tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Medyas: A Love Story
posted by (Sep 04, 2008 @ 7:12AM) views: 1348


NOTE: Hindi ko po kilala ang mga nasa picture. Nakuha ko lang po sila sa friendster. : l o l :  If ever you know these people kindly extend my apology to them for using their pictures without their authorization. Thank you. : b o w : 

Ang mga nakaraan sa Medyas: A Love Story...


Chapter 1: First Day, First Crush
Chapter 2: Ms. Yu meets Mr. Bernal
Chapter 3: Cyrus' Past
Chapter 4: A hidden message
Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
Chapter 6: Surprise!!!
Chapter 7: Go on or move-on?
Chapter 8: Admirer
Chapter 9: An Invitation
Chapter 10: The Unperfect Set-up
Chapter 11: Crying Shoulder
Chapter 12: The... Date?



Chapter 13

Confession


Mabilis lumipas ang araw ng linggo ko marahil excited na akong pumasok. Makikita ko nanaman kasi si Cyrus. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang mga pangyayari nung sabado, kung paano kami kumanta, nagkulitan, kumain at ang buong pangyayari sa araw na iyon. Ang saya talaga sana ganoon nalang palagi. Sana siya na nga ang superman ng buhay ko.

Pagkarating ko ng eskwelahan ay agad naman akong tumungo ng locker na nakasanayan ko na simula ng sinulatan ako ni Superman. Pagkabukas ko ng pinto ng locker ay buti na lamang at may nakita akong papel. Sa wakas sumagot na siya akala ko di ko na siya makakausap uli eh, sa isip isip ko.

how’s ur weekend?
hope u had a lot of fun (:
i really miss you a lot!
u know what?
i thought that 'TiME' has already come
and i was suppose to reveal hu am i,
but i was wrong,
i might have better luck next time.
take care my princess (:

Yours truly,
Superman

Wow, grabe si Superman englishero. Baka porenjer toh at hindi si Cyrus? Hala! Anyway nanosebleed ako sa sinabi niya ah. Teka my princess? Ako ba ung tinutukoy niyang princess na yun? Baka ako nga, kakilig naman. Sayang magpapakilala na pala siya. Bakit kaya hindi natuloy? Makasagot na nga lang sa sulat niya.

akala q nd k n ssgot s last letter q!
i miss you too superman! bleh!
super saya ng weekend q! sobra..
ksma q ksi si superman ng lyf q eh,
si superman torpe hehehe! jowk lng =)
ingat din superman!

"Uyy sino kaya yang sinusulatan ni panget?" pangangantyaw ni Joshua na hindi ko naman napansin na nasa likod ko at tinitignan ang ginagawa ko. Nabasa kaya niya? Hay nako talaga naman!

"Chismoso ka noh? Kalalake mong tao nakikibasa ka ng sulat ng may sulat!" pagsusungit ko naman sakanya nakakainis kasi nasa kalagitnaan ako ng pagkakilig bigla siyang eeksena!

"Bakit ang sungit mo? Kakamustahin ka lang eh sinusungitan mo na ako agad. Tsaka hindi ko binabasa ung sinusulat mo ah!" pagpapaliwanag naman niya.

"Hindi ba? Akala ko binabasa mo eh. Sorry naman." pagpapaumanhin ko naman sakanya.

"Sorry, sorry. Ikaw na nga tong babatiin tapos susungitan mo pa." pabulong na sabi ni Joshua.

"Sorry na nga po eh diba? Bati na kami niyan ni panget." sabi ko sakanya habang pinaglalaruan ko ang magkabilang pisngi niya. Paglalambing kumbaga.

"Oo na. Matitiis ba kita (pabulong niyang sinabi.)" sagot naman ni Joshua sakin habang pinipisil ang ilong ko.

"Ano? Ano? Parang may binulong ka eh." pagtatanong ko naman sakanya dahil may binulong siyang hindi ko narinig ng maayos.

"Binulong? May narinig ka?" pagtataka naman niyang tanong.

"Wala po." pagwawalang bahala ko namang sagot sakanya.

Dumating na nga ang teacher namin at kanya-kanya naman kaming balik sa mga upuan namin.

