tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
PASAWAY (Ang simula)
posted by (Nov 03, 2008 @ 12:48AM) views: 661




ang mga sumusunod ay pawang kathang isip lamang
kung may pagkakahwig man sa totoong buhay
ito ay nagkataon lamang : r o l l : 

sana mgustuhan nyo kung di nyo mgustuhan aba'y bhala na kau : r o l l : 


Ang simula ng pagpapasaway



“Jecht!” “Jecht!” dinilat lamang ni jecht ang kanyang mga mata
sabay takip ng unan sa mukha tsaka tumalikod! “Hoy! Ano ba? Di
ka pa ba babangon?” bulyaw kay jecht ng kanyang ina na mukhang
mas excited pa sa kanyang anak na pumasok sa eskwela. “Alas
syete na alas otso pasok nyo! Unang araw mo bilang highschool
pos malalate ka agad! Hala bangon na!” sabay sipa sa paa ng
anak na syang dahilan para mahulog ito sa hinihigaan. Badtrip
na naupo si jecht sa gilid ng kama pero nakapikit mpa din ang
mga mata. “Ano ba?” bulyaw ng ina sa anak ngunit mabilis na
nakasagot si jecht at di na naituloy pa ng ina ang sasabihin
nito.

“Eto na po babangon na ang aga2x ang ingay-ingay nyo! Di na
kayo nahiya sa kapitbahay!” sabay lakad patungo sa banyo para
maligo ngunit bigla may tumama sa mukha nya, palibhasa
nakapikit pa din kahit naglalakad kaya di nya nakita na binato
pala sa kanya ng ina ang kanyang tuwalya na lalong ikinainis ni
jecht. Pagkatapos maligo dumiretso si jecht sa lamesa para
kumain ng almusal nakatapis lang ito ng tuwalya habang
kumakain. Muli sinita ito ng ina “Magbihis ka kaya muna bago
kumain” dahil sa likas na sutil itong si jecht sinagot nito ang
ina “Minamadali nyo ako tapos ngayon namang nagmamadali ako
galit pa din kayo! San ba ako lulugar ma? Di nyo ba alam na mas
mapapadali ako kung ganito gagawin ko!” Nagulat ang ina sa
inasal ng anak, di nito malaman kung maiinis ba o matatawa sa
sinabi ng anak kaya imbes na magdadadaldal ulit ay tinapik nya
ito sa batok ngunit mahina lang naman. Kung baga ay lambing ng
isang ina sa isang anak.

Pagkatapos kumain nagbihis na si jecht
at nagpaalam na aalis na, “mag-iingat ka at daanan mo si jojo
magkaklase daw kayong magpinsan” pahabol ng ina kay jecht
ngunit nanatiling nakatayo ang anak sa may pintuan! Takang
nagtanong ang ina “oh! Bat di ka pa umaalis?” “paano naman ako
aalis wala pa akong baon at pamasahe?” angal ng anak. Natawa
ang mama ni jecht sabay abot ng singkwenta pesos sa anak “yan
di makakaalis na ako” pang-aasar ni jecht sa ina. Umiling-iling
na lamang ito habang minamasdan ang anak palayo.

“Langya ka naman jecht kanina pa ako naghihintay sayo!
Nanood ka nanaman ng beavis and butthead kaya ka napuyat?”
galit na tanong ni jojo kay jecht. “sinabi ko ba sayong
hintayin mo ako! Pede ka naman mauna bat naghintay ka pa!”
galit na sa sagot ni jecht sa pinsan “paano kita iiwan eh di mo
nga alam ung bagong school natin kasi di ka sumama nung
enrollment at tulog ka naman habang bumibiyahe tayo para mag
entrance exam” pang-aasar sagot ni jojo sa pinsan. Nakasimangot
na si jecht alam ni jojo na malapit na syang tamaan sa pinsan
pag di pa sya nagtigil sa pang-aasar ngunit un lang ang paraan
para makaganti sya sa ginawang paghihintay sa pinsan.

Nagulat si jojo bng bigla syang hablutin ni jecht sa balikat
sumalag na ito at handang umilag ngunit walang dumating na
suntok o batok sa kanya bagkus at may humintong tricycle sa
harap nila. Pinara pala ito ni jecht at itinulak sya nito sa
loob “ano ba jecht magugusot damit ko! Paano pa ako mapapansin
ng mga bago nating kaklaseng babae nyan kung gusot ang damit
ko!” angal ni jojo habang inaayos ang medyo nagusot na damit
nito! “hirap sau jecht high blood ka masyado! Sabi ko sau
umiwas ka sa taba ng baboy!” pabirong sabi ni jojo ngunit si
jecht ay tahimik pa din at nakasimangot.. Sa loob loob ni jecht
“bitin ka sa tulog, nasermunan ka pa pos ngayon naman may
kasama mo ung feeling pogi mong pinsan! Walang hiyang buhay
to!” biglang nasira ang kanyang pamumuni-muni dahil tinapik sya
ng pinsan sa balikat! “andito na tayo kaya bayaran mo na!
promise mamaya pauwi ako naman magbabayad!” pang-uuto ni jojo
kay jecht. Pagkatapos bayaran ay bumababa na ang magpinsan sa
sinasakyan. Si jojo nagmamadaling tumawid halatang excited
samantalang si jecht ay nanatiling nakatayo at minamasdan ang
bagong eskwelahan mula sa labas!

******end ng simula ng pagpapasaway (prang ang gulo lng : n u t s : ) ******

nkikibasa lang kayo wag kayo magreklamo : r o l l : 
at sa ayaw at sa gsto nyo eh may susunod pa : r o l l : 



Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit (Chapter 4)
older post:
Pangarap Ko'y Ibigin Ka Part 5

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
inbisibol_00    •reply Nov 3, 2008 @ 12:50 AM
 
: r o l l : 
  persona    •reply    Apr-28-09@10:52PM
.
lalaladeedah    •reply Nov 3, 2008 @ 1:03 AM
 
aba bagong kwento!
ipagpatuloy ang pagpapasaway!: ) 
sana laging may update!
loveu4ever915    •reply Nov 3, 2008 @ 2:57 AM
 
cnO bA unG pAsAwAy...
unG anAk.. o unG nAnAy?..? : ? 
: l o l : 
girl_in_me    •reply Nov 3, 2008 @ 3:46 AM
 
hahaha : l o l :  : l o l : 
dark_princezz    •reply Nov 3, 2008 @ 6:35 AM
 
: l o l : 
silentheart08    •reply Nov 3, 2008 @ 6:49 PM
 
: l o l :  kita mo kita mo...isa lang reaction namin sa gawa mo! Adik
easle    •reply Nov 7, 2008 @ 12:41 PM
 
: b o o k : 
easle    •reply Nov 7, 2008 @ 12:41 PM
 
: r o l l :  jecht ba kamo? : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit (Chapter 4)
older post:
Pangarap Ko'y Ibigin Ka Part 5
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love is a canvas furnished by Nature and embroidered by imagination.

--Voltaire

You need to be logged in to Facebook