|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
WISH GRANTED! 2//14
previously- http://www.tristancafe.com/forum/160280
Humahabol na ang kalaban ngayong 3rd quarter, kani-kanina lang halos umabot pa ng 20 na ang lamang nila mikel tapos ngayon walo na lang. “wag niyo silang pahabulin!” cheer namin ni kylie. ![]() Prrrrrt! Signal ng referee. At sumenyas ng #16 sa kamay niya at kung ano ano pang signals. “ano?! Eh siya nga yung dumidikit at nanulak eh!” reklamo ni kuya Rui. At nagsipagreklamo na din ang iba pang players. Nagsalita yung announcer. “#16, Mercado, that’s your 5th personal foul” naghiyawan naman yung mga fan ng kabila, masaya dahil matatanggal na sa game ang captain ball. Oo nga naman! Kahit naman hindi ako basketball player eh halatang may bias! “Wala naman si russell, Ako na ang papalit.” Tumayo na si lester at pumasok sa court. Halatang dehado na din sila mikel kasi malaking kawalan si Kuya Rui, tapos isang quarter na lang. "Napaka-dumi nilang maglaro!" padabog si kuya rui habang papaupo sa bench. ... BUZZ End na ng 3rd quarter, Naka-shoot naman si lester ng dalawang beses, buti naman at may naitulong kahit papano. Eh si russell kaya pano maglaro..hmm..i wonder. Tumabi sa akin ang pawisang si lester. Sakto namang bumalik sila russell at andrea, “o, san kayo galing?” tanong ni mikel, oo nga saan ba sila galing? Kanina pa sila nawawala. Sumingit naman si andrea, “nagpasama kasi ako pauwi sa bahay, may binalikan lang.” “asus, di ka ba marunong umuwi mag-isa?” bulong ni mikel. Halatang narinig naman iyon ni andrea. Umismid lang siya. “Oo nga naman, alam mo namang kelangan siya dito anytime na kelangan ulit ng sub.” Tanggol naman ni kuya Rui habang sinasara ang ininumang gatorade. Pahiya yung isa dyan. Wahaha! ... BUZZ Ilang minutes na ang nakalipas at gitgitan na ang labanan,2 points na lang ang lamang, dikit ang laban. at kahit anong depensa eh nakakahabol pa rin ang kalaban. BLAG! Natigilan kami. Prrt! Pito ng referee.ang bilis ng mga pangyayari, ang huli kong naalala ay hinabol ni mikel yung bola na pa-outside na, tapos saktong hinahabol din pala nung kalaban. Nataranta kami, lalo na si kylie nang makita naming nakahandusay si mikel sa court. Dali-daling tumakbo ang mga teammates papalapit sa kanya, tinatayo siya nung kabilang team pero hindi siya makatayo. Pinagtulungan siyang itayo ni Kuya Rui at Russell, nagkandarapa din kami ni kylie sa paglapit. Hirap siyang maglakad, at may sprain siya sa ankle. Iniupo siya sa may bench. “mikel...” sabi ni kylie at tinabihan ito. Umakbay naman si mikel. Tapos liningon niya si russell, “Russell, sub mo ako.” Dali-dali namang pumunta si russell sa court para maglaro. “substitution by #19. Alonzo.” -announcer “pare, kuha lang ako ng ice pack” sabi ni kuya rui. “Damn. Panu na tong game. Una, si rui, ngayon ako. This is not just a coincidence.” “Mikel, wag mo muna isipin yan, ang isipin mo ang kalagayan mo.” Sabi ni kylie, tapos tinanggal niya yung sapatos ni mikel nung dumating na si kuya rui. “Mikel, grabe ang maga.” Sabi ko. Nkita ko namang nakikitingin na rin si andrea. “Pare, pagaling ka na lang muna.” Sabi naman ni kuya Rui. “pano ang basketball?” matamlay na sagot ni mikel. “mikel,Wag mong ipwersa ang sarili mo. Tsaka panahon na rin para makapagpahinga ka na, halos sunod-sunod na ang streetball na sinasalihan niyo.” Sabi naman ni kylie. “tsk.” Dismayado si mikel habang nakatingin sa paa. “Lester! Ipasa mo! Ipasa mo! Mauubos na yang 30 seconds shot clock. Wag kang buwakaw!” sigaw ni kuya Rui. Pagtingin ko sa orasan ay less than 2 minutes na lang pala, ang bilis. Naipasa naman ito kay russell na kasalukuyang walang nagbabantay. sana ma-shoot! Isang puntos na lang ang pagitan. Yess! Shoot din sa wakas! 