|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Based on a true story
Chapter 1 http://www.tristancafe.com/forum/153729
Chapter 2 http://www.tristancafe.com/forum/153816 Chapter 3 http://www.tristancafe.com/forum/154149 Chapter 4 http://www.tristancafe.com/forum/154184#c6346227 Chapter 5 http://www.tristancafe.com/forum/154250#c6352610 Chapter 6 http://www.tristancafe.com/forum/154378 Chapter 7 http://www.tristancafe.com/forum/154483 Chapter 8 http://www.tristancafe.com/forum/154884 Chapter 9 http://www.tristancafe.com/forum/154986 Chapter 10 http://www.tristancafe.com/forum/155399 Chapter 11 http://www.tristancafe.com/forum/155561 Chapter 12 http://www.tristancafe.com/forum/155658 Chapter 13 http://www.tristancafe.com/forum/156006#c6466760 Chapter 14 http://www.tristancafe.com/forum/156157 Chapter 15 http://www.tristancafe.com/forum/156363 Chapter 16 http://www.tristancafe.com/forum/156704 Chapter 17 http://www.tristancafe.com/forum/157338 Chapter 18 http://www.tristancafe.com/forum/157435#c6566908 To my readers, I just wanna thank you for supporting the love story of Benz and Joy. I hope that in some ways you felt the “kilig” factor of their love story. I am finishing the story today because I’ll be transferred to another account. This account will eat much of my time and I’ll no longer be able to write the remaining chapters of the story. FYI, I am call center agent. Before I begin with the last chapter, let me thank the fans who inspired me to finish the story. Salamat sa kaadikan mo kelvin1984 dito sa story, love mo talaga si otor.. love din kita. (uyyyyyyy..), kay sweet tooth na ever supportive kina benz and joy.thankyou, maffelii na humihingi agad ng next.. (be patient.. ), marjheoni na nagcomment ng nice daw ang story. , kay sis frann na palabasa.. mabuti yan para tumalino ka pang lalo sis.. , drexel1718 na ayaw pumayag matapos ang love story nina benz and joy.. Hanggang dito na lang po ito.. loveu4ever huwag kang masasad dahil at least masaya na sila together.. Kay president of the room, salamat po sa pagtangkilik. ,kay tomorrow na nagchecheer up sa pamamagitan ng kiss.. ikikiss din kita, wahehe.. ,paramore kittie na writer din like me, keep it up! ,kay ms pacho di kitamakakalimutan mam!ahehehe.. ,kay insanity41 na feel na feel ang story.. , si panjo na bolero.. , Thanks rin kay sis precious.. last na ito sis.. , bookish thanks for reading.. continue to be a bookworm,in time magiging writer ka din.. ahihi.. ,kay aiszle na nagustuhan daw ang story.. salamat.. , kay sis pissed off na pareho daw kaming maganda. , kay jehllaygurl 2 na nagsabing cute daw ehehe.. ako ba o ang story.. assuming daw ako. ,kay phalabhoi na uber supportive sa akin. ,medjie long time no see ah. wahehe. salamat sa pagbabasa.. Sa mga di ko nabanggit, sana walang magtampo. Ehe.. Basta masasabi ko lang.. You made my writing career a successful one. ![]() Hanggang sa muli.. magbabalik ako.. wait nyo lang.. Mahal ko kayong lahat!! "We are all a little weird and life's a little weird, and when we find someone whose weirdness is compatible with ours, we join up with them and fall in mutual weirdness and call it love." Love and Kisses, LARA aka Iversonkoh24 Continuation.. Pagkagaling sa flower shop, nagtaxi na ako para di malate sa usapan namin ni Joy, 3 rosas na pula ang binili ko para sa aking mahal. Ang baduy pero gusto kong malaman nya sa kahit anong paraan na mahal ko siya talaga kahit na ba alam kong pang 16th boytoy niya lang ako. Magkasama palang kami kaninang madaling araw pero namiss