|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
PASAWAY
1
2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 Naglalakad itong tinungo ang counter ng canteen ng bigla na lang itong nadapa at sumubsob ito sa dibdib ng isang estudyante. "ang laki naman ito at malambot pa! ganito pala ang pakiramdam ng makahawak ng suso ng babae!" sambit ni jecht sa sarili Pak! Ang tunog ang lakas ng pagkakasampal kay jecht ng isang 2nd year student bigla itong umalis ng habang umiiyak. Natauhan si jecht sa lakas ng pagkakasampal sa kanya. Gusto sanang magsorry ni jecht pero paano? Di nya naman sinasadya yun at di nya ginusto. Kung wala sanang pumatid sa kanya di mangyayari un. Nilingon ni jecht kung sino ang may kasalanan ng lahat, mga 4th year student at nakauniporme sila ng CAT. Andun din sa lamesa nila si zapanta at mukhang di lang MP ang kalaban nya ngayon kungdi buong CAT officers na. “anong problema nyo? Bat nyo ako pinatid?” sita ni jecht sa mga 4th year student palo ng malakas sa lamesa na kinauupan ng mga ito na para bang naghahamon ng away “aba matapang ka nga!” bigla nitong kinuwelyuhan si jecht at dahil sa may katangkaran at may kalakihan ang katawan nabuhat nito si jecht Sa di kalayuan andun sila jojo pinanood lamang si jecht habang nakikipagsagutan ito sa mga seniors. Gusto nilang tulungan si jecht ngunit paano? Mas matatangkad at may kakakihan ang katawan ng mga 4th year samantalang sila may mga patpatin pa at si roel lang ang pinakamatangkad. Napailang na lamang sila sa nakikita. “bitiwan mo ako! Kala mo porke malaki ka natatakot ako sayo!” pagkasabi nto ay nagpumiglas si jecht at ng mabatiwan sya nito bigla nya itong tinulak na sya namang biglang pasok ng direktor kasama ang babaeng nabangga ni jecht na umiiyak. “ano kaguluhan ito?” sita nito sa mga estudyante at sya namang naging hudyat para tumigil ang dalawa sa bangayan nito “mr. joaquin totoo ba na nabangga mo si ms. Santos?” tanong nito kay jecht “yes sir! Pero di naman sana mangyayari un kung hindi ako pinatid ng mga ungas ito!” sabay turo sa mga 4th year “totoo ba ito?” tanong ng direktor sa mga seniors “sir hindi! Bat naman namin gagawin un nagdadahilan lang yan!” katwiran ng isa sa mga ito “hoy magsitigil kayo sa pagsisinungaling nyo! Kitang-kita ko kung pano nyo pinatid itong si totoy!” galit na sagot ng matandang nasa counter ng canteen. “mr. Joaquin apologize to her and all of you CAT officers and MP's come with me!” utos ng direktor sabay labas ng canteen “ms sorry ha! Di ko naman sinasadya! Ang sakit ng sampal mo ah! Kargador ka ba? Ang bigat ng kamay mo kala ko magkakalas panga ko sa sampal mo!” sabi ni jecht sa dalaga “sorry din nabigla ako” nahihiyang sagot sabay nagpaalam na din ito “manang salamat po! Kung di po dahil sainyo malamang nasa initan nanaman ako!” pasasalamat ni jecht sa matanda “ikaw pala ung may apelyidong joaquin na naririnig ko! Mag-iingat ka sa mga 4th year napag-iinitan ka na nila!” bantang sabi nito kay jecht “salamat po! Manang isang sandwich po at isang coke!” sabay order si jecht ng pagkain Pagkaorder ay umupo ito sa isang bakanteng mesa at ninamnam ang pagkain na binili. “iba ka talaga! Di ka lang sira ulo basagulero ka pa!” pagkasabi ay biglang umupo si roel sa tabi nito “kahit kailan di ka nag-iisip! Ang lalaki ng mga un hanggang leeg ka lang pos kung makaasta ka kala mo kaya mo silang lahat! Yan ikamamatay mo ang pagiging mainitin ang ulo!” pangaral ni jojo sa pinsan Hindi kumibo si jecht bagkus ay minadali nito ang pagkain at pagkatapos ay nagmamadali itong pumanhik sa classroom. “tamo ung sira ulong yun! Iniwanan tayo!” si vladimir “masanay na kayo! Moody talaga ang pinsan ko!” paalala ni jojo Pinagmasdan lamang ni lea si jecht hanggang sa makaupo ito sa tabi nya. “ok ka lang? Nabalitaan ko napaaway ka sa mga 4th year!” may pag-aalalang tanong nito “eh ano naman ngayon sayo?” pabalang na sagot ni jecht “ganyan ka bang talaga! Bastos?” galit na sabi ni lea “at ikaw ganyan ka bang talaga pakialamera?” nakasimangot ni sagot ni jecht "concern lang ako sayo pero kung ayaw mo di wag!" galit na si lea "concern my ass!" pang-aasar na sagot ni jecht Nagtitigan ang dalawa kapwa nakasimangot, parehas nakakunot ang noo at parehas nanghahaba ang nguso. Si jecht ang naunang umiwas “kahit pala nakasimangot itong si lea ay maganda pa din” sabi nito sa sarili Tumunog na ang bell tapos na ang recess, maayos na nakapagturo ang mga sumunod na guro. Hindi makuhang makapangulit ni jecht dahil ramdam nya ang sakit ng katawan mula sa pagpaparusa sa kanya at imbes na makinig ay natulog na lamang ito. Nais sanang sitahin at pagalitan ng mga guro si jecht pero mas maganda na siguro ang tulog ito dahil tahimik ang klase. Hindi namalayan ni jecht na naglunch na ngunit walang naglakas loob gumising sa binata dahil alam ng lahat pinagdaanang irap nito sa kamay ng kanilang direktor. ginising na lamang nila ito ng uwian na. “huh?!” bigla inangat ni jecht ang ulo sabay inat “gumising ka na uwian na! Wala kang ginawa kungdi matulog!” galit na sita ni jojo “good morning!” pang-aasar ni joy “tara na ng makauwi kayo ng maaga!” aya ni roel At dahil nga bagong gising ang binata nagtataka itong nagtanong sa mga kaibigan “anong meron? San tayo pupunta?” “sa bahay! ano pa di ba nga birthday ko!” pinagdiinan talaga ni roel ang salitang birthday kay jecht “ah! Oo nga pala! Cge kayo na lang uuwi na ako! Sakit ng katawan ko!” reklamo ni jecht Biglang hinablot ni christian ang bag ni jecht at mabilis naman na hinugot ni jojo ang wallet nito “paano ka ngayon uuwi nyan?” pang-aasar ni vladimir Biglang inakbayan ni roel at nilayo sa grupo si jecht para makausap ito “ikaw may ideya nito tapos iiwanan mo ako! Ganyan ka ba talaga! di marunong makisama” pangongonsensya ni roel “ok fine sasama na ako! Pero patulog sa kwarto mo pagod talaga ako eh!” sabi ni jecht “tara na!” aya ni roel sa mga kaklase Halos mapuno nila ang jeep na sinasakyan at panay ang kulitan nila habang bumibiyahe samantalang pasimple namang hinawakan ni roel ang kamay ni julie. Hindi naman ito pumalag. Walang pansinan si lea at jecht kahit pa sila ang magkatabi. Pagdating sa bahay ni roel agad silang kumain sabay na nag-alok ng pinggan si paul at jecht kay lea. Dahil galit si lea kay jecht ung inalok ni paul ang kinuha nito na lalo namang kinainis ni jecht. Pagkatapos kumain naisipan nilang maglaro ng truth or consequence. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories kyikx26, mommy_shadow, wengsky, and 37 guests |