3 points na ang lamang. “O kita mo. Mikel, relax ka lang.. di mo naman kasalanan kung bakit wala ka sa game eh. Mananalo tayo. Mananalo tayo.” Pagcomfort ni kylie. “kylie, ayokong magingkampante, mahirap. Pano kung biglang...” Prrt.. “foul, number 14, Del Rosario” “..yan na nga ang sinasabi ko e.” sabi ni mikel. ‘Sorry!’ senyas naman ni lester. Na-shoot ng kalaban yung dalawang free throw, patay, 1 point na lang. Kasabay naman nun eh ang hiyawan ng ga-batallion na fansclub ng kabila. “Talo na kayo! Makakahabol na kami! Wuhooo! Mga bano naman mga players niyo! Akala ko ba defending champion ang mga yan?!” may isang boses na sumigaw. “Asa pa kayo! Ang durugas pa ng players niyo” sigaw naman ni kylie na halos mapatayo na sa kinauupuan. “aray..aray! huy.. shhh.. kaw naman yata ang kelangang magrelax diyan eh” saway naman ni mikel. Naupo naman si kylie, “Tsaka hawak mo yang paa ko oh, gusto mo atang matuluyan yang paa ko eh.” Biro ni mikel. “eh ang yabang eh! Napakadumi namang maglaro!” “sige na, sige na.. okey lang yan, i-maintain niyo ang lamang, ilang segundo na lang!” sigaw ni kuya Rui. Magshu-shoot yung isang ka-teammate, pero sablay! Huhu.. naagaw ng kalaban.. 10, 9, 8 kasabay ng countdown eh ang kaba na nararamdaman namin. Buti na lang at naagaw ni russell, at di na hinayaan pang maagaw ng kalaban. Yes! Naghiyawan kami sabay ng pagtatapos ng laro. Busangot ang mga mukha ng kalaban, lalo na yung mga kanina pa hiyaw ng hiyaw na mga fans. “wooo! Yes!” nagtatatalon kami sa tuwa, syempre except si mikel. Hehe.. “yey! Panalo! Sabi ko na nga eh. 1-3 na! Isang panalo na lang, kayo ulit champions!” Sabi ni kylie Kylie. “anong sabi mo na nga ba, eh halos pumutok na yang butsi mo diyan kanina eh! Pero wuhoo yes! Yes! Panalo tayo!” sabi naman ni mikel, na parang wala pa rin sa sarili. Nagulat na lang kami ng biglang hinalikan ni mikel si kylie, sa sobrang tuwa, wala na sa tamang pag-iisip.haha.. Nanlaki naman ang mga mata ni kylie sa gulat. “Aba pare, naka score ka pa rin maski may pilay yang paa mo, grabe bilib naman ako sayo, MVP ka talaga!” pang-aasar naman ni kuya Rui. Nagtawanan lang kaming lahat, napagiwanan naman si kylie na namumula pa rin. “Russell, bilib ako sa laro mo kanina, pati na rin ikaw lester.” Papuri naman ni mikel sa kanila. “Dahil nanalo tayo, manlilibre ako ng meryenda!” "Yey! tara na!" sigaw namin “huy, teka lang.. alalayan niyo akong maglakad!” “Ay oo pala, pasensya na, nakalimutan eh. Hahaha!” ![]() Paalis na kami nangmapansin kong lumihis ng daan si lester, patungo siya sa kanyang kotse. “uy guys sunod na lang ako... Lester! San ka punta? Di ka ba sasama?” habol ko, tumigil naman siya sa paglalakad. “di eh..pasensya na, naalala ko may pupuntahan pa pala ako.” Sabi niya sabay akbay sakin. “Mikel!” sigaw niya, sabay lingon naman silang lahat, kasama si russell na kasalukuyang inaakayan sa paglakad si mikel. tinanggal ko ang