tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit (Chapter 4)
posted by (Nov 03, 2008 @ 12:53AM) views: 1368
PREVIOUS CHAPTERS:
tSaptEr nAmber wAn

tSaptEr nAmEr tU(part1)

tSapter nAmbEr tU(part2)

tSaptEr nAmber tRi



CHARACTERS:
(NOTE: nakuha ko lang po sa friendster ang lahat ng mga pics na ginamit ko. kung kilala niyo man sila, paki-pm ako agad para ma-acknowledge sila ng maayos. thank you! : ) )
bong

nadine

mark

liz

brent




tSaptEr nAmber pOr
aNg 'muLtO'(awOoO!!)



(nadine's pov)


nakaka-ilang buwan na rin kami sa university na ito. well masaya pa rin naman. lalo kaming nagiging close ni mark. at lalo naman kaming nagiging magkaaway ni bong.

nandito kami ni liz sa canteen. actually hindi lang kaming dalawa. kasama namin ang iba pa naming kaibigan na gaya namin ay taga-dorm din.

friend1: ui alam niyo ba kung anong latest ngayon sa college natin?
friend2: aba naman at talagang updated ka pagdating sa mga chismis na ganyan ah!
liz: ano bang meron?
friend1: may nagpapakita daw sa library naten tuwing gabi...
nadz: hahaha!!! baka naman yung librarian lang natin yun na kamukha ni majinboo!! haha
friend1: hindi yun. may nakapagsabi saken na may multo daw dun.
friend3: oo nga. kinwento na rin saken yan ng kaklase ko nung isang araw. habang nagreresearch daw siya ay may kung anu-anong mga tunog siyang naririnig.
liz: hala nadz, nakakatakot naman yun! ayoko nang pumunta ng library!
nadz: tungak! e hindi k namn talaga nagpupunta ng library e!! haha

at ayun, puro horror stories na ang napag-tripan naming pag-usapan.

kinabukasan, maaga akong pumasok sa klase. as usual, marami na agad tao. at nandon na rin si mark. ang aga-aga niya laging pumasok. hehe

nadz: ui kumusta? aga mo na naman. : ) 
mark: ayos lang. ui nagawa mo na ba yung paper na pinapagawa ni prof para sa english?
nadz: hindi pa nga e. ikaw?
mark: hindi pa rin. hehe
nadz: ang sipag natin. haha
mark: e kelan mo balak gawin?
nadz: hindi ko alam.. next week pa naman pasahan nun e. baka bukas na lang. punta na lang siguro akong library bukas.
mark: sa library?
nadz: oo bakit?
mark: e di ba may multo daw dun?
nadz: sus! pati ba naman ikaw nagpapapaniwala sa mga ganun? haha
mark: hh-hindi noh! anu kasi, ahh, concern lang ako. bbb-baka mahimatay ka dun bigla pag may nagpakita sayo! hehe
nadz: palusot ka pa. marami rin ako nyan. hehe

so yun na nga, kinabukasan pagkatapos ng lahat ng klase ko, pumunta ako ng library. siguro bandang 6 pm andon na ko.

litse! ang hirap naman hanapin nung librong yun.. makapagtanong na nga lang kay majinboo.. hehe yung librarian namin.. ;p

nadz: mam san po ba makikita tong mga librong ito?

sabay pakita ko sa kanya nung papel kung san nandun ung list ng mga librong kelangan ko..

librarian: itong isang to, andun sa may dulo. tapos itong dalawang ito, medyo luma na kasi e. kung wala dun sa bandang yun, punta ka sa may kwartong andon sa dulo. andun lahat ng mga lumang files, articles, newspapers at books. baka andun.
nadz: ah... salamat po.

ang gulo. pero sige hanap lang.. nahanap ko na yung isang kelangan ko. pero yung dalawa, hindi ko pa rin nakita. so punta ako sa may lumang kwarto na tinuro niya.

medyo malaki din yung room. pwedeng magtaguan dito. hehe kaya lang medyo creepy naman dito. nakakatakot!!!

nagsimula akong maghanap sa may unang row ng shelves.

