|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
N. L. 23.2 (Warren's Side Quest)
BEFORE READING:Check nyo yung chapter 3 for a quick reference sa side quest ni Warren sa link na ito: http://www.tristancafe.com/forum/153988 (Just skip the first two chapters kasi 3 chapter post ito.
Previous Chapter part: http://www.tristancafe.com/forum/160401 Pagdating sa Ateneo, agad silang sumadya sa Blue Eagle Gym. Doon nadatnan na nila ang makapal na umpukan ng mga estudyante sa harap ng pintuan ng gym. ‘Grabe! Ganito ba lagi ang eksena dito sa Ateneo?’ Bulalas ni Alfredo sa nasaksihan. ‘Oo, walang bago sa sitwasyon dito sa gym. Baka kung wala nang tao maninibago talaga ako.’ Sarkastikong tugon naman ni Annie: ‘Meron akong magandang detour para makaiwas tayo sa “road block” ‘lika.’ Mula sa main entrance, nagtungo ang dalawa sa pinakadulong kanang bahagi ng gym kung saan may isa pang gate roon na sa hitsura’y malimit ginagamit, at hindi rin naka-lock. Walang anuman naming binuksan iyon ni Annie: ‘T-teka Annie… Hindi ba parang mapapasama tayo sa gagawin natin? Pakiramdam ko kasi trespassing itong ginagawa natin?’ Nag-aalangan naman niyang pagpigil niya sa dalaga papasok. ‘Okay lang ‘yan! Kung ‘yun ngang mga estudyante sa labas okay lang na bumalandra doon sa entrance, ‘di wala ring pinagkaiba ‘yun dito. Tsaka ito rin ang gate na parating dinadaanan ng kuya ko kapag hindi siya makadaan sa main entrance!’ ‘B-buweno, k-kung okay sa’yo di okay na rin sa ‘kin. Hindi nga lang ako gaanong sanay…’ Sa loob, pumwesto ang dalawa malapit sa mga bleachers. Nasa dulong bahagi ng basketball court ang kinalalagyan nila kaya wala halos nakapansin sa kanilang dalawa sa pagpasok sa court. Kasalukuyan namang nagsisimula na ang practice ng mga varsity players roon pagpasok nila, naupo kang sa roon si Alfredo samantalang nakatayo at tila may kung sinong hinahanap si Annie. ‘Bakit hindi ka muna maupo Annie? Sino bang hinahanap mo dya’n?’ Usisa niya rito. ‘As I expected… he’s late again…’ Biglang lumungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha. ‘Napansin ko nga na parang wala sa line-up si Warren… na-late siguro? Hindi ba?’ Umismid lang si Annie: ‘I would be surprised if he wasn’t…’ ‘H-hindi ko maintindihan… Sinasadya niya bang magpa-late? Kung gano’n bakit?’ ‘I’ll explain everything once he arrives…’ Simple at matamlay niyang tugon. Maya-maya pa’t dumating na rin si Warren. Agad itong pinuntuhan ang mga kakampi at ang kanilang coach na kasalukuyang nagwa-warm-up exercise. Napatigil sandali ang lahat nang mamataan siya, habang lumapit naman agad sa kanya ang coach, kinausap ito at pagkatapos walang pasubaling tumakbo si Warren palibot sa basketball court. ‘Mukhang pinaparusahan si Warren ng coach nila ah…’ Puna naman ni Alfredo sa pangyayari. ‘Tama ka, at kada male-late siya ‘yan ang parusa sa kanya. Tuwing manonood nga ako ng mga practices nila parati ko na lang siyang nakikitang tumatakbo ng ilang laps sa court at hanggang sa matapos ang practice hindi na siya nakakapaglaro…’ ‘Base sa kuwento mo pakiramdam ko parang may iniiwasan siya. May nangyari ba at nagkakaganyan siya?’ ‘Mahal na mahal ng kuya ko ang basketball sa kahit anupamang bagay; walang oras na hindi niya iniisip ang paglalaro, kahit pa noong mga bata pa kami hilig na niya ang sport at halos wala siyang tigil sa pagpa-practice para lang gumaling, kaya nang mapansin ‘yon ni daddy kaya dali-dali ini-enroll niya si kuya sa isang basketball clinic sa New York. Bilib na bilib ako sa kuya ko noon, sukat ipagmayabang ko siya sa lahat ng mga kaibigan kong babae, at sa tuwing makikita ko nga ang mga kunot nilang mukha sa pagka-inggit sa ‘kin natutuwa ako!’ Napahagikgik pa siya: ‘There’s even a time na dahil sa sobrang paghanga ko sa kuya ko hindi ko naiwasang magkagusto sa kanya…’ ‘A-Annie…!’ Piglas naman ni Alfredo sa narinig ‘I know, you don’t have to lecture me!’ Pakli niya sa reaksyon ni Alfredo: ‘It’s long in the past tsaka isip bata pa ‘ko nang mga panahong ‘yon kaya naka-move on na rin ako sa pagkagusto ko sa kanya. Anyway, Nang gum-graduate kami sa high school nag-migrate na kaming buong pamilya sa America at doon na rin kami nag-college. Pareho kaming Pumasok sa UCLA, at agad-agad nag-try-out siya sa varsity team. Sa umpisa, marami ang hindi bilib sa kanya dahil isa siyang Pilipino, but my brother just shook them off at pagkatapos lang ng ilang buwan in-absorb na siya sa team at nakasali sa starting 5. Do’n na nagsimulang gumawa ng ingay ang kuya ko sa NCAA; I still remember, his debut, he scored 32 points against Oklahoma and won that game via a buzzer beater, hindi mo mai-imagine kung gaano ako kasaya noon na halos lumipad ako sa langit… sa game na iyon din nabura ang lahat ng pagdududa sa kanya ng lahat ng tao, at bigla na lang naging idol na siya ng karamihan. Sa taon ding ‘yon nadala ni kuya ang team niya sa finals, kalaban uli ang Kentucky, sadly they came up short, and my brother wound up with just his Rookie of the Year and MVP trophies. But despite their loss he’s still upbeat, at ipinangako niya na sa susunod na taon babawiin niya ang championship. Hindi nga niya kami binigo, at itinadhana pang Kentucky uli ang kalaban nila, and again siya uli ang MVP that year. At no’ng time ng awarding, pagkatapos iabot sa kanya ang MVP trophy, lumapit pa siya sa akin at ibinigay ang trophy sa ‘kin and said “This is for my precious baby sister.” Naiyak ako nang tanggapin ko sa kanya ang trophy, dahil ang totoo’y higit sa lahat ng taong nando’n nang mga oras na ‘yon ako ang pinakamasaya, and I could never be any less proud, even if he didn’t won the crown. Pagkatapos ng dalawa niyang stints sa finals sa NCAA marami na’ng pro teams ang nakapansin sa kanya, one time he had an offer from Denver Nuggets but to the surprise of many, including me, he declined persistently…’ ‘Magandang opportunity ‘yon na maglaro sa NBA, bakit siya tumanggi?’ ‘Yon din ang ipinagtataka ko eh, nagalit pa nga ako sa kanya noon sa desisyon niya, pero ang isinagot lang niya sa ‘kin “hindi pa siya handa sa NBA.” Gusto ng kapatid ko na ma-explore ang basketball sa iba’t-ibang lugar, at sa tingin niya, kung babalik siya ng Pilipinas mas marami pa siyang mararanasang basketball na iba sa nakasanayan niya sa America, he even confessed to me na gusto niyang maglaro para sa Philippine National Team at mag-compete sa Olympics! At ‘yun nga, dahil sa desisyon niyang ‘yon buong pamilya kaming bumalik uli dito sa Pilipinas, na puno ng excitement at pag-asa… pero hindi ko inaasahan na ang pagbabalik namin dito ang makakapagpabago sa dating mapangarapin kong kuya… All of a sudden nawalan na lang siya ng ganang maglaro isang taon pagpasok niya sa Ateneo varsity team. Parati siyang late sa practices nila at nagkakasya na lang sa pag-sprint sa buong court… I tried to talk to him about it but he’d just shun me away, we even wound up in a quarrel… Ni minsan, kahit nung mga bata pa kami, hindi kami nag-aaway ng kuya ko, liban ngayon, at parati pagkatapos naming magkasagutan, hindi ako nakakatulog ni kumakain man lang, at nagkukulong lang sa kuwarto at umiiyak. Then one day, napag-alaman ko ang pagkagusto niya sa friend mong si Jillia, I figured kung mapaglalapit ko lang silang dalawa, maybe my brother would be inspired and go back to his old self again… so sinet-up ko silang dalawa noong tune-up game… and for once, since we returned here nakita ko uli ang sigla niya sa paglalaro, katulad noong nagsisimula pa lang siya. Napakasaya ko nung araw na ‘yon; ang kaligayahan na matagal ko ring hindi naranasan, and I could careless kahit matalo pa ang CEU, ang importante lang sa ‘kin ay makita ko siyang muling maglaro… but just when I thought things were finally settled, nalaman ko sa kuya ko na may boyfriend na pala si Jillia… and it really broke him… so much as to forget playing basketball… but it hurt me even more, realizing that I may not be able to see him play again… hindi ko tuloy maiwasang magsisi; sana hindi na lang ako pumayag sa desisyon niyang bumalik kami ng Pilipinas… siguro makakadalawang title pa ang kuya ko sa UCLA at baka naglalaro na rin siya ngayon sa NBA… If only I had seen it coming…’ Sa sandaling iyo’y