pagkakaakbay niya saakin. “di ako sasama, uuwi na ako, may naalala akong lakad eh.” Sabi niya habang nagpupunas pa ng pawis. “sige, sige pare... ingat sa byahe. Nice game. Salamat sa pagpunta. ” Sabi naman nila mikel habang patuloy sila sa paglalakad palayo. “Justine, alis na ako. Ingat ka ha.” hinawakan niya yung pisngi ko, tapos mahigpit niyang isinandal ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko, namalayan ko na lang na nakorner na niya ako, at nakasandal na ako ngayon sa tabi ng kotse niya, kaharap siya. Damn. Bumibilis tibok ng puso ko, nataranta ako at nabigla na dko alam ang irereact. “l-lester..? okey k-ka lang?” pero parang wala siyang narinig. “I love you.” Bulong niya. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya... “Justiiine! Halika na nga dito!” sigaw ni kuya Rui sa di kalayuan. Nagulat si lester, maging ako din, at agad siyang lumayo sa akin, at pumasok na sa sasakyan. “Oo kuya, nandyan na!” sigaw ko pabalik. “ayaw ko mang umalis, pero importante eh. Sige, mag-iingat ka. Tatawagan kita ha.” Dungaw niya sa labas ng bintana. “sige, ingat ka din.” Kaway ko. At humarurot na ang sasakyan. Dali-dali naman akong tumakbo kina mikel para makahabol. Habang tumatakbo ako sa kabilang direksyon, lumingon ako sa sasakyan ni Lester.. nakita kong iba ang nilikuan niya...akala ko ba uuwi siya?..uuwi ng baguio? Eh hindi dun ang daan. ![]() Hingal pa ako nung inabutan ko sila, pero medyo nasa hulian si kuya Rui at halatang inaabangan niyang dumating ako. “Akala mo ba hindi ko nakita yun. Isumbong kita kay tita, lagot ka.” “bakit nanaman?! Ano nanaman nagawa ko?” “sus deny ka pa justine, kinorner ka na nga at halos mahalikan na eh.” Singit naman ni kylie. Ang lakas ng boses! Hay naku. Napatingin tuloy sakin si mikel at russell. “Kayo talaga napakamalisyoso niyo. Di naman ako ganun ka-easy noh.” Napaisip ako ah, ganun na ba kaexposed? Kahit pala nakalayo na tong mga tao, may laser eyes pa rin. Pero sa totoo lang, kung mangyari mang hinalikan niya ako, iiwas ako, eh sa hindi ko naman siya bf ah, saka may moral naman ako. “wag ka na ngang palusot diyan. Di ako nasisiyahan sa paghawak-hawak niya sayo at sa pagdikit-dikit ninyo. Justine, lalake ako, at alam ko na ang mga ganyang pakikitungo.” Pangaral niya, di naman ako makasagot, may pinagsamahan din naman kami ni lester kaya hindi ganun kadumi ang tingin ko sa kanya kahit papano. “i’m just concern justine, parang kapatid na rin ang turing ko sayo, kaya ayokong may mangyaring di maganda o yun tipong mababastos ka.” Nahagip naman ako dun, ganto na pala kalalim ang turing ni kuya sakin, kahit pinsan ko lang siya. Halos tahimik lang kaming naglalakad, maliban sa mga iba nilang teammates na nauna na at malayo-layo na saamin. Halata namang nakikinig sila kylie, mikel, at russell. Ang babagal din nilang maglakad eh. Wala na si andrea sa paningin ko. Nung nagkakwentuhan kami ni kylie nung nsa store na kami, -w/ mikel, (kasi yung iba, nagunahang bumili ng mga pagkain) sabi ni kylie, nauna na daw. Nagtataka nga ako bat di hinatid ni russell eh. “eh siyempre, siya ang nag-aalalay kay mikel, e sa ano pa bang maipagpipilit ni andrea, sabit lang naman talaga yan dito tapos gaganahan pang magpahatid? Mahiya naman siya sa ginawa niya kanina, halos di nakalaro si russell dahil pagpapasama, pagpapahatid...ek