tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Alumni: High School Memories (8)
posted by (Oct 13, 2008 @ 12:54AM) views: 383
elow tristanians.. : w a v e : 

update na po aq..

sembreak naaaaaa..

ahihi... ala na qng masabi.. : b l u s h : 


Kabanata 8 na po..


para sa mga gusto pang humabol sa pagbabasa, click lang po: : n a u g h t y : 


Kabanata 1

Kabanata 2

Kabanata 3

Kabanata 4

Kabanata 5

Kabanata 6

Kabanata 7


***

Kabanata 8


Hindi maipinta ang mukha ko nang sumapit ang oras ng tanghalian. Bad trip naman kasi ‘tong Mr. Walang Galang na ‘to. Binoto-boto pa akong Presidente ng klase e ayoko ngang maging officer! Wala na rin naman akong nagawa kundi tanggapin ang responsibilidad.

“Alam mo, nakakainis kayo!” sabi ko sa kanila habang naglalakad kami papunta sa canteen.
“Ano namang nakakainis doon?” tanong sa akin ni Angelo o Gelo na lang. Sabi niya kasi yun na lang daw ang itawag ko sa kanya e. Fine! Haha!
“Pinagkaisahan ako ng magbabarkada,” sagot ko. Tinawanan nila ako. Nainis tuloy ako lalo. “Sige tawa pa!” sabi ko sa kanila.
“Denise, bawal ang pikon,” ang sabi ni Carl. “Tingnan mo nga itong si Carlo, hindi naman nagalit noong nabotong Escort. Ang masama nga lang, si Rhea ang Muse.”
“Binoto mo ba iyon, Angel?” tanong ni Gelo kay Angel.

Sumagot naman si Angel, “Bakit ko ivovote iyon? I hate her! Duh!”

“Si Angel talaga ang laki ng galit kay Rhea! Dati nga bestfriends kayo nun,” sabi ni Gelo.
“Mag bestfriends kayo?” tanong ko kay Angel.
“Dati yun,” sagot ni Angel at kinausap niya si Carl, “Alam mo, mali ka Carl, dapat ni-nominate mo na lang si Denise sa Muse.”

Nagmaktol naman itong si Carl, “Ayoko nga siyang maging Muse! Edi pag nagkataon, sila ni Carlo ang mag-partner. Gusto ko sa akin lang siya.”

Natahimik ang lahat nang sabihin ni Carl yun. Bakit niya ba sinabi yun? Gusto niya sa kanya lang ako? Hay naku, siguradong nagbibiro lang siya.

Nang mapansin ni Carl na tumahimik ang lahat, sinabi niya, “Ano ba kayo? Joke lang yun! ‘Di na kayo nasanay sa akin. Ayoko siyang maging Muse kasi ‘di naman siya bagay dun! Kasi ‘di naman siya maganda! Hahaha!” Nagawa niya pang tumawa.

“Ang corny mo, Carl,” nasabi ko na lang. Ang sakit nun a! Nauna na lang akong maglakad sa kanila.
“Uy, Denise! Pikon ka talaga!” narinig ko pa iyon mula kay Carl. Wala talaga siyang puso! Nakakainis.

At habang lumalayo ako sa kanila, naririnig ko pa ring daldal nang daldal si Carl, “A! Basta ako! Walang makakatalo sa pagiging Sergeant-at-Arms ko!”

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad para makapunta na ako sa canteen. Habang naglalakad ako, naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.

“Denise,” ibinulong niya pa ang pangalan ko.

Napahinto ako at nawala bigla ang inis ko nang makita ko kung sino ang humawak sa kamay ko, si Carlo. Sinundan niya pala ako.

“Pagpasensyahan mo na si Kuya Carl,” ang sabi ni Carlo sa akin. Ramdam kong malamig ang kamay niya. Kinakabahan ba siya? Hanggang sa bumitiw na siya sa akin. Iyon ang unang beses na nahawakan ko ang kamay niya.
“A, ok lang,” sagot ko.