ko na siya agad. Malapit na akong sa restaurant ng maisipan kong magtext sa kanya. Joy mlpit nko wer k na po?Luv u so much. Ingat ka ha? Ilang minuto lang ang pagitan ng marinig ko ang message alert tone ng celphone ko, dinukot ko mula sa aking bulsa para basahin ang text sa akin. Mlpit na rin ako Benz, luv u 2. mis mo nko agad noh?ehe. Mis narin kta. Tc. Sender: Joy +6391512242003 Sent: 4:51:08pm 7-16-06 Napangiti ako sa text ni Joy, namiss rin pala niya ako. Sa totoo lang gusto kong maliwanagan sa sinabi niyang 1st boyfriend niya ako dahil ang tanong niya sa akin bago ko siya ligawan ay kung ok lang na maging pang labing anim nya ako. Medyo nalito ako, ano bang totoo? Ang paghinto ng taxi ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Dinukwang ko sa bulsa ang bayad ko. Pagbaba ko sa taxi’y tumanaw ako sa loob ng restaurant para makita ko kung nauna si Joy sa akin. Pagpasok ko’y napagtanto kong wala pa siya kaya pumili na ako ng mesa namin. Isang waitress ang naghatid sa akin sa mesang pagkakainan namin ni Joy, nasa bandang dulo ito. Tamang tama sabi ko sa isip ko, makakapagusap kami ng maayos ng aking mahal. Pinatago ko sa waitress ang rosas na binili ko, ibinilin kong ihatid na lang kasabay ng oorderin ko mamaya. Sumangayon naman ang waitress at iniwan ang menu sa akin. Habang nakakatitig ako sa menu’y di ko napansin ang paglapit ni Joy. Napatda ako dahil hinalikan niya ako sa pisngi. Isang simpleng halik pero sobra sobrang kasiyahan na ang naramdaman ko. Tumayo ako para alalayan at igiya siya sa upuan niya. “Napakagentleman naman ng boyfriend ko, thank you..”, inilapag niya ang dala niyang bag sa silyang katabi nya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, “Bakit Joy di ba ginagawa yan para sa iyo ng ibang nobyo mo?” Ngiti ang isinagot lang sa akin ni Joy, napailing na lang ako at ibunuhos ang atensyon sa menu. “Anong gusto mong kainin natin? Ikaw naman ang pumili, last time ako e.”, pagpapalit ko sa usapan. “Hmmn, sandali lang mamimili ako. Dapat yung mahal ha?”, pagbibiro niya sa akin, ako naman ay napangiti sa tinuran niya. Sumenyas si Joy sa waitress na nakaabang malapit sa mesa namin at nagorder. As usual, iba’t ibang putahe ang inorder niya para sa aming dalawa. Maganang kumain ang mahal ko pero ok lang. Pagalis ng waitress, si Joy na ang nagbukas ng paksa tungkol sa tinext niya sa akin na ako daw ang 1st boyfriend niya taliwas sa sinabi nyang 16th boytoy niya ako. “Benz, di totoo yung unang sinabi ko sa iyo na pang labing anim na boylet kita.”, seryosong pagsisimula niya. “Ha? Talaga? E di ako talaga ang 1st boyfriend mo?”, tanong ko sa kanya. “Oo, di ka makapaniwala? Alam mo sinabi ko lang yun Benz to test you. Kung magiging masigasig ka pa rin sa panliligaw. Gusto ko kasing malaman kung totoo ang pagtingin mo sa akin.”, pagpapatuloy na saad niya. “Joy, napakaswerte ko talaga. Ako ang pinakaunang lalaki sa buhay mo. Ipinangangako ko sa iyo, mamahalin kita at di sasaktan. Mahal na mahal kita Joy.”, pagkasabi kong iyon ay inabot ko ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit iyon. “Mahal din kita Benz. Pasensiya na kung nagdoubt ako sa pagmamahal mo.. Patutunayan kong ikaw ang 1st boyfriend ko.” “Di na kailangan Joy.. Sapat na malaman ko mula sa iyo ang totoo.”, dinala ko sa aking labi ang kanyang kamay at hinalikan ito. “Isasama kita sa reunion namin next month.” “Kung iyan ang gusto mo, ma’am Joy. Basta alam kong akin ka lang, maligaya na ako.” Lumapit ang waitress dala ang pagkaing inorder namin, kasama na yung rosas na binili ko