ek.. eh may sarili namang paa, at kita na ngang kailangan dun si russell” “kaw talaga kylie, syempre eh mag bf/gf.hayaan mo na..” sabi ko “anung hayaan? Damn. Wala lang ba sayo yun justine? Ha? Tapos ngayon hahayaan mo na lang din na sumiksik pa si lester sa puso mo? Justine naman, naman!” di ako nakasagot sa pahayag na yon ni kylie. “di mo ba alam ang mga nangyayari dito nung nasa maynila ka pa? Sila ang halos laging magkasama. Sila ang “friends” bwiset nga dko ba lam kung ano ba ang nakita ni Russell diyan o paanong pang-aakit ba ang ginawa ni andrea at umarangkada nung nalamang umalis ka na. Mukhang ngang pinantakip butas ni Russell nung umalis ka.” “ows? Ganun pala yun. Sila pala ang laging magksama nung wala ako.” “dko ba alam diyan kay russell. Pero atleast, di siya tumitiwalag saatin.” Singit ni mikel “anong hindi?” siniko ni kylie si mikel “oo, sa barkadahan pero, tignan mo nga, eh pano na sila ni justine?” “wag ka ngang atat kylie, ganyan talaga kapag mga love story, marami munang pagdadaanang pagsubok at paghihirap bago makamit ang happily ever after.” “hay naku mikel! Puro ka biro! Tapakan ko yang paa mo diyan eh!” “uy wag naman! To naman di na mabiro. Pero kidding aside, kylie, tingin mo ba magtatagal sila ni andrea? Diba hinde? Pakiramdam ko, isa ito sa biggest mistake of russell’s life, na naging gf niya si andrea.” Napatingin lang ako kay mikel nung sinabi niya yun. “duh? Ewan ko ba sa kanya! Alam mo naiinis ako minsan diyan sa bespren mo eh ha, lam mo ba yun?! Tanga-tanga minsan eh.” “shh...kylie, ano ba, marinig ka.” Saway ni mikel “wala akong pake. Tatanga-tanga. Ang sarap batukan. Nasa harap na nga niya yung babaeng gusto niya at yung babaeng mahal niya, binitawan pa! Ika nga ni bob ong: huwag mong bibitawan ang isang bagay na di mo kayang makitang hinahawakan ng iba” Aray naman..natamaan din ako dun ah. Pero atleast hindi ako ang bumitaw, ang masama, nagpabitaw ako. …. “teng.. may nagtatawag sa’yo sa labas, si kylie at mikel.” Tawag saakin ni mama mula sa baba, habang ako naman ay busy na nagchchristiancafe. “Opo ma! Nandyan na po!” dali-dali ko nang in-off ang PC at bumaba. Tinawag ako ni mama nung papalabas na sana ako ng pintuan. “psst! teng!” pabulong na tawag ni mama, “halika dito, may itatanong ako.” “huh? Bakit po?” napataas ang kilay ko, nagtataka naman ako kay mama. ....“si kylie na ba at si mikel?” ![]() “hahahhaha!” ![]() “o bakit? May nakakatawa ba?” pagtataka ni mama. Hahaha! Grabe, ang sakit ng tyan ko sa kakatawa, halos di na ako makapagsalita e.. “Si mama talaga... hahahha! ....intregera! Hahahah!” “aba’y bakit ba? Nagtatanong lang naman eh. Hahahah!” natawa na rin si mama. “hay naku mama, ewan ko dyan sa dalawang yan, malapit na daw eh. Sabi nga sakin nin kylie, hinihintay na lang daw nila na magkamabutihan ulit kami ni...” ay takte! Mali mali! Nalimutan kong iba na nga pala ang lahat. Nakita ko naman sa mukha ni mama na bitin siya“ah eh..este, hinihintay na lang daw ni kylie na bumalik yung magulang niya para opisyal nang makapanligaw si Mikel.” Whew! “ganun ba, edi maganda, para atleast di sila patago-tago. Siya nga pala justine, kumusta na daw si russell? Tagal ko nang di nakikita yung batang yun ah. Papuntahin mo naman dito minsan.” Hala! Naman naman... di ko alam kung mag-ooo ako o hindi! “ah eh..ah sige m-mama, alis