Dahil sa paghinto kong iyon ay naabutan na kami nina Carl. Ngingiti-ngiti pa siya nang tawagin niya ako.

“Denise pikon!”

At sa sobrang asar ko ay naisigaw ko ang bansag ko sa kanya, “Mr. Walang Galang!”

Tila nagpintig ang tainga ni Carl dahil sa sinabi ko. “Anong sinabi mo?” ang itinanong niya kaagad sakin. Naku, nagalit yata!

Napatakip ako ng bibig. Ano nga ba yung sinabi ko? Sinabi ko ba talaga yun?

“Anong itinawag mo sakin?” muling tanong niya habang papalapit sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Kitang-kita sa mukha ni Carl ang pagkaasar. Hinila niya ako at nagdire-diretso kami sa canteen. Mukhang enjoy na enjoy talaga siya pag hinihila niya ako. “Umupo ka!” utos niya sa akin. Sinunod ko naman ang utos niya.

Sumunod rin sina Angel, Gelo, Carlo at Arlene sa canteen. Hindi na sila tumabi sa amin at naghanap na lang ng ibang puwesto.

Dalawa lang kami ni Carl dito sa puwesto. Nakatitig lang siya sa akin. Ano bang balak niyang gawin? Tititigan niya lang ba ako hanggang sa matunaw ako para mawala na ako sa mundo? Bakit ko pa kasi nasabi yung bansag ko sa kanya? Ang tanga-tanga ko!

“Anong gusto mong kainin?” sa wakas ay nagsalita na rin siya.
“A, kahit ano,” mahinang tugon ko.
“Kahit ano? Bigyan kaya kita ng lason,” sabi niya. Umalis siya. Mukhang bibili ng pagkain.

Para naman akong napako sa kinauupuan ako. Nakayuko lang ako. Nakakahiya talaga. Nagalit ba talaga siya? Teka, bakit ba ako ganito? Pag ako ang ginagalit niya parang okay lang sa kanya pero pag siya yung nagagalit ko, hindi ako mapakali.

Bumalik na si Carl sa puwesto namin. May dala siyang tray. Bumili siya ng isang baso ng iced tea, isang order ng Giniling at kanin. Kita mo ‘tong taong ‘to, napaka makasarili talaga. Bumili lang siya ng pagkain para sa sarili niya e!

Inilatag niya ang binili niya sa lamesa. Seryoso ang mukha niya. Galit nga talaga siya. Magso-sorry na ba ako? Ano ba?

“Carl, sorry,” paghingi ko ng paumanhin.
“Kumain ka na,” sabi lang niya.
“Galit ka ba?” tanong ko.
“Kumain ka na,” sinabi niyang muli.

Nagbuntong-hininga ako at tumayo. Hay! Makabili na nga ng pagkain.

“O, saan ka pupunta?” tanong niya sa akin.
“Bibili ng pagkain. Sabi mo ‘di ba, kumain na ako?” sagot ko.
“Ang engot mo talaga! Binili ko na nga ito para sa iyo tapos bibili ka pa?”

Para sa akin yung inorder niya? Malay ko ba! Akala ko para sa kanya yun e!

Inusog niya ang plato, baso pati kutsara’t tinidor at sinabi sa akin, “Kumain ka na!”

Sinunod ko kung ano ang sinabi niya. Bago ko pa isubo ang pagkain, tinanong ko muna siya, “Carl, galit ka ba sa akin?”

“Hindi no! Nagda-drama lang ako. Kunwari galit ako, gusto kasi kitang masolo kaya hinila kita,” sagot niya, tapos tumawa. Ano ba talaga ang nasa isip nitong lalaking 'to?

Hay naku! ‘Di naman pala siya galit sa akin tapos sobra pa yung pagka guilty ko. Kahit ganoon, napangiti na lang ako.

“Hmm. Carl, hindi ka pa ba kakain? Gusto mo share tayo?” tanong ko sa kanya.
“Hindi na, tititigan na lang kita habang kumakain ka. Busog na ako makita lang kita,” sagot niya.

