tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
WISH GRANTED! 2//18
posted by (Dec 28, 2008 @ 4:13AM) views: 430
Previously: http://www.tristancafe.com/forum/165761



CHAPTER 18


“May falling star sana, para mahiling kong sabihin mo saakin na mahal mo rin ako.”

“Eh s-si andrea?” tanong ko. Pinilit kong gisingin yung dugo ko kahit medyo inaantok-antok na ako.
“Please. Ayoko siyang pag-usapan.”
“Kaya mahirap na akong maniwala na mahal mo ako dahil alam kong may girlfriend ka Russell.” Hinarap ko siya.
“Kaya ko lang naman siya pinatulan dahil-” natigilan siya.
“dahil?”
Napabuntong hininga siya. “Hindi mo maiintindihan Justine. Komplikado.”
“Pwes, iintindihin ko!”
“Justine please…magtiwala ka muna saakin. Ok? Pero eto ang tandaan mo, totoo yung sinabi kong mahal kita. Swear to God. Promise. Kahit kunin na ako ni God ngayon.” Tapos biglang nanghina yung boses niya. “Kahit kunin na nila ako ngayon.”
“Ano? Nila? Sino?” : c o n f u s e d :  Akala niya hindi ko yun narinig ha.
“W-wala..”
“Anung wala? Narinig kong bumulong ka.”
“Wala nga yun Justine.”
“Ako pang lolokohin mo. Alam mo feeling ko madami kang nililihim saakin eh. Sabi mo magiwala muna ako sa’yo. Eh sakin di ka makapagtiwala? O c’mon Russell. Ikaw na rin ang nagsabi, we’ve been good friends, even bestfriends then. ngayon ka pa maglilihim.”
“Sorry Justine. I really can’t. Kahit gusto ko man.”
“Alam mo, wish ko din may falling star para mahiling kong mag-open up ka naman saakin!” babangon na sana ako para bumalik ng cottage, tutal, wala na tong patutunguhan, at grabe na ang antok ko, babagsak na ang mga mata ko. Pero bago pa man ako makabangon ay bigla ko na lang naramdaman na niyakap niya ako.
“Wag ka munang aalis..please. please… Justine.. I love you. Mahal kita. Wag mo ko iwan..please. Dito ka lang”
“Russell, wag ka ngang childish! kelangan na nating bumalik dun… ilang oras na lang aaraw na.”
“Ayaw.” Tipid na sagot niya at lalo pang humigpit ang yakap niya.
“Russ-”
“Ayaw, Ayaw, Ayaw.”
“Anu ba-” pinilit ko pa rin magpumiglas kahit antok na antok na ako.
“Dito ka lang muna please. Wag mo ako iwan…I love you Justine. Ayoko nang sayangin pa ulit ‘tong pagkakataon na kasama na kita. Lalo na’t ngayong nsasabi ko na ang nararamaman ko” Lalo pang humigpit ang yakap niya, tapos bumulong siya. “Dito ka muna please…hindi kita gagahasain, promise.”
…..

Minulat ko ang mga mata ko. Agad naman akong nasilaw sa sinag ng araw… grabe umaga nap ala. Tinignan ko ang paligid, nasa cottage ako. “ha?! Cottage? Bakit nasa cottage ako?!” Agad akong bumangon. Ang huli kong naalala ay kausap ko si Russell kagabi sa tabing dagat!