na ako b-baka naghihintay na sila.” Dali-dali na akong tumakbo papunta ng gate. “anung problema nung batang yun?” .... “hello!” bati ko sa kanila. “hi justine! O hinihingal ka?” “ah eh wala... bakit pala? Ang aga niyo naman, ala-una palang ah. Nakabihis pa kayo” “may idadaan lang pala kaming invitation.” Sabi naman ni kylie. “wedding invitation namin ni kylie.” Biro naman ni mikel. “kaw talaga mikel! Babaliin ko na talaga yang paa mo diyan eh!” hayy ang sweet talaga nitong dalawang to. “mikel, musta pala yang ankle mo?” tanong ko. “ah eto. Medyo ok naman, kaso medyo masakit pa rin lalo na pag naglalakad. Buti na lang may supporter akong nilagay. “ “ah ganun ba, san pala kayo nagpunta?” “eto nagdate kami.” ![]() Siniko ni kylie si mikel. “justine, pinapunta kami dito ng mom ni russell, kagagaling lang kasi namin sa resto nila, naglunch, ayun tas nakita kami.” singit ni kylie. Ano?! Gulat naman ako. “kasi pinapaimbita kayo na pumunta sa birthday ni Charisse, yung kapatid ni russell, dba, dba? remember?. Sa Sunday, sa bahay nila.” ... “Hi mare! Kumusta? Sumeseksi ka ata ah” aba with matching beso-beso pa si mama at si tita liezel at nagtungo sila sa loob kasama ni papa at ni jeremy. Nakita ko naman si charisse na kasama ng dalawang lalake. “Justine? Justine!, uy bro, si Justine na pala yun!” Narinig kong sinabi nung isa, yung nagbubuhat kay Risse. “Oo nga noh, ang tangkad na niya.” “Hello po!” bati ko sa kanila, “yan na ba si charisse? Hi charisse.. ang cute cute mo. Happy 5th birthday! Eto gift namin sayo ni Jeremy.” Sabi ko habang pinipisil yung cheeks niya. “anong sasabihin mo risse.. say thank you ate justine” sabi naman ng kuya nila. i doubt siguro eto si kuya Raphael, o si kuya rickson? Ah ewan..ang hirap i-identify sa kung sino ang sino sa kanilang dalawa, kambal kase. “hi..kumusta na? Ngayon lang ulit kita nakita ah.. kumusta na?” Sabi nung isa pa. Napangiti ako. Talagang di pa nila ako nakakalimutan. “okey naman po. Kayo po kumusta na?” “Eto ayos naman. Busy sa studies kaya ngayon lang ulit kami nakabalik ni Raph, lam mo na, lapit na kami mag-grad. Gano katagal na pla kayo ni russell?” napakunot ang noo ko sa gulat. “ibig kong sabihin, gano na ba kayo katagal mag-on?” “ah..eh hindi naman kami ah.” “ano? nagpapatawa ka ba?” gulat na sabi ni kuya raph. “h-hindi po. Hindi naman kami ah.” “ows? Hahaha! ganun ba? Akala ko all this time, kayo eh. Siya nga ang nagpaalala kay mama na pumunta kayo dito. Akala ko nga, ipapakilala ka na niya ngayon na gf niya. tsaka ang lam ko nung mga bata pa kayo, kayo na? Hehehe..” hirit nung lalakeng nagbubuhat kay risse, si kuya Raphael. Naiimagine ko na ang namumula kong pisngi. Tinawag naman kami nila mikel sa pwesto nila, nandun sila sa may kubo, nakatambay. Kaya sabay-sabay na kaming nagtungo. “hahaha.. to naman di ka na nasanay samin.” Sabi nung isa sabay patong ng kamay sa balikat ko. Feeling ko nanliliit ako sa sarili ko dahil ang tangkad na nila, halos hanggang balikat lang niya ako. “Di nga, all this time ang alam ko talaga matagal na kayo mag-on eh. Naalala ko nga dati eh gustong-gusto ka namin dito, nung wala pa si charisse, lam mo na, gusto namin nga kapatid na babae ni Raph noon. Hehehe.. kahit na hipag lang.” “...at hanggang ngayon naman.” Hirit ulit ni kuya Raph. “Hay naku! Kayo talaga, hanggang ngayon