|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Random Thoughts
LET's Reminiscences
DEKADA NINETIES
Heto ang malupet, puro pang-eighties kasi ang nilalabas na mga reminiscences, siguro talagang sobrang tanda na ng nagsulat. Kaya sa mga pinanganak nung 80's eto ang dadalaw sa inyong mga gunita during the glory days of the 90's. 1. Jolina Magdangal - kapartner ni Marvin Agustin kung saan nauso ang chuvachuchu chuvachuchu at mga parang Chirstmas tree na hairstyle at outfit. At alam na alam mong nagmula si Jolina, o Jolens para sa mga miyembro ng Jolina Magdangal Fansclub AMA Computer College Chapter, sa sikat na sikat na TV show kapag 4:30 na! ANG TV NA! Kilala mo rin sina Lindsay Custodio, Victor Neri, Francesca (Cheska) at Patrick Garcia, Vandolph, Jan Marini, Rica Peralejo, atbp. Patok na patok din ang TGIS at ang kalaban nitong Gimik. Dapat kilala mo sina Wacks (Joaquin Torress III) at Peachy, sa Gimik naman nakilala si G Toengi na naging hostess ng Music Bureau with FrancisM na pinalitan ni Jao Mapa. 2. Kapag ikaw ay kapos na sa mga salita ay maaari mong gamitin ang mga katagang chuva, chenes, chenelin, ganun, ganun-ganun, ayun o kaya ang mga expressions na "Wala lang", "Ano ba `yan?," "OVEEEERRR," that later on evolved to "WHY NOTTTTTT??" courtesy of Kris Aquino. 3. Robinson's Galleria na napabalitang may ahas daw sa fitting room na ang pangalan ay Robina (famed sister of Robinson). Biktima rito si Alice Dixson na umano'y tumakbong naka-bra at panty lang nang makita ang ahas sa fitting room. Malamang ang balitang ito ay black propaganda ng Megamall. 4. Speaking of malls, sa panahong ito rin nauso ang arcade games (bulok pa ang Ragnarok at ano pang online gaming sa kasalukuyan) . Astig ka kapag pupunta ka ng Glico's sa Quad (Timezone sa Glorietta ngayon) tapos marunong kang mag Street Fighter o Virtua Fighter. Kung ayaw mo naman ng violence e pwede kang mag-Dance Revo! 5. Ang digmaan ng mga Hip-hop at Metal. Sabi ng Hip-hop "YO! WASSUP, HIPHOP HOOORRAAAAAYYY! " Sagot ng mga Metal, "HIPHOP BULOK!! PUNKS' NOT DEAD! ANARCHY! ANARCHY!" Uso ito sa Megamall. Mga hiphop na naka-pinahabang puruntong o pinaikling pantalon o kaya baggy pants, low waist, at may mga blingblings na peace sign o kaya kadena ng bisikleta o fanbelt. Ang mga metal laging naka-itim (Top 40 na tshirt, Pantera, Pearl Jam, Nirvana, Sepultura, Metallica, etc.) tapos naka-fit na pantalon at Chuck Taylor. Ang mga Hiphop ay flat tops ang buhok na may guhit pa minsan sa gilid samantalang ang mge metal ay GQ ang buhok na naka-undercut pa. Lahat ng metal marunong mag-gitara kahit ang alam lang tugtugin ay `Line to Heaven' ng Introvoys (Intro: D-A-G-A; intro lang kasi nga Intro-boys). Kung may identity crisis ka malamang ay ang papakinggan mo na lang ay si FrancisM, rap na may heavy distortion ang guitar riffs, astig ang bahista ng Hardware Syndrome with matching scratches ni DJ Kimozave at ba-backup naman ang Evil Stepsisters. 6. Eraserheads – karugtong ng digmaan ng mga Hiphop at Metal. Sila ang muling nagpauso ng Chuck Taylor. `Pare Ko' ang pangalawa sa `Line to Heaven' na alam gitarahin ng mga gustong maging katulad ni Ely. Nag-ambisyon ang lahat na mapabilang sa isang banda. Kung kilala mo ang Eheads, malamang alam mo rin ang Yano, The Youth, Razorback, Color It Red, Mastaplann (teka, Hiphop yata ito), Dahong Palay, Reanimator, Death by Stereo, Rizal Underground, Rivermaya, True Faith, Fatal Posporos, Datu's Tribe, Tribal Fish, Arachnida, Alamid, Teeth, at alam mong hindi kano si Basti Artadi ng Wolfgang (imagine Eddie Vedder singing `Halik ni Hudas'). 