tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
PASAWAY
posted by (Dec 02, 2008 @ 1:10PM) views: 202
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24

pagkatapos halikan ang isa't-isa pumasok na ng bahay si lea at naiwan si jecht na walang nagawa kungdi pagmasdan na umalis ang taong minahal nya sa unang pagkakataon.

"tara na jecht umuwi na tayo!" aya ni nanette na naging saksi sa lahat

hindi kumibo si jecht sa halip ay naupo ito sa gater ng kalsada na malapit sa bahay nila lea.

gustong ipaglaban ni jecht ang pag-iibigan nila ni lea pero paano? napakabata pa nila at kailangan pa nila ng magulang para lang mabuhay. kung bibitaw sya para nya na din inamin na wala syang kwenta at kung lalaban sya di nya alam kung paano! gulong-gulo ang utak ni jecht, sa mga oras na iyon isa lang ang alam nya di nya kayang mawala si lea sa kanya.

"hoy jecht ano ba! alam ko masakit para sayo ang lahat pero...." biglang naputol ang sinasabi ni nanette

"tara na umuwi na tayo" tumayo si jecht at nagsimulang maglakad

naglalakad si jecht pero di nya alam sa papunta. alam ni lea kailangan ni jecht ng makakausap ngayon kaya minabuti nitong ayain sa bahay nila si jecht. bukod pa dun ayaw din nitong nakikitang nagkakaganun ang binata nais nyang maging shoulder to cry on ng binata kahit man lang sa ganung pagkakataon maparamdam nya sa binata na bukod kay lea may iba pang taong nagmamahal sa kanya!

"tara jecht pumasok ka muna! pasensya na maliit lang bahay namin dun ka muna sa may garden maupo! teka lang kukuha ng ako ng maiinom at makakain!"

walang kibo si jecht na sumunod sa sinabi ng kaibigan, naupo ito sa may upuan na nakita nya sa garden at pinanood nito ang bawat pagpatak ng ulan.

"aba ang magaling kong kapatid nag-uuwi na ng lalake sa bahay! at naligo pa kayo sa ulan! sino ba yan ng makaliskisan?" sita ng kuya ni nanette sa dalaga

"kaliskisan ano naman kala mo sa kaibigan ko isda? sumbong kita kay daddy makita mo!" mabilis na depensa ng dalaga

"aba at sumasagot ka na ngayon ha! teka nga matawagan si eric!" pang-aasar ng kuya

"kuya tumigil ka nga! kaklase ko yan! sya ang bf ni lea. galing kame dun kasi ilang araw ng absent si lea." paliwanag ng dalaga sa kuya nito

"si lea ung maganda pero kinulang sa height? ung may tatay na warfreak?" sunod-sunod na tanong ng kuya ni nanette

"oo sya nga!" pagkasabi ni nanette ay pumasok ito sandali sa kwarto nito at agad din lumabas na may bitbit na tuwalya

"hoy babae anong gagawin mo dyan sa tuwalya?" nagtatakang tanong ng kuya ni nanette

“papagamit kay jecht baka kasi magkasakit ung tao eh! Yaya paluto naman po ng kahit na ano na may mainit na sabaw! Please!” si nanette

“may tuwalya pa akong di nagagamit bat di na lang yun ang ipagamit mo? Teka nga asikasong asikaso mo ung lalaking un ah! Sigurado ka bang kaibigan lang turing mo sa kanya? Di naman kasi ganyan ang pag-aasikaso mo sa boyfriend mong si eric eh!” dudang tanong ng kuya ni nanette

“dami mong tanong kuya! Manahimik ka na nga lang dyan! Kalalaki mong tao paka tsismoso mo!” naiinis na sagot ni nanette

pakatapos nun ay nagmama dali nitong tinungo ang kinalalagyan ni jeht para iaabot ang tuwalya

“jecht magpunas ka muna! Baka magkasakit ka nyan sa pinaggagawa mo!” sabay abot ng tuwalya

di kumibo si jecht halatang malalim ang iniisip

“hoy jecht! Ano ka ba?” pagkasabi ay biglang pinunasan ni nanette ang ulo ni jecht gamit ang dalang tuwalya

pinigilan ni jecht ang kaibigan sa ginawa at aksidenteng nahawakan nito ang mga kamay ng kaibigan. Parang nakuryente si nanette kaya bigla nitong hinatak ang mga kamay samantalang balewala naman ang lahat kay jecht, walang malisya ika nga.

“salamat nanette ha! Maraming-maraming salamat sa lahat!” malungkot na pasasalamat ni jecht

“wala yun ano ka ba! Ikaw pa eh malakas ka sa akin ako lang mahina sayo!” pabirong sagot ni nanette pero yun naman talaga ang nilalaman ng puso nito.