ang hilig niyo pa rin mang-alaska.” ... “Halina kayo dito sa loob!” tawag ng mama nila. Nagulat naman ako kay Charisse dahil nagpabuhat sakin. “ate jatine.” Hehehe.. ang kyut, at halatang alagang-alaga. Palibhasa, bunso, tapos only daughter pa. What do you expect? Lalo na siguro pag nagdalaga ito, kawawa ang mga manliligaw niya, ang dami niyang bantay. ![]() ... Habang papasok kami sa bahay, naalala ko yung time na nasugatan ako dati at dito ako dinala ni Russell. ![]() “o, halina kayo.. kainan na.” Tawag ng nanay ni Russell. Napatingin naman siya dahil buhat ko si Charisse. “O charisse? Nagpabuhat ka pa kay ate justine mo,eh ang bigat-bigat mo na.” “ehh..gutto ko po e.” Tapos humigpit yung yakap niya. “hay naku ikaw talagang bata ka, hindi ka ba nahihiya? Tignan mo o 5 years old ka na. ‘lika na iblow mo na yung candles mo.” Sabi ni tita habang niyayaya siyang bumaba mula saakin. Napansin ko namang nanadito rin pala ang tatay ni Russell, pero parang kung titignan mukhang mabait naman at di nananakit ah. Pero malay natin. Nakita ko rin si nanay aning, binati niya ako, masaya daw siya na nakadalo kami. ... Habang kumakain, Nagkakwentuhan muna. Nagtataka nga ako kasi hindi ko pa nakikita si russell. Syemre naman birthday ito ng kapatid niya, nasaan kaya iyon. Isang oras na nung nagsimula itong birthday ah. Buti na lang, di lang pala ako ang nakahalata eh. “asan pala si russell?” tanong ni tito Bernardo “naku, kanina po nandito lang siya eh. sa katunayan, isa pa nga siya sa mga nagluto. Teka, Rick, nakita ko ikaw ang huli niyang kausap kanina ah.” Sagot naman ni kuya raph. “ah, kakagaling lang niya nun sa kusina, sabi niya may pupuntahan lang daw siya eh. tagal namang bumalik.” ... Matapos kumain, nagkakwentuhan ang mga oldies, mala-reunion ang nangyari e. aba, napagdiskitahan ba naman yung photo album! Eh ang iba dun eh yung mga piktyur namin ni russell NOON. Pasalamat na lang ako di pa dumarating si russell. At buti na lang, may sari-sariling mundo rin ang ibang mga bisita. Yung iba, nagkkwentuhan sa may labas, yung iba nasa cottage. Sila kylie at mikel kasama ko sa sofa pati sila charisse, kuya raph at rick. Medyo malapit yung pwesto namin sa kinauupuan nila mama, papa, tito, tita, at pati parents ni mikel. Wala kasi ang parents ni Kylie dahil nag-out of town. Nakikisawsaw na rin yang jeremy na yan, sumali na rin si nanay aning, Rinig na rinig nga ang mga hagikhikan nila at tawanan. “Mare, tignan mo naman yung figure mo 9 years ago, namaintain mo. Hahahah...” narinig kong biro ni mama. “syempre mare, sa stress ba naman. Pero mare ha, try mo mag aerobics, effective.” Hay naku... ![]() “Hahahaha! Tignan niyo po yung itsura ni ate doon oh, parang di naligo ng isang linggo! Wahaha” hay.. nyeta talaga yang jeremy na yan, ang galing-galing mang-asar! Natawa rin pati sila kylie. Grrrr... Maya-maya naman naenganyo na sila at nagsipaglapit na doon. Ako na lang at si charisse ang naiwan sa sofa. “uyyy... yan ba si justine at russell noon? Aba dko inexpect na ganyan pala sila ka-close ah.” Sabi ni kylie. “Oo nga eh. tignan niyo to, yan, naalala ko yan. Christmas party yan, kung d ako nagkakamali, hinalikan niyan ni Russell si justine.. o pati ito, stolen shot ito, akala siguro ni russell, walang nakatingin sa kanya nung pumustlit siyang lumalabas ng bahay para