“O gising ka na pala Justine. Tulog mantika ka nga talaga. Good morning.” Bati saakin ni ate Bianca habang papasok siya ng kwarto at kinukuha yung mga hinanger naming mga damit kagabi dun sa likod ng pintuan. Basa siya. “Hindi ka naming magising-gising kanina dahil pinagbawalan kami ni rui, baka daw kasi magkaworld war 3. hahahaha. Nakakatakot ka daw gisingin pag masarap ang tulog mo.”
“ganun ba, edi d-dito ako natulog sa cottage?” kabado kong tanong.
“Oo naman!” singit ni kylie habang papasok sa kwarto, basa rin siya, malamang kakaligo sa dagat. San pa ba? Ano ba Justine… tulog pa ata ang utak mo.”
Aww… shit. Don’t tell me panaginip lang ulit lahat ng iyon?!! Arrrrrggggghh. Nakakainis!!! : s a b u n o t : 
“O? ba’t ganyan reaksyon mo, are you suppose to sleep somewhere else?” naguguluhang tanong ni ate bianca Tapos nung nagising ako, at lalabas na ay napansin kong di naka-lock yung pinto.”naguguluhang si Ate Bianca.
“Hay naku si Justine talaga…! at magpagpag ka muna bestfriend…nagmumukha ng construction site yang higaan mo, panay buhangin! Pati yang katawan mo. Ano bang nangyayari sa’yo? Nagpagulung-gulong ka ba sa dalampasigan bago ka natulog?” Parang may kumurot saakin nang marinig ko yun. Agad akong napatingin sa higaan ko, Oo nga, may mga traces ng mga buhangin, pati mga kamay, braso, legs at paa ko. Ewan ko ba pero napapangisi ako. : g r i n :  Hindi ko maintindihan kung papano yun nangyari pero sobrang saya ko.
“O? nakangiti ka dyan? Ate Bianca, nananaginip pa yata ito.” : s h r u g : 
“Eto na…aayusin na…” : n a u g h t y :  Habang inaayos ko yung pinaghigaan ko ay nag-iimagine ako. Binuhat kaya niya ako papunta dito? Wala naman akong matandaan na naglakad ako, ang huli kong natandaan ay kayakap niya ako. Hay kinikilig naman ako. weee.. : b l u s h : 

Tinignan ko yung orasan ko at mag-aalas diyes na.
“may balak ka pa bang maligo sa beach?” tanong ni kylie. “Before lunch pa naman tayo aalis.”
“ah eh..di na muna siguro… mag sisight-seing na lang ako.”
“okey.. balik na muna kami dun ha..”
“sure.. enjoy!” pero gumugulo pa rin sa isip ko yung nangyari kagabi. May doubts pa rin ako. napaisip ako, hindi sapat na ebidensiya yung buhangin. Pero…! Panu naman ngyari yun eh banig naman ang hinihigaan ko, at elevated naman yung cottage kaya malabong hinangin lang sakin at dumikit sa katawan ko ang lahat ng iyon. Edi sana meron na rin kina kylie.

Naglakad-lakad muna ako. Sa di kalayuan ay narinig kong nag-uusap si Gabriel, Ashley at Alvin malapit sa cottage nila. (pasensya na, eh sa malakas din ang mga boses nila eh. : g r i n : ) agad din akong nagtao sa likod ng coconut tree.
“Hay naku…ang kulit talaga ni Andrea! Sabi na ngang mahirap gisingin yang si Russell eh!Nakakairita na.” sabi ni andrea.
“hay naku Ashley..ba’t ba ang init ng dugo mo ke Andrea? Dati din man ganyan ah?” tanong ni Alvin
“tsk..basta.. hay naku sabi na ngang wag piliting bumangon si Russell, bahala yang andrea na yan kung mainit ang ulo ni Russell paggising.”
“Onga, nagtataka nga ako diyan e. Minsan nga nauuna pang maggising yan kesa satin.”
“Oo nga noh? Bakit ba parang sobrang puyat yan? Kung di ako nagkakamali eh alas-dos pa lang nandito na kaming mga boys sa kwarto namin, at matutulog na. Nakatakip nga nang unan yung mga tenga naming dahil sa malakas pa rin yung soundsystem dyan.” Sabi naman ni Gab.
“Oo kaya..pati rin kami ni Andrea. Eh baka nga tulog na kami nun Sobrang pagod kasi.”
“At mga dudes…amoy alak kaya siya.” Sabi ni Alvin, na parang nagyayabang pa.
“gagu… lahat naman tayo uminom.”
“anu ka ba gab, ‘sang bote lang naman yun, at lite pa! katusan kita dyan eh! Hindi naman yun mangngamoy ng ganyan kung yun lang!”

