tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
N.L. 22.4 + Ending Poll for Final Chapter
posted by (Sep 26, 2008 @ 3:39AM) views: 477
Hi! guys! This is the final part of chapter 22. At kalakip nitong final part ay yung ginawa kong poll para sa ending nitong N.L. Lahat ng bumoto sa nauna kong post ay ike-carry over ko na dito sa bago kong gunawang poll. ito nga pala ang link ng poll: N.L. Ending Poll


Nire-remind ko uli kayo na isang ending lang ang ipo-post ko sa final chapter so kung gusto niyong ma-post ang dream ending niyo (ha! ha!) the least you could do is vote. Make sure that you think carefully before you make up your mind... mahirap magsisi sa huli...



Part One
Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988
Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178
Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078
Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213
Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321
Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367
Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607
Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077
Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471
Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773
Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135
Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660
Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984


Part Two

Chapter 19
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507

Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283
Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983
Chapter 22
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832
Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/159298










‘Bakit naman ganyan ang reaksyon mo hijo? Is my face that hideous?’ Pagbibiro pa nito para marahil matanggal ang pagka-asiwa nito.

‘A-ah!!! Hindi naman po sa gano’n Ms. Scientia!’ Agad niyang pakli: ‘N-nagulat lang po ako… kasi, mas bata pa pala kayo sa inaasahan ko, akala ko tuloy kapatid kayo ni Jillia… He... He…’ Ganting biro rin niya, ngunit sa loob-loob ay tigib ng hiya, dahil sa kung anu-anong pinag-iiisip niya kanina tungkol rito.

‘Well then, I’ll take that as a compliment!’ Natatawa pa nitong sabi: ‘But you don’t have to be so formal; a simple “Tita” or “Dr.” will do!’

‘K-kung gano’n Dr. na lang po, kung hindi niyo po mamasamain…’

‘That’s fine. Anyway hijo, ngayong nakita na kita, hindi ko inakalang napakakisig mo palang lalake! Nai-imagine ko lang ang hitsura mo kapag nagkukuwento ng tungkol sa’yo si Jillia Levantine, but I wouldn’t have expected that you were far more… handsome…’

‘M-mapagbiro po pala kayo… pero salamat na rin po sa compliment…’ Nakatungo niyang sabi.

‘Non, non, non! You really are hijo. But unless you’re confident enough with your looks you will never be able to realize it. For instance, your eyes; napakagaganda nila kung pagtutuunan mo lang sila ng pansin. They’re lucidly expressive eyes. Just by looking at them, nararamdaman kong napakarami mo nang nakita at naranasan sa buhay.’

‘K-kung tungkol po do’n… siguro nga po…’ Naiilang pa rin niyang sabi.


Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng dalawa’y siya namang pagsulpot ni Jillia:

‘Now, there you are silly cat!’ Tinutukoy ang pusang si Toto na nambulahaw kanina kay Alfredo. Agad namang tumakbo ang pusa papunta sa kanyang amo: ‘Saan ka nanaman ba nagsuot?! Were you trying to catch mice again?!’

‘Hayaan mo na siya hija, he’s just a cat; they’re in-born hunters so natural lang na lumalabas ang instincts nila paminsan-minsan. And besides palagi namang naglilinis ang mga maid natin so I doubt makakahuli siya ng kahit maliit na daga dito sa bahay.’

‘K-kung gano’n… siya pala yung hinahanap mong Toto kanina…?’ Si Alfredo.

‘Oo nga pala! Heto nga pala ang pusa ko, si Toto! 3 years old na siya, ibinigay siya sa ‘kin ni Daddy as a gift nung gum-graduate ako sa high school. He’s a Himalayan by the way, ang cute niya di ba?’

‘Oo… cute nga siya… at makulit din. Muntik na ‘kong atakihin sa kanya kanina! Mukhang may pinagmanahan…’ Sarkastiko niyang sabi.

‘Hey?! What’s that suppose to mean?!’ Nagpanting ang taingang singhal niya kay Alfredo.