Tumawa ako, “Haha! Lakas mambola ha!”

“A Denise, sorry nga pala kanina ha. Kasi sinabi kong hindi ka maganda,” paumanhin ni Carl.
“Okay lang yun, tama ka naman dun e,” ang sabi ko kay Carl. “Sorry nga din pala kasi sinabi ko pa yun sa iyo.”
“Ang alin?” tanong ni Carl.
“Alam mo na,” sagot ko. Ayoko nang ulitin pang sabihin yung bansag ko sa kanya, yung Mr. Walang Galang, baka kasi magalit na naman.
“Yung Mr. Walang Galang ba?” tanong muli ni Carl. Tumango ako. “Sus, ayos lang yun. Sanay na akong matawag na ganun e!”

Sanay na siya? Anong ibig niyang sabihin?

“Sanay ka nang matawag na,” binulong ko na lang, “Mr. Walang Galang?” tanong ko sabay takip ng bibig.

Napangiti si Carl at tumango. “Matagal nang may nagsasabi sa akin ng ganyan. Ganyan din kasi ang tawag sa akin ni Dara.”

Nang sabihin ni Carl ang pangalang iyon, napaisip ako. Tinatawag rin siyang ‘Mr. Walang Galang’ ni Dara? Teka, sino ba si Dara?


...Itutuloy...

: t h a n k y o u : 

salamat po sa mga bumisita
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
anyD    •reply Oct 13, 2008 @ 12:56 AM
 
sana may magbasa : p r a y : 
oOoKiKzoOo    •reply Oct 13, 2008 @ 1:05 AM
 
ako una : D 
  anyD    •reply    Oct-13-08@1:07AM
ako kaya! : j o m b a g : 
  oOoKiKzoOo    •reply    Oct-13-08@1:08AM
d ka naman counted.. OL ako sa ym.. pwede ka mag ol dun?
  anyD    •reply    Oct-13-08@1:09AM
pilitin mo muna ako.. : n a u g h t y : 
  oOoKiKzoOo    •reply    Oct-13-08@1:13AM
aie.. gusto pa magpapalambing.. : D 


hahaha.. cge na po mine.. please..


pede ka po bah mag ol dun xa ym? may sasabihin kasi ako saung importante eh.. taz may papakita sana ako sau dun.. cge na po.. : D  please.. :[
  anyD    •reply    Oct-13-08@1:14AM
OL na kaya ako..

di ka nga namamansin eh.,. : t a m p o : 
  oOoKiKzoOo    •reply    Oct-13-08@1:15AM
xenxa.. offline pala ym ko.. : D 
  anyD    •reply    Oct-13-08@1:16AM
nyaha.. ganun ba.. : k i s s : 
  oOoKiKzoOo    •reply    Oct-13-08@1:40AM
uu eh.. : D 
yingying    •reply Oct 13, 2008 @ 1:08 AM
 
dara pala.. : e s e p : 


cute naman ni carl.. : b l u s h : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@1:10AM
si Dara.. ung lagi na lang napuputol na pangalan.. Dar- ehehe... may nagtanong kasi kung cno ba talaga ung Dar- eh..
  yingying    •reply    Oct-13-08@1:41AM
honga,,Dara pala complete name nya..hmm..patay na ba xa? : ? 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:49PM
patay na ba si Dara? malalaman natin.. : e s e p : 

: b l u s h : 
anyD    •reply Oct 13, 2008 @ 1:21 AM
 
alis na po muna aq.. balik na lang ako uli.. : t a k a s : 
resemblance    •reply Oct 13, 2008 @ 1:50 AM
 
kumusta! bumibisita lang...: t a k a s :  : s m i l e : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:51PM
ok lang aman aq kuya..

cge daan daan lang kaw..
: n a u g h t y : 

: t a k a s : 
eypien    •reply Oct 13, 2008 @ 1:56 AM
 
gud gurl.