para kay Joy. Inilapag yun sa harapan niya. Nakita ko ang ningning sa mga mata ni Joy, dagli niyang kinuha ang mga rosas. Pagkahatid ng aming mga pagkain, hindi napigilan ni Joy na halikan ako sa labi. “Iyan ang pasasalamat ko sa iyo Benz. Napasaya mo ako ngayong araw na ito.” Ako naman ay namula sa ginawa niya, “Gusto ko kasing ipadama sa iyo lagi na mahal kita Joy. Kumain na tayo.” Mabilis nagdaan ang mga araw, sumapit na ang Setyembre. Reunion na ng pamilya ni Joy. Hatak hatak ako ni Joy papunta sa bakuran nila. Kinakabahan kasi ako na makilala ang pamilya nila. “Ano ba Benz, halika na.. Huwag ka ng matakot sa pamilya ko.”, sabi nya habang patuloy ang paghila niya sa akin. “Sandali lang Joy, kinakabahan kasi ako.” “Naku, huwag kang matakot diyan. Mababait ang mga kamaganak ko. Natatawa ako sa iyo. Para ka namang kakatayin sa itsura mo.” Kahit na nagbibiro si Joy, di pa rin mawala ang kaba ko. Pagpasok namin sa bahay nila’y isa isang pinakilala sa akin ni Joy ang pamilya niya. Nakilala ko ang mama niya na birthday niya ng araw ding iyon, nalaman ko naman na retired na sa military ang papa ni Joy. Mukhang istrikto pero mabait naman tulad ng mama niya. “Ikaw pala ang laging kinukwento ng anak ko. Enjoy the party iho.”, anang mama niya. “Iha, ikuha mo na ng makakain yang bisita mo.”, sabi naman ng tatay niya. “Opo papa. Ipakikilala ko lang sa mga kapatid ko ang boyfriend ko.”,pagkasabi niyon ay hinila naman ako ni Joy sa kinaroroonan ng mga kapatid niya. “Kuya si Vincent, boyfriend ko.”, pagpapakilala ni Joy. Inilahad ko ang kamay ko para kamayan ang kuya niya pero sa halip ay hinawakan ng mahigpit nito ang kamay ko. Parang mapipilay yata ako. “Pare, huwag kang magkakamali na lokohin itong kapatid ko. Unang boyfriend ka niya at ikaw lang ang dinala nya rito. Masasaktan ka sa akin kapag pinaiyak mo si Joy.”, pagkasabi niyang iyon ay binitiwan na niya ang kamay ko. Nakilala ko din ang mga kaibigan niya. Unti unting napalagay ang loob ko, nawala na rin ang kaba na nararamdaman ko kanina. Nakipagbiruan na rin ako sa mga kaibigan at pamilya niya. “Joy, nakakatawa pala ang boyfriend mo. Pwede maging comedian.”, natatawang sabi ng kaibigan ni Joy. “Mabuti naman yung pinakamaganda sa ating magkakabarkada may boyfriend na. Vincent, maswerte ka kasi ikaw ang unang boyfriend niyan.”, saad pa ng isa. “Too bad, di gwapo”, sabad ko. “Ok lang, may sense of humor ka naman e.”, nagtawanan ang lahat sa sinabi nung isa pang kaibigan ni Joy. Napakamot ako sa aking batok. Lumipas ang oras, di ko namalayan na hatinggabi na pala. Tinawag ako ng papa ni Joy at kinausap sa isang sulok. “Vincent, dito ka na matulog sa bahay, dun ka sa kwarto ni Joy matulog. Delikado na sa daan.” “Salamat po sir.”,pagpapaunlak ko sa papa ni Joy. “Pero sa isang kondisyon Vincent. Ipagkakatiwala ko ang anak ko sa iyo. Ok lang na maging mag nobyo kayo pero walang buntisan na mangyayari.Maliwanag ba tayo dun?” “Opo sir. Maliwanag po.” Tapos na ang kasiyahan kina Joy, bago ako pumasok sa kwarto ng kuya niya’y naisipan kong puntahan ang aking si Joy. Kumatok ako sa kwarto niya. Unti unting bumukas ang pinto at nakita ko si Joy na nakapantulog na. “Joy, thank you talaga dahil naging girlfriend kita. I want you to know how happy I am. I love you.” “Masayang masaya din ako Benz kasi nakilala kita. I love you more.” Nagyakap kami at unti unting naglapat ang aming mga labi. Isang matamis na halik ang namagitan sa aming dalawa. Medyo matagal din yun bago kami nagkahiwalay. “Sweet dreams my Joy..” “Sweet dreams Benz.” The End..