"Chloe, usap tayo mamayang recess ha!" sabi naman ng seatmate kong si Janine.

"Ay oo nga pala! Sige." pangiti kong sagot sakanya.

"Ok class. I have an announcement." sabi ng teacher namin. Ano kaya yun? Siguro walang klase? Sana nga. Hehehe.

"I would like you to welcome back Ms. Ericka Reyes." pagdugtong naman niya at sabay pagpasok ni Ericka sa classroom ng nakauniform. Lahat naman pati ako ay sinalubong siya ng palakpak at nilapitan para batiin maliban kay Cyrus na hindi natinag sa kanyang pagkakaupo.

"Thanks for your warm welcome. I miss you a lot guys especially Cyrus." pagbati naman ni Ericka sa amin. Sabay kantyaw ng buong klase dahil sa pagkakaspecial mention ng pangalan ni Cyrus. Inaamin kong malungkot ako sa pagdating ni Ericka dahil baka magkabalikan sila pero ok lang yun kung masaya si Cyrus masaya na rin ako.

Nang tumunog na ang bell na naghuhudyat na recess na namin ay magkasabay naman akong inaya nina Joshua at Cyrus na magrecess.

"Chloe recess na tayo." sabi ni Joshua. "Tara Chloe." sabi naman ni Cyrus.

"Sabay pa kayo ah. Sige mayang lunch nalang ako sasabay. Mag-uusap pa kami ni Janine eh." sabi ko naman sakanilang dalawa at sumunod ako kay Janine na kasalukuyan ng nasa pinto.

"Cyrus, Joshua, tara let’s eat together. Treat ko kayo. Medyo bitin tayo nung first meeting natin dito sa school eh. I miss you both." narinig kong pag-aaya ni Ericka sa dalawa.

"No thanks. May gagawin pala ako. Kayo nalang dalawa." pagtanggi naman ni Cyrus.

Nang makarating ako sa kinatatayuan ni Janine ay binati ko siya agad.

"Uy Janine. Ano nga pala pag-uusapan natin?" tanong ko naman sakanya.

"Chloe, tara dun tayo sa library." pag-aaya niya sakin. At agad din naman kaming pumuntang library. Pagkarating namin sa library ay umupo kami dun sa gitna ng mga bookshelves at nag-usap.

"Chloe diretsahan. Tomboy ka ba?" nakakagulat na tanong sakin ni Janine. Nanlaki talaga ang mga mata ko sa tanong niya.

"Ha? Mukha ba akong tomboy Janine?" pagbibiro kong tanong sakanya. At umiling siya.

"Hindi pala eh. Bakit mo naitanong yun? Kagulat ka naman." muli kong tanong sakanya.

"Kasi... Kasi..." pagaalinlangan pa niyang sagot na hindi makatingin sa aking mga mata.

"Kasi?" tanong ko naman.
















Bakit nga kaya? May gusto kaya si Janine kay Chloe? : r o l l : 
















"Kasi... Alam mo Chloe... Ano eh..." pagaalinlangan parin ni Janine na sabihin.

"Ano un Janine? Wag ka mahiya." pangungulit ko.

"Kasi hindi naman talaga malapit si Joshua sa mga babae eh. Nung bata pa kami hindi talaga siya nakikipaglaro sa mga babae. Kung hindi ka lalaki hindi ka niya papansinin." pagkukwento naman ni Janine.

"Ahhhh..... Hindi ko magets Janine. Pasensya na. Hehehe." sagot ko sakanya. Hindi ko talaga magets bakit niya sinasabi yun. Siguro gusto niyang sabihin bading si Joshua! Hahaha! Para nga namang bading yung lalaking un ang arte arte.

"Nagtataka lang kasi ako kung bakit ikaw pinansin niya kahit babae ka?" pagtatanong niya.

"Hindi ko rin alam Janine. Uhm, gusto mo bang palabasin na bakla si Joshua?" pagbibiro ko naman sakanya.

"Ah! Hindi ah! Hindi bakla si Joshua!" pagtatanggol naman niya.

"Itong si Janine defensive. Nagtatanong lang eh." sagot ko naman habang natatawa sa naging reaksyon niya. Tingin ko alam ko na bakit niya toh sinasabi sakin.

