ng mga pics na ginamit ko. kung kilala niyo man sila, paki-pm ako agad para ma-acknowledge sila ng maayos. thank you! )bong nadine mark liz brent love ANG PAGBABALIK (Bong’s pov) Ano ba yan? Anong petsa na hindi pa rin lumalabas si nadz ng dorm. Naku naman bagong taon na, dapat magbago na rin siya at pumasok na siya ng maaga. Pati tuloy ako male-late niyan e. E bakit ba ako nandito? Syempre gusto ko siyang makasabay at dahil namimiss ko na kasi siya. Haha matapos ko kasi siyang ihatid last year galing sa reunion naming ay hindi ko na uli siya nakita. Ngayon na lang. kaya naman excited na kong makita siya!! Ahahaha ai teka, ayan na ata yun.. aba, wala ata si liz. Kita mo nga naman, talagang umaayon saken ang tadhana!! Kaya naman dahan-dahan akong naglakad sa harapan niya. Kunwari hindi ko alam na andon siya. Nadz: hoy bong! wala akong naririnig! ![]() nadz: bong! nilingon ko siya at umarteng kunwari ay non ko lang siya nakita. bong: o sungit, bat andito ka pa? naku, late ka na naman. nadz: nagsalita ang hindi late. ano nga palang ginagawa mo dito? bong: a-ano kasi.. naku hindi ko napagandaan to ah.. ano nga bang isasagot ko? bong: galing ako dun.. tama. bumili kasi ako ng tinapay. nagugutom kasi ako. nadz: o asan na? penge ako. hindi pa ko kumakain e. bong: ubos na! haha sabi sayo gutom ako e. kinain ko na lahat! nadz: takaw mo. bong: sexy naman! nadz: yabang. naalala ko tuloy yung gabi ng reunion. pumasok ako sa kwarto nila at pareho lang kaming nakatuwalya! haha nadz: hoy bat tumatawa ka dyan? bong: wala. may naalala lang. suot mo pala yang regalo ko sayo. nadz: a oo. bagay kasi sa outfit ko ngayon. bong: e kung hindi pala bagay sa suot mo, hindi mo rin susuotin yan? nadz: siguro. hai naku. binabagay lang pala niya sa damit. tsk. tsk. e silver naman yun e. kahit saan bagay ang silver diba? hai naku.. bong: sige na nga. basta ingatan mo yan a. nadz: oo naman. may ibig sabihin ba tong susi na to? sasabihin ko ba? bong: wala. ano namang meaning niyan? pendant lang yan. nadz: naalala ko lang kasi na sabi mo na susi to ng isang bagay na imprtante sayo. bong: a wala yun. wag mo na lang pansinin yun. puyat lang siguro ako non. nadz: oohh.. i see. nakarating na rin kami ng room namin. buti na lang at wala pa yung prof namin. mark: o nadz, antagal mo ah. buti wala pa si prof. kumag na to. andito na pala. bong: dun ka na maupo sa likod nadz. mark: sorry dito siya laging umuupo sa harapan e. nadz: oo nga bong. sige punta ka na don. tsaka lagi kaming magkatabi nito ni mark. bong: ah ganun ba. o sige dito na lang rin ako mauupo sa harapan. hinila ko yung bakanteng desk na katabi ni nadz. kaya lang.. classmate: uhm, bong jan ako nakaupo. tiningnan ko yung upuan. oo nga. nandun yung bag niya. sabi ko nga may nakaupo don. bong: sige dun na lang ako sa likod. ayoko din naman umupo sa harapan. makakatulog lang ako jan. narinig kong may sinabi pa sila kaya lang hindi ko na yun pinansin. at umupo na lang ako dun sa dati kong desk katabi ni brent. brent: o pare, late ka ata ngayon. buti wala pa si prof. bong: buti na lang talaga. nakatingin naman ako dun sa harapan sa gawi nila mark at nadine. at dahil hindi naman kalakihan ang room namin, naririnig ko yung pinag-uusapan nila. mark: pasalubong? nagbilin ka ba? nadz: oo kaya. sus kinalimutan mo kong bilhan noh? kahit chocolate na lang. mark: sorry nadz. nwala sa utak ko kasi e. nadz: ayos lang. bwahahaha minus pogi points kay nadz yun! bwahahahaha mark: ito naman,di na mabiro. tapos may nilapag siyang garapon sa ibabaw ng desk ni nadz. mark: o para sayo. nadz: ano yan? ano kaya yun? hindi naman kasi transparent yung garapon kaya hindi malaman kung ano yung nasa loob nito. mark: snow yan. nadz: seryoso? mark: ahaha joke lang. andali mo namang maniwala. buksan mo na. e di binuksan na nga ni nadz. nadz: wow!! andaming chocolates! at iba't ibang klase pa! mark: okay ba? haha hinay hinay lang ah. baka tumaba ka. nadz: salamat mark! hindi ka lang gwapo, napakabait mo pa! haha sabay hampas niya sa balikat ng ungas na