tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Mr. Mayabang meets Ms. Sungit
posted by (Oct 25, 2008 @ 1:49PM) views: 1900
hello po!!! bago lang po ako dito. : s m i l e : 
sana po you'll take time to read this story na gawa ko.
: g r i n : 
``````````````````````````````````` `````````````````````````````


Tsapter namber Wan
ANG UNANG PAGKIKITA


(Nadine's POV)

"you'll always be a part of me
I'm part of you indefinetely
girl dont you know you can't escape me
oohh darling cause you'll always be my baby.."


"Nadz gising na ui, kanina pa may tumatawag sayo"

"Ha?" ang aga naman mang-istorbo nito oh : h m m : 

"sabi ko may tumatawag sayo kanina pa. tingnan mo at nagriring pa rin nga yang fone mo."

sinulyapan ko ang celphone ko na nasa ibabaw ng aking study table. oo nga, nagriring pa rin siya kaya naman kinuha ko na lang para masagot na kung sino man yung tumatawag.

pero teka nga.... bakit mukhang bihis na bihis ata tong bestfriend kong si Elize? san na naman kaya ang lakad nitong bruhang to?! : r a z z : 

"hello ma.." nanay ko pala to.. hehe "...good morning po. bakit po kayo napatawag?

"iha, i just want to make sure that everything's fine today."

"what do you mean ma? ano po bang meron ngayon at parang excited ata kayo?"

"ikaw talaga nadine.. dont tell me you forgot na ngayon ang first day mo bilang isang college student?"

"of course not. how could i have possibly forgot about.. ------- OH MY GOD!----- ma, bye na po pla. late na pala kami ni elize, alis na kami. okay ma, ill take care of myself. love you too. bye!" right after ko ibaba ung fone..

"ANAK NG PATING! liz ngayon na ba yun?! kaya ba bihis na bihis ka dahil first day natin at hindi ka makikipagdate? bakit hindi mo naman ako ginising?! waahh!! : c r y :  : c r y :  bakit hindi ako nagising? nag-alarm naman ako--"

"wait!! isa isa lang sis howkei?! yap. ngayon nga ang first day natin kaya nakabihis na ako. at pwede ba? hindi ako makikipagdate noh! ikaw talaga.. i tried to wake you up kaya lang daig mo pa ang mantika kung matulog. kaya ayun, nauna na lang akong magshower sayo. akala ko nagising ka na dun sa napakalakas mong alarm clock pero hindi pa rin pala."

"ganon ba?! o sige ganito na lang, maliligo na ko at hintayin mo ko ah! wag kang aalis nang hindi ako kasama. "

"howkei bestfriend! "

ang malas ko naman. ngayon pa ko na-late ng gising. kaya eo tuloy, parang dumaan lang yung tubig at sabon sa katawan ko. hai.. what a great way to start my day. : h m m : 

liz: wow nadz! ang ganda ng building natin oh! ang laki pa!!
nadz: ---

speechless ako. : r a z z :  infairness ang ganda nga! at ang main lobby ay parang yung sa mga malalaking hotels! astig! mukhang mag-eenjoy ako dito ah!

liz: halika na nadz. dito na tayo sa elevator. tutal sa 4th floor pa naman pareho yung rooms natin.
nadz: aba at ang sosyal! may elevator pa tlaga!

magkahiwalay kami ng pinasukang room ni liz. magkaiba kasi kami ng subjects ngayon. nauna naming nadaanan ang room nila, habang yung sakin naman ay sa may bandang dulo pa ng corridor.

pagpasok ko ng kwarto, napansin ko agad yung grupo ng mga lalaking nasa may bandang likuran nakaupo. teka, nakatingin ba sila saken? hala conscious naman ako... : b l u s h : 