update ka kaagad ah? : s m i l e : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:52PM
: l o l : 

talagang may "gud gurl" pa ah,..

update na lang aq ASAP hehe..
angeleyez89    •reply Oct 13, 2008 @ 2:01 AM
 
hmmm..cno naman kaya c Dara?
Update n agad.. : b l u s h : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:53PM
sige masasagot din yang tanong mo sis..

update na lang po ako ah.. : k i s s : 
paramore_kittie_31    •reply Oct 13, 2008 @ 2:29 AM
 
hahaha..adeek ka otor..nag comment na ako sa fs mo..

salamat sa update..ganda ng sobra... : n o t w o r t h y :  : c h e e r :  : g r i n : 
  TeenAgeDrama    •reply    Oct-13-08@2:36AM
psst.. nag update na din ako..



ahahah : D 
  paramore_kittie_31    •reply    Oct-13-08@6:00AM
oo nabasa ko na sya..hihihi
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:54PM
nagcomment back na rin ako sau sis.. : k i s s : 

tnx sa pagbabasa.. : k i s s : 
paramore_kittie_31    •reply Oct 13, 2008 @ 2:41 AM
 
oo nga sno nga kaya si dara?: e s e p : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:55PM
sabi ni bebe_kakeru siya raw si Dara.. : r o l l : 
innocent_beyondeyes    •reply Oct 13, 2008 @ 4:21 AM
 
onga po sino po xa? : r a z z : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:55PM
malalaman din natin sis kung sino siya.. : b l u s h : 
angelkulit025    •reply Oct 13, 2008 @ 4:43 AM
 
ay naku... huhmmm... kabitin naman... sino si Dar- dara???

huhmmm... abangan sa susnod na kabanat...
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:56PM
ahihihi.. bitin ba sis..

churi po..

abang na nga lang.. update na lang aq uli ^^
frith    •reply Oct 13, 2008 @ 4:48 AM
 
hahahahaha
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:56PM
tawa ka jan kuya angelo.. : j o m b a g : 
bheby_mhie    •reply Oct 13, 2008 @ 5:16 AM
 
uy sa wakas buo nadin ang name ni da---ahahahaha dara lang pala : m a d :  : m a d : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:57PM
: l o l : 

nyahaha.. uminit ulo

eh kasi naman bibitinin pa ung pangalan letter A lang pala idadagdag : r o l l : 
kul8qtlga    •reply Oct 13, 2008 @ 5:40 AM
 
: l o l :  binitin p ang dara eh.."a" n lng pla ang kulang dun sa name nya: r o l l : 



hus dara by da way??: e s e p : 
prang espexal kay carL ah : c r y :  : m a d : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:58PM
: l o l : 

uo nga sis.. ahaha.. A lang dinagdag..

auko na sabihin kung sino siya baka lalo kang magalit.. : h i d e : 
  kul8qtlga    •reply    Oct-14-08@6:50AM
cguro may past cla ni dara tsaka ang carL q : m a d :  : s a k t a n : 



san n ba c dara ngaun sis?? : n a u g h t y : 
  anyD    •reply    Oct-15-08@5:55AM
may past kaya sila.. : e s e p : 

meron yata e.. : l o l : 

si dara.. aun nagtatago.. : h i d e : 
midnytlove    •reply Oct 13, 2008 @ 5:51 AM
 
bat gnun lage nLng yung mku2let ang gusto ko? : ? 
sa MOL-benjo
sa MEDYAS-joshua
taz dito
c CARL! : l o l : 

lab..lab..ko tLg tO! : b l u s h : 
tnx otor!~
  paramore_kittie_31    •reply    Oct-13-08@6:04AM
oo nga lakas ng appeal ng mga magugulo...pero sweet si fafa carl ha..nilibre si denise ng pagkain...hihihi : b l u s h :  : l u v : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:59PM
ewan q nga rin ba..

yung mga tahimik ayaw ng readers..

mas gusto yata ung strong ang personality.. hehe

salamat sa pagbabasa sis.. : h u g :  : k i s s : 
  paramore_kittie_31    •reply    Oct-13-08@7:25PM
wlang anuman..ganda ganda nman kc ng story moh..