Naku! Edi proven na! talagang totoo yung mga nangyari kagabi! No doubts na! Naputol ang usapan nila nung marinig nila ang nakakarinding boses ni andrea, tapos bumukas yung pinto. “Eh ba’t mo ba kasi ako ginigising?! Pwede naming mamaya na lang, eleven-thirty pa naman tayo due dito!” narinig ko pang sinabi ni Russell. Naku pareho nga talaga kami mainitin ang ulo paggising sa umaga, lalo na pag puyat. Eh lalo naman kasi ganun yung manggigising sayo! Hahaha…
Tumambad sa harap nila si Russell. Bagong-gising look. Gulo-gulo yung buhok at ang lalim ng mga mata, kung di ako nagkakamali ay medyo namumula din.
“O?” tipid at medyo naiiritang tanong niya sa tatlo. Sabay taas-kilay
“uyy pare good morning! Mukhang puyat na puyat ka ah?” pampalusot na bati ni Alvin.
Focus pa ako sa pakikinig nang Makita kong papalapit si Russell dito sa kinatatayuan ko. Baka magtatapon ng basura, isang yarda lang ang layo ng basurahan dito eh. Naku, kelangan ko ng umalis!
……….

Naglalakad-lakad muna ako sa tabing dagat, wala naman akong makitang bakas nung kagabi. Paglingon ko sa paligid ay nakita ko yung mga nagttrabaho ditto sa resort na nagwawalis at nililinis yung paligid. Kaya pala eh. Baka nawalis na yung bakas ng lupa na hinigaan naming kagabi. O baka inalon na rin. Pero sana wish ko lang talaga hindi siya lasing nun, at sana kausapin din niya ako ng ganun katagal tuwing magkakasama kaming magbabarkada, hindi lang kung dalaw lang kami o kung madilim lang.

Hinanap ko yung CR, medyo malayo-layo na rin sa cottage yung nakita ko, malapit na sa edge ng resort. di ko naman alam nandun din pala siya! Alam kong siya yun! Nakatalikod at naghihilamos. Sana di niya ako nakita…sana di niya ako nakita! : p r a y :  Dali-dali na akong pumasok sa loob ng Ladies room ng biglang may humablot sa braso ko. : d e a d n a n a : 
“iniiwasan mo ba ako?” tanong niya habang hinihila niya ako papunta sa labas.
“h-hindi ah.” Bakit ganito?! Akala ko ba gusto kong kausapin niya ako tapos ngayon parang kinakabahan naman ako at gusto ko ng umalis.
Ngumiti siya, nakita ko nanaman ang ‘perfect set of teeth’ niya na agad naman nasinagan ng araw. Hay ang gwapo talaga… Tinitigan ko ang mukha niya, mamula-mula pa rin ang pisngi niya dahil siguro sa alak, tapos ang ganda ng effect nung gulo-gulo yung buhok niya…lalong gumwapo.
“Ang sarap ng tulog mo, buti di ka nagtulo-laway nung nakasandal ka sa balikat ko. Hehehehe.”
Nararamdaman ko ng namula ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon. “N-nakatulog akong katabi kita?”
“oo naman. Ang ganda mo lalo pag natutulog ka…” Tapos matagal niya akong tinitigan na parang binabasa niya ang mga reaksyon ko. “wait wait… baka iba yang iniisip mo. Hindi ako nagtake-advantage ah”
“Hindi naman yun yung iniisip ko eh. Ang iniisip ko ay panu ako nakabalik ng cottage.” Binuhat kaya niya ako? : b l u s h : 
“of course, binuhat kita.” Sabay hawak niya sa pisngi ko. “alangan naman iwan kita dun.
“ah..” bumitaw ako mula sa pagkakahawak niya. “akala ko nananaginip lang ako.”
“Totoo lahat iyon. Pati yung mga sinabi ko sayo Justine.”
“sana nga.. kasi its so good to be true.”
“yes, it’s definitely true. 100%”
“Well..” nahihiya kong sagot.
“Well, what? Wishing Well?” tanung niya, na ewan ko kung namimilosopo. halata sa mukha niya na na-confuse siya sa response ko. Eh wala akong masabi.. well. haha.
“eh si…” oh. Diko na natapos ang sasabihin ko kasi sumingit siya.
“Nevermind her, hayyy call me rude but honestly, I wish I could get her out of the scene. Right now.” Sabay kamot niya sa ulo.
Napangiti lang ako ng bahagya.
“Ano yang ngiting yan? Napaka-misterioso.”
“This is so Wrong.” Sabi ko sabay-iling.
“Yup. So Wrong but feels so right.” Sabi niya tapos hinawakan niya ang kamay ko.
“sooo…” pinutol ko ang melancholic atmosphere. “So, what are you planning now?”
“I’m still gonna wait for the falling star.” Tapos lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “I love you.”

