tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Medyas: A Love Story Book 2
posted by (Oct 11, 2008 @ 10:25PM) views: 3220

NOTE: Si Arianne at Janine lang po ang kilala ko diyan. Nakuha ko lang po ung ibang picture sa friendster. : l o l :  If ever you know these people kindly extend my apology to them for using their pictures without their authorization. Thank you. : b o w : 

Medyas: A Love Story Book 1 (Season 1)

Medyas: A Love Story Book 1 (Season 2)

Ang nakaraan sa Medyas: A Love Story Book 2...

Chapter 1: The Beginning



Chapter 2

Orientation Day


"Joshua nak, gising na. Kakaen na tayo." panggigising sakin ng nanay ko kasabay ang walang tigil na pagkatok.

"U-uuhhhhhmm" pagsagot ko sakanya na antok na antok pa.

"Oo ka nanaman ng oo, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo binubuksan ang pinto." sabi niya uli na hindi parin tinatantanan ang pinto ko sa kakakatok.

Wala akong choice kundi bumangon.

"Good morning Kuloy." ang bati ko sa picture na nasa kisame.

Binuksan ko ang pinto at niyakap ko ang nanay ko bilang pagbati at dumiretso na sa C.R. para maghilamos. Matapos nun ay tumungo na akong hapag-kainan.

"Gandang umaga." pagbati ko sakanila sabay kain.

"Ngayon ang orientation niyo anak diba?" pagtatanong ng tatay ko.

Sinagot ko naman siya sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawang kilay.

Oo nga pala, ngayon ang orientation day. Ano kayang meron dun? Masaya kaya un? Ano kayang mangyayari sa college life ko? Makikita ko pa kaya si Kuloy? Miss na miss ko na kakulitan niya at ang pagiging pikon niya. Hay. Parang imposible na atang makita ko siya dahil magkaiba naman kami ng university na pinasukan, magkasama sila ni Cyrus. Kailangan ko na sigurong magmove-on. Pero paano? Bahala na.

Matapos kong kumain ay nagpalipas ako ng oras. Nanood ako ng T.V., nagcomputer, at kung anu-ano pa hanggang sa nag-ayos na ako papuntang orientation.

Hindi ako mapakali, kinakabahan ako baka kasi maligaw ako. Wala naman kasi akong ideya kung ano ang mga gagawin dun, basta kung ano nalang sabihin nila un nalang ang gagawin ko.

Pagkapasok ko ng university, "Ang laki putek saan dito ang Alumni Auditorium?!" ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

Nagtanong ako sa manong guard na nakatayo sa guard house.

"Boss, saan po ung Alumni Auditorium?" tanong ko sakanya.

"Nakikita mo un? Ako ren nakikita ko un. Pagkarating mo dun, kakanan ka tapos sa dulo kakaliwa ka tapos dirediretso na un. Kapag madaming tao dun na un." sagot naman niya.

"Salamat po." pagpapasalamat ko naman.

Nag-umpisa na akong maglakad. At naglakad pa. At naglakad. At naglakad.

"Bakit parang wala akong nakikitang mga tao?" tanong ko sa sarili ko.

Hanggang sa makarating ako sa building na madaming tao sa labas. Sa wakas, nandito na yata ako. Papasok na sana ako ng building kaya lang...

"Nakapirma ka na ba dun? Pirma ka muna bago pumasok." sabi sakin nung nagbabantay sa pinto habang tinuturo ang isang desk na may mga nakaupong babae at may mga libro.

Kaya naman pumunta ako dun sa desk at hinanap ang pangalan ko. Artista ba? Kailangan pang pumirma pirma. Orientation palang attendance is a must na ata. Matapos kong makapirma ay binigyan ako nung isang babae ng isang libro. Handbook pala ang librong un.

Sa wakas pinapasok na ako at umakyat papunta dun sa orientation room. Wow, parang theater. Ang dilim. Ang stage nasa ibaba dahil medyo nahuli ako ng dating, sa taas ako napaupo pero buti nalang at mas madami pang late kesa sakin. Proud na proud ako sa sarili ko. Hahaha.

Ang boring. Discussion lang ng tungkol sa mga nangyari sa university ang sinasabi pero no choice kailangan kong makinig. Mga 20 minutes na siguro ang nakalipas at habang nakikinig ako, nagulat nalang ako ng merong isang ulo na sumandal sa balikat ko. Ulo ng isang babae. Hindi na ako gumalaw baka kasi magising ko siya. Nakakahiya naman sakanya diba? Ang himbing kasi ng tulog niya. Kaya pinabayaan ko nalang na matulog siya sa balikat ko.