7. Ultimate Warrior - namatay daw dahil binuhat si Andre the Giant (na namatay din that time). May ibang balitang namatay siya dahil daw pumutok ang muscles niya sa sobrang higpit ng tali. 8. Teenage Mutant Ninja Turtles – sina Leonardo, Michaelangelo, Donatello, Raphael. Master nila si Splinter, kaibigang reporter si April O'Neal. Kalaban sina Shredder, Bebop, Rocksteady, Krang at ang mga Foot Soldiers (na parang mga tauhan ni Dr. Man ng Bioman). Tapos uso ang retromutagen ooze na mabibilil mo sa suking SM toyland. "COWABUNGA, DUDE!" 9. Ang Pepsi 349 Scandal. Kung valid man ang libo libong claims ng mga Pilipinong nakakuha ng tansan na may tatak sa ilalim na 349 ay hindi ito makaka-apekto sa lumalalang global warming na nararanasan ng mundo. Ang nakapag-benefit lang dito ay ang Coke dahil sa libo libong nag-boycott sa Pepsi na feeling nila ay na- raket lang sila. (Parang 80's yata ito) 10. Ang Alamat ng Zagu. Ito ay ang pinasosyal na palamig, sago at gulaman. Kung anong meron dito ay ang pakiramdam na ikaw ay IN, HIP, at COOL. Ang pila dito ay singhaba ng pila sa US embassy na gustong makakita ng snow at pumunta ng Disneyland (wala pa kasing Hong Kong Disneyland e) at ang kumpol ng mga tinedyers na may supsop supsop na Zagu ay sindami ng mga lalaking naka-white t-shirt sa Kalaw na nagbabakasakaling maging seaman at OFW. Talaga naman everyone went gaga over zagu. 11. Easycall at Beeper 125. Wala lang ganun, text messaging na itatawag mo pa sa call center para masabi mong I M HERE AT HOM, PLS COME OEVR. Tapos yung may pager na nasa labas hahanap ng payphone para tawagan ang nag-page sa kanya. Kaso mahirap makakuha ng txtmate dito, di ko lang sure ko pwedeng i-page ang SAN N U? D2 N ME.Ü 12. Bago nakilala si Shakira ay sumikat muna si Thalia na mas kilala nating gumanap bilang Marimar. Pero mali ang nagsabing ito ang unang telenovela na naipalabas sa Pilipinas dahil nauna rito ang La Traidora sa channel 9. Kilala mo siguro si Pulgoso at Padre Pio at sino bang makakalimot kay Fernando Jose na mas kinky pa ang buhok sa dibdib kesa sa ulo, salamat kay Ogie Alcasid dahil mas nabigyan niya ng hustisya ang papel na ito. Sinundan ito ng mga makasaysayang Maria La Del Barrio na nagevolve sa Taiwan bilang Meteor Garden at nang mapunta sa Korea ay naging Jewel in the Palace. 13. Speaking of Ogie Alcasid, bago pa man ang Bubble Gang ay una na tayong pinalagpak sa upuan kakatawa ng Tropang Trumpo. Nariyan ang Caronia dance na kahit ito lang ang alam mong sayawin ay kayang kaya mong talunin si Charlene Gonzales sa Feel Like Dancing. Dito rin nakilala si Earl Ignacio (ang boses sa likod ni Peter Pan) na naging syota ni Cristine Bersola bago siya naging Mrs. Babao. 14. The Uncanny X-Men. Ang lyrics ng intro at ending nito ay tinginingininini tinginingingini, ting ting! Love story ito, umikot ang kwento sa love triangle nila Cyclops, Jean Grey at Wolverine. Bakit kasi lahat ng hinahalikan ni Rogue ay nanghihina. Si Jubilee ba ay babae o batang babae? Kapatid ba ni Storm si Undertaker kasi parehong nawawala ang pupil ng mga mata nila? Meron palang halimaw na kulay blue, sa totoo lang siya si Grimace ng McDonald's at nagiging bestial lang siya kapag tinawag siya ni Professor X. Kung iisipin mo mas wholesome panoorin ang Captain Planet, pwedeng pambata at pwede ring pang-environmentali st. GO PLANET!! 