‘Ngayong nabanggit mo hijo, tama ka, may pinagmanahan nga ang pusang ‘yan! When our Jillia Levantine was just a pudge ball, she used to cause lots of trouble to us, especially to her yaya Linda. But look at her now; she now has grown into a fine princess!’

‘Not you too Mom! Darn, why do everyone’s picking on me?!’ Aniyang naghihimutok habang pinagtatawanan siya ng dalawa.

‘Now, now, kids, mabuti pa halina kayo sa dining room at mag-merienda muna tayo, at doon na natin itutuloy ang kuwentuhan nating tatlo. At saka gusto ko ring marinig pa ang mga kuwento ni Alfredo, lalong-lalo na ang tungkol sa pagkakakilala ninyong dalawa hija, tena.’

‘Opo!’ Sabay na sabi nina Alfredo at Jillia.

Sa dining area, inabutan nila ang ilang maid na naghahanda ng kanilang makakain. Tatlong platito ng vanilla cake at mainit-init na persimmon tea ang kanilang inihain.

‘I hope you like sweets hijo, kasi’y wala akong idea sa kung ano ang preference mo sa pagkain, kaya naisip ko na lang na magpahanda ng matamis just to be safe.’ Usisa ni Lorena kay Alfredo.

‘Wala pong anuman ‘yon. Ang totoo nga niyan nahihiya po ako sa inyo kasi pinag-abala pa po ninyo ako nito. At saka mukha naman pong masarap itong cake…’ Nahihiya namang tugon ni Alfredo.

‘You bet it is hijo. Actually si Jillia Levantine ang nag-bake ng cake na ‘yan kanina, so I’m sure it will not only delight your taste buds but your heart as well.’

‘Geez, mom… don’t tease me like that…’ Bigla naman siyang pinamulahan.

‘Talaga po? Sige nga at tikman natin…’ Humiwa siya ng isang kagat ng cake at kinain iyon: ‘Aba! Masarap nga siya Jillia! Hindi ko alam na magaling ka pala pagdating sa mga ganito. Sa totoo lang hindi ako palaging nakakakain ng cake pero masasabi kong itong gawa mo ang pinakamasarap.’

‘I’m happy that you liked it… Actually, making sweets is my hobby since I too love them. Here, have some of the persimmon tea too.’ Ipinagsalin pa niya si Alfredo ng isang tasa.

‘My, what a cute couple… Aren’t you two getting sweeter than the sweets themselves?’ Panunukso naman ni Lorena sa dalawa.

M-mommy naman…?! N-nakakahiya kay Alfred…’ Halos mabitiwan niya ang tea pot sa pagkagitla. Si Alfredo nama’y namumula ang pisnging napatungo na lang.

‘No need to be so bashful now…’ Natatawang sabi niya: ‘My, just seeing you now brings back a lot memories of my teenage years. Your father was a very handsome man back then, but he’s such a very shy kitten, na kahit mayro’n na siyang pagtingin noon sa aki’y ako pa rin ang gumawa ng first move, well, dahil gusto ko na rin naman siya no’ng mga panahong ‘yon.’ At saka mahinhing tumawa: ‘At ngayon nga na sa anak ko naman nangyayari ang mga karanasan ko ‘nung bata pa ako, hindi ko maiwasang kiligin!’

‘Geez, si Mommy talaga… Alfred, just pay no attention to what Mom, was saying okay…?’

‘Ah! B-balewala sa ‘kin ‘yun! Okay lang, okay lang…’ Atubili niyang sagot.

‘W-well, maiwan ko muna kayong dalawa ni Mommy, pakakainin ko lang sandali si Toto, para naman makapag-usap pa kayo…’

‘G-gano’n ba…? S-sige…’ Nauutal niyang sabi. Lalo tuloy umigting ang nararamdaman niyang pagkailang ngayong naiwan na silang dalawa ng kanyang ina.

