tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
N. L. 21
posted by (Sep 02, 2008 @ 8:08AM) views: 374
N. L. Links

Part One



Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988
Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178
Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078
Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213
Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321
Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367
Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607
Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077
Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471
Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773
Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135
Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660
Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984


Part Two

Chapter 19
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507

Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283





CHAPTER 21

Renewed Power, Renewed Fear

Biyernes, bagama’t ito ang karaniwang huling araw ng pasok ng linggo, para kay Alfredo, ito ang unang araw ng kanyang pagbabalik-eskuwela, matapos ang mahigit isang buwang pananatili sa pangangalaga ng ospital. Kahit halos mag-unahan na ang mga estudyante sa pagpasok sa unibersidad ay hindi pa muna siya sumabay; abala kasi ang kanyang isip sa pagmumuni sa mga nakaraang kaganapan. Ang mainit na hanging dumadampi sa kanyang mukha sa umagang iyon, bagama’t hindi gaanong kaaya-aya’y pinanabikan niya ng matagal na panahon. Ang maingay na kapaligiran, dulot ng mga abalang mga sasakyan na nag-uunahan sa Legarda, ang tanawin ng mga kumpulan ng mga estudyanteng pumapasok sa unibersidad, at ang tunog ng bell tuwing kada-oras, lahat ito’y tila nalimutan na niya’t ngayon lang niya muling naranasan.

Makailang ulit na buntong hininga ang kanyang pinawalan bago niya naisipang pumasok na rin. Nang nasa loob na, pinasyalan niya ang GDLSC building. Nadatnan niya ang ilang mga construction worker roon na abala sa pagre-renovate ng lugar. Hindi tuloy niya naiwasang maalalang muli ang araw na iyon na muntik na niyang ikamatay. ‘Muntik na talaga ako do’n!’ Bigla na lang niyang nasabi. Ipinasiya na niyang pumanhik na sa kanilang klase sa DCT-Lanai building. Sa loob ng building, isang karaniwang tagpo ang kanyang dinatnan; mga nakahilerang estudyanteng nagku-kuwentuhan sa pasilyo, at mga ilan ding naglalabasan na sa mga katatapos nilang mga klase. Habang papunta siya sa kanilang silid, bigla siyang napahinto nang maramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat:

‘Huy! Ang aga mo nanaman a?! Di ka kaya mabinat niyan?’ Si Chito ang tumapik na iyon kay Alfredo.

‘Oo nga naman. Di ba next week pa ang talagang balik mo? Baka kung mapano ka niyan?’ Segunda naman ni Rei.

‘Ang sabi naman ng duktor sa ‘kin ayos na rin naming pumasok na ‘ko ngayon, basta’t hindi ko lang pupuwersahin masyado ‘tong katawan ko. Naiinip na rin kasi ako sa bahay eh; parati lang akong nakahiga. Atsaka wala naming nakakapagod sa pagpasok sa eskuwela.’

‘Kunsabagay, pero kung para kay Chito, palagi naming nakakapagod pumasok sa eskuwela!’ Sarkastikong sabi ni Rei, na pinatatamaan si Chito.

‘Kailangan mo pa bang isingit ‘yon ha?! Wala ka talagang patawad!’ Himutok naman ni Chito.

‘Bakit?! May mali ba ‘don sa sinabi ko?!’

‘H-hindi naman sa mali… medyo mali lang!’ Tatawa-tawa pa niyang sabi.

‘Alam niyo, ‘yan ang dahilan kung bakit sabik na sabik na ‘kong bumalik dito eh; yung marinig ko ulit kayong mag-asaran na dalawa!’

‘Awww! Talaga?! Ikaw rin na-miss namin! Wala kasi kaming naaasar ni Chito sa klase eh!’ Maharot na niyakap pa ni Rei si Alfredo.

‘Ako rin fafa Alfwed! Na-miss rin kitwa!’ Dugtong naman ni Chito na nakiyakap rin at binubuhat-buhat pa si Alfredo.

‘P-pero puwede namang hindi niyo ko pisain ‘di ba?! Tumigil nga kayo!’ Saway ni Alfredo sa dalawa.

