|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Based on a true story
Chapter 1 http://www.tristancafe.com/forum/153729
Chapter 2 http://www.tristancafe.com/forum/153816 Chapter 3 http://www.tristancafe.com/forum/154149 Chapter 4 http://www.tristancafe.com/forum/154184#c6346227 Chapter 5 http://www.tristancafe.com/forum/154250#c6352610 Chapter 6 http://www.tristancafe.com/forum/154378 Chapter 7 http://www.tristancafe.com/forum/154483 Chapter 8 http://www.tristancafe.com/forum/154884 Chapter 9 http://www.tristancafe.com/forum/154986 Chapter 10 http://www.tristancafe.com/forum/155399 Chapter 11 http://www.tristancafe.com/forum/155561 Chapter 12 http://www.tristancafe.com/forum/155658 Chapter 13 http://www.tristancafe.com/forum/156006#c6466760 Chapter 14 http://www.tristancafe.com/forum/156157 Chapter 15 http://www.tristancafe.com/forum/156363 Chapter 16 http://www.tristancafe.com/forum/156704 Chapter 17 http://www.tristancafe.com/forum/157338 Continuation.. Pagkatapos kong magbihis, tinignan ko ang oras may isang oras pa ako bago makipagkita kay Jessica. Inabala ko muna ang aking sarili sa pagtetext kay Joy bago ako umalis ng bahay. Joy, c u l8r. Tke cre. Luv u so much. Palabas na ako ng bahay ng may nagtext sa akin. Nagmadali akong kunin ang celphone mula sa akin bulsa. Akala ko si Joy ko ang nagtext, si Jess pala. Vince, san kna?Ppunta na ako, c u sa coffee shop ha?Tc. Sender: Jess +639095622706 Sent: 2:06:08pm 7-16-06 Di muna ako kaagad sumagot, naghintay muna ako ng masasakyan sa tapat ng aking tinitirhan. Ilang sandali lang, sakay na ako ng jeep papuntang mall. Pagkatapos kong makapagkabayad ng aking pamasahe’y sinagot ko na ang text ni Jess. On d way nko, c u. Ingat k din Jess. Pagbaba ko mula sa jeep, nagsimula akong maglakad papunta ng coffee shop. Iniisip ko pa rin bakit kailangan pa akong kausapin ni Jess. Medyo matagal na rin kaming walang komunikasyon sa isa’t isa. Malapit na ako ng coffee shop nang matanawan ko si Jessica sa isang mesa na malayo sa mga madaming tao. Naglakad ako papunta sa kanya ng mapansin niya ako. Nakita ko siyang kumaway sa akin at ngumiti. Maganda pa rin siya. wala pa ring pagbabago sa hubog ng kanyang katawan. Malapit na ako ng sumenyas siyang maupo ako sa silyang nasa harapan niya. Sinunod ko agad siya at umupo. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni Jessica. Napansin kong di siya makatingin sa akin ng diretso, ano nga kayang dahilan bakit nya kami gustong magkita? Ako na ang nagsimulang magtanong sa kanya para mawala na ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Tumikhim muna ako bago magsalita. “Ehem, Jessica.. Bakit nga pala gusto mong makapagusap tayo?”, di ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Siya naman ay pilit iniiwas na magtama ang aming mga mata. “Vince, una sa lahat gusto kong humingi ng tawad.. Alam kong alam mo na ang tungkol sa amin ni Joel, ng boyfriend ko.”, kiming pagsisimula niya. Mataman akong nakikinig sa mga sinasabi nya. “Pasensiya na dahil di ko kaagad nasabi sa iyo ang tungkol dun. Actually, I like you kasi masaya kang kasama, napakabait mo and very sweet. Akala ko at first friend lang tingin mo sa akin pero nagtapat ka na gusto mo akong ligawan. Gusto kong ienjoy ang company mo kahit alam kong may boyfriend na ako.” Di ko napigil ang magsalita, “Bakit Jessica? Nasaktan ako sa ginawa mo nun dahil pinaasa mo lang ako. Inakala kong gusto mo rin ako.” “Vince, I’m sorry talaga. Yung sinabi kong I like you totoo yun. Kaso