tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
N.L. 22.1
posted by (Sep 09, 2008 @ 2:15AM) views: 344
Polaris Links





Part One

Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988
Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178
Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078
Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213
Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321
Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367
Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607
Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077
Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471
Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773
Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135
Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660
Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984


Part Two

Chapter 19
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507

Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283
Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983



Chapter 22

The Key To Her Heart (Part 1)

‘Salamat sa’yo Alfredo, naayos mo rin yung gusot namin ni pareng Dongie kanina, kundi sa kangkungan ang bagsak namin ‘pag nagkataon!’ Hinihingal pang sabi ni Mang Ronald na halos maligo sa sobrang pawis dahil sa sobrang tensyon niya kanina.

‘Balewala naman po ‘yon Mang Ronald, ginawa ko lang ang nararapat dahil alam kong kailangang-kailangan ka nang mag-ina mo ngayon. Tsaka nagkataon lang naman na nakita ko siya kanina ‘dun sa T.C. eh, buti na nga lang at nagkagano’n kungdi baka hindi ko rin po kayo natulungan.’

‘Napakabait mo talaga iho… sana kapag lumabas na ang panganay ko’y maging katulad mo rin siya paglaki niya.’
‘Mang Ronald naman!’ Nagkakamot nanaman siya ng ulo: ‘Hindi ako sanay na pinupuri niyo ‘ko nang ganyan eh!’ Natatawa pa niyang sabi. ‘Siya nga po pala, congratulations po sa inyo at sa misis niyo; isa na kayong pamilya ngayon!’

‘Tama ka! Ang totoo eksayted na nga akong lumabas ‘yung panganay ko eh! Buweno, babalik na kami sa poste namin, salamat uli sa’yo Alfredo!’ At iniwan na sina Alfredo pabalik sa cashier.

‘Hay! Buti na lang naayos na ang gusot, pero hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung paano mong nagawa ‘yon kanina…’ Muling usisa ni Rei kay Alfredo.

‘Ako rin nga naguguluhan na sa sarili ko. Parang nangyayari na lang ang mga bagay-bagay sa akin, pero wala ako ni katiting na ideya kung ano ang mga ‘yon… Kaya sana Rei, sa ‘tin-atin na lang muna ang mga nangyari ngayong umaga? Ayoko lang na mag-alala pa si Jillia kapag nalaman niya pa ang tungkol dito…’

‘Parati mo na lang iniintindi ang iba kesa sa problema mo, kumusta ka naman ‘don?’ Usisa naman ni Rei kay Alfredo na kahit hindi niya ipinahahalata’y nag-aalala rin para sa kanya.

‘Parati naman akong gano’n; hindi kasi ako mapapalagay kung may mga taong namomroblema sa akin, at saka kung sa akin lang mas maiging ako na ang umayos nito, dahil kung tutuusin sariling problemahin ko naman ito eh.’

‘Sa ugali mong ‘yan hindi ko tuloy malaman kung mabait ka lang talaga o talagang may sayad ka lang…’

‘Tama ka, may sayad nga talaga ako!’ Sang-ayon niya kay Rei na natatawa pa.’
‘Pfft! What a jerk…’ Bulong na lang niya sa sarili: ‘Speaking of which, it’s already Jillia’s break time, c’mon let’s pick her up.’

Mula sa cashier, dumiretso ang tatlo papunta sa CDL building kung saan nila susunduin si Jillia. Sa may garden pa lang ay naispatan na nila ito na nakatayong mag-isa malapit sa rebulto ni Librada Avelino:

‘Hey sis, look who’s with me!’ pagtawag ni Rei kay Jillia.

Nilingon naman sila ni Jillia, babatiin niya rin sana si Rei pero nang makita niya si Alfredo’y bigla siyang napatigil:

‘Kumusta? Nakabalik na ‘ko…’ Nakangiting bati naman ni Alfredo sa kanya, bagama’t medyo naiilang dahil sa reaksyon nito nang makita siya.

Walang anu-ano’y tumakbo si Jillia papunta kay Alfredo at pasunggab siyang niyakap, sukat ikagulat ng huli, pati na sina Chito at Rei na napanganga pa:

‘You’re back… you really came back… I’m so glad…’ Nanginginig ang tinig niyang sabi.

‘Wow… that’s quite a welcome…’ Tanging nasabi ni Rei na banat na banat ang mukha sa pagkagulat. Si Chito nga, sa pagkagulat ay ni hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan.

‘Pero okay lang bang lumabas ka na ng ospital ng ganito kaaga? Rei told me that you should be still resting for at least one more week? Baka mabinat ka?’ Usisa ni Jillia kay Alfredo, habang nakayakap pa rin dito.

‘O-okay lang naman na pumasok na ‘ko ngayon; sinabi na naman ng doktor ko na puwede na akong pumasok sa eskuwela, basta’t hindi lang ako magpapagod, kaya huwag ka nang mag-alala pa maayos na ako ngayon…’ Pagpapaliwanag naman niya.