Sabay-sabay pumasok ang tatlo sa kanilang klase. Pagpasok pa lang nila’y masigabong palakpakan ang sumalubong sa kanila:

‘Mr. Sandoval!’ Bati ng kanyang guro, na nilapitan pa siya’t kinamayan. Ang guro niya ring ito ang tumulong sa kanyang makapasok siya sa CEU: ‘Mabuti’t nakabalik ka na, salamat sa Diyos! Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon?’

‘May kaunting kirot pa po dito sa may tagiliran ko, pero maayos naman po ang pakiramdam ko ngayon sir. Salamat po sa pag-alala niyo.’
‘Mabuti kung gano’n! Buweno, marami kang na-miss sa mga lessons at quizzes natin, kaya pagkatapos ng klase’y kakausapin kita para sa make-up test mo. In the mean time simulan na muna natin ang klase ngayong araw.’

Kakaiba ang awra ng buong klase sa araw na iyon. Sa pagbabalik ni Alfredo, tila may kakaibang siglang namumutawi sa bawat isa. Ngunit taliwas kay Alfredo, nakakaramdam siya ng pagka-asiwa; hindi kasi siya sanay na maging sentro ng atensyon, ni hindi nga niya naranasan ang ganoong pagkakataon, liban ngayon. Maging pagkatapos ng klase’y bating-bati pa rin siya ng karamihan paglabas nila ng silid-aralan:

‘Hanep tsong! Instant celebrity ka ngayong araw! Nao-OP tuloy ako! He! He!’ Si Chito.

‘You bet, he really is! Ikaw ang bida ngayon sa campus dahil ikaw lang naman ang magiting na bayaning nagligtas sa ating mahal na prinsesa, kaya natural masaya ang lahat! Although me’ron pa ring mga insecure sa tabi-tabi na kumokontra, gaya nung mga mokong na ‘yun!’ Tinutukoy ang grupo nina Rossi noon na nangangantiyaw kay Alfredo.

‘Heh! Inggit lang sila! Eh di gayahin nila si Alfredo; magpasimula rin sila ng sunog tapos mag-ala-superhero din sila! Yun nga lang ewan ko lang kung makakalabas din sila! Hee! Hee!’

‘Magandang ideya yun ah?! But no doubt they won’t make it, because from my point of view, they’re just a bunch of whimpering idiots, and even if they’d tried, they would be barbecued on the spot before they can even lift a foot!’

‘Oo nga pala, tungkol sa nangyaring sunog, nalaman na ba kung sino ang pasimuno?’ Pag-iiba ng usapan ni Alfredo.

‘Yeah! That evil witch Robbie is the culprit! Nang dahil sa inggit niya kay Jillia, nang manalo siya sa Mr. & Ms. CEU tinangka ba naman niyang sunugin si Jillia, at balak pang idamay pati ang buong campus! Malas na lang niya’t nakaligtas si Jillia at naituro siya nito! Sipa tuloy ang bruha! Pasalamat siya’t walang nangyaring masama kay Jillia dahil kung hindi kulong ang aabutin niya!’ Galit ang tonong sabi ni Rei.

‘Pero nakakahinayang din ‘no? Pambida pa naman sa soap yung pes niya, yun pala grabe pa sa kotrabida ang kamalditahan, at di lang ‘yon, tinangka pa niyang patayin si Jillia! Pasalamat siya’t expulsion lang ang parusa niya kundi siguradong lalaspagin sa Bilibid ang mukha niya!’

‘Pero alam niyo nakakalungkot. Nang dahil sa inggit niya kay Jillia gumawa siya ng isang karumal-dumal na bagay ngunit nabigo, at sinapit niya ang gano’n. Maganda pa naman siya at matalino pa, puwede na lang sana siyang nakipagkumpitensya kay Jillia. Pero hindi ko maubos-maisip na gano’n ang gagawin niya, tuloy, hindi na natin siya makakasabay grumadweyt. Nakakahinayang talaga…’ Sabi ni Alfredo na nakikisimpatya sa sinapit ng dating kaklase.

‘Don’t tell me naaawa ka sa bruhang ‘yon?!’ Singhal naman ni Rei sa pagtutol.