nga lang, may nauna na pagmamahal ko. Gusto kong ipaalam sa iyo na ikakasal na ako.” “Ano? Kailan? Bakit napakabilis naman yata?”, nalilito kong tanong sa kanya. Natahimik siya sa tanong ko, nakita kong pinagdaop nya ang kanyang mga palad sa ibabaw ng mesa bago magsalita. “Nakakahiya mang aminin pero buntis ako ng isang buwan, at si Joel ang ama.” Di ako kaagad nakasagot sa pagamin niyang iyon. Totoong nabigla ako kay Jessica. “Kaya bago ako makasal, gusto ko munang magkausap tayo para magkaroon tayo ng closure sa isa’t isa Vince.”, pagpapatuloy niya. Matagal din bago ako sumagot sa kanya. Ginagap ko ang kanyang kamay saka tumugon, “Huwag kang magalala Jess. Wala na iyon sa akin. Masaya ako para sa iyo at sa magiging baby. Oo nga pala, may balita ako sa iyo. May girlfriend na ako. Kilala mo si Joy di ba?” “Talaga Vince? Thank you dahil nagkaliwanagan na tayo and naintindihan mo ako. Oo kilala ko nga si Joy. Nakilala ko siya sa canteen nung pinakilala mo sa akin di ba? She’s one lucky girl. Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa kamay ni Jessica. Naisip kong hindi ko talaga siya mahal nung niligawan ko siya. Napangiti ako sa tinuran niya. Swerte daw si Joy sa akin, sana nga. “Huwag mong palakihin ang ulo ko Jess, di mo na ako kelangan bolahin para maging ninong ng magiging baby nyo ni Joel.”, pagbibiro ko sa kanya. Umiling siya, “Hindi ako nambobola Vince. Totoo ang sinabi ko.” “Sige na sige na. Magiging ninong na ako.”, natatawa kong sagot sa kanya. Nakitawa na rin sa akin si Jessica. Nagkwentuhan kami pagkatapos. Napatingin ako sa aking relong pambisig. Alas kuwatro na, napagpasya kong magpaalam na sa kanya. Magkikita pa kami ng aking sinta. “Jessica, I need to go now. Magkikita pa kasi kami ng girlfriend ko. Magingat ka sa paguwi ha?” “Ah, ok. Thanks sa time mo Vince. Itetext na lang kita kapag nakapanganak na ako. Iinform kita kung kailan ang binyagan.” Akma na akong tatayo mula sa aking kinauupuan ng humalik sa pisngi ko si Jess. “Maraming salamat sa pangunawa Vincent. I’m really happy for you. Enjoy your date.” Napangiti ako sa sinabi ni Jess. “Until then Jess. Best wishes sa inyo ni Joel. Bye.” Palabas na ako ng coffee shop nang makareceive ako ng text galing kay Joy. Habang naglalakad palabas ng mall. Binasa ko ang text niya sa akin. Benz, wer kna? Ppunta nko. Ingat ka ha? C u der. Luv u!Mwah! Sender: Joy +6391512242003 Sent: 4:11:08pm 7-16-06 Naisip kong dumaan muna sa flower shop para maibigay sa aking mahal. Gusto kong gawing espesyal ang unang date namin bilang magboyfriend. Otor’s korner.. Sa mga bumasa ng story, gusto kong magpasalamat kina Kelvin adik as ever pa rin.. kay insanity 41 na parang may galit kay Jess. (charing!), kay tomorrow na abang mode ever sa next chapter. Marjeoni na parang ngayon ko lang ulit nakita. Ehe! Kay Drexel na avid fan ni benz and joy, naku malapit ng matapos ito. pramis.. kay paramore kittie na writer din pala like me. Kay president of the room, new reader ko ata hehe.. kina sis pissed and sis frann. kay ms pacho, who can’t get enough of the story. Sis precious na nagsabing pahabaan ko daw ang story. Hahaha. kay aiszle na di na nagtitipid ng letters. Kay punkista chick na kilig mode daw sa story and kay misz masungit na ilocana din daw. Wow!Again, thanks a lot po for reading sa mga nagbasa na di ko nabanggit. Love, LARA aka Iversonkoh24
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
hus da man? siempre, ako paren. wala kayong sinabi sakin.. pers na naman ako..
