|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
N.L. 22.3
BEFORE READING: Sorry guys medyo i-i-stretch ko muna up to part 4 itong Chapter 22 kasi masyado pala siyang mahaba. baka kasi mainip kayo pag sobrang haba. Next week siguro matatapos na ko rito yung CH 22 at isusunod ko na ang mga side stories nina Warren at Rei. Well hanggang dito na muna
Part One Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988 Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984 Part Two Chapter 19 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507 Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283 Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983 Chapter 22 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832 Pagkatapos nga ng kanilang klase’y hindi na nag-aksaya pa ng ilang sandali si Alfredo’t dagli na siyang bumiyahe papunta sa bahay nina Jillia. Nang makarating na siya subdivision naglakad lang siya nang mabagal, na waring ayaw makarating agad sa tahanan ng dalaga. Habang naglalakad okupado naman ag kanyang isip sa sari-saring ideya tungkol sa hitsura ng ina ni Jillia; nariyang nahihinuha niyang isa itong “matabang babae na may istriktong mukha na laging nakasimangot at kung magsalita’y tila dumadagundong na kulog, o kaya nama’y isang masungit na matanda na hindi nalalayo sa kanilang masungit na College Dean at halos maihi na siya sa kanyang pantalon kung magalit.” Gayunman, pilit na lang niyang kinukumbinsi ang sarili na “hindi naman siguro ganoon ka-kumplikado ang ina nito dahil makisig naman ang kanyang ama at mabait pa, siyempre ang ina’y ganoon din.” Sa sobrang pag-iisip hindi na niya tuloy namalayang isang bloke na ang nalampasan niya; kung tutuusi’y halos bungad lang naman ng subdivision ang bahay ng dalaga. Kinakabahan siyang nag-doorbell, ilang saglit lang ay may sumagot na mula sa intercom: ‘Oh, Alfred, you’re here! Your timing’s perfect, nandito na si Mommy, pumasok ka na lang, bukas na ang gate!’ Si Jillia ang nasa kabilang linya. ‘A-ah… g-gano’n ba…? Si-sige… papasok na lang ako…’ Pagpasok ni Alfredo sa sala, naabutan niya roon si Jillia, na tila may hinahanap: ‘Umm… N-nadito na ‘ko…’ Tipid niyang sabi. Si Jillia’y parang walang narinig, abala pa rin sa paghahanap ng kung ano. Napukaw lang ang atensyon nang mapaharap kay Alfredo: ‘Oh, Alfred! Pasensya ka na, may hinahanap kasi ako eh…’ Sabi niyang palinga-linga pa rin. ‘Mukhang may hinahanap ka, ano ba ‘yon?’ ‘Si Toto, kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko makita… W-well why don’t you relax for a minute? Tinawag ko na naman si Mommy, mamaya lang nandito na ‘yun. Lalabas muna ‘ko sandali okay?’ At dali-dali na nga siyang umalis nang hindi man lang nagpapaalam. ‘Grabe… hindi ko na siya napigil… sino ba yung Toto na hinahanap niya…?’ Nasabi na lang niyang napapakamot-ulo na lang. Pinagkasya na lamang ni Alfredo ang sarili sa pag-upo sa sofa. Bagama’t hindi iyon ang unang beses niyang dumayo sa bahay nina Jillia’y hindi pa siya nakakapasok sa loob ng kanilang sala, kaya mababanaag sa kanyang mukha ang pagkamangha habang ginagalugad ng kanyang paningin ang buong sala. Kapansin-pansin ang disenyong “Art Noveu” ng kabahayan, mula sa mga bintana’t pintuan hanggang sa mga dekorasyong estatwa. Sa isip-isip niya’y hindi naman na nakapagtataka pa iyon gayung may lahi namang Pranses ang mga magulang ni Jillia. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang mga librong nakalagak sa isang aparador roon, nilapitan pa niya ito’t kinilatis. Puros mga nobelang mystery at romance ang mga iyon, partikular ang mga nobela nina Agatha Cristie at James Joyce, at nakatutuwang isiping mga orihinal na sipi pa ang mga iyon dahil sa tekstura ng mga pabalat na medyo naninilaw na rin sa kalumaan. Sa isip-isip niya, sa mga librong iyon marahil namana ni Jillia ang kanyang katalinuhan. Pagkatapos, sunod naman niyang pinuntahan ang fireplace, halatang pandekorasyon lang iyon dahil walang bakas ng kahit anong uling, gayunpaman, ang elegante at sopistikado naman nitong disenyo’y sapat na para makaantig ng atensyon. Sunod niyang nahagip ng tingin ang mga nakahilerang paintings roon – mga painting marahil ng kanilang mga lolo’t lola at ilang kamag-anak. Wari para siyang bata habang napapasinghap na tinitingnan ang mga kagila-gilalas na painting na animo’y ginawa sa Europa dahil sa makatotohang tekstura ng mga ito. Nang nasa bandang dulo na siya sa hilera ng mga painting, bigla’y natigilan siya sa isang painting roon: ‘F-Febronia?!’ Bigla na lang niyang bulalas, at bigla’y may kung anong bagay na dumunggol sa kanyang paa, sukat mapaupo siya. Muntik pa niyang mabasag ang isang vase roon nang matabig niya ito, kundi lang niya ito nasalo agad. ‘Oh my, I’m sorry hijo. Toto’s being mischievous again. Are you all right?’ Anang isang boses sa likuran ni Alfredo. ‘A-ayos lang po ako… ako po ang dapat humingi ng pa—‘ Bigla siyang natigilan ng makita kung sino ang taong iyon sa likuran niya. ‘So, you must be the Alfred, Jillia Levantine were talking about earlier, I’m Dr. Lorena Scientia by the way, it’s a pleasure to meet you.’ Malumanay na pagpapakilala ng babae na siyang ina ni Jillia. ‘Ku-kung gano’n… kayo po pala ang M-mommy ni Jillia…?’ Sabi naman ni Alfredo na tila nakatanim na ang mga paa sa kinatatayuan sa sobrang pagkabigla. TO BE CONTINUED... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
bitin....
next n po,please..tnx! ![]()
resemblance
•reply
Sep-18-08@7:39PM
baka maya-maya makapag-update uli ako. last part na rin naman to ng ch 22
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77640)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22950) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1814) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4055) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) kamoteque27, torpe5626, xtianpaul21, cptnoname, xknothing, chinkyeyes_killer, peace_maker, jewel_emerald, dimasaway, zh3ll3, eysquared and 51 guests |