‘Oo, naaawa ako sa kanya. Isipin mo na lang; sa sitwasyon niya ngayon, mahihirapan na siyang makahanap uli ng papasukang school dahil sa marumi niyang record. Kung ako lang sana ang masusunod kakalimutan ko na lang ang lahat, tutal wala namang naging casualty sa nangyari, bukod sa nasira ang mini theater, baka pagbayarin ko na lang siya ng danyos sa mga nasira. Pero sa ginawang desisyon ng CEU maaaring kinabukasan niya ang maging kapalit sa ginawa niya, at di lang ‘yon, dahil nabigo siyang burahin si Jillia sa landas niya, siguradong lalong nagngingitngit sa galit ngayon ‘yon. Hindi natin alam kung ano ang maaari pa niyang gawin, lalo ngayong hindi na natin siya makokontrol dahil wala na siya rito…’

‘Heh! Subukan lang niya, nang matikman niya ang mga kamao kong ‘to! Gagawin kong pancake ang pagmumukha niya hanggang hindi na siya makilala pa ng mga magulang niya! Dapat nga kulong ang parusa sa kanya eh! On a side note though, bilib din naman ako sa’yo Alfredo; kahit gaano ka-dimonyo yung ginawa niya, and to think muntik mo pa ‘yong ikamatay, inaalala mo pa rin ang kapakanan niya! Hindi ko tuloy alam kung sobrang mabait ka lang talaga o malakas lang ang tama mo sa kanya? Parang itong katabi kong kalbo?!’
‘Hindi na ngayon!’ Pakli naman ni Chito: ‘Sa ginawa niyang ‘yon, kasing-pangit na siya ng pinakapangit na bruha para sa ‘kin! Ikaw na ang pinakamaganda sa college natin ngayon, kahit magaspang ‘yang mga legs mo! He! He!’ Umento ni Chito, patungkol sa pagma-martial arts ni Rei.

‘Ang sweet mo naman!’ Bagama’t sa tonong sarkastiko: ‘Gusto mo gamitin ko tong legs ko para pakinisin ‘yang bukbok sa mukha mo?!’

‘Ay! Hindi na, magpe-facial wash na lang ako, He! He! He!’

‘Anyway, Alfredo, ngayong nakabalik ka na sa wakas, siguradong matutuwa ng husto nito si Jillia. She’s been very anxious ever since, when she heard you would be back in a week, so I bet she’ll be very surprised once she sees you! Geez Alfredo! You’re very, very lucky, being loved so much by the campus princess! Don’t you feel very proud?!’ Panunukso ni Rei kay Alfredo.

‘Sira ka talaga!’ Natatawa na lang niyang sabi.

Maya-maya pa, napatigil sa paglalakad ang tatlo, nang maulingan ang ilang mga estudyanteng nagkakagulo malapit sa cashier:

‘Ba? Mukhang may kaganapan sa may cashier a? mukhang eksayting, tara makiusyoso tayo!’ Yaya ni Chito sa dalawa.

‘Oo nga… mukhang seryoso. Silipin natin sandali.’ Sang-ayon ni Alfredo.

Paglapit ng tatlo sa cashier, nadatnan nila ang ilang estudyante at dalawang security guard na tila may pinag-uusapan. Sa tabi nila ay isang babaeng estudyante na humihikbi. Nagtanong si Chito sa isang nakiki-usyoso ring estudyante roon:

‘Ah tsong, ano bang nangyari diyan? Ba’t may mga security guards?’

‘Yun ba? Yung babae kasi nawalan ng pera habang nakapila sa may cashier. Nadukutan ‘ata?’

‘Grabe naman! Ano ba kasi ang ginagawa ng mga guards at hinahayaan nilang pakalat-kalat ang mga mandurukot dito sa campus?!’ Umento ni Rei.

Lumapit pa ang tatlo sa cashier para lubusang maunawaan ang sitwasyon. Si Alfredo ang nang-usyoso sa dalawang guards:

‘Sir, ano po bang problema rito?’ Singit niya sa nag-uusap na dalawang guards.