…..

Mag-aalas-dose na nung naka-ready na kaming umalis, nagbayad na rin ng dues si kuya Rui. Dun kami sasakay sa Van nila Mikel, and FORTUNATELY, dun din pala sila Russell, maluwag pa naman kasi at wala na sila Migz, lester, Gerard at Vince…Oo nga, asan na kaya yung mga yun?

Teka teka.. UNFORTUNATELY, nga pala, bago ko malimutan, edi kasabay din pala si Andrea. : h m m : 

Nagsimula na kaming sumakay sa van. Sa harap si Mikel (driver) at katabi niya si Kuya Rui.
Sa susunod na row, Si ate Bianca, Kylie tas ako.. Yung pinaka Last Row, nandun yung mga gamit, kaya walang makakaupo dun. Hinihintay na lang naming dumating sila Russell, maya-maya pa’y nandyan na sila. Nauna si Gab,tapos si Alvin, then si Ashley. Nung paparating na si Russell ay parang hindi siya makatingin sa akin. Para naman akong nakuryente nung nasagi niya yung braso ko. And last but the least, dumating na si andrea. With all the shades and everything. Natatawa ako kasi parang pupunta kaming beach, eh actually papaalis na. : l o l : 

“Naku..Andrea, mukhang masikip na silang apat dun. Tsk tsk tsk..” sabi ni mikel na parang may pagka-sarcastic, habang nakatayo si andrea sa tabi ng pintuan, (sa tabi ko rin)
“ano?!”
Nagsalita si Ate Bianca, “Meron pa naman space dito, tatatlo lang kami.” Pa-concern yung boses niya, “Justine, usog ka nga.” Tas nag-: s m i l e :  si ate.
“Ano, diyan?!” ano bang klaseng reaksyon un, ano ako may ketong na bawal niyang tabihan?!
“Kung gusto mo dun ka na lang sa last row, dun sa mga gamit, tutal mukhang may space pa, pero goodluck na lang.” Gago talaga yun. Tas bumaling siya kay Russell. “Pare, paraanin mo siya, alis ka muna dyan sa folding chair. Magpapagasolina pa tayo, paki bilis please.”
“sige…sige, wag na, wag na…dito na ako.” tas tumabi siya sakin, pero dumidistansya pa rin. “Tsk, ano ba namang byahe to, byaheng impierno!” parinig pa niya, ewan ko lang kung narinig nung iba. Di ko na pinatulan. Nakakahiya siya, nasalikod lang namin si russell ganun ang asta niya.

….

Kinabukasan, parang wala lang din. Normal na araw pa rin. Gaya ng dati ang mga ngyayari. Gising, kain, nood tv, kain, hugas plato, ligo, punta kina kylie, kain, uwi, kain. (nyek, parang ang daming “kain”; ) 
………………………………

Kinabukasan, late ako nagising, 10am na. Halos walang tao sa bahay, busy lahat, may sari-sariling mundo.. Si nanay aning, nagluluto sa kusina, Si Charisse, busy nanonood ng barney, Si kuya Erickson, nasagarahe, inaayos yung makina, Si kuya Raphael, wala, toka sa restorant.

“O Russell, gising ka nap ala! Good morning!” bati ni nanay aning. “nga pala iho, may sulat ka riyan, pinatong ko sa table. Kaso walang return address eh.”
Tinungo ko yung table. Pagtingin ko… “to: Anita Consuelo-Olivarez””
“nay. Sayo naman po ito ah..”
“iho, dalawa kaya yan, yung isa yung sayo.”
“ah..oo nga po.” Pagtingin ko ay dalawa nga, nasa maliit na sobre yung akin, at walang return address.
Ha? Sino naman kaya yun. Tapos bigla akong kinabahan habang binubuksan ko yung sulat.

+__________________________________ ____________________________+

Russell,

Naiinip na kami..sobra.