masundo si justine. Hahaha!” Nagtawanan naman silang lahat. Hayy ang daldal talaga ni nanay aning kahit kelan. Eto na nga halos sumabog na ako dito eh. at hindi ako makatingin sa kanila. “tignan niyo pa to oh, yan, 7th birthday ni russell. Ganda ng kuha noh? Ako kumuha niyan, tignan niyo, may nalalaman na pala yang batang yan na pa-akbay-akbay effect noon ah. Ang ganda pa ng ngiti nila, ang dami namang itim dahil sa blackforest cake. hahah!” sabi pa ng nanay niya. Hay naku naman.. nahihiya na talaga ako. “Justine! Ba’t ka nagmumukmok diyan? Halika dito! Hahaha!” banat pa ni papa. Matapos ang ilang minuto...aba speaking of the devil, atlast! He is here...but with her. : ( “O Russell, halika dito!” bati ni kuya Rick pero natigilan siya nung may kasama pala itong babae, “Aba, Sino naman yan?” gulat na tanong nya. Walang nakasagot. Napakamot na lang si Russell. “Naku rick, nagtanong ka pa eh obvious na o.” “Sino yang kasama mo?” tanong ng ina niya, nagulat din “o siya, pakainin mo na.” Malamig na tugon ng ama niya. Tumungo naman sila. Halos lahat ng mata nakatingin sa kanila, pati yung ibang bisita, lalo na kay andrea. .................... Tsk.. Akala ko pa naman di makakapunta si andrea kasi may affair siyang pupuntahan ngayon. Gumagawa talaga ako ng paraan para di dumating yung oras na kelangan ko siyang ipakilala, kaso palpak. Dko ba alam bakit nahihiya akong ipakilala siya. Kaya nga ako natagalang bumalik dahil napakatagal niyang magbihis. Pinagpalit ko kasi napaka-daring ng suot niya, eh birthday ng bata ang pupuntahan. Nababanas tuloy ako. Hayy tapos nandito pa pala yung nanay at tatay ni justine. Huhuhu.. nahihiya tuloy ako lalo. Di bale, bahala na. Ako rin naman ang pumasok sa gulong ito. Hayyst.“ma.. pa.. s-si ano..” wala na akong ibang nasabi hangang nakaupo na kami sa dining area. Bakit ganon? Parang natahimik silang lahat. Dumaan kami sa harap ni justine, ayun wala lang, para akong hangin, para siyang hangin, pero natigilan ako ng tawagin ako ni risse, na nakaupo pa sa kay justine. Paktay! Panu ba to? Sige na, kunyari di ako affected, at hindi rin siya affected. Lumuhod ako sa sahig, lumpit din naman si andrea pero hindi siya nagsasalita, ngumingiti lang siya kay charisse. “hello, baby... happy birthday. Bukas na lang ang regalo ni kuya ha? Di ako nakabili eh. kiss mo naman ako.” Pagkahalik niya, akala ko tapos na,makakaalis na ako. Feeling ko kasi, lahat ng mga mata nakatingin saamin ni andrea eh. Patayo na ako ng..”kuya... tino tiya?(sino siya)” “ah..eh..” napatingin ako kay andrea, “ahm.. siya si ate andrea mo.” “haa? Bakit may mewon pa? eh meron naman ti ate jatine ah? Ayaw mo ba takanya?” sabay turo niya kay justine. May narinig akong mga humagikgik sa kabilang dako ng sala, pero di ako nagpaapekto, sa katunayan muntik na akong matawa sa sinabi ni charisse ah. Teka, paano ko pala siya sasagutin? Naiipit ako. ![]() “risse..” nagulat ako ng nagsalita si justine. “hayaan mo muna silang kumain ha, mukhang gutom na sila oh.” Nakahinga ako ng maluwag sa pahayag ni justine, my aannggeell. dko ba alam pero automatic na napangiti ako sakanya, ngumiti din naman siya pabalik. Tumayo na ako at tumungo kami ni andrea sa sala. Kami na lang ang kumakain dahil tapos na pala silang lahat. “tagal mo kasi magbihis eh..” sabi ko na lang sa kanya habang napakamot