yun. kelangan talaga may ganun? bong: mas gwapo naman ako dyan noh.. brent: may sinasabi ka bong? bong: a wala. sabi ko nagugutom ako. tiningnan ko uli sina mark sa harapan. mark: may gagawin ka ba sa saturday nadz? nadz: saturday? uhm.. wala naman.bakit? shit. dont tell me.. mark: labas tayo. sabi ko na nga ba e. wag kang pumayag nadine! nadz: o sige ba. antagal ko na ring hindi nakakalabas e. mark: ai anjan na si prof. mamaya na lang natin pag-usapan. asar!!! (nadine's pov) andito ako sa cafeteria. iniisip ko yung sinabi ni mark kanina. niyaya niya kong lumabas. hindi naman siguro date yun. wala rin naman kasi siyang sinabing date yun e. o sige na nga. date na kung date. pero friendly date lang siguro. wala namang gusto saken yun e. tska mahirap nang mag-assume. mark: mag-isa ka ata. lumingon ako. andito pala sa mark. nadz: hindi naman. hinihintay ko lang si liz. mark: ah.. paupo ako a. nadz: bakit ngayon ka pa lang kumakain? diba ilang minutes na lang klase mo na? mark: oo nga. 10 minutes na lang. nadz: sige kain ka na. baka ma-late ka pa. mark: ayos lang. ikaw naman ang dahiLan e. nadz: kasalanan ko pa ganun? mark: hehehe hindi yun ang ibig kong sabihin. nakasama naman kita ngayon e. kaya ayos lang na ma-late ako. nadz: gutom lang yan. kung anu ano nang pinagsasasabi mo e. mark: sa totoo lang hindi naman ako gutom e. gusto lang kitang makasama. tapos tinitigan niya ko. naku naman.. mata pa lang ulam na. haha ako din busog na! haha mark: si bong pala, nanliligaw ba sayo yun? nagulat pa ko sa tinanong niya. nadz: hindi ah. bat naman ako liligawan non? mark: e bakit kasabay mo siya kaninang dumating? nadz: a yun ba? nagkataon lang yun, nagkasabay lang kami. mark: ah.. akala ko kasi nililigawan ka na niya at sinundo ka niya kanina sa dorm. tapos ngumiti lang siya.. mark: tuloy tayo sa sabado a. nadz: a-ano yun? mark: sabi ko sa sabado. wala nang bawian a! nadz: a oo naman. san ba tayo pupunta? mark: secret. haha bsta. tsaka may sasabihin rin pala ako. nadz: ano yun? mark: sa sabado na lang. nginitian niya uli ako. hindi ba to nangangalay kakangiti? naman! mark: a sige, una na ko. tatakbuhin ko pa yung math building e. sige bye! nadz: bye. nung nakaalis na siya, napatingin ako dun sa pagkaing binili niya. walang bawas. ni hindi nga nya ginalaw e. ibig sabihin gusto lang niya talaga kong makasama kanina... natapos na rin ang buong araw. grabe naman. kahit first day pa lang andami na agad pinagawa. liz: ui kumusta pasko? hindi ka naman ba natakot mag-isa dito? nadz: may ksama ako. liz: weh? sino? nadz: si bong. liz: si bong?! oh my god nadz!!! naku naman. itong si bestfriend, kung makatili daig pa ang sirena ng ambulansya! nadz: oo nga sabi. ksama ko siya. liz: anong ginawa niyo? kayo ah.. ambabata niyo pa.. nadz: itigil mo yang iniisip mo liz. kumain lang kami dito. tapos nagkwentuhan. tapos.. liz: tapos ano? nadz: nagsayaw kami. liz: nagparty kayo dito?! wow buti hindi kayo narinig sa baba. nadz: hindi ganung sayaw. yung.. slow dance ang ibig kong sabihin. liz: waa!!! ikaw nadine a! grabe! ang swerte mo naman kay bong! swerte? hindi rin! liz: nanliligaw ba yun sayo? nadz: hindi noh! bat parang lahat tinatanong ako niyan? liz: hindi? tingin ko kasi may gusto siya sayo e. nadz: ganun? imposible yun. lagi nga kong inaasar nun e. liz: dun nagsisimula yun. e si mark pala kumusta? nadz: ayos naman. a oo nga pala liz, aalis ako sa sabado a. liz: san ka pupunta? nadz: hindi ko alam kay mark. wala naman kasi siyang sinabi e. liz: kasama mo si mark? magde-date kayo? waaaa!!! nadz: oo kasama ko si mark. pero hindi date yun noh! liz: ganun na rin yun. sus! uy.. si nadine, dalaga na!! nadz: liz wag mo nga kong tingnan ng ganyan! nakakainis ka naman e! liz: ahaha sige sabi mo eh! ambilis lumipas ng mga araw. namalayan ko na lang.... sabado na pala... ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~~~~~ hehe sensya na walang kwenta tong post. hehe ang ikli pa. pramis mahaba na yung chap18! haha comment lang kayo a. kahit ano. ![]() i lab yu friends!