"Inaantok ba kayo?" tanong ng emcee ng program.

"Hindi." sabay-sabay na sagot ng mga andun.

"Sino inaantok? Tumayo." masiglang tanong ng emcee.

Dahil naman sa tanong na iyon ay nagpasya akong gisingin ang babaeng natutulog sa balikat ko dahil medyo nangangalay narin ako.

"Miss, tatayo daw--"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay tumayo agad siya malamang dahil sa gulat.

"Inaantok ka ate na nakatayo?" pagtatanong nung emcee ng mapansin ang katabi ko.

"Miss, tatayo daw ang inaantok." pagtutuloy ko sa dapat na sasabihin ko.

Nagbungisngisan ang mga tao sa paligid niya at nakita kong ang mga nakaupo sa baba ay pilit na nilingon kaming mga nasa 2nd floor. Kahit ako ay medyo natawa sa ginawa niya pero hindi ko ginustong ipahiya siya. Malay ko bang tatayo siya agad.

Nang manumbalik siguro ang katinuan niya ay agad din siyang umupo at tumungo dahil siguro sa kahihiyan. Matapos nun ay bumalik na uli sa dati ang program pero ang katabi ko? Nakatungo parin.

Natapos na ang program at lumabas kami para itour sa university. Pagkalabas ko ay nakita ko si seatmate. Nakita ko ang mga mata niya, parang umiyak. Bigla akong nakunsensya, pakiramdam ko ako ang may kasalanan bakit siya napahiya kaya naman nilapitan ko siya at kinausap.

"Ui, pasensya ka na kanina ha. Hindi ko naman--"

"Wala kang kasalanan." putol niya sa pagsasalita ko at dumiretso na pababa.

Aray! Nasungitan ako ng wala sa oras. Hindi ko na nga lang siya kakausapin, basta nakapagsorry na ako.

Pagkababa ko ay agad kong hinananap ang mga ka-row ko para sa tour. Sa paghahanap ko ay napabaling ang tingin ko sa isang babaeng nakatalikod na parang familiar ang tindig, ayos ng buhok at pananamit. Sa excitement ko ay nagmamadali akong lumapit sakanya.

"Chloe." sabi ko sabay hawak sa mga balikat niya at nakangiting abot tenga.

Pagkaharap niya, mukha ng masungit kong seatmate ang nakita ko. Nanlamig ang pakiramdam ko, para akong kinuryente, at ang ngiti kong abot tenga ay parang nanigas na nagmukhang pilit na ngiti.

"Sorry uli." ang tangi kong nasabi sakanya habang nakangiting pilit sabay alis ng kamay ko sa balikat niya.

Akala ko nagbago bigla ang ihip ng hangin at napadpad dito si Chloe sa university. Guni-guni lang pala. Ang masaklap pa si masungit na seatmate pa napagkamalan ko. Watta day!

At nag-tour na nga kami sa napakalaking university, nilibot kami sa iba't-ibang building ng aming mga tour guide na kapwa rin namin studyante sa university na yun. Madaming puno sa university namin, marami rin sigurong insekto? Ayan ang mga bagay na naglalaro sa isip ko habang naglilibot.

Malapit na kaming makabalik sa pinanggalingan namin nang may narinig akong bulong.

"Aray." mahinang sabi nung babaeng nasa likod ko.

Nilingon ko naman siya agad para makichismis. Nako! Si sunget nanaman, nakahawak siya sa mga mata niya. Pagkakataon ko na siguro toh para makabawi kaya lang baka sungitan niya lang uli ako? Bahala na.

Nilapitan ko siya uli at tinanong.

"Miss bakit? Ano nangyari?" pagtatanong ko sakanya.

"Napuwing kasi ako eh." sagot naman niya.

Nagfeeling close ako at hinawakan ko ang ulo niya at tinanggal naman niya ang kamay niya. Tinignan ko ang kanyang kaliwang mata at dahan-dahang hinipan ito.

"Sa kanang mata ako napuwing." sabi niya.

"Ay sa kanan ba. Sorry." sagot ko sabay napangiti. Mali pala hula ko. Hahaha.

Dahan-dahan ko namang hinipan ang kanang mata niya.

"Ok na. Salamat ha." pagpapasalamat niya sakin habang inalis ang mga kamay ko sa ulo niya.

