|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
N.L. 23.1 (Warren's Side Quest)
Part 1 Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988 Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984 Part Two Chapter 19 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507 Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283 Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983 Chapter 22 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832 Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/159298 Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/159922 ‘Walang klase nang umagang iyon sina Alfredo kaya malaya niyang pinalilipas ang oras sa pagbabasa ng libro sa Parent’s Lounge, mag-isa lang siyang nakaupo roon dahil sina Chito at Rei ay humiwalay na at magkasamang pumunta ng mall para maglakwatsa. Habang nagbabasa, bigla’y may kung anong tumakip sa kanyang librong binabasa. Nang tingnan niya’y si Annie ang tumambad sa harap niya: ‘Bising-busy ah?’ Masayang bati ni Annie sa kanya. ‘Uy! Ikaw pala. Hindi naman, wala lang kasi akong magawa dahil wala kaming klase ngayon. Ikaw, break niyo ba ngayon?’ Balik-tanong niya. ‘Yeah, I still got an hour break. But I don’t have anything to do at the moment, so… would you mind coming with me for a walk?’ ‘Ayos lang sa ‘kin, kung d’yan-d’yan lang.’ ‘Umm… ang ibig kong sabihin, puwede ba tayong lumabas sandali nang campus?’ Napakunot-noo naman siya: ‘Lalabas? Pero ‘san naman?’ ‘Basta! Saka ko na sasabihin kapag nasa labas na tayo. O baka naman nag-aalangan ka dahil baka magalit si Jillia kapag nalaman niyang lumalabas ka kasama ng ibang girls?!’ Pagbibiro pa niya. ‘Talagang ginigipit mo ‘ko ah? San naman nanggaling ang birong ‘yan?’ Natatawa naman niyang sabi: ‘Sige na nga, sasamahan na kita!’ ‘Yes! That’s my Alfred! Tara na!’ Sabay walang kaabog-abog na hinila sa braso si Alfredo. ‘T-teka lang! Hindi naman natin kailangang magmadali ‘di ba?!’ Halos madapa naman siya habang hila-hila siya sa braso ni Annie. Nang nasa labas na, muling nagbukas ng usapan si Annie: ‘How was it?’ Tipid niyang tanong bagama’t may malalim na ibig sabihin. ‘A-anong ibig mong sabihing “how was it?”’ Nagugulumihanan niyang balik-tanong. ‘Ibig kong sabihin, how’s the feeling na parating nakikipag-date sa campus princess natin?’ Malisyoso pa siyang ngumiti. ‘Andami sigurong naikuwentong kung anu-ano sa’yo si Rei ano…? Ang babaeng yun talaga; hindi niya talaga ako tatantanan…’ Nangingiti na lang siyang napapailing. ‘Don’t play dumb on me Mr. Nice Guy! Kahit hindi pa nagkuwento sa ‘kin si Rei no, it’s pretty obvious! Even the campus is starting to notice you! Sa mga umpukan na lang matunog ang mga tsismis tungkol sa inyo ni Jillia, though bihira kang makakarinig nang matinong remark sa kanila, especially the haughty guys out there. You must’ve had an unfair load of dumb luck in you eh?!’ Sa tuwa niya’y tinampal-tampal pa niya ang balikat nito. ‘Pero gaya nang lagi kong sinasabi, walang espesyal sa pagiging malapit namin ni Jillia; hindi ko alam kung bakit masyadong dinidibdib ‘yon ng iba.’ ‘That’s jealousy you know? I can’t believe you’re even a man gayong hindi mo ‘yon nararamdaman! It’s natural for most men to feel that way, ika nga “men are threatened by their own kind!” Just what are you anyway?!’ Sabi niyang kinukuwestiyon ang pagkalalaki ni Alfredo. ‘Alam ko naman ‘yang sinasabi mo, dahil lalaki rin ako. Ang sa ‘kin lang, dumaan ako sa lehitimong daan; nakipagkaibigan ako sa kanya at wala akong nilaktawang step, kaya naging malapit ang loob niya sa ‘kin, bukod ‘don wala na akong hinahangad pa sa kanya. Dapat nilang maintindihan na kung gusto rin nilang makipagkaibigan sa kanya, gawin nila ang tama at huwag ligaw-tingin lang parati at pagkatapos ay parang ibinubunton nila sa ‘kin ang kakulangan nila sa pagkakalat ng kung anu-anong tsismis. Kung gusto nila puwede rin silang lumapit sa ‘kin para tulungan sila wala akong magiging problema sa gano’n.’ ‘Okay, kung talagang wala talagang malisya ang pakikipag-close mo kay Jillia… bakit naman parang ang lakas ng loob mong makipagkaibigan sa kanya…? Alam ko kung paano tumatakbo ang utak ng mga lalaki; no matter how hard you try to hide it, alam ko deep inside gusto mo siya…’ ‘…Nakakagulat ka naman… bakit bigla ka namang naging seryoso?’ ‘Huwag mo na ngang ibahin ang usapan, sagutin mo na lang ang tinatanong ko sa’yo!’ ‘Seryoso ka nga…’ Pagkatapos ay nagpakawala ng mahabang buntong-hininga bago muling nagsalita: ‘Alam mo Annie, sa totoo lang napakasimple lang naman ng mga bagay-bagay, pero may mga pagkakataon talaga na nagiging mahina ang tao kaya kahit gaano pa kasimple ang isang bagay hinahanapan pa rin niya ito ng pagkakamali kaya tuloy nagiging kumplikado lang ang lahat…’ ‘Ayan ka nanaman sa mga malalalim mong litanya! Diretsahin mo na nga lang ako?!’ Naiinip nang sabi ni Annie. ‘Ang ibig ko bang sabihin; hindi naman kailangan pa ng malalim na dahilan para makipagkaibigan. Ang mahalaga ay ang tapat na intensyon mo para sa kanya, hindi kung paano ka niya tatanggapin o kung paano mo siya pakikitunguhan para magmukha kang kaaya-aya sa paningin niya. “It’s the thought that really counts” ika nga nila.’ Nangingiti na lang si Annie sa mga sinabing iyon ni Alfredo: ‘You really are a very nice guy Alfred, just like my brother said… and I’m sure pati siya matatamaan sa mga sinabi mo…’ ‘Ngayon Annie, ako naman ang magtatanong sa’yo; kanina ko pa kasi nababasa sa mga mata mo na parang may gusto kang sabihin sa ‘kin at pilit mo lang inililigaw ang usapan natin dahil wala kang lakas ng loob?’ Bigla namang napabalikwas paiwas kay Alfredo si Annie sa hiya. Hindi niya inasahang madaling mababasa ng binata ang tunay niyang intensyon sa pagyaya niya ritong lumabas ng eskuwelahan. ‘Damn… I guess I’ve underestimated you…’ Nahihiyang nakatungo pa rin siya: ‘W-well yeah, pero sinusubukan lang naman kita k-kung mapagkakatiwalaan ba kita… s-so…’ ‘Naiintindihan ko… pero hindi mo malalaman kung hindi mo sasabihin muna sa ‘kin. Pagkatapos saka natin malalaman kung mapagkakatiwalaan mo nga ako.’ ‘I-I guess… O-okay, bago ko sabihin, puwede bang samahan mo muna ‘kong pumunta sa Blue Eagle Gym?’ ‘Sa Ateneo…? S-sige…’ e TO BE CONTINUED... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
kuya patulong nman mag upload ng picture..please??
![]()
resemblance
•reply
Oct-2-08@5:55AM
oo naman. pero hindi ko mailalagay dito kasi nawawala yung code kapag dito ko ipinopost. send mo sa kin yung e-mail address mo at dun ko na lang ituturo sayo
oo kuya nag work na sya..hahaha..salamat ulit sa help moh
![]()
Hai pow. papansin lang...
![]()
resemblance
•reply
Oct-3-08@3:58AM
oy napadaan hehe! hindi nga pala active ang dark side ko rito sa post na to... dun lang sa post mo
naman..
![]() c Annie. bka may lihim nag pagtinginsz kaay Alfred.. ![]() tnx pOh! ![]()
kuya sigurado ka ba na mag the the end na toh?
bkit parang ang rami pang lihim na dapat mabunyag (shiet.. nnonosebleed ako sa tagalog ko) update ka ulit kuya!
insanity41
•reply
Oct-5-08@1:46AM
kuya mas gusto ko ung color ng picture na toh..
ewan ko kung bkit..
resemblance
•reply
Oct-5-08@6:17AM
napansin mo pala yung kulay; ganyan ang gagamitin kong color para sa mga side quests. may isa pang side quest sa story na to yung kay Rei pa.
resemblance
•reply
Oct-5-08@6:16AM
tama ka medyo matagal pa nga siya sa ending pero kaya ko kayo pinapipili ng ending para maplano ko yung pagsusulat ng final chapter. pero hindi na rin naman yon masyado pang matagal; aabot lang siguro ko ng mga hanggang....36? basta sorpresa
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77640)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22950) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1814) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4055) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) anonsenselove, kamoteque27, torpe5626, xtianpaul21, cptnoname, xknothing, chinkyeyes_killer, peace_maker, jewel_emerald, dimasaway, zh3ll3, eysquared and 57 guests |