P.S. May utang ka pa nga pala sa grupo na 8thou. Pay asap. Or else…
… pare alam namin ang cellphone number ni Justine, at by the way, madaling namang mauto si Charisse.

Pero pwede pang magbago isip namin dyan sa pera, pati na rin dyan sa dalawang babae, kung babalik ka.

Sincerely,
M
+__________________________________ ____________________________+

Shit. Oo pala yung 8thou. Inutang ko pandagdag sa electric guitar at ampli na binili ko noon.
Shit. Gaguhan talaga gusto niya? Sinali pa talaga si Justine at Charisse. Punyeta. Gumagawa talaga sila ng paraan para bumalik ako.

“Iho, namumutla ka yata?”
“Wala po ito, umm..kelan pa po i-ito dumating?”
“di ako sigurado iho, pero paggising ko kaninang alas-siyete, nandiyan nay an sa mailbox.”
….

Kailangan kong mag-isip ng paraan…teka, andami ko pa lang dapat gawan ng paraan. Saan ako kukuha ng 8thou? Di kasya yung napanalunan naming. Tsaka para yun sa banda, anu ba! Ayokong maupo lang ditto. Ang asap ay asap. AS SOON AS POSSIBLE. Tapos si Justine, sana naman sundin niya yung payo ko na wag nang pupunta-punta kina migz. Hay nako! Si charisse naman, basta wag ko nang palabasin ng bahay mag-isa.

8thou 8thou… argghh! Sa ATM ko? May laman pa ba? Oh shet. P2000 na lang pala, pero atlis meron. Daming nagastos sa BoB eh. Dibale, 6,000 na lang. Sanla ko kaya cp ko? Tsk, palpak un, panu kung di ako makontact nila mama, magdududa sila. Teka, pwede ko namng sabihing nanakaw? Tsk, wag, ipapablater nila. Baka mailead pa sa pagkabuking ko diyan sa tangnang frat nay an. Utang kaya muna ako kay kuya? Naku naku… magtatanong yun, tapos kukunsulta pa muna kay papa. Syempre di papayag si papa kung walang valid reason. Teka, no harm in trying, close naman kami ni kuya, pakiusapan ko na lang na wag sabihin kay papa.

Naabutan ko siyang nagkukut-kot ng kung anu-ano sa makina ng SUV namin.
“k-kuya…pwede humiram ng pera? Babayaran ko rin.”
“ahh.. pasensya na ha, pinambili ko ng mga ek-ek dito sa sasakyan eh. Magkano ba kelangan mo?”
“ah eh..kuya, mga anim na libo. magkano ba yung pwede?”
“check mo wallet ko, may 3 thousand pa ata. Saan mo naman gagamitin ang 6 thou?”
“may kelangan lang bayaran kuya. Anyway salamat!”
“walang anuman, pasensya nay un lang kasi ang natira eh.”
“sige kuya, ayos lang yun. Salamat! Malaking bagay ang 3 thousand.”

Ayun 3 thou na lang. I mean, 3 thou pa. I need money badly! : s a b u n o t : 
………….

Nakapagtataka, buong araw ay text ng text si Migz, niyaya ako sa bahay nila, ewan ko ba dun, may party daw. Eh sakto magkakasama kami nila kylie at mikel, ayaw nila akong paalisin, kaya din a ako nagpunta. Nagtext ulit, kinukulit akong ipahiram yung video na nakuha ni kuya Rui sa performance naming, bigay ko daw sa kanya sa bahay nila. Eh sakto wala si kuya Rui, may pinuntahan sila ni ate Bianca. Tas nagtext ulit matapos ang isang oras, nangungulit, naiwan ko daw gitara ko. Ay oo pala, kaso magdidilim na, next time ko na kunin.

