|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 24.1 (Warren's Side Quest)
Part 1
Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988 Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984 Part Two Chapter 19 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507 Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283 Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983 Chapter 22 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832 Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/159298 Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/159922 Chapter 23 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/160401 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/160946 ‘Mukhang kina-career mo na ang paglalampaso kuya ah?!’ Panunukso ni Annie sa kapatid. ‘At ikaw naman ginagawa mo nang habit ang pagpuslit mo dito sa loob ng gym! Wala ka bang klase’t panay ang tambay mo rito?’ ‘Huwag mo na siyang sisihin Warren ako naman ang namilit sa kanyang sumama rito.’ Pagtatakip nito sa dalaga. ‘You surprised me, hindi ko inaasahang bibisitahin mo ‘ko rito sa practice namin! Ayos ka na ba ngayon bro?’ ‘Oo salamat, nakatulong sa ‘kin yung pagsuporta ninyo sa ‘kin nung nasa ospital pa ‘ko, salamat talaga.’ ‘Okay na okay na siya kuya, ikaw lang naman ang hindi okay sa ‘ting tatlo eh…’ Pagpapasaring naman niya. Hindi na umimik pa si Warren. Para makabawi iniba na lamang niya ang usapan: ‘Say, Alfred since nandito ko na rin lang ano kaya kung pumasyal ka ulit sa bahay namin? Pauwi na rin naman ako since wala na akong klase, tsaka ipinangako mo sa ‘kin dati na tuturuan mo ko sa pagmemekaniko right?’ ‘May isa pa sana akong klase mamayang alas-cinco pero sige sasama na ‘ko, tutal naman hindi na rin mahalaga ang oras namin ‘don kasi katatapos lang ng exam ko sa klaseng ‘yon.’ ‘Ayos! Okay bro maiwan ko muna kayo ng sister ko, magpapalit lang ako sandali.’ Pagkuwa’y iniwan na nito ang dalawa papunta ng locker room. ‘Man… like I told you before, he’d just ditch out the subject, oh what am I gonna do with him…’ Malalim ang buntong-hininga niyang sabi. ‘Tama ka, kaya siguro maigi nang sumama na ako sa inyo ngayon para magkausap na kami. Basta’t huwag ka nang magbabanggit pa sa kanya ng kahit ano, para hindi siya mailang, ako na’ng bahala sa pagdiskarte ko sa kanya, okay?’ ‘Okay… thanks Alfred.’ Pagdating sa Mansyon ng mga Seales, sandaling nag-meryenda lang ang tatlo at agad-agad niyaya na ni Warren si Alfredo sa Gemini room para magpaturo ng ilang gawain sa pagmementina ng sasakyan. Una nilang pinagkaabalahan ang kotse ni Warren. Halos dalawang oras nilang binutingting ang Pt Spyder nito, mistulang musmos sa pagkamangha sa kanyang mga bagong natutunan si Warren habang si Annie nama’y inip na inip na nakadungaw lang sa may pinto ng garahe habang pinanonood silang dalawa. ‘You’re amazing bro! feeling ko tuloy bago ulit ‘tong sasakyan ko, ngayon ko pa lang talaga nare-realize kung gaano pa kaliit ang nalalaman ko.’ Napapakamot ulo niyang sabi. ‘Huwag kang mamangha sa mga natutunan mo sa ‘kin Warren, dahil kung tutuusin mga simpleng bagay lang naman ang mga naituro ko sa’yo. Ang sikreto lang d’yan ay ang pag-aralan pang mabuti ang sasakyan mo, na para bang nakikipagkilala ka lang sa isang tao. Mas madali nga ito dahil kumpara sa tao hindi mo na kailangan pang suyuin siya.’ ‘You’re right. Though honestly I’m not the type that would go over on every detail, madali kasi akong mainip!’ Nahihiya siyang natatawa. ‘Alam mo, hindi ko lang nasabi sa’yo noong unang bumisita ako dito sa inyo, talagang nakakamangha itong mansyon niyo Warren. Hindi ko lang sinasabi na magaganda at mamahalin ang mga kagamitan niyo rito dahil sa mayaman kayong pamilya; kundi parang may angkin nang karisma ang mismong bahay na ito, kahit ang mga pangalan ng mga silid, kahit itong garahe niyo’y kakaiba.’ Pag-iiba ng paksa ni Alfredo. ‘Tama ka diyan bro. Ni hindi na nga ikinosidera ni Daddy ang pag-renovation dahil nakapanghihinayang naming baguhin na lang basta ang natural na ganda nito. Kahit nga yung mga inupahang engineers ni Daddy talagang namangha sa design ng mansyon, not to mention those cool room names na derive sa mga constellations. I would be glad to give you a little tour if you’d like.’ ‘Natumbok mo! Iyan nga ang hinihintay kong sabihin mo eh! Ha! Ha!’ Pagkatapos magligpit ng mga gamit, dinala ni Warren si Alfredo sa Taurus room na katabi lang ng Gemini room, habang si Annie’y palihim na nakasunod sa kanila. Ipinasyal niya siya sa loob ng mini gym, pagkatapos ay sa kanilang 3-lane swimming pool, at agad-agad rin sa kanilang collegiate type basketball court. ‘Grabe talaga itong Taurus room, mantakin mong isa itong “room” pero halos kasinlaki na ito ng isang Gymnasium!’ Manghang-manghang bulalas ni Alfredo. ‘Actually ito lang ang portion ng mansyon na fully renovated since dati lang itong kuwadra ng mga kabayong pangarera dati nang datnan namin. Dito ako madalas magpapawis, tuwing umaga at dito na rin ako nagwo-work out.’ Habang nagmamasid si Alfredo sa buong basketball court naispatan niya ang isang malaking estante na nakadikit sa dingding malapit sa mga sisidalan ng bola. Sa kuryosidad ay nilapitan niya ito. Mga samut-saring trophy at mga medalya ang naroon, karamihan nakapangalan kay Warren. ‘Napakarami mo palang award Warren, halos mapuno mo ang buong estante.’ ‘It was Annie idea na ilagay ‘yan d’yan. Ang sabi niya kasi gusto niyang nakalagay ‘yan d’yan as a source of inspiration para sa ‘kin.’ ‘Mukhang napakataas talaga ang tingin sa’yo ng kapatid hindi ba? Sa palagay ko inilagay niya ‘yan d’yan para kung sakaling may maglalaro ditong ibang tao o mga namamasyal ay makikita nila iyan at maipagmalaki ka sa kanila.’ ‘Pero hindi na ngayon, dahil sa tuwing makikita ko ang mga trophies at medals na ‘yan parang lalong bumababa ang morale ko…’ Malungkot niyang sabi. ‘Bakit mo naman nasabi?’ Tila naumid si Warren sa tanong niyang iyon. May pag-aalangan sa kanya na sabihin kay Alfredo ang dahilan. ‘Ayos lang ‘yon kaibigan, hindi mo kailangang piliting sabihin.’ ‘N-no… it’s alright. Ayos lang din siguro kung sasabihin ko na sa’yo. Napag-isip-isip ko na rin na kung ikaw ang pagsasabihan ko… baka sakaling mapanatag kahit papaano ang loob ko …’ ‘Ano nga ba ang dahilan kung bakit bigla na lang nawala ang sigla mo sa paglalaro?’ ‘Nangyari ‘yon pagpasok ko last year sa Ateneo. Sa isang laro namin against UE... nahuli ko ang ilang team mates ko na gumagamit ng ecstasy… do’n ko na-realize kung bakit napakasigla ng mga team mates ko kapag naglalaro sila o during practices, sa sobrang kasiglahan nga nila parang hindi na natural. Naroong nagsisigawan sila na parang mga baliw, na kahit nagte-turnover nila ang bola parang balewala pa nga sa kanila, at hindi rin ako nagulat nang matalo kami sa UE noon kahit pa overpowered namin sila… ang totoo hindi rin ako nakapaglaro nang maayos sa game naming ‘yon dahil sa pagkabigla ko sa mga nangyari… at ang masama at pinakamasaklap pa sa natuklasan ko… ang team captain pa namin mismo ang nagda-drugs…’ ‘H-hindi mo ibig sabihin… s-si Clifford… na nobyo ni Jillia…?’ ‘Ayokong paniwalaan… noon kahit alam kong may kahambugan siya, kahit papa’no inirerespeto ko siya, bilang captain namin at bilang isang player… pero pagkatapos nang mga nasaksihan ko, pakiramdam ko gusto ko siyang sugurin at patayin! Ang kapal nang mukha niyang dungisan ang magandang reputasyon ng basketball para lang sa sarili nilang kapakanan! Sa ginawa niya pakiramdam ko ako ang nilapastangan niya, dahil para sa ‘kin ang basketball na ang buhay ko, at walang kapatawaran ang ginawa nilang paglapastangan sa sport na minahal ko at pinaglalaanan ko ng buhay ko!’ ‘P-pero hindi mo ba ‘yon nabanggit sa coach ninyo?’ ‘Naisip ko na ring magsumbong noon sa coach ko, pero na-realize ko rin, na kung sasabihin ko ang mga nalaman ko kay coach siguradong kakalat ang balita at magkakaroon ng matinding eskandalo, at maaaring masuspinde sa liga ang team namin, o mas malala maaaring tuluyang ma-disband ang team. Maraming walang malay na team mates ko ang madadamay at masisira ang buhay sakaling lumabas sa media ang lahat… kaya sinarili ko na lang ang lahat…’ ‘At kaya ba tuluyan na ring nawala ang gana mo sa paglalaro…?’ ‘Masisisi mo ba ‘ko Alfred…? Makita ko pa lang sila, parang sasabog ang puso ko sa sobrang galit sa kanila… Hindi ko maatim na makasamang maglaro ang mga tampalasang ‘yon… walang mas mahalaga sa mga tulad nila kundi ang kasikatan nila… kaya mas maigi pang hindi na lang ako makalaro sa buong buhay ko kaysa dungisan ang dangal ko sa pakikipaglaro sa kanila…’ ‘Pero alam mo bang sa ginawa mo, ikaw rin mismo ang sumira sa sarili mong dangal bilang player…?’ ‘A-anong sinabi mo…? Paanong ako ang sumira sa sarili kong dangal?!’ eTO BE CONTINUED... P.S.: Open pa rin po ang ending poll para sa final chapter, eto po ang link: ENDING POLL LINK Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
tnx pOh sa update..
naman.. adik nah cliffOrd.. next nah pOh.. ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77642)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) tulungatong, ynill, anonsenselove, Laiideechuii, rico_nalus, mhelaisky, faded_jaded, vani_014, and 43 guests |