ganda ng episode.. buti nga kay jessica.. nabuntis na.. hahaha
![]()
hmmm.. habol muna ko sa kota..
later ko na ito iflood..hehehe pero great job.. praises otor.. usapang matino yan.. hindi adik mode.. ![]() ![]()
mwaahhh!really nice love story... c otor! eh ask q lng po, c vince at joy prin po b hnggang ngaun...?
Iversonkoh24
•reply
Aug-28-08@5:18AM
dear marjheoni,
sa tanong mo if sila pa rin.. sila pa rin.. pramis!
mis u ate ang adik ni jess ![]()
Iversonkoh24
•reply
Aug-28-08@5:17AM
mis u 2 sister.. bakit adik sya sis?? may naisawalat ba akong lumalanghap sya ng katol??
bad ka otor.. bakit mo tatapusin si joy at vince? against the law un.. hehe.. thank you po sa magandang kwento.. sana bigyan mo kami ng part two.. dapat nandun kaming mga avid reader mo.. hehe gawan mo kami ng kwento..
![]()
Iversonkoh24
•reply
Aug-28-08@5:16AM
nakupo.. part 2?? wahehe.. based on true story kasi yan.. hihihi..
haha especial mention pa ako..tenks lara..
oo nga pla hindi ako mahilig sa pusa..banda un ![]()
Iversonkoh24
•reply
Aug-28-08@5:13AM
ay ganun.. naku napaghahalatang old school ang trip ni otor.. di ko sila kilala..
hahaha.
sana kmi rin msurprised gus2 q tlga sila mkitar ![]()
Iversonkoh24
•reply
Aug-28-08@5:10AM
hehe.. hinihingi ko pa pahintulot ng friend ko.
hiya mode nga siya e..
May ng recommend lng po ng istorya na to
and di po ako nabigo, i like it very much keep it up po, ngayong araw ko lng sya binasa nsa chapter 12 p lng me at ulit ![]()
Iversonkoh24
•reply
Aug-28-08@5:09AM
hi kay bookish..
thanks po for reading the story.. blashness daw ako.
isa k tlagang dkila otor..
idol..u r no.1.. ![]()
Iversonkoh24
•reply
Aug-29-08@5:07AM
wahehehe, ako idol mo, come on.. nyahaha.. puro typo errors nga ako.. hihi. Thanks po for supoorting the story.
pde bng mamit c jess...
pati c arsenio n idol ko..
Iversonkoh24
•reply
Aug-29-08@5:08AM
pwede.. kaso nga lang.. baka magkasuntukan kayo ni Joel.. harhar..
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70016)Arts & Entertainment (7531) Lifestyle & Culture (3266) Politics & Issues (2920) Poetry & Fiction (9263) Random Thoughts (10128) Forwarded Thingies (7333) FrendzCorner/ShoutOutz (21274) Games & Fun Questions (2342) Patawa Ka Talaga (2294) Tristancafe Musikahan (3758) Careers & Work Stuff (1504) School Matters (3221) Technology & Internet (3972) Classifieds & Advertisements (3551) Tristancafe Halo-Halo (1540) Barangay Tristan (1722) Site Announcements (42) nezra, airspeed101, x0_ox, and 32 guests Random Love Quotes
|