bakit nga kaya? baka dahil sa suot ko.. e ano naman kung isang maluwag na white shirt at faded jeans ang suot ko? e sa kumportable ako dito e.

anyway, sa may unahan ako pumwesto, dun sa may malapit lang sa pintuan. nagulat ako ng bigla na lang may sumigaw na lalaki dun sa likuran.

"hoy miss na nakaWHITE sa harapan! ako nga pala si bong. anong pangalan mo?"

hindi ako lumingon. baka naman kasi hindi ako yung kausap niya.

"miss na nakawhite sa may harapan, sabi ko ako si bong. ano kako ang pangalan mo?"

dahan-dahan kong tiningnan yung mga katabi ko at lahat ng nakaupo sa harapan at, ako lang ata ang naka- white dito!!

"pare, wala ka pala,e. di ka pinansin ni ms. beautiful!"

"oo nga bong,. inaamag ka na ata e.!!"

"hahahaha : l o l :  "

at lalo pa atang lumakas ang kantyawan at sigawan.

"hoy miss!..." sigaw uli nung lalaking si bong. ".. sasabihin mo ba sakin ang pangalan mo o lalapitan na lang kita dyan at hahalikan?"

ano raw? hahalikan niya ko?! nadine, konting pasensya pa. tandaan, patience is a virtue. isa pa, hindi magandang magkaron ng kaaway sa unang araw pa lang ng klase.

"pare ayaw talaga oh!"

"aba aba naghahamon yung chicks bong!patulan mo na!"

"tama! halikan na yan!"

"ano pa nga ba?.." sabi ni bong, "..mukhang gusto ni miss na matikman ang matamis kong mga labi!"

unti-unti nararamdaman kong lumalapit na siya. oh no! this cant be happening! hindi pwede! kailangan pigilan ko ang masama niyang balak sa akin! kailangan kong umaksyon agad!!tumayo ako at..

"ang babastos niyo! pwde bang tumigil na kayo?! nananahimik yung tao dito pero tuloy pa rin kayo sa pang-aasar! anlalakas niyo rin mangtrip noh?! palibhasa babae ako kaya siguro sa tingin niyo hindi ako papalag! pwes nagkakamali kayo! sige halikan mo lang ako at tingnan natin kung hindi ka pulutin sa ospital!" sabay tingin ko dun sa lalaking si bong.

tumahimik yung grupo ng mga lalaki. pati na rin ang buong klase nakatingin sakin. aba! palaban ata to! nagkakamali sila ng binabangga! hehe : d e v i l : 

pero bakit kaya bigla na lang may babaeng lumabas ng klasrum habang nagsasalita ako kanina? infairness naaalala ko yung damit niya dahil napakagandang white tank top ata nun. ..-----

OH NO.
WHITE TANK TOP.
SHE WAS WEARING A WHITE TOP!??!!

ibig sabihin... ibig sabihn....

"hoy miss! nagkakamali ka ata! ako makikipagkilala sa isang katulad mong pangit at masungit na, e mukhang may sayad pa? ang tigas naman ng mukha mong mangarap. "

at dahan dahan siyang lumapit sakin hangagang sa tila isang ruler na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"tingin mo hahalikan kita? pwede ba? kahit siguro sa panaginip ko hindi ko gagawin yun!! hahaha : r o l l :  : t o n g u e :  "

narinig ko na lang na palakas na nang palakas ang tawanan sa loob ng kwarto namin. dahil hindi lang ang mga katropa nitong bong ang tumatawa. kung hindi maging ang halos lahat ng estudyante.

daig ko pa ang binuhusan ng napakalamig na tubig. gusto kong tumakbo palabas pero naninigas ang buong katawan ko. kahit na isang hakbang palayo sa kanya ay hindi ko na magawa!


