|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
HUMANAP KA NG PANGET... FINAL! (1 of 2)
Maraming salamat po sa mga naglaan ng oras para basahin at subaybayan ang aking kwento... sana po, sa aking pagbabalik sa TCAF, subaybayan nyon muli ang aking bagong isusulat... isang fiction/action - love story po ang isusunod ko... abangan nyo po!
FINAL 1 of 2 Buong maghapon kong iniisip ang mga pangyayari. Wala akong kaide-ideya sa mga naganap. Anong nangyari kay Romer? Bakit sya naaksidente? Paano nalaman ni Edwin na naaksidente si Romer? Isa pang nagpapagulo ng aking isip ay kung nasaan na si Betty. Kanina ko pa rin tinatawagan ang cellphone nya pero napudpod na ang daliri ko sa kaka-dial pero hanggang ngayon ay naka-off pa rin ang cellphone nya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay kulang ang aking araw na wala si Betty. Nami-miss ko sya. Nasaan na kaya sya? Totoo kayang hindi na sya magpapakita? O di kaya’y naaksidente rin ito? Baka kinidnap ng mga Abu Sayaff? Naku, wag naman sana…. Wala sanang nangyaring masama sa kanya. “Hoy Anton!” bigla akong nagulat sa tinig na iyon ni Hazel. “H-Ha?” “Ano ka ba? Tulala ka ah!” sabi niya. “Tinatanong kita kung anong oras tayo pupunta sa ospital.” Dugtong pa niya. “Ha? Ganun ba? Sorry ha? N-nag-aalala lang ako kay Romer.” Biglang nalungkot ang mukha ni Hazel. “Ako nga rin, sobrang nag-alala talaga ako kagabi.” “Ano kayang nangyari sa kanya?” “Ang sabi ni Edwin, hit and run daw. Pero nahuli din naman yung nakabangga.” “Bakit naman sya nabangga? Lasing ba sila?” Nagkibit-balikat si Hazel. “Malay ko. Hindi naman nya tinuloy yung kwento nya.” Walang reaksyon sa mukha ni Hazel. “Anong oras ba tayo pupunta?” Saglit akong nag-isip. “Mga…” tiningnan ko ang orasan. “6:30 siguro. Tatapusin ko muna lahat ng trabaho bago ako aalis. Oks lang ba sayo?” “Ok, no problem. Marami pa naman akong gagawin eh… kinuha ko na rin yung ilang documents sa table ni Betty. Ako na lang ang tatapos.” “Sige, 6:30 na lang.” Sabi ko at tumalikod na sya sa akin. Habang papalayo ay tinititigan ko si Hazel. Napakaganda talaga ng kanyang katawan. Ngunit ang ipinagtataka ko’y hindi ko lubos ba ramdam ang kilig sa ngayon. Marahil ay marami lang akong naiisip kaya walang dating sa akin ang kaseksihan ni Hazel. Ipinagpatuloy ko ang aking sinimulan at minadali ko ang lahat upang makapagpahinga ako at nagplano akong kausapin si Hazel. Pagkakataon ko na ito para masarili ko sya. Tutal, maya-maya lang ay isa isa nang mag-aalisan ang mga tao sa paligid. ‘Ano ba iyang nasa isip mo Anton?’ tanong ko sa sarili ko. ‘malubha ang lagay ng isang kaibigan mo at hindi mo pa matagpuan ang isa pa… tapos kung ano ano ang iniisip mo?’ Hindi ko talaga alam kung kalokohan ba ang iniisip ko o nagkaroon lang ako ng lakas ng loob ngayon dahil alam kong maiiwan kaming dalawa ni Hazel. Kaming dalawa lang. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Panahon na! Bukas ay huling araw ko na sa opisinang ito. Sa susunod na araw ay ibang pakikipagsapalaran na naman ang aking haharapin. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ni Hazel. Nanginginig ang aking mga tuhod. Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang kanyng boses. May kausap siya sa phone. Saglit akong tumigil at nanatili sa kinatatayuan ko kung saan hindi ako nakikita ni Hazel. Tiningnan ko ang paligid at tiniyak na walang nakakakita sa akin. “Pwede ba, tigilan mo na ako?” tinig ni Hazel. “Tama na! Nasakatan na ako!” tila alam ko na kung sino ang kausap niya sa telepono. Ang kanyang dating kasintahan. “I’m inlove with somebody else ok?” mataas ang tinig ni Hazel. Biglang bumilis ang kabog ng aking dibdib sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matutuwa. Masasaktan dahil may ibang mahal si Hazel. Pero bahagya namang natuwa dahil iniisip kong ako ang lalaking kanyang minamahal. Baka may gusto na rin sa akin si Hazel. “Pwes, magdusa ka!” pasigaw niyang sabi sabay bagsak ng phone. Saglit na tumahimik. Dahan-dahan akong lumapit kay Hazel. “A-anton, kanina ka pa?” tanong niya. “Ha? H-hindi. Napadaan lang ako. Ngayon lang.” “Aalis na ba tayo?” tanong niya. Tiningnan ko ang oras. 6:15 na. Saglit akong nag-isip. “Umm.. pwede na siguro. Mag-ready ka na at isosoli ko lang lahat ng mga gamit. Magpapalit na rin ako ng damit.” “Ok.” Habang nasa stock room ay paulit ulit na bumabalik sa aking isip ang narinig ko kanina. Napapangiti ako dahil parang natitiyak kong ako nga yung tinutukoy ni Hazel. TOK! TOK! TOK! “Anton, tara na!” tinig ni Hazel mula sa labas. “Nandyan na!” sigaw ko at minadali ko ang pag-aayos ng aking sarili. Tiningnan ko ang aking imahe sa harap ng salamin at ngayon ko lang napansin na parang nagbago nga ang itsura ko. Matapos kong tiyakin na ayos na ako ay binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang kagandahan ni Hazel. Napatingin siya sa akin. Nagtama ang aming paningin. Kakaiba ang aking naramdaman. Bumilis ang tibok ng aking puso. Maraming bagay ang naglaro sa aking isipan. Walang ibang tao sa opisina kundi kami lamang dalawa. Tila nahihigop ako sa ganda ng kanyang mukha. Hindi pa rin naalis ang malagkit na tingin niya sa akin. Unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Papalapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Nanginginig ang aking tuhod. Ilang dangkal na lamang ay magdidikit na ang aming mga labi. ang matagal ko nang pinananabikang mangyari. Ramdam ko na ang kanyang hininga. Papalapit na ng papalapit. TOK! TOK! TOK! “Anton! Ano ba?” Biglang bumalik sa katotohanan ang paligid. Nakaharap ako sa salamin at ini-imagine ang kagandahan ni Hazel. Dali-dali kong binuksan ang pinto at tinungo si Hazel. “S-sorry ha? N-niligpit ko pa kasi yung mga gamit.” “May magagawa pa ba ako?” PANAY ang tingin ko kay Hazel habang nasa jeep. Bagamat hindi kami magkatabi ay parang mas satisfied ako sa ganoong sitwasyon dahil sa pwesto namin, kitang kita ko ang kagandahan niya. Magkaharap kasi kami. Napapnsin ko ring panay ang tingin ng iba pang kalalakihan kay Hazel. Nakababa kami ng jeep ng halos hindi ko inaalis ang aking tingin sa kanya. “Ano ka ba, panay ang tingin mo. Nako-conscious tuloy ako.” “Ha? Sorry ha? I didn’t mean to-” “Ok lang.” Hindi na niya pinatapos ang pagsasalita ko. “Bakit mo ba ako tinitingnan?” Nagulat ako sa tanong niyang iyon. “H-Ha? W-wala. Wala naman. Masama ba?” “Hindi naman. Pero syempre may dahilan ang isang tao kung bakit kakaiba ang tingin niya.” “Ako, wala naman” Tiningnan niya ako na parang hindi naniniwala. “Ok, nagagandahan ako sayo. Yun lang.” “Maganda ba talaga ako?” tanong niya. Tumango ako. Nagtama ang aming paningin. Saglit kaming tumigil sa paglalakad. “Hindi lang maganda…..napakaganda….para kang Diyosa.” Hindi ko alam kung bakit ko nasabi sa kanya iyon pero halata ko ang pamumula ng kanyang pisngi. ‘ano bang nangyayari sa’yo Anton? Adik ka ah!’ sa isip ko. Bumili kami ng mga prutas bago tumuloy sa ospital. habang papalapit ay pabilis ng pabilis ang aming hakbang. Kapwa kami sabik na masagot ang mga katanungang naglalaro sa aming isipan. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Romer na nakahiga sa kama habang si Edwin naman ay nakaupo sa tabi nito. Nakatungo ito na at tila natutulog. Napansin kong hawak ni Edwin ang kamay ni Romer. Marahan kaming naglakad ni Hazel papalapit sa kanila. Biglang napabalikwas si Edwin. At humarap sa amin. “K-kanina pa kayo?” tanong niya. “Kadarating lang naming.” Sagot ko habang inaabot ko ang prutas sa kanya. “Ano bang nangyari?” Natigilan si Edwin. Tumingin sa akin tapos ay tumignin kay Hazel. Bumuntung-hininga siya. “I don’t know how to start this….but since kayo lang ang pwede kong mapagsabihan nito, siguro dapat ko na lang tanggapin.” Nagkatinginan kami ni Hazel. “S-si Betty nga pala, bat hindi nyo kasama?” “Hindi ko nga alam kung ano na ang nangyari dun. Bigla na lang nawala. Hindi rin makontak.” “Bakit? Sino bang huling kasama niya?” “Ako.” Sagot ko. “Pero ok naman sya nung ihatid ko.” “Baka naman may emergency lang sa bahay nila.” “Kung emergency, dapat tumawag na yun.” Si Edwin. “Teka, mamaya na muna yan, ano nga ang nangyari kagabi?” Sumeryoso ang mukha niya. “Tara, doon tayo.” Niyaya nya kami sa may sofa at naupo kaming lahat doon. “Bago ko ikwento sa inyo, hinihiling ko lang na… sana, wag nyong isipin na masama akong tao.” “Sobra ka naman… syempre hindi.” Si Hazel. Katahimikan. “K-Kagabi, pag-alis nyo-” simula niya. “Nagdagdag pa kami ng beer. Tapos, kwentuhan habang hinihintay ka namin” tumingin siya sa akin. “Tapos, nung sinabi niyang hindi ka na daw babalik, niyaya ko na syang umuwi. Pero sabi niya, may sasabihin pa daw sya. Tapos, tinanong ko kung ano, ang sabi niya, importante daw. Dahil sa lakas ng tugtugan sa loob, dun na kami sa labas nag-usap. Habang naghihintay ng taxi. Tapos-” Saglit na katahimikan. Muli siyang tumingin sa amin. “Tapos ano?” tila sabik na tanon ni Hazel. Biglang nalungkot ang mukha ni Edwin. Muli siyang nagbugtong-hininga. “Tapos sinabi niyang-” tumignin siya sa akin. “Isa syang homo!” Nagkatinginan kami ni Hazel. “At matagal mo na daw alam yun, Anton.” Seryosong sabi ni Edwin. “Tapos, anong nangyari?” tanong ko. “Nung una, hindi ako naniwala. O ayaw ko lang talagang paniwalaan. Sabi ko pa… tol, wag kang magbiro ng ganyan. Hindi nakakatawa… pero seryoso naman ang mukha nya kaya medyo nag-aalangan na ako. Tapos-“ saglit siyang tumigil. “Tapos sinabi niyang mahal nya raw ako noon pa. Matagal na daw. Lahat daw ng pinagsamahan namin ay isang treasure para sa kanya. Syempre nagulat ako…. Natulala… hindi ko alam ang aking gagawin. “Tapos-” Biglang tumulo ang luha sa pisngi ni Edwin. “Hinalikan niya ako! Tapos paulit-ulit niyang sinabing mahal nya ako.” Kapwa kami nagulat ni Hazel. “Sa sobrang gulat ko-“ patuloy ni Edwin. “Naitulak ko sya ng malakas. Sakto namang may paparating na sasakyan kaya-” hindi na