‘Ito kasing babae, nagreklamo sa amin na may nandukot raw sa kanya habang nakapila siya. Pero ang nakapagtataka mangilan-ngilan lang naman ang nakapila dito sa cashier kanina, katunayan siya na nga lang ang natirang nakapila rito kanina, kaya imposibleng may nandukot sa kanya dahil mapapansin naman agad namin ‘yon.’

‘Wait a minute!’ Singhal ng babae sa guard: ‘Are taking me for an idiot?! Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako at gawa-gawa ko lang ang istoryang nadukutan ako?!’

‘H-hindi naman po sa gano’n ma’am… p-pero kasi n-napaka-imposible naman po kasi ‘yang sinasabi ninyo. Halos sangdangkal nga lang po ang layo ko sa inyo kanina.’ Pangangatwiran pa ng isang guard.

‘Aba’t nangangatwiran ka pa?! Ang sabihin mo tatanga-tanga kasi kayo! Hindi niyo ginagawa nang maayos ang trabaho niyo rito! I swear, you will be fired from this school once hindi niyo nahuli ang taong ‘yon na nandukot sa ‘kin! Keep that in your thick head you worthless dogs!’

‘Wow… may attitude problem ang isang ‘to… buti nga sa’yo nawala ang pera mo! Tatanga-tanga ka kasi!’ Inis na bumubulong-bulong si Rei sa tabi.

‘Tsong, ano kaya kung gamitin mo yung power mo sa paghahanap? Baka may malaman tayo kung bakit nawawala ang pera ng bruhang ‘to. Kawawa naman sina Mang Ronald at Mang Dongie; baka masisante sila.’ Suhestiyon ni Chit okay Alfredo.
‘Sige.. susubukan ko…’ Pumikit si Alfredo at matamang nag-isip upang sariwain ang mga pangyayari. Ngunit sa ilang minutong pag-iisip, wala siyang mahagilap ni katiting na detalye sa mga nangyari. Nagulat pa siya nang pagmulat niya’y nasa Technology Center na siya, malapit sa mga lockers. Doon nakita niya ang babaeng nagrereklamo kanina sa dalawang guards. Abala ito sa pag-aayos ng kanyang mga gamit sa locker. Nang paalis na ito bitbit ang kanyang mga gamit, napansin niya ang isang maliit na sobreng aksidenteng humiwalay mula sa kanyang notebook, ni hindi na nga niya nagawa pang i-lock ang kanyang locker sa pagmamadali. Binusisi iyon ni Alfredo, at doon nalaman niyang pera ang laman ng sobre. Bigla’y nagliwanang ang kanyang paligid at nagbalik siya sa reyalidad:

‘Ano tsong? May nalaman ka na?’ Muling usisa ni Chito sa kanya.

Hindi sumagot si Alfredo, bagkus nilapitan niya ang babae: ‘Makikialam lang ako sandali Miss, dahil ang totoo’y hindi ka naman talaga nadukutan, naiwan mo lang ang pera mo sa locker mo…’

‘At sino ka naman?! What’re you saying na naiwan ko ang pera ko sa locker ko?!’ Galit na baling naman ng babae sa kanya.

‘Nakita kita kanina bago ka pumunta dito sa cashier; kinukuha mo ang mga gamit mo noon sa locker, pero sa pagmamadali mo naiwan mo roon ang envelope mo na may lamang pera. Ang totoo pa nga niyan nakalimutan mo pang i-lock ang locker mo.’

Kahit naguguluhan, sinunod na rin ng babae ang mga sinabi ni Alfredo, at kasabay ng dalawang guard, pati na sina Chito at Rei, sumunod na rin ang mga ito. Hindi nga nagkamali si Alfredo; naroon nga ang pera sa locker.
‘Oh my… I carelessly left it here… I’m such a bonehead! I-I’m sorry... I’ve said too much…’ Hiyang-hiyang baling ng babae sa dalawang guard.

‘Heh! Buti alam niya! But at least inamin na niya rin naman ang pagkakamali niya…’ Pabulong na sabi ni Rei.

