|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
mY sO caLLed "ADIK"
for the previous chapter click lang poh...
http://www.tristancafe.com/forum/155435#c6425282 http://www.tristancafe.com/forum/155523 http://www.tristancafe.com/forum/155728#c6440604 http://www.tristancafe.com/forum/155813 http://www.tristancafe.com/forum/155974 http://www.tristancafe.com/forum/156076#c6476552 http://www.tristancafe.com/forum/156208 http://www.tristancafe.com/forum/156342 http://www.tristancafe.com/forum/156426 http://www.tristancafe.com/forum/157237#c6553383 http://www.tristancafe.com/forum/157302#c6558013 http://www.tristancafe.com/forum/157418 marami pong salamat ulit sa walang sawang pagbabasa... ![]() insanity41 tydus0o7 marjheoni loveu4ever915 president_of_d_room paramore_kittie_31-haha pasaway kah magwelga daw ba? talagang makapare ka ah... ![]() iya10 salamat po sa pagbabasa... pati na rin sa mga silent readers ---------- adik... adik.... este justine tawag ko sa kanya. hoy!!! oh ano bang problema mo? ang nakakunot noong tanung niya sakin. kasi naman oh! wag ka ngang sumigaw diyan,baka pagtinginan tayo ng mga tao dito eh.adik ka din eh... kasi nga san ba tayo pupunta? tingnan mo naman ung itsura ko oh? oh ano namang masama sa itsura mo? nakadamit ka naman... masama kung nakahubad ka dba? pilosopo tasyo!!! hmmft ang ibig kong sabihin muka kong ewan sa itsura ko noh. Tingnan mo naman nakashort lang ako ng maong tapos t-shirt tapos ung buhok ko pa nakapony lang ng basta. Ni hindi mo man lang ako pinagbihis ng damit at pinag-ayos kahit pano. As in muka talaga akong ewan dito noh, as in ewan capital EWAN alam mo un huh? oh ngayon ano gusto mong gawin ko? balik tayo sa bahay bibihis muna ko tsaka mag-aayos kasi naman nakakahiya noh. Buti nalang pala maaga ako nakaligo kundi naku ewan ko nalang talaga sa isip isip ko. wag na..sayang ang oras eh. Tsaka ok lang yang ayos mo noh. Sabi nga nila simplicity is beauty dba? Sa totoo lang hindi talaga ako nakumbinse sa sinabi niya pero ung idinagdag niya pa sa sinabi niya eh kahit pano napangiti ako. Isa pa gusto ko ung simpleng ikaw na nakikita ko ngayon... Iyong mga salitang iyon ewan ko ba pero nakakatouch talaga, kahit na ba parang may halong pambobola pa un eh. Natutuwa parin ako marinig un galing sa kanya. Ito ung una naming pagkikita pero kumportable na ako agad sa kanya. Hay adik talaga!!! Nakasakay na kami sa jeep pero hindi ko parin talaga alam kung saan kami pupunta, ni hindi man lang kami nakapaglunch sa bahay. Nagwewelga na ung mga anaconda ko sa tyan. adik? este justine. oh may problema kana naman ba? ah eh kasi ano eh... pano ko ba sasabihin? ang medyo naaalangan kong sagot sa kanya. gutom kana? tanung niya ulit. ngumiti lang ako sa kanya na parang sagot na rin sa tanung niya sa akin. Wala ng hiya hiya ito, ba wala man lang ako kapera pera dahil sa bigla nalang ako hinila ng isang ito eh sa isip isip ko. Sige pagnandun na tayo, kakain muna tayo. Pasensiya kana nawala sa isip ko hindi ka nga pala pwede nalilipasan ng gutom. ok lang, kaya pa naman eh.hehehe ahm teka lang hindi mo man lang nababanggit si pare ah, nagkita ba kayong dalawa? ah si paolo ba? pagdating ko kasi dun kakaalis lang daw niya eh sabi nila tita. Pumasok na ata sa work niya. Bat mo naman natanung? wag mong sabihing namimiss mo na agad utol ko? sira kah talaga... masama ba magtanung? wala lang. Sa ilang minutong byahe tahimik lang kaming dalawa. Nakatingin siya sa labas ng sasakyan. Kaya naman hindi ko mapigilan na hindi siya titigan. Maganda ung mata