|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Love & Intimacy
mabuting anak?
paano ba mo ba masasabing isa kang mabuting anak?
ako? hindi ako mabuting kapatid hindi ako mabuting kasintahan hindi ako mabuting kaibigan hindi ako mabuting magaaral hindi ako mabuting tao pero ni minsan hindi ko inisip na hindi ako mabuting anak... mayabang ba? lahat ng pagunawa bilang isang anak nabigay ko na di ko din alam paano mo ba masasabing isa kang mabuting anak? Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
kasi ganito un
di ko alam paano uumpisahan ayokong maging one sided lang na sarili ko lang yung magiging bida at sila ay kontrabida ang dating alam nyo yun? sabi ko sa sarili ko lahat ng kaya kong ibigay sa kanila ibibigay ko...pero para kasing wala sakanila yun di nila iniisip na tumatanda na ako na may sarili din akong pangangailangan sa buhay...wala pa nga akong anak pero... di ko talaga alam...
DEMO
•reply
Dec-18-08@8:50AM
no need to explain bud, i too am in the same boat as you are. my mom is the primary antogonist in our problem when it comes to financial issue. big issue ng mama ko ang pera so i can relate to your problem.
daftmanta
•reply
Dec-18-08@8:53AM
oo tama mama ko din ang utak ng himagsikan.
alam ko namang gipit ngayon di na nga nya kayang ibalik yung pera ang dami nya pang sinasabi.. at yung mga nangyayari sa bahay sinisisi saken na parang ang labas eh malas nga ako... at nakakabadtrip yun diba aalis muna ako sa bahay baka sakaling lumuwag-luwag sila...tutal yun naman sinasabi nila di nga lang directa pera di naman ako tanga na di ko maramdaman yun hindi na nga ako umiimik tinitira pa rin ako sino ba namang gago ang di sasagot dun... tangna
DEMO
•reply
Dec-18-08@9:24AM
hirap nga ang me ganun mentality na nanay, kagaya ko kung iisipin siguro ako ang isasakripisyo niya maliban sa kapatid ko sa pinas. pagdating sa pera kailangan naka prompt yan siya kagaya nung nanghiram siya sa akin ng pera para ipadala sa pinas na di ko kaagad na ibigay. biroin mo nagdadabog at nagpaparinig, kung ikaw manghiram ganun ba ang iaasal mo sa hihiraman mo? hindi di ba? nakakainis pero di na ako nagsalita umalis nalnag ako at kumuha ng pera para matahimik siya.
haayyy nanay talaga.
..hindi ko rin alam.. tingin nila sakin masama din akong bata.. me pagkasadista daw kasi ako.. mean.. haha.. pero alam ko naman sa sarili ko, mabuti ako..ako ang mas nakakakilala sa sarili ko..sila lang kasi.. hindi nila naaapreciate yung mga bagay na ginagawa ko para sa kanila..
..tinitignan nila yung mga pagkakamali mo.. dun nila binabase ang pagkatao mo.. to hell with them.. paki ko ba sa sinasabi nila..damet ![]()
daftmanta
•reply
Dec-18-08@8:55AM
na parang di ka nila anak
na di ka nila nakasama sabagay halos kalahati ng buhay ko di ko naman talaga sila kasama dahil dun ako sa lolo ko halos lumaki at wala ng ibang mabait sakanya kung di ang iba kung mabubuting kapatid na wala ng ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo nya buti nga di ako yung anak na tipong tinutubos nila sa kulungan eh
daftmanta
•reply
Dec-18-08@8:56AM
ano kaya kung maging ganun na lang ako baka sakaling bumait sila saken
kasi pag mabait ka sakanila sinasalbahe ka eh at dinadamay pa ung mga taong malapit saken nak ng pota naman
Bawa't tao ay may kanya-kanyang basehan para matawag na isang mabuting anak ang isang tao ....
NOON ako ay isang anak lamang ... sa aking pang-unawa ng pagiging mabuting anak ay .... Kapag masunurin kang anak .... kapag mapagbigay ka at mabait .... kapag nagawa mong matapos ang pag-aaral mo ng walang problema ... kapag nagawa mong suportahan financially ang iyong magulang ... kapag nabigyan mo sila ng panahon sa bawa't araw ... kapag minahal mo sila ng walang limitasyon ... kapag lagi kang nakaalalay sa kanila hanggang sa katandaan .... at marami pang magagandang bagay na nagdudulot sa kanila ng kaligayahan ... LAHAT ng ito ay pwedeng magsabing isa kang mabuting anak .... Ngunit ngayon ako ay isang magulang na ... narealize ko na ang pagiging mabuting anak ay HINDI lang ibinabase sa mga magagandang bagay na ibinibigay o ginagawa ng isang anak para sa kanyang magulang ... kundi nasa mga simpleng bagay na nagdudulot ng ngiti at saya sa puso ko bilang isang magulang ... kapag nakikita kong natutunan nyang iangkop sa kanyang buhay ang aking ginawang paghubog sa kanya ... kapag nakikita ko syang marunong bumangon matapos syang madapa ... kapag nakikita ko syang marunong magmahal at magpahalaga sa kanyang kapwa ... nasasabi ko sa sarili ko na maswerte ako dahil nagkarun ako ng isang mabuting anak .... Pero sa totoo lang bilang ina ... maging mali man sya o tama ... sa aking puso mananatili pa din syang isang mabuting anak dahil mahal ko sya...
kahit kailangan di man lang sumagi sa utak ko na maging isang mabuting anak...maging isang anak pwede pa.
ang mga anak daw kayang tikisin ang magulang pero ang magulang partikular ang isang INA ay HINDI. kung pera ang ugat ng tanong mo...para masabi mong naging isang mabuti kang anak o masama...sabi ko sau Tol...pera man o hindi...anak ka man o hindi...ganyan man ang pagkatao mo o hindi...CHOICE mo yan...hindi daw magmo-move ang isang bagay kung di gagamitan ng FORCE...eh bakit may tinatawag na EQUILIBRIUM??? matalino ka kaya lang isa kang MABUTING ANAK. dumaan lang baka kc bukas patay na aq...mahal kita Tol walang PERO dahil KAILANGAN ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77643)Arts & Entertainment(7997) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11235) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) lilzupladitah20, cptnoname, diewithme, anonsenselove, G_girl, catherine_katie, angelbambi, Laiideechuii, fruitsoda, faded_jaded, mhelaisky, and 50 guests |