: h u g : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@7:37PM
tenchu po.. nagpost ka rin pala sis ano..

habol na lang ako.. grabe habulin ko pa ung story ni kikoie.. ang dmai na pala nun.. *sigh*
  anyD    •reply    Oct-13-08@7:38PM
ang dami*
  paramore_kittie_31    •reply    Oct-13-08@8:18PM
haha..buti nga nag post na rin un...hinihitay ko rin story nya eh..

haha..salamat pla kung mag hahabol ka.. : k i s s :  : k i s s :  : k i s s : 
Mhay11    •reply Oct 13, 2008 @ 8:22 AM
 
ayihee
natutwa na ko sa takbo ng
story..


wiii kakakilig na.
lagi ko na din tong ivi-visit.

nung una mejo nosebleed
mejo malalim anhg pananagalog mo otor ah
in fairness..
pero cuteness
nmn ng story,
galing ng imagination.

kip it up po.

go go go!
: c h e e r : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@7:01PM
weee..... : c h e e r : 

tnx po.. tnx sa pagbabasa..

malalim ba ung tagalog? may mas malalim managalog dito sis.. si kuya Keane a.k.a. resemblance..

update na lang ulit aku.. tnx uli.. : t h a n x : 
Mhay11    •reply Oct 13, 2008 @ 8:24 AM
 
teka otor me tanung ako
seo din ba ung account na
ametyst??
  anyD    •reply    Oct-13-08@7:01PM
ametyst?

hmm... hindi.. hindi ko po kilala un..

anyD ang account ko..
simplycrissy    •reply Oct 13, 2008 @ 9:14 AM
 
sino nga ba si dara? : ?  : l o l : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@7:02PM
si dara.. ay... : s h u t u p : 

ahaha! secret sis : r a z z : 
insanity41    •reply Oct 13, 2008 @ 3:39 PM
 
oh dara pala yung "dar-" ex ba un ni carl?
  anyD    •reply    Oct-13-08@7:02PM
ex niya ba yun.. : e s e p : 

hindi yata sis.. : b l u s h : 
misz_masungit    •reply Oct 13, 2008 @ 5:25 PM
 
cguro ex nia c Dara : l o l :  : l o l : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:50PM
ex niya nga kaya si Dara? malalaman natin.. : e s e p : 

ahaha : l o l : 
bebe_kakeru    •reply Oct 13, 2008 @ 5:39 PM
 
cno c dara? heehe
c ako ba?


: t a k a s : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@6:49PM
: l o l :  : l o l :  : l o l : 

hindi ikaw sis.. ako yata si Dara.. ahaha
  bebe_kakeru    •reply    Oct-13-08@7:05PM
ikaw pala?
hahaha


: s a k t a n : 
  anyD    •reply    Oct-13-08@7:06PM
ay hindi juk lang.. hindi aku un.. : h i d e : 

o cge na nga ikaw na nga un..
mickeymawsh    •reply Oct 14, 2008 @ 4:36 PM
 
bitin...




: b l u s h : 
  anyD    •reply    Oct-15-08@5:57AM
ay churi sis kung bitin.. : k i s s : 
eypien    •reply Oct 15, 2008 @ 2:28 AM
 
wala pang update? : c r y : 
im craving.
  anyD    •reply    Oct-15-08@5:58AM
wuahh... wala pa e..

popost q na lang sis ha.. : h u g : 
spuddiez    •reply Oct 27, 2008 @ 8:34 PM
 
Hi sis : h u g : 

Musta na?: ) 

Napadaan lng po..di q pa nababasa mga last chapters n2 : ( ..chapter 7 pa din aq nsa chapter 16 ka n pla : d e a d n a n a : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Days The Legacy Continues... " Introduction "
older post:
Ewan.. PLS. Read..
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com