``````````````````````````````````` `````````````````````````````

sana po nagustuhan niyo!
abanagn niyo yung mga susunod pang tsapters dahil siguradong matutuwa kayo!
comments po.: )  kahit ano : ) 
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
STRAIGHT FROM THE HEART
older post:
PRIMETIME SOCIETY

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
bheby_mhie    •reply Oct 25, 2008 @ 4:11 PM
 
oo nga ako natatawa eh..ganun ba tlga xa kapangit??'wawa naman pala bida natin..


nxt na po..!!
  lalaladeedah    •reply    Oct-26-08@6:15AM
salamat naman at nagustuhan niyo. bukas ung next chapter! sana magustuhan niyo uli!
eimmaj23    •reply Oct 25, 2008 @ 6:22 PM
 
haba naman nito.... summary na ba ito?
  lalaladeedah    •reply    Oct-26-08@6:16AM
hehe
first chap pa lang. : ) 
mahaba ba? para hindi bitin!
diewithme    •reply Oct 25, 2008 @ 8:18 PM
 
: t o n g u e :  watda?!?! kawawa. : c r y : 
  diewithme    •reply    Oct-25-08@9:13PM
: t o n g u e :  sana ate lagyan mo pix para makita namin si nadine. : b l u s h : 
tsaka si bong. : b l u s h :  : b l u s h : 
  lalaladeedah    •reply    Oct-26-08@6:17AM
sige try kong maghanap!
haha buti naman at nagustuhan niyo!
tres_laiteras    •reply Oct 25, 2008 @ 11:38 PM
 
update mo to lagi ha.. : b l u s h : 
  tres_laiteras    •reply    Oct-26-08@1:06AM
kawawa naman si nadine. : c r y : 
napahiya sya. aruy! : m e c r y : 
  lalaladeedah    •reply    Oct-26-08@6:17AM
sure sure update ko to!
bukas ang next chap!
iraNDkeff    •reply Oct 26, 2008 @ 1:12 AM
 
kawawang nadine...ahehehhe nice...sana may part 2 agad. : s m i l e : 
  lalaladeedah    •reply    Oct-26-08@6:18AM
bukas ang next chap! ahaha
loveu4ever915    •reply Oct 26, 2008 @ 5:27 AM
 
grAbe.. aMMp uN... yoKo mmAngyAri sAkin un.. hAhA
  lalaladeedah    •reply    Oct-26-08@6:20AM
syempre hindi naman siguro yun mangyayari sayo!!! ahaha abangan niyo ang next chap ko!
  loveu4ever915    •reply    Oct-26-08@7:32PM
sAn nA sEcond chAp?
kae628    •reply Oct 26, 2008 @ 6:32 AM
 
: l o l :  : l o l :  : l o l : 

hay nku...
di n ako mkpaghintay sa 2nd chapter... : l o l : 
ikatlongbaboy    •reply Oct 26, 2008 @ 10:01 PM
 
: l o l :  : l o l :  : l o l : 

wawa naman si nadine. yan kasi. jumping to conclusions. xD kakabasa ko lang ng storya na ganyan eh. namatay tuloy ung lion. T-T

hehe galing. susubaybayan ko 'to.

: n o t w o r t h y : 
black_white    •reply Oct 28, 2008 @ 4:43 PM
 
hahahaha ang kulit : l o l :  : l o l :  : l o l : 
anyD    •reply Oct 28, 2008 @ 9:14 PM
 
nyaha!

wawa naman si nadine.. : r a z z : 
tEary_eYes    •reply Oct 29, 2008 @ 4:33 AM
 
: g a l e n g : 

sis!!new reader here!!

-apple-

: k a p e : 
maffelii    •reply Oct 30, 2008 @ 11:23 PM
 
: w a v e :  : b l u s h : 
raezak    •reply Oct 30, 2008 @ 11:34 PM
 
ang haba haba haba
maffelii    •reply Oct 30, 2008 @ 11:39 PM
 
haha kawawa naman cia gagu tlaga mga tao ngaun! : l o l : 
  raezak    •reply    Oct-30-08@11:40PM
naku di nman lahat gagu hehehehe : n o t w o r t h y :  : n a u g h t y : 
lujile_09    •reply Nov 13, 2008 @ 8:03 PM
 
LOLZ wot a twist =)
aikhon23    •reply Nov 14, 2008 @ 10:06 PM
 
wahahaha!! parang nangyari sakin yan ha.. hahaha!! dami tlgang nagkalat na gago ngayon.. wawa aman bida... : l o l : 
cheska_31    •reply Feb 22, 2009 @ 2:17 PM
 
hehe..now ko lang xa nabsa... pero i like it!!!
babasahin ko lahat ng chapters... haha lolz!!!
thnx
peachgirla    •reply Mar 26, 2009 @ 11:46 PM
 
ahm kylan yung nxt chapter?!heheh : n o t w o r t h y : 
its_complicated    •reply Apr 13, 2009 @ 6:56 AM
 
BUTTON: :You harden there!

: r o l l : 
mymine    •reply Apr 14, 2009 @ 4:58 AM
 
wow ate... you got it! astig naman pala nito... susot ngheon ko lang nabasa... : m a d :  late 2loy ako sa chismis.. hmpft
markg81    •reply Apr 16, 2009 @ 9:14 PM
 
waw..hahaha..

pero mganda ung ginwa mong nadine sa pic ^__^

may mas gaganda pa ba dun hehehe..
jEnNy03    •reply Aug 27, 2009 @ 3:10 PM
 
parang napansin ko lang karamihan sa nabasang kong story dito sa tcaf laging naguumpisa sa pagiging late ng character hehehe.. : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
STRAIGHT FROM THE HEART
older post:
PRIMETIME SOCIETY
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
You know, that moment when you kiss someone and everything around you becomes hazy. And the only thing in focus is you and that person. And you realize that that person is the only person that you're supposed to kiss for the rest of your life. And for one moment you get this gift. And you want to laugh and you want to cry because you feel so lucky that you found it and so scared that it will go away all at the same time.

--from "Never Been Kissed"

You need to be logged in to Facebook