*blag!*

hala anu yun!

nadz: excuse me?! may tao po ba dyan?

wala namang sumagot.. baka naman imagination ko lang yun. sige nadine.. hanap lang ng hanap. tiningnan ko ang relo ko, naku, 6:52 pm na pala. 8mins na lang magsasara na tong library. nadz, hanap lang. go! kaya mu yan!

maya-maya...

*blag!*

hala may kumalabog na naman! oh no! nakakatakot na dito. kelangan ko ng umalis dito!! wAaAaaaa!!!!!!!!!!! : c r y : 

bago ko buksan yung pinto at pihitin yung doorknob, napansin kong madilim na sa labas.. hindi kaya...

hala!! napagsarhan na ko ng library!! waaaa!!! 7:15 na pala!!! kaya naman pinihit ko na yung doorknob...

hala!! no! hindi ko mabuksan! hala!!!! lord tulungan mo mo ko!! bakit ganito?! : c r y : 

pinihit ko pa ulit. pero ganun pa rin. hindi pa rin mabuksan.

nadz: tulong!! may tao pa po dito!! buksan niyo tong pinto!!!

biglang namatay ang mga ilaw. pati ang aircon.. brown out ba?

teka.. hindi kaya totoong may multo dito?!

nadz: tulungan niyo po ko!! may tao pa po dito!!! TULONG!!!

bakit naman ganito? ang hirap na ngang hanapin nung librong kelangan para sa paper ko tapos mukhang tuluyan pa kong nalock dito sa kwartong to. tapos dumilim at nagbrown out pa. buti sana kung may aircon, at least pwede akong matulog kahit na---

*blag!*

may kumalabog na namn. akala ko ba ako lang ang tao dito? bakit bigla ring lumamig.? e diba nagbrown out na nga? bakit--- teka.. hindi kaya may multo talaga dito?!

hindi kaya tama yung sinasabi ng mga kaibigan ko?

untiunti may nakita akong anyo ng tao. galing sa kabilang side ng kwarto. tapos papalapit saken.

nadz: waaaa!!!!! lord wag naman ganito.. our father who---

"hindi ka makakalabas ng kwartong to kahit ilang dasal pa ang gawin mo. bwahaha."

papalapit na siya ng papalapit saken! pinikit ko ang mata ko at patuloy pa rin sa pagdadasal. alam ko nasa harapan ko na yung multo. pero nagdasal pa rin ako.

nadz: ....amen.

binukas ko ang mata ko. wala na siya. sa wakas.

"tapos ka na ba? ako naman..."

hala! kaya pala wala na siya sa harapan ko e nasa gilid ko na pala siya.

naramdaman kong may dumantay sa kaliwang balikat ko. syempre instinct ang umiral, kaya naman nasapak at nahampas ko ng libro yung multo.

"aray!"

teka? umaaray ba ang multo?!

"masakit yun ah!--"

pamilyar ang boses niya.. parang si---

"--bat mo naman ako hinampas miss sungit?"

--bong?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ayun.
pasensya na sa late na update. hehe
salamat sa mga nagbabasa at nagbibigay ng kumento. : ) 
sige lang. just leave a comment. hehe(english un! nosebleed!!!)
comment kayo. : ) 
kahit ano: ) 
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Pangarap Ko'y Ibigin Ka Part 6
older post:
PASAWAY (Ang simula)

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ChugiBear    •reply Nov 3, 2008 @ 1:51 AM
 
: g a l e n g : 
loveu4ever915    •reply Nov 3, 2008 @ 2:52 AM
 
gAndA nAmAn.. dAlAwA clAng nAlOck xA rOom...

bitin...
tres_laiteras    •reply Nov 3, 2008 @ 3:31 AM
 
ayos! : b l u s h : 
ahaha. nakulong si Nadz together with bonggang bonggang bong BONG! nyahaha! : r a z z : 

NEKS! : w e l g a : 
dark_princezz    •reply Nov 3, 2008 @ 6:17 AM
 
: c h e e r :  naKs!haha magkasama sila..
bheby_mhie    •reply Nov 3, 2008 @ 7:40 AM
 
nxt na po..!!danda..!!cute pa ni bong ahahahah...
zuwailL    •reply Nov 3, 2008 @ 5:28 PM
 
aw! my mbu2o nang love between them.. : l o l : 