"Bati na tayo ha? Miss puwing." pagbibiro ko sabay balik sa pinanggalingan namin. Umalis na ako kaagad baka kasi masungitan nanaman ako. Sa pagsusungit lang naman ni Chloe ako natutuwa eh.

Sa wakas natapos din ang napakahabang orientation at makakauwi na ako. Ilang araw nalang rin ang pahinga ko at first day na.

First day. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.



Chapter 2 ended

pasensya na po kau ngayon lang ako nakapag-update.
maraming-marami uling salamat sa mga nagbabasa ng medyas magsimula umpisa magpahanggang ngayon.
sana magustuhan niyo ang book 2. : h u g :  : k i s s : 
sensya narin hindi ako makareply s mga comment nio. : w i n k : 
maraming-marami talagang salamat. : k i s s : 

tenk yu beri mats po sa mga nagcomment nung chapter 14,15, at 16 nung book 1 : k i s s : 

Chapter 14
lyra14
limkailun
precious_joy05
saint_4_sin
simplycrissy
kazcheek
swt_lil_cuti3
President_of_D_Room
insanity41
marjheoni
paramore_kittie_31
maffelii
pinky95
cRuSh_kitA08
ChugiBear
aIszLe
lightblade593
tres_laiteras
ceezzanesz
khai_21
asSungOt
medjie00021
supL4d4h
innocent_beyondeyes
loveu4ever915
dEaThAnGeL_MaRa19
tEary_eYes
shelly_eds17
anyD

Chapter 15
kazcheek
limkailun
tres_laiteras
cRuSh_kitA08
lyra14
simplycrissy
PreCiOusXD
ceezzanesz
saint_4_sin
swt_lil_cuti3
khai_21
asSungOt
maffelii
aIszLe
junelaine
insanity41
President_of_D_Room
lightblade593
idolkosisir2
medjie00021
supL4d4h
loveu4ever915
tEary_eYes
elvenbeauty_blood
anyD

Chapter 16
medjie00021
limkailun
precious_joy05
swt_lil_cuti3
ceezzanesz
junelaine
saint_4_sin
lyra14
maffelii
zuwailL
tres_laiteras
lightblade593
President_of_D_Room
cRuSh_kitA08
aIszLe
midnytlove
simplycrissy
insanity41
mikai_21
loveu4ever915
tEary_eYes
kazcheek
elvenbeauty_blood
anyD
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Dot dot dot.
older post:
The Story

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
basic_aryan    •reply Oct 11, 2008 @ 10:45 PM
 
kapangalan ko pla ung arianne..

asteeg
hehe
basic_aryan    •reply Oct 11, 2008 @ 10:55 PM
 
ask ko lng..

panu m po ginawa ung pag edit ng pics???
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:00PM
adobe photoshop po. : ) 

thanks po. : ) 
  basic_aryan    •reply    Oct-11-08@11:01PM
ah..

hehe

salamat..

nice story

ngtyaga ako basahin.. : b l u s h : 
  tEary_eYes    •reply    Oct-11-08@11:06PM
otor..pwedeng makigulo? : l o l : 

dina-download pa ba yun? : ? 
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:31PM
opo. may nabibili rin na mga cd sa mga nagtitinda ng software. : l o l : 

thanks po sa pagbabasa : k i s s : 
  basic_aryan    •reply    Oct-11-08@11:44PM
ndi ko madownload sa internet..

huhu : c r y : 
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:51PM
actually mahirap makadownload ng full version ng adobe photoshop sa internet po. kaya i suggest na bili ka nalang ng cd. 50 pesos lang naman po. : l o l : 
  tEary_eYes    •reply    Oct-12-08@3:37AM
ay ganowns?!oh gueh gueh...salamats otor!!

ur welcome ahaha..keep it up!!muahx! : r a z z : 
tEary_eYes    •reply Oct 11, 2008 @ 11:05 PM
 
: g a l e n g : 

pero ayaw ko pa din dun sa miss puwing ek-ek chuvaness watsoeber na yun : m a d : 

: l o l :  : l o l : 

labyu otor!!! ; ) 
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:32PM
salamat po sa pagbabasa : k i s s : 

solid joshua-chloe eh? : l o l : 
  tEary_eYes    •reply    Oct-12-08@3:38AM
ur welcome...