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
aizt, nkkatuwa nman akala q pumayag tlga ung papa n joy n taba clang m2log, mali lng pla..
tapos na... pero auz lng... happy ending nman! cla p rin po b, otor?it is really nice story... ![]()
actually 3 days ko p lng sya bnbsa ntapos n (late comers kc) .Pro ok lng po very nice story . Di lng kc yung story ang hinihintay ko, pati yung appreciation ni otor sa mga readers at mga random thoughts nya. tnong lng po otor, kasal na po ba c Benz at Joy? sna meron k png ibang story pra samen
lara iversonkoh24 job well done goodluck s lovelife mo hope to see another one like this from u lara sweet_tooth
papakilala n c vincent?parang napadali ending parang bitin prin ang ending parang lovesotry mo toh 4u otor
![]() and for giving us a nice story to read.... sana meron ulit and sana nxt time pacho n lng twag mo sakin ha kc feeling ko tanda ko n ![]()
wahh. tapos na? huhu. book 2 po!!! bitin.! wula na magpapakilig sken..
![]()
nawala lng ako ng 3 araw... TAPOS NA ANG STORY????!!!!??? HWATTTTTT????!!!!!
![]()
ang gling tlaga..hanggang sa huli..sna mging k2lad m din aq otor..nice job..
we love it.. ksad kc tpos n.. sana bmlik ka.. gud luck..ingat k lague otor.. ![]()
Post a comment [18 comments] ![]() otor pakilinaw naman.., kaninung kwarto natulog si Vincent? sa kwarto ni joy oh sa kuya ng kuya nya..,? ![]()
hUwaaaaaaaaaattt?
![]() tApOs na WuLah ba BooK 2 ito?? by tHe waY...teNkz otoR sa pagtatyagam mo mag sulat ![]()
:geleng:
sayang tapos na..dapat may kasalan pa diba ![]()
weeeeeeeeeeeeeee.. bitin otor.. pero thank you.. ang ganda ng kwento..
![]()
salamat otor.. maraming salamat.. you brought me back to the happiest part of my life.. and that is yung time na nainlove ako kay joy the very first time.. thank you.... ![]()
tapos na pala?..kakabitin naman..
pero so nice ng story.. kakakilig.. ![]() kakainluv.. ngayon lang ako ngka.tym na tapusin toh.. salamat sa magandang story,, ![]()
hay ang sweet tlga nla ate.
hehee. ngaun q lng nbsa e super busy kc. anyway, miss u (: tc. :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70017)Arts & Entertainment (7531) Lifestyle & Culture (3266) Politics & Issues (2920) Poetry & Fiction (9263) Random Thoughts (10128) Forwarded Thingies (7333) FrendzCorner/ShoutOutz (21274) Games & Fun Questions (2342) Patawa Ka Talaga (2294) Tristancafe Musikahan (3758) Careers & Work Stuff (1504) School Matters (3221) Technology & Internet (3972) Classifieds & Advertisements (3551) Tristancafe Halo-Halo (1540) Barangay Tristan (1722) Site Announcements (42) jiggly_puff, President_of_D_Room, x0_ox, astigingmam, mishka_burton, phan_dhit28, ronnietambay, chikurita, joy04_mitch, and 26 guests Random Love Quotes
|