‘Our Jillia Levantine is such an adorable princess, won’t you agree Alfred? Kahit saang anggulo mo man siya tingnan, walang pagkakamali sa kabuuan niya, although I like my daughter best when she smiles.’

‘Tama po kayo, ganoon din po ang tingin ko. Gustong-gusto ko rin po ang hitsura niya kung tumutugtog siya ng piano, dahil palagi rin siyang nakangiti.’

‘Is that so? That is rather romantic… I wish I had seen both of you that time…’

‘P-pero hindi ko nga lang po sigurado k-kung romantic nga po talaga ‘yon…’ Sabi niyang nagkakamot nanaman ng kanyang ulo.

‘Tell me something Alfred; may pagkakataon bang nagka-gusto ka rin sa kanya? Like noong una kayong nagkakilala?’

‘…U-umm… Mayro’n naman po… a-ang totoo po niyan… nagustuhan ko na siya… noong una pa lang kaming magkita sa school… At habang tumatagal ang samahan namin… lalo ko pa siyang nagugustuhan, dahil unti-unti ko na siyang nakikilala.’

‘That’s nice… She also told me the same about you. Sa katunayan excited siya parati everytime na magkukuwento siya tungkol sa mga ginagawa ninyo inside or outside the school. Pero ang hindi ko malilimutang sandali na nai-kuwento niya sa’kin ay noong namasyal raw kayong dalawa sa Music room at pinakinggan mo siyang tumugtog ng piano. Noon ko lang kasi siya uli nakitang napakasaya, na tumugtog para sa iba… Kilala ko ang anak ko, na kahit magilas at ismarte kapag kasama ang maraming tao’y nakakaramdam rin ng stress. Although she may not look like it, but she’s a very sensitive person. Mahalaga para sa anak ko ang bawat sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya, that’s why when you listened her playing wholeheartedly, it made her really happy…’

‘He! He! Hindi ko po alam na gano’n ang naramdaman niya. Pero noon pa man alam ko na rin naman ang pagiging sensitibo niya. Bukod do’n mahirap rin para sa kanya ang magtiwala sa iba, pero alam niyo po… iyon naman ang nagustuhan ko sa kanya—sinsero siya sa kanyang mga nararamdaman. Kaya nga kapag nakikita ko siyang nakangiti, nararamdaman kong nginingitian niya rin pati ang puso ko.’

‘Yes, you’re right… Anyway Hijo, I’m just wondering… do you know of anything about Febronia Romana per chance? Narinig ko kasi kanina, when you were busy admiring our family portraits nabanggit mo bigla ang pangalan niya?’

Bigla ang pagbomba ng kaba sa dibdib ni Alfredo nang usisain siya nito; hindi siya nakaimik.

‘I’m sorry? Is there a problem?’ Tanong ni Lorena nang hindi nakasagot agad si Alfredo.

‘W-wala naman po… t-tungkol sa tanong niyo kanina… opo, kilala ko nga po siya. Pero pagkakataon lang na nakilala ko siya, no’ng isang araw na nagbabasa po ako ng mga lumang yearbooks sa library.’

‘It figures… Marahil napansin mo rin; magkamukhang-magkamukha sila hindi ba? Kahit kaming mag-asawa nagugulumihanan rin sa pagkakataong naging identical sila ng anak ko. Siguro isa lang ito sa mga hiwaga ng buhay kung minsan, but nevertheless it’s not that bad, lubhang napakaganda rin naman kasi ng aking grand grandmother kaya masaya na rin akong na-inherit ng aming anak ang kagandahan niya.’

‘Umm… Doctor, kung hindi niyo po mamasamain, puwede po ba kayong… m-magkuwento ng tungkol kay Febronia?’