Kinagabihan, tumambay muna ako sa terrace naming, may ilaw naman. Hindi pa ako makatulog kahit magaalas-onse na. hay naku. Andami kasing pumapasok sa utak ko, hindi na rin nagpaparamdam si lester at nakatatak pa sa ala-ala ko yung mga sinabi saakin ni Russell. Eh panu kung sinabi ko ding mahal ko siya? Na alam kong totoo naman. Dito na lang muna siguro ako, magmumuni-muni… at ang dami palang bituin. Hayy… makapag-abang nga ng falling star. : b l u s h : 
……………

Nagbisikleta ako papunta kina Justine, para icheck kung OK siya. Buong araw ko siyang hindi nakita, at super namimiss ko na siya. Naabutan ko namang nasa terrace siya. Hay..buti naman. Di pa rin ako makapaniwalang nasabi ko na sa kanya lahat. Ay, actually, hindi pa naman lahat. Pero atlis nasabi ko na ang nararamdaman ko.

Naalala ko ulit yang 8 thousand. San pa kaya ako makakakuha ng 3 thousand? Tumambay muna ako sa lugar na di niya ako makikita. Hihintayin ko na lang na pumasok siya sa loob.
….

Kinabukasan ay dehado pa rin ako dahil sa lecheng 3 thousand pang kulang. Halos di ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip kung paano at saan ako kukuha. Mag-aalas dose na pero di pa rin ako makabangon dahil andaming pumapasok sa isip ko. ASAP? Hanggang kelan ba ang asap nila? Pano kung mainip na sila? Eh pano kung di ako bumalik? Patuloy pa rin kaya nila kaming ggambalain? Takutin ko rin kaya sila?

Teka, yung pera muna ang prblemahin ko, kasi baka sakaling magbago ang isip nila, tama! Tapos magpe-peace talk na lang kami para din a nila kami gambalin. Bale kung ayaw nila ng peace talk, magsiraan na lang kami. Aaminin ko na kina Justine at sa barkada lahat tungkol sa nakaraan ko, pati sa pamilya ko, para malaman na nila mula sakin, bago pa ako masiraan ni migz. Madami akong panlaban sa kanila, yung salvage, yung mga gangwars. kahit matagal na akong wala at inactive sa grupo nila, marami akong maisusupply na impormasyon at ebidensya sa mga pulis.

Magnakaw kaya ako? para mabayaran ko na yang utang ko, kesa naman bumalik ako sa grupo nila. Eh kuha kaya muna ako sa pera dun sa vault, tapos palitan ko na lang? NICE! Bat ngayon ko lang to naisip!

Agad-agad kong tinungo ang kwarto nila papa, pumunta sa may vault at inenter ang 8-digit code na password. Bumukas naman ito. As usual, ang daming mga papel. Asan nab a yung pera? Habang hinahanap ko yung pera ay nacurious ako kung ano yung mga papeles na yun. Hehehhe… Just a peek. : g r i n : 

Binasa ko ang mga iba, at yung iba ay pahapyaw lang, ang daming nakasulat eh. Titulo, business stuffs, at kung ano-ano pa…..at ano to? Binasa ko ang mga nakasulat. ADOPTION PAPERS?
.....................

feel free to comment. positive or negative. thanks sa magbabasa..
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Pamela Garcia Mystery
older post:
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit (Chapter 14)

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
angeleyez89    •reply Dec 28, 2008 @ 4:23 AM
 
yes! yes!
Hahab0l ako, hindi ko pa tap0s yung chapter 17 eh. : b l u s h : 
  dEaThAnGeL_MaRa19    •reply    Dec-28-08@4:32AM
Hehehhe... cge po.. : b l u s h : 
Moohta    •reply Dec 28, 2008 @ 7:32 AM
 
Shet!
baka ampon si russell.
0_0


: g a l e n g : 
=]
yingying    •reply Jan 2, 2009 @ 6:52 AM
 
: b o o k : 
dEaThAnGeL_MaRa19    •reply Jan 4, 2009 @ 5:37 AM
 
: c r y :  panu ko kaya to dudugtungan.. waaaaaaah problema nanaman. : c r y :  : c r y : 
xOangelindisguiseOx    •reply Jan 15, 2009 @ 6:56 AM
 
wuhoo !

exciting. : c h e e r : 

go! go ! go ! ; ) 

sorry now lan ulet yung comment cu.

thanks author. waiting for the next one : g r i n : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Pamela Garcia Mystery
older post:
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit (Chapter 14)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
It breaks your heart to see the one you love is happy with someone else, but it's more painful to know that the one you love is unhappy with you.

You need to be logged in to Facebook