15. Nung panahon ng Miss Universe (circa Charlene Gonzales, Shushmita Sen, Viveka Babajee, at Dayanara Torres) ay lahat ng lalaki kahit babae ay patay na patay kay Miss Belgium. Siya si Christelle Roelandts na pagkatapos ng pageant ay di na natin alam kung anong nangyari sa kanya. Pero may nabalitang nakapag-asawa siya ng astronaut at nanay siya ng quadruplets na huwag mong paniwalaan kasi imbento ko lang ang bahagi ng kwentong ito. 16. Balik tayo sa Megamall. Nung dekada ring ito nagkalat ang balitang wag kang manunood ng sine sa mall na ito kasi may nang- iinjection ng AIDS dito. Siguro ganti ito ng Robinson's Galleria sa kanila nang sumunod kasi na araw sa Megamal na bumili ng bra at panty si Alice Dixson. 17. Ang Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo na ina na sa totoong buhay. Ang awiting Sabado Nights ay kinanta ng Rizal Underground. Wala na akong ibang kwento tungkol dito. 18. Sa panahon ding ito sumikat ang matinee idol na naging inspirasyon ng maraming kabataan dahil sa pagiging love team nila ni Judy Ann. Ang nasirang si Rico Yan. Ang ipinagtataka ko lang ay nauna lang nag kaunti ang pagkamatay nina Lucio San Pedro at Levi Celerio, na itinuturing nating mga Alagad Ng Sining, sa pagkamatay ni Rico Yan, pero mas nagdalamhati ang sambayanan nang malaman nilang hindi na pala magkakabalikan sina Claudine Baretto at Rico Yan kasi nga namatay si Rico Yan sa piling ni Dominic Ochoa. Kung overdose sa ecstasy ang kaniyang ikinamatay o dahil sa bangungot ay hindi na mahalaga dahil sa panahong ito isinilang ang Rico Yan Youth Foundation, hayan may kabuluhan naman pala. 19. Nung wala pang Ipod at nalaos na ang walkman ay nauso naman ang discman nuong dekada `90. Kaya lang, mahirap mag-jogging na ang bibit mo ay walkman dahil skip lang nang skip ang lens sa CD at di mo mapatugtog ng maayos. Di rin pwede sa kotse kasi pag nalubak o dumaan sa hump o biglang huminto ay skip na naman ang discman bago pa naimbeto ang CD player na may anti-shock. Kaso bakit di nauso ang discman na may FM/AM receiver? Kung naka-abot ka sa bahaging ito at naka-relate sa karamihan ng mga nakasulat dito, malamang ay high school ka nung panahong laos na ang mga larong tumbang preso, taguan, teks, chinese gater, step no, at piko. At ang hinlalaki mo ay puro kalyo na kaka-pindot ng controller ng Family Computer. Siguro ngayon ay isa ka nang propesyunal o family person o kung ano man ang iyong ginagawa na kahit abalang abala sa maraming bagay ay meron pa ring naitatabing oras para sariwain ang alaala ng nakalipas at ang katotohanan ng buhay na minsan ay nagturo sa iyong harapin ang kinabukasan. Dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko, sa dami talaga ng mga ala-ala ng nakalipas na dekadang kailangang habulin ng isip ko, heto at muling bubulabugin ang inyong mga pagmumunimuni ng malikot na recollections ng mga ayaw umaming matatanda na sila ngayon na sila ay mga ex-GenX people..Kitams pati ako ayaw umamin. (Item Nos. 1-19 sa Dekada Nineties, part one) 20. Uumpisahan ko ang item dito ng pagtatapos ng dekada 90. Ang lagim ng