niya, kissable lips din, matangos din ang ilong. Bukod dun matangkad pa at simple nga siya pumorma pero may dating naman. Kung ikukumpara nga siya kay pare eh lamang nga si adik ng mga 10 paligo siguro.hehehe Kung titingnan maigi eh masasabi kong walang babaeng hindi maattract sa kanya physically ha. Ang hindi ko alam kanina pa pala niya napapansing nakatingin ako sa kanya dahil lingid sa kaalaman ko nakatingin din pala siya sa akin, pasimple nga lang din. Matutunaw na ako adik. ano satisfy kanaba? tanung niya sa akin na may nakakalokong ngiti. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ung boses niya. Feeling mo? nakatingin kaya ako sa labas noh... alibi ko naman at saka ko binaling ung tingin ko sa ibang direksiyon. Magkatapat kasi kami ng upuan sa parehong magkabilang dulo ng dyip. Mahirap na kasi baka mapansin na naman ako eh. Maya maya nagsalita na siya. Manong para po... sa tabi lang. Nauna siyang bumaba tapos saka niya ako inalalayan. Infairness gentleman ang mokong ah. Hay ang tanung eh san naman kaya kami pupunta? Sabi niya kakain kami ah. Lakad lang kami. Maya maya eh nasa tapat na kami ng Max's. Nagulat nga ako ng makita kong papasok na siya eh, muka namang napansin niyang hindi ako sumusunod sa kanya kaya lumingon siya. Adik akala ko ba nagugutom kana? wala ka bang balak pumasok huh? Bubuhatin kita diyan isa... Nginitian ko lang siya tapos pumasok na rin ako. Baka kasi totohanin ng loko eh, nakakahiya. Teka bat dito tayo kumain? tanung ko sa kanya. Bakit ayaw mo ba dito? hindi naman kaya lang kasi ano eh... ang naalangan ko namang sagot. mahal? ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. ok lang un, minsan lang naman ito mangyayari eh. Isa pa babalik na ako bukas sa cebu, ang sabi niya habang kumakain kami. Babalik na siya... pagkasabi niya ng mga salitang un ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng lungkot. Kunsabagay may kinuha lang naman siyang papeles kaya siya pumunta dito, at balik ulit sa dati ang lahat. Hay.... bakit ganun? bakit? hindi pa nga siya umaalis pero... pero nalulungkot na ako.... hayz! :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
nman, hindi p nga cla nag eenjoy na magksama bblik n agad c justine..
pero cguro auz n din at least nagkita at masaya nman cla... ummm... nxt n po otor.. ![]()
mitchy_angel08
•reply
Aug-30-08@1:02AM
hehe... dpa naman natatapos ang araw eh... toinks...
may ilang oras pa sila
bukas nalang po ulit ang update....
wa ako sa mood magsulat eh... wa aq maisip... bawi nalang aq 2m... nytz
haha.. sayang naman.. am bilis naman ata ng pagkikita nila.. nkkbitin.. tzk!
![]()
cRuSh_kitA08
•reply
Aug-31-08@8:32AM
biglaan lang kasi lumuwas si adik ng manila eh..
ganun nga kabilis ganun din naman kadali umalis si adik..
hMMHhmm kAkAsAd nAmAn.. aaliS kaAgAd xA...
![]()
cRuSh_kitA08
•reply
Aug-31-08@8:33AM
ganun talaga eh... nid niya na bumalik para sa study at work nia
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70019)Arts & Entertainment (7531) Lifestyle & Culture (3266) Politics & Issues (2920) Poetry & Fiction (9263) Random Thoughts (10128) Forwarded Thingies (7333) FrendzCorner/ShoutOutz (21274) Games & Fun Questions (2342) Patawa Ka Talaga (2294) Tristancafe Musikahan (3758) Careers & Work Stuff (1504) School Matters (3221) Technology & Internet (3972) Classifieds & Advertisements (3551) Tristancafe Halo-Halo (1541) Barangay Tristan (1722) Site Announcements (42) bloody_parrot, zhyram_aq, ecllamelo, arnnie, astigingmam, x0_ox, neonblues, and 39 guests Random Love Quotes
|