‘Ngayong nabanggit mo ‘yan… maging akong kaapo-apuhan niya’y wala ring gaanong alam tungkol sa kanya. Bukod sa pagiging Escolarina niya noon sa Centro Escolar, at sa pagiging prodigy niya sa music, I’m only limited of what I know about her… and even if I do know something... I don’t have the nerve to talk about it…’ Bigla ang paglamlam ng kanyang ekspresyon.

‘A-ano pong ibig niyong sabihing hindi niyo kayang sabihin?’

‘It’s a complicated matter Alfred. It’s not that I can’t tell you, but rather I’m not the right one to talk about it. Pasensiya ka na lang pero hangga’t maaari’y ayoko nang pag-usapan pa… sana maintindihan mo ako Hijo…’

‘Naiintindihan ko po, ipagpaumanhin niyo na lang po ang pagiging mapangahas ko…’ Nanlulumo naman niyang sabi, tigib ng panghihinayang.

‘Puwede bang sumama ka sa akin sa library sandali? May gusto akong ibigay sa’yo.’

‘S-sige po…’

Nang nasa library na ang dalawa may kung anong bagay na kinuha si Lorena sa isang maliit na aparador roon at ipinakita kay Alfredo:
‘Ito ang diary ni Febronia Romana Alfred. Ito na lang ang natirang bagay na related sa lola ko na na-retrieve namin sa Polaris Mansion bago lumipat roon ang pamilya Seales, at gusto kong mapasaiyo na ito.’

‘Naiintindihan ko po Doctor, pero hindi po ba masamang mapasa’kin ‘to? Ang sabi niyo’y ito na lamang ang natitirang bagay ng inyong lola kaya napakahalaga po nito sa inyo?’

‘Tama ka Hijo, sa katunayan nga sinubukan kong makipag-communicate sa aking lola kahit man lang sa pagbabasa ng diary niya. But for some reason, nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam na baka hindi ko rin siya maintindihan… pero na-realize ko ngayon lang… na kung ang isang tulad mo., Na pinagkakatiwalaan ng anak ko nang lubos, ang makikipag-usap sa kanya… siguro’y bubuksan niya rin ang puso niya sa’yo Alfred… ‘yon ang tingin ko.’
‘P-pero po…’

‘It’s all right Alfred. Alam kong magagawa mo, dahil sa ginawa mo para sa anak ko, naniniwala rin akong magagawa mo rin iyon sa lola ko.’

‘S-salamat po kung gano’n, sa pagtitiwala niyo… Bayaan niyo po iingatan ko po ‘to…’

‘I know you would, and I should be the one to thank you… Alfred… perhaps, if there were true a true guradian angel, it may be just like you…’ Bagama’t tanging sa isip lamang niya sinasabi ang lahat ng iyon.





END OF CHAPTER

Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Thank you Authors!
older post:
Medyas: A Love Story Book 2 *Preview*

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
paramore_kittie_31    •reply Sep 26, 2008 @ 5:39 AM
 
nice story kuya lab it pero

book 2: w e l g a : 

book 2: w e l g a : 
  resemblance    •reply    Sep-26-08@5:57AM
may book 2 syempre pero its up to the outcome of the votes kung may book 3... : l o l : 
ceezzanesz    •reply Sep 26, 2008 @ 6:24 AM
 
tnx pOh sa update!

namisz kOh tlg tOh! : r a z z : 

next pOh! : r a h r a h : 
  resemblance    •reply    Sep-26-08@7:49PM
ge ge try kong mag-update agad : r a z z : 
insanity41    •reply Sep 26, 2008 @ 5:28 PM
 
: l u v :  : l u v :  : l u v :  : l u v : 

i really luv this story!

kuya!@
update ulit!

gusto ko na malaman past ni febronia!
update ulit! : c h e e r :  : c h e e r : 
  resemblance    •reply    Sep-26-08@7:44PM
salamat! update uli ako as soon as possible : g r i n : 
yingying    •reply Sep 27, 2008 @ 9:31 AM
 