Millenium Bug. Sino ang hindi nangamba sa pagsasara ng 1999, sa eksaktong araw na December 31 at eksaktong oras na 00:00 ay magsha-shutdown daw ang lahat ng computer? May mga haka-haka rin na babalik tayo sa Stone Age where all computers would be useless and we would be back to the primitive ways of our ancestors. Pero sa palagay ko, hindi naman talaga na-extinct ang `stone' age. Marami pa rin sa kabataan ang `stoned', `batong bato' na sa buhay, "yeah man, c'mon I see god in my aluminum foil". Mas malagim pa ito sa Millenium Bug. Ang tanong, kelan at paano ba ito magsha-shutdown? 21. Bago naging ecstasy ang trip ng mga nabato na sa bato, sino bang hindi nakakaalam ng lyrics ng makabagbagdamdaming kundimang pinamagatang "Extasi Extano"? "Extasi, extano, extasi, extano..silakono testegustara porlosnakumba tegastaya porlokasi asi mi gustami asi mi gustami, extasi, eba eba, extano.." Dahil di maintindihan, pinauso ang mga kantang pwedeng sayawin tulad ng Dying Inside, Always (I wanna be with you..), Informer, Hello Africa, `yung "All you wanna do is ama-zoom-zoom- zoom and a-boom- boom", at ang hndi pinatawad na si ANNN-GE-LI-NNNAAAA, "ang baho ng *$@*=+*/$*&* &**@##…" kinain na yung tape kasi di pa uso sa album cover ang PARENTAL ADVISORY, EXPLICIT LYRICS. 22. Nandyan ang Universal Motion Dancers na inOLWAYS ang Butterfly Dance na namuo ng cocoon ng pagmamahalan nina Juday at Wowee De Guzman. Pero mas astig pag marunong kang mag-Running Man at mag- Roger Rabbit. Kahit mga metal aamin na kayang kaya nilang sayawin ang mga ito bago naimbento ang Otso-otso. E ang loveteam ni Aiza at Spencer alam nyo? Worm dance at TICK-TACK naman dyan mga streetvoyz! 23. In na in ang mga pantalong tinatawag na ELEPHANT kasi kahit binti ni Dumbo e kasyang kasya sa luwag. At ang mga pundya ay lawlaw na sa kapipilit i-low-waist ito. Uso ito sa mga Hiphop. Kung metal ka, ang pantalon mong fit ay dapat naka-tupi ng isang beses ang ilalim at alam mo sa pagkakatupi kung ang Levi's ay orig o pinatahi sa suking sastre. Tapos may mga sinapian din ni Elvis Presley na pumorma ng mga AMBELL o boot cut na pantalon. Minsan kahit staight cut naman ay pipiliting maging ambell kahit iba ang kulay ng ikakabit na triangle sa orihinal na tela ng pantalon. 24. Bago sumikat ang "kelangan pa bang imemorayz yaaaan?," halos lahat ng may radyo ay nakikinig sa 97.1 DWLS FM, lalo na ang award winning Top 20 at 12 ni Triggerman. Dahil sa pangalan nya at iritableng paikipag-usap sa mga callers ay minsan nang binigyan ng taning ang kanyang buhay. Meron kasing obsessed sa kantang `MmmBop' nang tinalo ito ng kantang `Don't Fade Away' na naging Top 1 minsan sa kanyang show. 25. At sinong makakalimot sa pagsikat ng mga groupbands, boybands at mga girlbands na nagpalaos sa headband ni Donna Cruz? Nandyan ang Ace of Base, Backstreetboys, Westlife, Nsync, Boyzone, Savage Garden, Hanson, Moffats, Gil, Five, S Club 7, Salt N Pepa, A1, Human Nature, Kris Kross, at napabalitang mga bading ang Spice Girls bukod kay Scary Spice. Pero natabunan ito ng pag-amin na bading si Nick Carter na tinakpan ng balitang iniwan na ni April Boy Regino ang mga kapatid niyang sina Vingo at Jimmy ng April Boys, nakakalungkot. 