naituloy ni Edwin ang pagsasalita niya dahil humagulgol na ito. Yumakap siya kay Hazel at ipinagpatuloy ang pag-iyak. “Kasalanan ko..huhuhu.. kasalanan ko!!!” patuloy sa pag-iyak si Edwin. “Ssshh… it’s not your fault Edwin, it’s an accident.” Pagpapakalma ni Hazel. Tumagal ng ilang minuto ang ganoong sitwasyon hanggang sa kumalma ang pakiramdam ni Edwin. Dama naming lahat ang lungkot sa aming mga dibdib. Tiningnan ko si Romer. Hindi ito kumikilos. Umalis sa pagkakayakap si Edwin at tumignin sa aming dalawa ni Hazel. “Pero alam nyo kung anong mas malala?” Nagtaka kami ni Hazel. Hindi namin alam ang gustong sabihin ni Edwin. “Nung halikan nya ako” patuloy ni Edwin. “Kakaiba ang dating sa akin. Parang-” huminga siya ng malalim. “Parang gusto ko. Parang masarap… ewan ko ba” Lihim akong natuwa. Tiningnan ko si Hazel at tiyak kong ganoon din ang kanyang naramdaman. “Tapos nung ipinasok na siya dito, mula sa operating room, doon ko nalaman na-” tumayo siya at lumapit kay Romer. Hinawakan niya ang kamay nito. “Mahal ko pala sya. No matter who he is! No matter what you say about us.” Tumayo ako at lumapit kay Edwin. “We are proud of you both.” “Tama si Anton. Masaya kami para sa inyong dalawa.” Sabi ni Hazel habang papalapit sa amin. “Salamat.” Ngumiti si Edwin. “Alam mo Anton, ngayon ako naniniwala na, hindi mo malalaman na mahal mo ang isang tao hanggat nandyan sya sa tabi mo. Nung akala kong mawawala sya sa akin, panay ang dasal ko at hiling na wag sya ilayo sa akin.” Hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi ni Edwin. Lumayo ang aking isipan. Tinamaan ako sa sinabi ni Edwin. Tama sya. Hindi ko malalaman na mahal ko ang isang tao hanggat narito sa aking tabi. Bigla kong naisip si Betty. Tiningnan ko si Hazel at tiniyak ang nararamdaman ko sa kanya. Ipinikit ko ang aking mata at pinakinggan ang sasabihin ng aking puso. Maganda si Hazel… sexy… pero iyon lang siguro ang talagang hinagangaan ko sa kanya… ang kanyang kagandahan... ngayon, nakatitiyak akong….. MAHAL KO SI BETTY!!! Abangan nyo po ang FINAL 2 of 2
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
huwaaaaaaaaaaaaa
ang saya naman.. ![]() mahal nia dn pala c romer.. ![]() haha eh c betty kaya ano na ngyari??esep:
jeddsteelhead
•reply
Sep-4-08@10:43PM
abangan mo ang super finale... kung magkikita ba sina Anton at Betty...
hala final na
![]()
jeddsteelhead
•reply
Sep-5-08@1:03AM
tinapos ko na... baka tubuan na ako ng puting buhok, bago ko mabuo ang istoryang 'to eh!
![]() waa.. kuya otor.. seryoso.. final na toh? ![]()
tres_laiteras
•reply
Sep-5-08@4:09AM
ayyiiee..
![]() si anton at si betty din pala ang bida dito sa labstori ee. ![]() woo.. nikikilig ako!
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70032)Arts & Entertainment (7531) Lifestyle & Culture (3269) Politics & Issues (2922) Poetry & Fiction (9267) Random Thoughts (10131) Forwarded Thingies (7334) FrendzCorner/ShoutOutz (21279) Games & Fun Questions (2342) Patawa Ka Talaga (2295) Tristancafe Musikahan (3762) Careers & Work Stuff (1507) School Matters (3223) Technology & Internet (3974) Classifieds & Advertisements (3551) Tristancafe Halo-Halo (1542) Barangay Tristan (1722) Site Announcements (42) marge_26, freedertjosh, jesselyne_gomez, zulariam, mrl96, and 27 guests Random Love Quotes
|