: b o o k : : b o o k : : b o o k : 
  yingying    •reply    Sep-27-08@9:39AM
kuya,,yung pahabol na vote ko sa previous poll..baka di mu mabasa..A yun!.. at tsaka gusto ko sana si warren ang makatuluyan ni jilia : b l u s h : : b l u s h :  ok lng naman si alfred pro..hmm..pwedeng mamatay nlng si alfred sa story?..hndi naman sa ayaw ko sa kanya pero gusto ko tlga si warren : l u v :  : l o l : 
yingying    •reply Sep 27, 2008 @ 9:42 AM
 
pero of course kaw pa rin ang bahala kuya,,sinasabi ko lang naman ang saloobin ko..nagbabakasakali lng..hehe..alam ko namang kahit anong ending basta ikaw sumulat maganda tlga.. : n a u g h t y : 
  resemblance    •reply    Sep-27-08@11:11AM
ganun? : l o l :  eh kung gusto mo palang magkatuluyan sila ni warren dapat yung B pinili mo... : n a u g h t y : 
  resemblance    •reply    Sep-27-08@11:12AM
eklat lang yun! (ahahahhahahahah) well abangan mo na lang ang surprise ending sa huli.
  yingying    •reply    Oct-2-08@1:50AM
ganun ba? cg B nlng vote ko! : r a z z : 
  resemblance    •reply    Oct-2-08@1:54AM
o ayan B ka na wla na nang bawian heheh : l o l : 
  yingying    •reply    Oct-2-08@6:50AM
yes, B na tlga..bsta ba maganda ending.. : c h e e r : 
  resemblance    •reply    Sep-27-08@11:13AM
may bago rin akong ipino-post na novel rito yung Run & Gun. parang katulad lang din ng agent steel ni jed na action. sana basahin mo rin
  yingying    •reply    Oct-2-08@1:49AM
xempre,,babasahin ko yun..pgsembreak kc dami tym : l o l :  hanap ko nga eh..san na ba yun : ? 
  resemblance    •reply    Oct-2-08@1:58AM
huwag mo muna hanapin teaser pa lang naman yun balak ko siyang i-post sa Dec. pa
  yingying    •reply    Oct-2-08@6:52AM
ah,,cg kuya..hintay ko po yan ha! : n a u g h t y : 
ceezzanesz    •reply Sep 27, 2008 @ 12:08 PM
 
yey! : c h e e r : 


tenchu pOh..
sana mainspire kah pOh ng BB! : l o l : 
ceezzanesz    •reply Sep 27, 2008 @ 12:09 PM
 
ay nahulOg! : m a d : 
nagwawala nah nemen ung payrpax kOh.. : l o l : 

tnx pOh uletsz sa updatesz! : b l u s h : 
paramore_kittie_31    •reply Sep 27, 2008 @ 8:52 PM
 
kuya wag mo nman patayin si alfred...: m e c r y : 

khit si jillia at warren magkatuluyan wag mo lang papatayin si alfred...ahihihihi
  resemblance    •reply    Sep-27-08@9:11PM
wag ikaw alala hindi uso sa novel ko yung mga namamatay : l o l : 
paramore_kittie_31    •reply Sep 27, 2008 @ 11:29 PM
 
hahaha..salamat nman...hahaha...nabunutan ako ng tinik dun ah..
  resemblance    •reply    Sep-27-08@11:45PM
tsaka naka-depende ang outcome ng story sa boto niyo; kung sad o good ending : c o o l : 
etina0511    •reply Sep 29, 2008 @ 5:03 PM
 
hahaha dami qoe ulit babasahin ehehehe kelan kaya aqoe magka2tym?? : e s e p : 
reign07    •reply Aug 21, 2009 @ 6:07 PM
 
ang ganda naman ng kwento mo!!!!! : w o r s h i p : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Thank you Authors!
older post:
Medyas: A Love Story Book 2 *Preview*
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love, you know, seeks to make happy rather than to be happy.

--by Ralph Connor

You need to be logged in to Facebook