26. Buhay na buhay ang Star City na parang anino lang niya ang katabing Boom na Boom nung panahong ito. Patok na patok pa ang mga pangalang Wow na Wow, Big Bang sa Alabang, Payanig sa Pasig, Peryahan sa Baclaran at Tikbalang sa Malacañang. Sa Star City nandooon ang Zyclon Loop na kaunaunahang rollercoaster na may 360 degrees loop sa Pilipinas. Matatagpuan din dito ang Wild River na kelangan mabasa hindi lang ang pwetan mo kundi buong katawan. Dati narito ang Jurassic Park , Alcatraz , at Wimpol's Ice World. Pero lahat ng ito ay incarnation lang ng Fiesta Carnival na trip na trip ng mga mas matanda pa sa atin. 27. Sa pagsuko ng Game & Watch at hindi pa pinapanganak na si GameBoy, GameBoy Advance at PSP, ay umusbong ang magiting na si BRICK GAME! Isipin mo ginawang handy ang Tetris ng Family Computer at di pinalagpas ang mga kapatid nitong 4-in-1 at 1,000,000-in- 1 na Brick Game. Bago nalagay sa 3210 ang Snake ay meron na sa Brick Game nito. Ano, at meron pang Brick Game Challenge sa Eat Bulaga, saan ka pa? 28. E Pog Pack meron ka? Libre ito dati sa Coke halos kasabay ng pagdemote kay Barbie at Ken sa katauhan (ka-alienan) ng mga Trolls! May kamukha silang 2 artista, CLUE: isang babae at isang lalakeng ginawang babae, ang kumanta ng "Cute cute cute, cutie cutie cutie cute, cute cute cute.." Iba-ibang kulay ng buhok ng Trolls na nakataas parang laging naka-spray net. Kaso di mo malaman ang kasarian nila parang mga hermaphrodites as in, mga di tiyak at walang kasarian! 29. Nung 90's din nauso ang PopSwatch, baseball cap na Boy London na may bakal na laging suot ni Robin Padilla at Dennis Padilla, at Giordano Classics na dating tao na naging palaka. Walang tatalo sa pagsikat ng mga branded na t-shirts tulad ng Fubu at Tommy Hilfiger na mabibili mo sa halagang 3 for P100, bargain na bargain pwede pang tawaran para may pambili ka ng choki-choki (ala mo yung tsokolateng pinipisil at sinusupsop yung buong plastic?). 30. At ang brown-out na hindi bababa sa 10years per day! Grabe sa init nuon, basangbasa na ang kilikili mo kakapaypay wala ka naming magawa kahit bumili ka ng ice cream o ice tubig kasi brown-out din ang mga tindahan. Nung malapit nang mag-eleksyon, ayan may ilaw na ulit, salamat sa rasyong kandila't pamaypay. Buti pwedeng pumunta ng Quad, Megamall o Galleria para magpahangin at maglibang. 31. Sa kabila ng mga kasiyahan, kagitingan, kabaduyan, kajologsan, at katalinuhan nung 90's, atin ding alalahanin ang mga kabikabila at sunod sunod na mga trahedyang naranasan sa Pilipinas. Ang lindol na nagpabagsak sa Hyatt Hotel sa Baguio at nagpalubog ng Dagupan at nagbigay sa Marikina ng Fault Line at kumitil ng libo libo nating mga kababayan, lalaki, babae, at mga bata. Ang Ormoc landslide. Ang Pagoda Tragedy. Ang nagpalubog sa ilang bahagi ng Pampanga at mga karatig bayan nito nang pumutok ang Mt. Pinatubo . Nauso ang mga evacuation centers, at dito naman naipamalas ang modernong bayanihan ng mga Pinoy. Maraming mga NGO's at individual volunteers ang gumagawa ng mga hakbang upang tumugon sa pangangailang ng mga taong biktima ng mga trahedya. Nariyan ang pamamahagi ng mga relief goods, lumang damit, laruan, libro, toothbrush, toothpaste, sabon, at iba pang mga donasyon na nag-inspire kay Aga Muhlach para i-launch ang `Ma-Aga ang Pasko sa Jollibee'. Astig. Ito ang pinaka-astig na mga nagsilabasan nung 90's. Saludo ako sa inyo. 32. Malaki rin ang pinsalang naidulot sa Philippine film industry ng mga chenelin at chuvang "take it, take it!" ni Ms. Mauritius Viveka Babajee. Dito nagkaroon ng lamat ang ugnayang Lolit Solis at Gabby Concepcion. Sayang sino nga bang nakakuha ng trophy? Speaking of pelikula, sa panahon ding ito nauso ang mga pelikulang hitik na hitik sa kabuluhan sa buhay, tungkol sa gulay at pangalan ng babae. Kangkungan (Kandungan pala), Patikim ng P-nya, Itlog, Curacha, Selya, Hagedorn, Onyok, at Kokey. Ayus! 33. Sa TV, nariyan ang pagsikat ng mga Tagalized cartoon series na inumpisahan nina, Cedie, Princess Sarah, Peter Pan, Heidi, Remi, Nelo at Patrasche, Maria ng the Trapp Family Singers, si Santa, ang tambalang Sailor Moon (real name: Bunny Tsukino) at Tuxedo Mask (real name: Mamuro) na barkada nina Sailors Jupiter, Mars, Venus, at Mercury, ang mga pusang sina Luna at Artemis, at si Pokemon. Di yata nakuntento sa drawing kaya naman naging mascot ang mga bida sa pangunguna nina B1 at B2, mga kaibigan oso na sina Lulu, Amy, at Morgan pati si Dodeng Daga. Kaso bakit di masyadong sumikat sina Po , Laa-Laa, Dipsy, at Tinky-Winky, a kasi di sila marunong magTagalog. Pati si Mr. Bean hindi pinatawad ginawa ring cartoons. 34. Sa music industry sumikat ang mga mayayaman kasi di nila kailangan ng royalties sa sales, ang mga pirated CD's! Alam na alam ng mga walang pambili ng mga orig albums, compilations at mga hard- tofind-CD's- at-Odyssey- and-SM-record- bars ang mga pamagat na Cruisin' volumes 1 to 3, Referendum volumes 1 to 9,787, Bandemonium 1-3, Rockology, Starbuck's, Crunch, Chorus Girl, Rock Stuff, Disco Inferno. Kaya naman sa panahong ito, ang mga dating P375.00 na CD ay naging P250.00 na lang, ang iba ay P150.00, lalo na ang mga OPM. Mahusay talaga ang Pinoy! 35. Kalunos lunos din ang mga isinapelikulang massacre events nung 90's sa pasimuno ni Carlo J. Caparas. Ilan dito ang Vizconde Massacre, Marikina Massacre, Lipa Masscre, The Cecilia Masagca Story, Patayin sa Sindak si Barbara, at Burlesk Queen Ngayon. Patay na silang lahat, pinatay ni Booba at Gagamboy. 36. Ang pagbisita ni Pope John Paul upang gunitain ang World Youth Day na dinaluhan ng milyun-milyong deboto, delegates, at mga kabataan upang ipauso ang "IT'S THE TIME FOR THE GREAT JUBILEE!" Pagkatapos sisigaw ang lahat, "JOHN PAUL II, WE LOVE YOU!" Apat na taon ang makalipas, ang sigaw ni Erap sa Quirino Grandstand, "WALANG KAIBI-KAIBIGAN, WALANG KAMA-KAMAG-ANAK! ", hanggang kahit mga kaibigan at kamag-anak niya'y natawa sa pagbabasa ng aklat na pinamagatang, `Eraption.' Sabi ng mga scientists, astrologers, seers, Manang Bola at ng prof ko sa Humanities, magugunaw daw ang mundo pagkatapos ng 1999. Nagunaw rin ang lahat ng pangarap kong umabot sa edad na ito at makapagsulat ng mga ala-ala ng panahong lumipas. Pero hindi ito naganap at sa halip ay heto ako at ika'y nariya't nagbabasa ng mga ungguyan at mahahalagang kaganapan nung panahong ang mga dating aktibista ay nagrally na lang sa mga sinehan ng malls at skating rink ng Megamall, hindi alam kung sila ba'y magra-rap o maghe- headbang o magvo-volunteer para sabihing meron pa rin silang social concern at malasakit sa kapwa. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Basta ang gusto ko noong panahon na
"WALANG DIALTONE" tapos Hindi pa uso noon ang TEXT at INTERNET kaya napakabagal ng takbo ng araw noong mga PANAHONG IYON
Such a long post but interesting!