sa ulo kahit di naman makati. ......................... Ano ba ang meron sa batang ito? At parang napalakas ang kapit saakin? Baka tuloy iniisip ni russell, scripted yung kanina..hayy.. “Hahaha! Nakita mo ba yung reaksyon ng mukha ni andrea kanina?! Wahahah... ang sarap piktyuran! Busangot! Parang natalo sa huweteng!” pang-aasar ni mikel.” ![]() “Mikel! Tumahimik ka nga diyan, nandiyan lang sila sa dining area o” saway ni kylie. “Hahaha! Eh nakakatawa eh!” “Makikitawa na rin ako ha.. hahahha!” sabi ni kuya Rick, pati na rin si kuya Raph. Nag-apir pa sila, peti kay charisse. “Ano charisse, ang talino mo talaga. Genius!” “Kayo talaga o.” Saway ko din. “wuuu.. pero aminin, natatawa din siya..” hirit ni mikel. Napangiti lang ako. Nagkakwentuhan lang kami matapos nun, halatang OP naman si andrea sa kanila, di na nga ako nagsasalita masyado eh, alam ko din naman yung feeling ng OP kahit papano. Napasarap siguro ang kwentuhan ng mga magulang namin, 8 pm na nung nagkayayaang umuwi eh. Nagpasya muna akong dumaan kay nanay aning sa kusina bago ako umuwi para magpaalam. Papasok na sana ako sa pinto ng marinig ko “mam, yun po ang gelpren ni russell?” boses ni nanay aning. “ewan, baka,... dko ba alam sa batang yun.” “mam baka naman po naglalaro lang sila?” “si aning talaga.. hayaan mo na lang muna. Maging ako din nagulat eh. alangan naman pati sa ganyang bagay pakielaman ko pa siya? Malaki na siya, naiintinidhan na niya ang ginagawa niya.” “oo nga mam, marahil naiintindihan nga niya, pero alam kaya niya ang pinagagagawa niya?” Katahimikan. Kaya kumatok na rin ako. “O justine.. ikaw pala.” Sabi ni tita “tita.... magpapaalam lang po ako, alis na po kami.” “o sige, mag-iingat kayo ha?” sabi ni nanay aning “opo, salamat po.” Paalis na ako ng... “Justine...” “po?” “kahit anong mangyari, naging malaking bahagi ka pa rin ng pamilyang ito, wag mo sanang kalimutang dumalaw-dalaw dito kahit papano ha?” Ngumiti ako, “opo naman. Sige po, alis na po kami.” Ano kayang ibig sabihin ni tita dun? Hayy.. siguro alam na niyang wala na nga. Pero, saakin, meron pa, dito sa puso ko. Mahirap kalimutan iyon, mahirap iyon itapon na lang ng basta-basta. Kung sa buhay nga, lahat ng first, tandang-tanda...from first step, first word, first haircut. Edi lalo na sa love- First kiss, first heartbreak-lahat ng first tumatatak. Iba talaga ang impact pag first LOVE. ............... ***sorry late update.. ayan bumawi na ako.. ang haba pala. Hehehe... may tinanggal nga akong scenes dyan eh, para mabawasan kahit ppano. naeexxage-an ako kasi sobrang haba talaga knina eh. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
yan super.. nakabawi naman na siguro ako mula sa 3-week utang ko..hehehe..
![]() comments pls.. don't forget huh.. gudnayt..este gud am! nyaks! may pasok pala bukas..este mamaya!! 1:00am na dito..huhu.. cge alis nko.. ![]()
hay..sana everyday ka mag.update kc lagi kong sinusubaybayan i2..
hay salamat!
ang kulit ni charisse! i like her na! ang kulit nung family ni russell! botong boto kay justine! buti nga kay andrea. ![]()
bat naman antagal..wala ba kayong sembreak dyan?..
balikan ko lang to ![]()
wew..kakamiss..ingrata ung andrea na un..
![]() di cla bagay ni russell no.. ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories JesustheChrist, sinner_sadokista, and 34 guests |