“kung alam mo lang jecht lalo mo akong pinahanga sa mga pinaggagawa mo!” bulong ni nanette sa sarili

“may sinasabi ka?” tanong ni jecht

“ah wala! Sabi ko magbibihis lang ako sandali!” palusot ni nanette

“ok! Magshower ka na din baka kasi magkasakit ka eh!” sagot ni jecht

“ok cge! Oo nga pala! May pinaluto me kay yaya pag hinatid nya sayo wag kang mahiya ha!” pagpapacute ni nanette

pagkasabi ay pumasok na ito sa loob dirediretso sa kwarto nito. Pagdating ay bigla itong dumial sa telepono.

“hello!” si nanette

“hello sino kailangan nila!” tugon ng nasa kabilang linya

“hello jojo! Si nanette to! Di ba alam mo pumunta dito sa bahay?” tanong ni nanette

“sus kala ko naman kung sino na! Bakit naman ako pupunta dyan? Ayaw ko ng gulo baka magalit si eric tsaka anong akala mo sa akin easy to get! For your information strict ang parents ko!” makulit na sagot ni jojo

“tulog ka pa ata halatang nananaginip ka pa eh! Andito kaya pinsan mokaya magpunta ka dito at magdala ka ng damit na na pamalit ok! Bilisan mo kasi nagpupunta dito si eric tuwing sabado baka kung ano isipin nun! Kilala mo naman un seloso lalo na pag si jecht ang involve!” paliwanag ni nanette

“ano? Ang aga-aga pa ah! Ano ginagawa ng toyo na yan dyan? Pamalit na damit? Don't tell me naligo kayong dalawa sa ulan? Kahit naman ako magseselos lalo na si jeht ang involve dahil alam ng buong tropa na mahal mo si jecht at panakip butas mo lang si eric! Cge na magbibihis na akoat pwede sa susunod na maliligo kayong dalawa ni ject sa ulan mag-aya naman kayo!” pagkasabi ay agad na binaba ni jojo ang telepono

samantalang nagmamadali namang nagshower si nanette at pati sa pagbibihis ay nagmamadali din ito.

“anet! Tapos ka na bang magbihis dyan? kasi luto na ung noodles maaga pa kasi para magluto ng ulam na may sabaw tsaka di pa ako nakapamili!” yaya ni nanette

agad na lumabas si nanette ng kwarto para kausapin ang yaya nito

“binigyan mo na po ba si jecht ng niluto nyo yaya?” tanong ni nanette

“oo naman! Ikaw bata ka masyado kang aligaga ngayong araw? Sya ba ung kinukwento mo sa akin na crush na crush mo? Alam mo kasi obvious eh! Kasi hindi ka naman ganyan pagdating kay eric eh!”

“yaya wag kang maingay dyan baka marinig nya tayo! Nakakahiya!” di man diretsong inamin ay parang ganun na din ang sagot ni nanette

magkukulitan pa sana ang magyaya ng biglang tumung ang doorbell

“ako na ang magbubukas puntahan mo na dun si crush mo!” pang-aasar ng yaya ni nanette sa kanya

agad na tinungo ng matanda ang pintuan at binuksan

“hello yaya! andyan po ba si nanette?” nakangiting bati ni eric na may dala pang bulaklak para sa dalaga

“andun sa may garden kasama ung kaklase nyo daw! Cge puntahan mo na lang dun!” natatarantang sagot ng yaya ni nanette na di malaman kung anong klaseng pagtatakip anong gagawin sa alaga

“kaklase? Ang aga pa ah! Cge yaya thank you!” nagmamadaling tinungo ni eric ang munting garden nila nanette

inabutan nyang nagkukulitan sila jecht at nanette na ikinainis nito


 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
sweet_tooth19    •reply Dec 2, 2008 @ 1:17 PM
 
haba....................!
sweet_tooth19    •reply Dec 2, 2008 @ 1:17 PM
 
donotexpose add mko ym rsbmk@yahoo.com pede : ? 
naodin    •reply Dec 2, 2008 @ 5:55 PM
 
wow... haba idol ah...
hehehe..
tnks a lot mor... :noty:
magicBMD    •reply Dec 3, 2008 @ 1:47 AM
 
: b o o k : 
mikai_21    •reply Dec 3, 2008 @ 3:05 AM
 
: h m m :  di snend sakin dya : m a d : 
black_white    •reply Dec 3, 2008 @ 3:52 AM
 
amfsss... : c r y : 
magicBMD    •reply Dec 3, 2008 @ 7:00 PM
 
aray ahh poanggetjvjdf
maffelii    •reply Dec 3, 2008 @ 11:32 PM
 
ayyiieee selosssssss : l o l : 
Melody_Inc    •reply Dec 4, 2008 @ 7:18 PM
 
oi oi update na...
ehehehe
excited na ako...
tagal eh...

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Pangarap Ko Ang Ibigin Ka Book 2
older post:
Bathing in Sadness
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com