"Matanong ko lang Janine, kailan ka pa nagkilos lalake? I mean yang anyo mo ngayon?" tanong ko sakanya at napansin kong medyo namula ang mga pisngi niya. Hindi rin naman siya sumagot kaya nagsalita na lang ako uli.

"Dahil ba yan kay Joshua kaya nagbihis at kilos lalake ka? Aminin mo na Janine tayo lang makakaalam niyan." pambubuking ko sakanya. Tumungo siya bilang senyas ng pag-oo niya.

"Sabi na nga ba eh. Janine, what if bukas magbihis babae ka? Malay mo hindi na ganun kasuplado si Joshua gaya ng dati at mapansin ka niya, ang maganda pa dun baka magkagusto pa siya sayo diba?" pagpapayo ko naman sakanya. Maganda naman tong si Janine eh hindi lang napapansin dahil nga sa pagtotomboy image niya. Sayang talaga siya kung nagkataon.

"Imposibleng magustuhan ako ni Joshua! Kasi ikaw ang gusto niya! (kasabay ng pagring ng bell)" sagot naman ni Janine.

"Nagbell na Janine. Balik na tayo sa room." pag-aaya ko sakanya. Medyo hindi ko narinig ang sinabi niya, ang bingi ko talaga.

At bumalik na nga kami sa room, hindi pa naman dumarating ang teacher namin kaya muli kong kinausap ko si Janine.

"Ano nga uli ung huli mong sinabi?" tanong ko naman sakanya.

"Aba. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng pare ko Chloe ah." singit naman ni Joshua na inakbayan si Janine. Napangiti naman ako kay Janine nang makitang inakbayan siya ni Joshua.

"Talaga! Selos ka naman?" pagsakay ko naman sa banat ni Joshua.

"Ako selos?" pangiting tanong ni Joshua.

"Andyan na si Ma'am." sabi naman ni Janine ng makitang papasok na ang teacher namin. At bumalik na sa pwesto ang lahat ng estudyante.

"Mr. Bernal, Mr. Garcia, pinapatawag kayo ng Principal." sabi ng aming teacher nang makapwesto siya sa gitna. At agad naman tumayo ang dalawa para tumungo sa Principal's office.








Bakit kaya sila pinatawag ng Principal? Anong problema?



Chapter 13 ended

ito na ata ang pinakamabilis kong update. : r o l l : 
sana magustuhan niyo tong chapter na toh..
thanks talaga sa lahat ng sumusubaybay.. group : h u g :  : l o l : 

thank you nga pala sa mga nagcomment sa chapters 8 to 10

Chapter 8
qletzky
medjie00021
saint_4_sin
lyra14
ChugiBear
milfeuille_10
pissedoFF
astigingmam
mitchy_angel08
insanity41
maffelii
aIszLe
lyra14
uday
mikai_21
frann17
lightblade593
swt_lil_cuti3
etina0511
tEary_eYes
jassy03
anyD
elvenbeauty_blood

Chapter 9
mitchy_angel08
frann17
uday
innocent_beyondeyes
paramore_kittie_31
maffelii
supL4d4h
aIszLe
ChugiBear
lyra14
precious_joy05
milfeuille_10
insanity41
etina0511
bookish
lightblade593
saint_4_sin
medjie00021
tEary_eYes
anyD
elvenbeauty_blood
mikai_21

Chapter 10
supL4d4h
magicBMD
leaheden_12
aIszLe
lyra14
lightblade593
precious_joy05
mitchy_angel08
medjie00021
dEaThAnGeL_MaRa19
maffelii
milfeuille_10
swt_lil_cuti3
saint_4_sin
bookish
etina0511
paramore_kittie_31
frann17
uday
ChugiBear
anyD
amorebaciame20
elvenbeauty_blood
tEary_eYes
mikai_21
President_of_D_Room
mat21


maraming maraming salamat po..
pagmay hindi kau napapangitan na kau s takbo ng story just let me know : ) 
salamat dami : k i s s : 
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
kazcheek    •reply Sep 4, 2008 @ 8:12 AM
 
una ba ko?