ou naman!!ayaw ko talaga kay chuvaness!!! : l o l : 
maffelii    •reply Oct 11, 2008 @ 11:22 PM
 
huwaw! nice otor!
salamat..: b l u s h : 

galing mo tlagaa..: h u g : 

salamats.. : k i s s : 
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:33PM
maraming salamat din po sa pagbabasa : k i s s : 

thank you very much : h u g : 
  maffelii    •reply    Oct-11-08@11:34PM
no problemo..salamat sa tyaga ahhh! : b l u s h : 
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:42PM
mas salamat sa tyaga sa pagbabasa : l o l :  : k i s s : 
paramore_kittie_31    •reply Oct 11, 2008 @ 11:27 PM
 
hihihihi..kakakilig nman si fafa joshua...wlang kupas sa mga nicknames..hihihihi..miss puwing.... : r a z z : 
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:33PM
hilig ko sa name calling : l o l : 

maraming salamat po sa pagbabasa : k i s s : 
maffelii    •reply Oct 11, 2008 @ 11:39 PM
 
ang sweat ni fafa josh..: r o l l : 
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:43PM
uu ang sweat nia : b l u s h :  : r o l l : 
sana magkaroon ng joshua sa buhay ko : r o l l : 
elvenbeauty_blood    •reply Oct 11, 2008 @ 11:49 PM
 
: b l u s h :  : r o l l : 
ung susunod na. : w e l g a : 
  stoo_pid    •reply    Oct-11-08@11:52PM
thank you po sa pagbabasa : k i s s : 

: l o l :  : w e l g a : : w e l g a : : w e l g a : 
insanity41    •reply Oct 12, 2008 @ 12:21 AM
 
cno c ms puwing?
ChugiBear    •reply Oct 12, 2008 @ 12:53 AM
 
: g a l e n g : 
mikai_21    •reply Oct 12, 2008 @ 1:05 AM
 
nxt na ulit : c h e e r :  : c h e e r :  : k i s s : 
mhyne28    •reply Oct 12, 2008 @ 1:15 AM
 
feeling ko c ana yung ms.puwing : l o l : 
pero : g a l e n g :  mo author
nxt pls...
lightblade593    •reply Oct 12, 2008 @ 1:54 AM
 
basa mode....
lightblade593    •reply Oct 12, 2008 @ 2:04 AM
 
otor,.,...,.,.,.,.,.,.,. JOSHUA - KULOY na sana dis tym......,.,.,.,.,., ay lab yoo otor,..
angelz_24    •reply Oct 12, 2008 @ 3:31 AM
 
ang cute aman
: g a l e n g : 
angelz_24    •reply Oct 12, 2008 @ 3:31 AM
 
pd pa-print : b l u s h : 
angelz_24    •reply Oct 12, 2008 @ 3:33 AM
 
: n o t w o r t h y :  galeng

next : c h e e r : 
ceezzanesz    •reply Oct 12, 2008 @ 4:39 AM
 
wuhOOOO.. tnx pOh sa update OtOr!

andyansz nah ngah c joshua..
ang kapilyuhansz ni superman.. : l o l : 
namisz kOh.. : b l u s h : 


san nah c chlOe.. : ? 
  dhael    •reply    Oct-13-08@1:47AM
bunso : k i s s :  miss you dami dami : c r y : 
Otor! update na : l o l : 
wala pa din sa eksena c Janine my labz : m a d : 
uwi na sa pinas : b l u s h :  : l o l : 
  ceezzanesz    •reply    Oct-17-08@6:56AM
miss yOu mOre.. : k i s s : 

: l o l :  ayaw pah dw ni Janine..
c Ana dw muna.. : n y e n y e : 
  ceezzanesz    •reply    Oct-17-08@7:03AM
nahanap nah pla ung Original nah Janine idOl.. : l o l : 

mag OL kna.. : m a d : 
prince_chrew    •reply Oct 12, 2008 @ 8:07 AM
 
tgal nmn ni kuloy huhuhu

: c r y : 
simplycrissy    •reply Oct 12, 2008 @ 8:26 AM
 
sana magkita sila ni chloe sa university! : n a u g h t y : 
bheby_mhie    •reply Oct 12, 2008 @ 1:57 PM
 
my dear welcome back..!!!!


naku me bago na naman ako kakainisan.. : m a d :  : m a d :  c ariane eh teka sino ba c ana?
shelly_eds17    •reply Oct 12, 2008 @ 3:05 PM
 
: l u v : 

ayus!...thanks sa update....lagi ko tong inaabangan.... : l u v : 
zuwailL    •reply Oct 12, 2008 @ 6:40 PM
 
ang galeng tlga! : n o t w o r t h y : 

pero kuloy-joshua p rin ako...nni2wala p rin ako n darating din ang araw n my kuloy-joshua din : c r y : 