hindi na nakayanan ni Annie ang sobrang sama ng loob at tuluyan nang napahagulgol sa dibdib ni Alfredo. ‘Annie… hindi mo kailangang maging responsable… nangyari lang ang lahat nang hindi inaasahan…’ Pagpapalubag-loob niya habang hinahagod sa likod si Annie. ‘Alfred… wala na akong maisip gawin… as his sister and as a woman, I’m very limited to what can I do… kaya sana... tulungan mo naman ang kuya ko… tulungan mo siyang bumalik sa dati… please Alfred…’ Inangat ni Alfredo si Annie paharap sa kanya at nagsabi: ‘O sige Annie… Tutulungan ko ang kuya mong bumalik sa paglalaro niya… Hindi ko nga lang sigurado kung ano at hanggang saan ang magagawa ko para makumbinsi siya, pero ipinapangako ko sayong gagawin ko ang lahat para sa kapatid mo, at para sa’yo na rin, kaya tumahan ka na Annie, okey?’ ‘Thank you Alfred …’ Bahagyang umaliwalas na ang mukha sa mga sinabi ni Alfredo. Sa mga sinabi niyang iyon kay Annie, pakiramdam ni Alfredo’y napasubo siya, sa pagpapangako ng isang bagay na hindi siya sigurado. Gayunpaman, nararamdaman niya na kailangan niyang gawin iyon para kay Annie, na sa nakita niyang pagmamahal sa kapatid nito ay sapat nang dahilan upang tulungan siya. Samantala, matapos ng kanilang practice, habang naglilinis, nilapitan ni Chad si Warren: ‘Ang tigas talaga ng ulo… nasisiyahan ka bas a gano’n lang; patakbo-takbo sa buong basketball court, at pagkatapos maglilinis?’ Hindi naman siya nilingon ni Warren, bagkus matabang na sinabi: ‘Huwag ka na lang makialam… benchwarmer…’ ‘Haay… ewan ko ba kung paano kita naging kaibigan eh wala kang ka-sense-sense kausap… Oo nga pala tsong… next semester lilipat na ‘ko ng CEU.’ ‘Biglaan naman ‘ata?’ ‘Oo tsong. Ayaw kasi akong sagutin ni Annie eh, kaya para makapanligaw ako all the way lilipat na ‘ko sa kanila!’ ‘Nagpapatawa ka nanaman ba?’ Sarkastiko naman niyang tugon. ‘Ano ka ba?! Ang cold mo!’ Pa-binabae pa niyang biro dito: ‘Hindi tsong, ang totoo kasi niyan… napag-isip-isip ko lang yung sinabi mo sa ‘kin date, nu’ng maglaro tayo ng one-on-one.’ Tumigil naman sa paglalampaso si Warren at binalingan si Chad. ‘Na-realize ko kasi ngayon lang na kung patuloy lang akong benchwarmer hindi ko matutupad ang pangarap kong makapaglaro sa pro-legue. Noon, inakala ko na kapag nakapasok ako sa Ateneo na isang powerhouse team makakasakay ako sa kagalingan nila… pero nagkamali ako. At ang pagkakamali ko ay hindi ang pagsali ko rito sa team kundi dahil hindi ako nagpursige noon pa lang, kaya tuloy naging bangko ako… so this time, I want to start fresh again, and I thought joining the Scorpions is a perfect start for me…’ ‘Well, good for you…’ Walang anumang sabi ni Warren. ‘What? Is that all? No homie love? No farewell hug? Hay… napaka-weirdo mo talaga… then it’s good bye now, I just hope na maka-move on ka na sa kung ano mang problemang kinakaharap mo ngayon. Salamat ng marami, sa lahat ng pinagsamahan natin.’ Tinapik-tapik na lang niya sa balikat si Warren, pagkatapos ay umalis na. ‘A fresh start huh…?’ Pabulong niyang sabi nang makaalis na si Chad. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
hi kuya..
![]() nkahabol din sa wakas.. ikli naman ng side ni warren..sana mas marami pa siyang parts sa ibang chapters, o di kaya ilipat mo rin siya ng ceu para masa mapalapit sila ni jillia.. ![]()
resemblance
•reply
Oct-9-08@11:29PM
first part pa lang naman to ng warren's side quest, may at leat 2 parts pa...
wuhOOO.. tnx pOh sa update..
![]() gO Alfred.. yaka mOh yansz.. ![]() author.. may pektyur pOh bah tOh!? ![]()
resemblance
•reply
Oct-11-08@11:29PM
meron kaso hindi siya katulad ng mga pictures na ginagamit ng iba nating writers; mga drowing ko lang ang mga pictures ko. siguro next time ipo-post ko dito
resemblance
•reply
Oct-12-08@8:25AM
meron akong ipinost dito dati na mga comical version ng mga characters ko eto yung link:http://www.tristancafe.com/for um/156598 para may idea ka na kung ano itsura nila pag seryoso na ang itsura
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories davidx, binsoy18, malditang_antipatika, shinminah, iane, sundaythefifth, and 32 guests |