go otor update pa po! : r a z z : 
  limkailun    •reply    Sep-5-08@6:41PM
very nyc story... sana my movie!!! : k i s s : 
uday    •reply Sep 4, 2008 @ 8:52 AM
 
weh! sana bukas ulit yung next update : s m i l e : 

at sana hindi na busy si author ; ) 
precious_joy05    •reply Sep 4, 2008 @ 9:52 AM
 
: m a d :  ang tgal q ng hinihintay to ah.: w e l g a : 
President_of_D_Room    •reply Sep 4, 2008 @ 11:16 AM
 
sana Araw AraW my UpdaTe : w e l g a : 


: r o l l :  : l o l :  : r o l l :  : l o l :  : r o l l :  : l o l : 
  loveu4ever915    •reply    Sep-5-08@5:09AM
oO ngA sAnA ArAw ArAw..
insanity41    •reply Sep 4, 2008 @ 3:01 PM
 
: ) 
maffelii    •reply Sep 4, 2008 @ 6:01 PM
 
huwaw! salamat at may update..: b l u s h : 

thanks ng madami..: k i s s : 



bat kaya cla pnatawag..: e s e p : 
marjheoni    •reply Sep 4, 2008 @ 6:44 PM
 
sobrang saya ng story n2...

ang daming twist ba... : l o l :  : l o l : 

otor, next n po..

pra mlaman n kung bkit pntawg ung 2 gwapings... : k i s s :  : k i s s :  : k i s s : 
simplycrissy    •reply Sep 4, 2008 @ 7:17 PM
 
nakakaawa naman si janine! : (  kung sino pa yung gusto niya siya pang ayaw sa kanya... i mean di siya gusto. : c r y : 
innocent_beyondeyes    •reply Sep 4, 2008 @ 9:55 PM
 
hehehehe, di pla tomboy janine...pero at least di xa bitter ky chloe,...bait ; ) 
magicBMD    •reply Sep 4, 2008 @ 10:00 PM
 
: b o o k : 
lyra14    •reply Sep 4, 2008 @ 11:29 PM
 
ang bilis! hahahaha.. ganyn dapat! : c h e e r :  : c h e e r : 
aIszLe    •reply Sep 5, 2008 @ 2:23 AM
 
: b l u s h : 
medjie00021    •reply Sep 5, 2008 @ 3:59 AM
 
whaaaa... grabe pala magmahal si Janine...
Salamat talaga kay otor... alam mo dati mabilis din mag-update si otor ng next to you eh.... (sigh!) : c r y :  Keep it up!!!
loveu4ever915    •reply Sep 5, 2008 @ 5:03 AM
 
hAhAhA.. mAi pEboritE.. iS bAcK.. i lAb iT tAlAgA... : l u v :  : l o l : 
saint_4_sin    •reply Sep 5, 2008 @ 9:03 AM
 
: l u v :  danda talaga : n a u g h t y : 


joshua, mahal talaga kita : l o l : 
lightblade593    •reply Sep 6, 2008 @ 4:35 AM
 
TgAl qOh rEin po hiNinTay toHH.....6 days aqOh sa HOSPITAL, e2 iniisip QoH...sV ko nKauPdaTe n kyA unG MEDYAS????
pagLabas na Paglabas qOh ng HOSPITAL diretcho agad aQooh sa kompyuter...
ceezzanesz    •reply Sep 6, 2008 @ 11:52 AM
 
kawewe nemen txi superman! : ( 
naku.. naku.. naku..

nxt nxt.. : b l u s h : 
khai_21    •reply Sep 6, 2008 @ 2:23 PM
 
ang bingi mu chloe : m a d :  : l o l : 
supL4d4h    •reply Sep 7, 2008 @ 5:19 PM
 
: c r a s h :  lagi nlng d marinig : l o l : 
tEary_eYes    •reply Sep 10, 2008 @ 5:00 AM
 
two downs!!!!

: r a h r a h :  : r a h r a h :  : r a h r a h : 

i love it!!!! : l o l : 
anyD    •reply Oct 4, 2008 @ 10:02 AM
 
season 1 ended..

bingi mo chloe.. bweset ka.. : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
HUMANAP KA NG PANGET... FINAL! (1 of 2)
older post:
mY sO caLLed "ADIK"
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com