: p r a y : 
kazcheek    •reply Oct 12, 2008 @ 8:01 PM
 
wahaha.. i'm late .. putek! : l o l : 
bitin otor. : m a d : 
update po uli ung mahaba-haba : k i s s : 
anyD    •reply Oct 12, 2008 @ 10:59 PM
 
nabasa q na..

hintay na lang aq ng next.. : b l u s h : 
midnytlove    •reply Oct 12, 2008 @ 11:00 PM
 
joshua-chLoe pa dinsZ!
  midnytlove    •reply    Oct-12-08@11:01PM
; ) 
keLan kaya magpa2ramdam c kuLoy? : ? 
: n a u g h t y : 
tres_laiteras    •reply Oct 13, 2008 @ 3:09 AM
 
bitin! : m a d : 

pero ang ganda...i miss Joshua so much : r a z z : 
innocent_beyondeyes    •reply Oct 13, 2008 @ 4:02 AM
 
hehehehehe, ang ganda nmn,.. : r a z z : 
black_white    •reply Oct 13, 2008 @ 5:40 AM
 
nice naman.. : n a u g h t y :  : n a u g h t y : 
cardcaptorsakura17    •reply Oct 13, 2008 @ 11:27 AM
 
: c h e e r :  nice fave otor, galeng mo talaga : k i s s : 
President_of_D_Room    •reply Oct 13, 2008 @ 11:34 PM
 
updeYt na ikAw : m e c r y : 
junelaine    •reply Oct 17, 2008 @ 4:20 AM
 
update na ulet otor..
haha! nmiss ko toh xobra ee..
weee! galing galing mo otor..
lumalablayp na ult si joshua.. haha! : l u v :  : l u v :  : b l u s h : 
ceezzanesz    •reply Oct 17, 2008 @ 6:56 AM
 
hala.. wala pah dnsz plang update.. : s a d : 
atleast ndi akOh late.. : r o l l : 

update nah OtOr..
misz kOh nah superman.. : b l u s h : 
kazcheek    •reply Oct 18, 2008 @ 7:16 AM
 
otor buzy?!? : ? 
update na po kau. : b o w : 
God bless!
tEary_eYes    •reply Oct 18, 2008 @ 10:50 PM
 
otor wala pa ba!!?: m e c r y : 

miss ko na daw si joshua!!! : l o l :  : l o l : 

update kana!!maawa ka naman samin!!! : m a d : 

: p e a c e : 
diewithme    •reply Oct 22, 2008 @ 1:07 AM
 
ang kulet! i lab joshua : b l u s h :  : b a d b a n a n a : 
shelly_eds17    •reply Oct 24, 2008 @ 5:49 PM
 
otor wala pa pong update?

cenxa na na-miss ko kse tong "Medyas"
hehehehe...maxado kong demanding.. : s m i l e : 

update...update....na po! : s m i l e : 

Gudluck otor....
iiyyaa00    •reply Oct 26, 2008 @ 3:50 PM
 
update na otor. : D 
KrasKosiKwan    •reply Jan 22, 2009 @ 10:55 PM
 
pede magtanong?

cnu c arianne? : ? 
KrasKosiKwan    •reply Jan 22, 2009 @ 11:01 PM
 
superman-kuloy
: l u v : 
shelly_eds17    •reply Feb 5, 2009 @ 3:28 PM
 
nice! : s m i l e : 
KULETH01    •reply Feb 11, 2009 @ 12:33 AM
 
: k i s s :  ^.^
KULETH01    •reply Feb 11, 2009 @ 12:34 AM
 
waAa...i love medyas...super...ganda tlga Ng story...tnx po pla sa author...love u...hihihihihih : l o l : 
kramwerdna    •reply Nov 15, 2009 @ 12:36 PM
 
ganda po ng story...
nkakalibang...hehe : s m i l e : 
neon25    •reply Nov 15, 2009 @ 12:48 PM
 
ay miz na miz kuh na to super..sna magupdate na po ung otor...at sna po wag niya po itong ihinto sayang po kasi ung story eh..ang ganda kc tlga...as in isa to sa pinakamagandang story d2 sa tristan..
jewel_emerald    •reply Nov 15, 2009 @ 5:36 PM
 
syang!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!dpat c chloe!!!!!!!!!!!!
jhoy000    •reply Dec 26, 2009 @ 9:07 PM
 
wala pang update? : h m m : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Dot dot dot.
older post:
The Story
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Each moment of a happy lover's hour is worth an age of dull and common life.

You need to be logged in to Facebook