: l u v :  : l u v : 
  lalaladeedah    •reply    Nov-4-08@1:48PM
tingnan natin.. : r a z z : 
yuzhendeng    •reply Nov 3, 2008 @ 6:07 PM
 
cute ha.. ; ) 
lightblade593    •reply Nov 4, 2008 @ 12:37 AM
 
aw gnda!!!!!!! neKs tSapTer otOr,,,
  lalaladeedah    •reply    Nov-4-08@1:49PM
baka sa sabado pa ang update..
sorry po. :P
medyo busy na kasi pasukan na naman!!!
waaa!!!
baby_pink029    •reply Nov 4, 2008 @ 5:53 PM
 
aww ang cute naman : g r i n : 

pati nung mga characters ang cute din hehe : b l u s h : 

next na po : s m i l e : 
ikatlongbaboy    •reply Nov 4, 2008 @ 7:30 PM
 
hehehe galing. : g a l e n g :  okay! update na ulit! :P
ikatlongbaboy    •reply Nov 4, 2008 @ 7:30 PM
 
hehe forgot to mention...akma ang tsapter na ito. halloween, araw ng patay, etc. hehe: ) 
  lalaladeedah    •reply    Nov-5-08@7:06AM
hahaha!! napansin mo rin! : ) 
naisip ko kasi na dahil haloween dapat may konek ang chapter na ito. hehe
astig! : r a z z : 
napansin mo!
rowell_pasaway    •reply Nov 4, 2008 @ 8:57 PM
 
ay, nabitin pa.... : l o l : 
maffelii    •reply Nov 5, 2008 @ 12:06 AM
 
waaaaaaaaaaaaaaaaaa..c fafa bong lang pala : r o l l : 
baka may balak manghalay nyaha : l o l : 

infairness ang wafu nung bong ah kalaglag panty.. : b l u s h :  haha


tnx otor! : k i s s : 
  lalaladeedah    •reply    Nov-5-08@7:08AM
may balak nga ba?
abangan sa susunod na kabanata!
baka sa sabado pa nga lang.. hehe
salamat sa pagbasa!
maffelii    •reply Nov 5, 2008 @ 12:07 AM
 
kung ganyan ka gwapo manghahalay sken..
takte ako na mismo hahalay saknya : r o l l :  : l o l : 
cptnoname    •reply Nov 5, 2008 @ 12:14 AM
 
: h m m : 

: b o o k :  : g r i n : 
black_white    •reply Nov 5, 2008 @ 6:02 AM
 
: p a n a l o :  hailavit otor! : n o t w o r t h y :  : c h e e r : 
mrl96    •reply Nov 5, 2008 @ 9:50 AM
 
more..
i need more
pissedoFF    •reply Nov 5, 2008 @ 9:52 PM
 
nicenice. : b l u s h :  : c h e e r : 
diewithme    •reply Nov 6, 2008 @ 12:12 AM
 
: b l u s h :  bong : b l u s h : 
aikhon23    •reply Nov 14, 2008 @ 10:33 PM
 
hala may balak din pala si bong????

hahahaha!!


ano daw!!!!


wala ang saya nmn..

hihihi...

awesam!!!
aikhon23    •reply Nov 14, 2008 @ 10:34 PM
 
wapu pa ni bong

danda naman pala ni nadzz eh

hahahaha

bagay
lourdjack    •reply Dec 27, 2008 @ 10:56 PM
 
SANA PO MATULUNGAN MOKO?

boto mo naman po ako?
punta kapo sa site nato:

http://salaswildthoughts.blogspot.com/

hanapin niyo lang po sa side bar ng nasabing site ang:


Vote Now!

Which Filipino blog would you like to be featured for week 140?

paki-click lang po ang PAULKIAN and then hit VOTE.

-----------------------

nominado po kasi yung ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN (http://paulkian.blogspot.com/)


ASAHAN KO PO BOTO MO HA?
makakatulong sa'kin ang boto mo...
SALAMAT PO NG MARAMI!

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Pangarap Ko'y Ibigin Ka Part 6
older post:
PASAWAY (Ang simula)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
If you wanna end up with the right person, you've got to make it happen. The best people are always taken, so if you don't steal them, you won't have them.

--Spongebob Squarepants

You need to be logged in to Facebook