‘Wow tsong! Nagawa mo nanaman! Galing talaga niyang power mo!’ Si CHito

Pero sa hindi malamang kadahila’y tila may namumuong tensyon sa ekspresyon ng mukha ni Alfredo nang mga sandaling iyon. Napansin naman agad iyon ni Rei at agad niyang nahinuha ang dahilan:

‘Alfredo?... P-papaano mong nalamang nasa locker nung babae ang pera niya…? Hindi ba wala ka namang hinawakang medium o kahit anong bagay mula sa kanya?’

‘H-hindi ko rin alam…’ Sabi niya sa nanginginig na tono: ‘Ang totoo niyan… kanina, nung sinubukan kong tingnan ang nangyari sa pangitain ko… wala akong nakitang kahit ano… bagkus napunta ako sa eksaktong lugar kung saan niya mismo naiwan ang pera niya… at sa ganoon ding oras at pagkakataon… malinaw na malinaw kong nakita ang mga nangyari… na para bang dinala ako ng isip ko mismo sa tagpong ‘yon…’ At mula sa sulok ng kanyang isip, muling sumariwa sa kanya ang mga naging karanasan niya, noong nasa ospital pa siya’t wala pang malay, at bigla na lang, nakaramdam siya ng kakaibang panlalamig: ‘H-hindi kaya… ang nangyaring insidenteng ‘yon… hindi kaya… hindi lang panaginip ang mga ‘yon…?’




END OF CHAPTER
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
take care.
older post:
Medyas: A Love Story *UPDATE*

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
insanity41    •reply Sep 2, 2008 @ 4:36 PM
 
oh my..

ang galing nm ng powers ni alfredo!

kuya kuya kuya!


update k ulit plz. oh..
northern light really is full of mystery..

update ulit!
  resemblance    •reply    Sep-3-08@7:06PM
tenk beri big sa pagbabasa. and i hope nandito ka pa rin hanggang final chapter : s m i l e : 
  insanity41    •reply    Sep-6-08@8:55PM
u0 nmn..
update k n b?
marjheoni    •reply Sep 2, 2008 @ 5:59 PM
 
tagal q din hinintay ang update m otor...
sa wakas e2 n xa.. : l o l : 

ang ganda ganda.....! : l u v :  : l u v : 

ang galing nman ng powers ni alfredo... : k i s s : 

next n po ulit otor... : s m i l e :  : s m i l e : 
  resemblance    •reply    Sep-3-08@7:06PM
tenk beri big sa pagbabasa. and i hope nandito ka pa rin hanggang final chapter : s m i l e : 
paramore_kittie_31    •reply Sep 2, 2008 @ 9:22 PM
 
wah!!!!!!!!!!!!!!may update na..lab u otor : l u v :  : k i s s :  : r a z z :  : g r i n :  : s m i l e :  ; )  : b l u s h :  : n o t w o r t h y :  : c h e e r :  : l o l : 
  resemblance    •reply    Sep-3-08@7:07PM
tenk beri big sa pagbabasa. and i hope nandito ka pa rin hanggang final chapter : s m i l e : 
paramore_kittie_31    •reply Sep 3, 2008 @ 11:27 PM
 
oo nman ; ) 
yingying    •reply Sep 6, 2008 @ 12:23 AM
 
: c h e e r :  galeng!


nxt na..si warren namn kuya.. : b l u s h :  : b l u s h : 
  resemblance    •reply    Sep-6-08@12:44AM
yes, may side story si Warren sa mga susunod na chapters ng NL. tungkol yun sa pagbabasketball niya : s m i l e : 
  yingying    •reply    Sep-7-08@12:30AM
yeyyy,, : b l u s h :  : b l u s h :  excited na q..tnx sa updates: h u g : 
ceezzanesz    •reply Sep 10, 2008 @ 9:42 AM
 
wuhOOO..
galing ni papa alfred!
c chitO tlg.. : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
take care.
older post:
Medyas: A Love Story *UPDATE*
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love is when thoughts of but one man fill your heart, when he means more than life to you, when you know you would do anything for him and shall die if he is taken from you. Desire is when you ache to see him and touch him, when he causes your body to burn and tremble. Desire does not demand love before it can ensnare you, but desire with love creates a powerful bond.

You need to be logged in to Facebook