‘If you say so… but I’m just happy you’re well now… I’ve missed you so much Alfred… I really did…’ Muli niyang niyakap ng mahigpit si Alfredo, at ikinulong pa ang kanyang mukha sa sulok ng dibdib nito. Lalo naming umigting ang pagka-asiwa ng binata sa pustura nilang iyon pagka’t nagsisimula na silang makaakit ng atensyon sa iba pang mga tao sa paligid.

‘Uh… P-prinsesa…? B-baka… m-mahulihan tayo ng guidance councilor ng PDA nito…’ Usisa niya rito.

‘Na-missed kasi kita ng sobra… bakit, ayaw mo bang niyayakap kita ng ganito…?’ Malambing niyang tanong, na halos ikatunaw ni Alfredo.

‘H-hindi naman!’ Agad niyang pakli: ‘A-ang problema… n-nadito kasi tayo sa labas; maraming tao… b-baka kung ano’ng isipin nila…’

‘I don’t mind. I would even be delighted if they really take us for a real love couple…’ At may kapilyuhan pa siyang bumungisngis.

‘Haayyy… hindi mo nanaman ako sineseryoso… bakit ba nagtatanong pa ‘ko…’ Sapo ang mukha na napabuntong-hininga na lang siya.

‘Aaayyy! Nakakainggit naman ang pare ko! May girlfriend na prinsesa! He! He! He!’ Panggagatong pa ni Chito.

‘Hey guys! Yung gang nina Rossi nando’n oh?! Turuan mo nga ng leksyon sis; kinakawawa nila kasi si Alfredo eh!’ Ani Rei na may nabuo nanamang kalokohan sa isip nang mamataan ang grupo ng kanilang mga kalalakihang kaklase.

‘So, those meanies are picking on my Alfred? Then let’s go; I’ll give those punks a dose of their own medicine!’ At pagkuwa’y kumapit sa braso ni Alfredo at naglakad patungo sa grupo nina Rossi.

‘And I’ll be backing you up sis! Hee! Hee! Hee! This is gonna be fun!’ Segunda naman ni Rei, ang pasimuno ng kalokohan.

At sumabad din si Chito: ‘Manonood na lang ako; gusto ko lang makita ang mga pagmumukha nila habang napapahiya! He! He! He!’

‘Haayyy… kinakabahan na ‘ko sa mangyayari…’ Lulugo-lugong sabi ni Alfredo.




TO BE CONTINUED...
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
having you!!!
older post:
No ordinary love ep. 2

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
yingying    •reply Sep 9, 2008 @ 4:07 AM
 
: b o o k : 
  yingying    •reply    Sep-9-08@4:14AM
uy una ako..: l o l : 


ang ikli naman kuya..
ceezzanesz    •reply Sep 9, 2008 @ 4:13 AM
 
: b o o k :  3mOnthsz atah akOh mgbabasa ng mga
previOusz chaptersz! : b o o k :  : l o l : 


macmulansz nah ngah! : r a z z : 
  resemblance    •reply    Sep-9-08@8:27PM
uy! salamat! talagang may effort pa na bawat chapter may comment! : l o l : 
  ceezzanesz    •reply    Sep-10-08@6:33AM
nO prOblem pOh!

maganda nemen weh..
basta interesadO akOh
basahinsz.. cOmment lagi! : l o l : 

ekaa.. sang chapter nba ung
naiwansz kOh kahapOn!? : ? 
ulyaninsz nah kOh! : r o l l : 
insanity41    •reply Sep 9, 2008 @ 4:03 PM
 
ay ang kulit ni jillia!
siga!

update ulit!
w8 hnd cla db?
: ? 

update po ulit!
paramore_kittie_31    •reply Sep 9, 2008 @ 9:46 PM
 
hahaha...natutuwa ako sa character ni rei..palaban..hahaha
  resemblance    •reply    Sep-9-08@10:03PM
there will be a side story of Rei Hayase in N.L. after Warren's. it will revolve around Rei's true identity and her past relationship with Clifford. i shall post it very soon. (huwag lang akong magiging busy this month : g r i n :  )
paramore_kittie_31    •reply Sep 10, 2008 @ 12:53 AM
 
wow......ahihihihi....may past pla talaga sila...hahahah...... : l u v : 
ceezzanesz    •reply Sep 10, 2008 @ 9:48 AM
 
wuhOOO..

at last!



update! : r a h r a h :  update! : r a h r a h : 
: r o l l :  sa wakas nakahabOl dnsz akOh! : l o l : 
maganda next chapter.. bugbugansz! : r o l l : 

misz kOh nah c warren! : b l u s h :  : l o l : 
  resemblance    •reply    Sep-10-08@10:55AM
hindi mali ang akala mo; hindi sila magbubugbugan : l o l :  naalala mo yung chapter 11 (bearer of stars) yung scene na inaalaska nina rossi si alfredo dahil sa pagiging close nila ni jillia? kumbaga gusto ni Rei na turuan sila ng liksyon ni Jillia : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
having you!!!
older post:
No ordinary love ep. 2
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
If you would be loved, love and be lovable.

--Benjamin Franklin

You need to be logged in to Facebook