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
tor, di ata nafefeature si brent?
![]()
lalaladeedah
•reply
Jan-13-09@7:49PM
oo nga e. nahihirapan kasi akong ilagay sila sa eksena. pati nga si liz e.
hehehe pero sige gawan ko ng paraan. haha
kabitin
![]() gandaaaaaa akin na lang c fafa bong..ayaw nman ni nadz eh ![]()
idol pa rin kita
kahit short sya... haha. basta.. update soon ha! mygulay. `di alam ni nadz na bong's making ligaw to her? ano ba? haha. sakin na lang kasi sya eh! next na ms.author!!!!!!!
lalaladeedah
•reply
Jan-13-09@7:51PM
ahaha hindi naman talaga nanliligaw si bong kay nadz.. haha
abangan natin ang mangyayari sa next episode!! haha naeexcite na ko ipost!!
ang iksi nga otor...
pero okei lang..aasahan ko promise mu n sooooooooooooooooooooooooooooooppee er haba ng next chapter otor huh..lab yah otor! ![]()
lalaladeedah
•reply
Jan-13-09@7:53PM
sige sige.
pero hindi naman sooooooooooooooooooooooooooooooppee r haba yun.. soooooooooooooopper haba lang. ahaha labs yu tu!
Ay... gaganda at wafu ng mga characters mo.
Bat di mo sinali pic q? Hi lala... papansin lang. ![]()
lalaladeedah
•reply
Jan-13-09@7:55PM
ui kuya binabasa mo pala ito! hahaha astig
![]() pic mo? sa next story ko.. hahaha pag-isipan ko muna!
idolkosisir2
•reply
Jan-14-09@7:58PM
yup, kaso di ko nasundan lahat dhil sa bawal sakin ang magbabad sa net.
nakaka-inlab no?! hahaha
lalaladeedah
•reply
Jan-13-09@7:54PM
i mean si bong! shit ang gwapo nia!! haha
reply to dapat kay imsoo_hurt hehe
hehehe... anong ang ikli at wlang kwnta?
ang cute nga ng kwnto eh... kkakilig prin... hehehe.. tnx ulet iDoL oToR ![]()
lalaladeedah
•reply
Jan-14-09@1:23PM
salamat! haha ang ikli kasi ng pagkakagawa nitong chapter na to e.
dibale yung next naman hinabaan ko na e.hehe
more more!
![]() author talangbuhay mo ba to? ![]()
lalaladeedah
•reply
Jan-14-09@1:26PM
hindi a.haha
pero yung ibang eksena dito nangyari saken sa totoong buhay. medyo ni-modify ko nga lang ![]() ahaha
nAstYgirLiE
•reply
Jan-18-09@3:10AM
alin alin? yung sa classroom,, nagkatagos si nadine?? haha! dyahe un ..
lalaladeedah
•reply
Jan-20-09@6:47AM
yung sumayaw kami nung ex ko gamit, tapos ung tugtog namin galing sa mp3 niya.. tapos meron pa.. pero hindi ko na sasabihin.. haha secret na yung iba!
.. nice.. update it naman as soon as possible.. ang ganda na ng chapter.. oks lng khit wa kwenta tong chapter bsta may update!! hehe.. kaka adik tong fiction na to.. almost reality na.. wahahha xD
![]()
lalaladeedah
•reply
Jan-14-09@1:28PM
haha medyo nangyari kasi yung iba dito saken e. haha
pero karamihan naman ng eksena dito gawa gawa lamang ng aking makulit na pag-iisip. haha
lalaladeedah
•reply
Jan-14-09@1:29PM
salamat sa patuloy na pagsubaybay nito at sa walang sawang pagbabasa! haha
kelangan talaga tagalog e noh?! haha tenk yu sow mats!
sana ganyan din ang lab stori ko..
![]()
lalaladeedah
•reply
Jan-15-09@3:27PM
who knows?
malay mo in the near future maging katulad ka din ni nadz!
tgal n nitong post n 2 anyway mgccmment pdn aq, ganda po ng story haha, pro srap batukan ni nadz may kissing scene n nga n nngya2ri 2 times pa d prin magets
![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77643)Arts & Entertainment(7997) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11235) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) iM_urZ, diewithme, G_girl, Brooke27, torpe5626, catherine_katie, Laiideechuii, and 40 guests |