Actually, what got my attention was number 3 on your list. It brought me back to memories of one of my aunts (my mom's sister) who came here to California and stayed with us. At the time, I was still young so I didn't make any light of this chismiss or story. But reading of your post here, I guess story was going around at the time. Anyhow, when we took my aunt to one of our malls, she would not even step inside a Robinsons dept. store or their fitting rooms for that matter. For me at the time, it was rather funny cause she was so hysterical, uneasy and was acting kind of like a kid who wanted to cry and didn't want to go to Robinsons at all. My mom and I were asking her "what's wrong?" She later explained to us of this story that there's a snake or rather snake person who lives underneath the fitting rooms of Robinsons dept stores and that the snake would trap or drop you underneath the fitting room (or something like that). Hearing of it, it was kinda freaky, but at the same time a bit funny that a grown up was acting that way. Ay naku..naalala ko tuloy ang auntie kong yon...hahaha. Another thing I remembered about the 90's were the Universal Motion Dancers or UMD. Back then I had a huge crush on Brian and Wowie. But most of all, they were all great dancers who could definitely move and I loved the way they danced. In 1994 was when I first discovered and watch the variety show ASAP. I had no idea what it was about. I just sat down with my mom who was watching this show. At the time, I believe the main hosts were still Pops Fernandez, Martin Nievera, Dayanara Torres, Ariel Rivera and Richard Gomez yata. I remembered always watching Dayanara's segment whereas she had to dance or show what new dance step there was...they used to call her 'Yari'. I remembered so much of Marvin and Jolina too..lol. Now they're not part of the show anymore. But since then, I just fell in love with this show. Now it's ASAP08..my how time goes by... However, the one I regret or missed out on back in the 90's, was not following the loveteam of Rico Yan and Claudine Barretto during their early relationship or how they first began as a loveteam...di ko kasi alam eh. Sayang nga, I never had the chance to see how their loveteam came to be. I guess this was the time also that Judy Ann and Rico Yan were being paired together also, then Claudine came in the picture. Whenever they would play some old VTR flashback, Rico and Claudine had so many guestings before on shows back then..siguro MTB days pa yon. Around the year 1999 na ako naging follower nila when they had a soap Saan Ka Man Naroroon/Sa Dulo Ng Walang Hanggan..then that's when I discovered about thier movies like Mula Sa Puso, Dahil Mahal Na Mahal Kita and their last one together in 2002 which was Got 2 Believe. Same goes with Jericho Rosales and Kristine Hermosa. I became a fan of thiers na when they had Sanay Wala Ng Wakas and that was like 2003 na. Siguro Echo and Tin had a lot of projects in the much earlier years also. Anyhow, thanks for bringing me back to some memories of the 90's. ..:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories hero63, xxakanexx, lonely_carlisle, siren0, and 66 guests |