tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 20
posted by (Aug 26, 2008 @ 12:55AM) views: 173
Ang engot ko! Napindot ko yung logout habang ipinopost ko to. : l o l :  Nagkandaloko-loko na tuloy. i-ignore niyo na lang kung sakaling nadoble ang post ko.



Links

Part One


Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988
Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178
Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078
Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213
Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321
Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367
Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607
Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077
Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471
Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773
Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135
Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660
Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984


Part Two

Chapter 19
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507




CHAPTER 20

Pure Heart

Umaga. Sa wakas, ay nagising din si Alfredo mula sa tatlong linggong pagka-comatose nito. Agad naman siyang dinaluhan ng kanyang inang si Soledad nang makitang nagkamalay na ang anak.

‘Alfredo, anak…’ Pambungad niya na maluha-luha pa: ‘Salamat sa Diyos at nagkamalay ka na. K-kumusta na ang pakiramdam mo?’

‘N-nay?... N-nasa’n… po tayo ngayon?...’ Sabi niyang halos hindi maintindihan ang sinasabi sa sobrang panghihina.

‘Nandito ka ngayon sa ospital anak. Maraming dugo kasi ang nawala sa’yo nang masugatan ka. Ang totoo niyan halos isang buwan ka na ring walang malay. Pero kahit papa’no napanatag na ako’t nagkamalay ka na. Kumusta naman ang pakiramdam mo?’

‘M-medyo masakit po ang katawan ko… pero ayos naman po ako kahit pa’no…’

‘Mabuti kung gano’n. Siya nga pala, nandiyan sa labas ngayon ang mga kaibigan mo. Alam mo, sobra ang pag-aalala nila sa’yo halos hindi sila umaalis ng ospital sa pagbabantay sa’yo, kaya sigurado akong matutuwa sila lalo ngayong nagkamalay ka na.’

‘Gano’n pala… ‘Nay… gusto ko silang makita…’

‘O siya, tatawagin ko sila…’ Lumabas ang kanyang ina. Mga ilang sandali pa’y pumasok sina Rei at Chito:

‘O tsong?! Nangangayayat ka ‘ata ngayon ah?! Kumusta ka naman?! Anong pakiramdam nang may mga seksing nurse na nag-aalaga sa’yo?! He! He! He! He!’ Masiglang bati ni Chito.

‘Heto, parang gulay… pero ngayong nandito na kayong dalawa kahit papa’no siguro’y sisigla na ang katawan ko! Ewan ko lang sa mga seksing nurse, kasi comatose naman ako eh!’ Pabiro pa niyang sabi.

‘Wala ka na talagang pag-asa! Kesyo nasa ospital tayo ang dumi pa rin niyang utak mo! Magtino ka!’ Saway naman ni Rei kay Chito.

‘Huwag mo nang pansinin ‘tong karatistang bruha sa tabi ko! Ganyan lang ‘yan pero ang totoo parang batang hagulgol nang hagulgol yan ‘nung hindi ka pa nagigising! Kung nakita mo lang ang dungis ng mu’ka!’ Sabay tawang malakas. Isang bigwas sa ilong naman ang inabot niya kay Rei pagkatapos:

‘Kapag ‘di ka pa tumahimik paiiyakin talaga kita ng husto! Kalbo!’ Pagkatapos, bumaling kay Alfredo: ‘Alfredo, kumusta na’ng pakiramdam mo ngayon?’

‘Ayos na rin kahit pa’no… pero alam mo, bigla akong naintriga sa sinabi kanina ni Chito… Gusto kong makitang humagulgol si Rei minsan…’ Aniya, na bagama’t nanghihina’y nakuha pang tumawa.

‘Huwag mo ‘kong simulan Alfredo at baka hindi ako makapagpigil lumpuhin kita diyan…’


‘Si Jillia nga pala, kumusta siya?...’ Usisa niya nang mapansin niyang hindi nila kasama si Jillia.

‘Ayun, okay naman. In fact kinabukasan nga lang, pagkatapos ng sunog naka-uwi na siya. Medyo na-suffocate lang siya dahil sa mga nalanghap niyang usok, but all in all she is perfectly well. But the poor girl; she hasn’t been on herself lately… she had skipped school for a week already sa sobrang pag-aalala sa’yo…’

‘G-gano’n ba?... nandiyan ba siya ngayon sa labas?’

‘Wala pa naman, pero sa tingin ko dadalaw siya rito mamayang hapon. By the way, nandyan nga pala sa labas si tito Andrei, siya ang daddy ni Jillia. Sinabi niyang gusto ka niyang kausapin kapag nagkamalay ka na. O pa’no tutuloy na kami ni Chito. Kita na lang ulit tayo sa school?! Get well soon, okay?!’

‘Oo… salamat nga pala sa pagdalaw…’

‘Babayu, Papa! Pagaling ka ha?! He! He! He! He!’ Pahabol ni Chitong umaarteng bading.

Paglabas ng dalawa, agad naman pumasok ang isang lalaki, na nasa kalagitnaan ng edad 35. Matikas ang pangangatawan nito, kahit pa sa suot niyang corporate attire, at may pagkakahawig kay Jillia sa hugis ng mukha:

‘How do you do Mr. Alfredo? Ako nga pala si Andrei Corsega.’ Kinamayan niya si Alfredo pagkatapos: ‘Bumisita ako para alamin ang kalagayan mo, gusto ka rin sanang makita ng asawa kong si Lorena, but sadly, she won’t make it tonight dahil medyo busy pa siya sa mga commitments niya sa Red Cross. Mabuti naman at nagkamalay ka na, your friends were worried sick for weeks, na halos hindi sila makapag-concentrate sa school…’

‘Nakuwento nga po nila sa ‘kin kanina… nahihiya nga po ako dahil naabala ko pa sila…’

‘Well, at least you’re okay now, that’s a relief. By the way, I was talking with your mother earlier at sinabi ko sa kanyang ako na ang sasagot sa lahat ng mga gastusin niyo dito sa ospital so you don’t have to worry about anything kundi magpagaling.’

‘Salamat po sa pagmamagandang loob niyo… pero sa tingin ko po hindi na po ‘yon kailangan…’ Pagpapakumbaba niya.

‘No iho… this is the least I could do for you, after what you’ve done for our Jillia… Kung nagkataong hindi ka nakaligtas dahil wala akong ginawa’y siguradong pagsisisihan ko ‘yon. Kahit sa ganitong paraan man lang maipakita ko sa’yo ang pasasalamat namin sa’yo, on behalf of my wife Lorena. Thank you… And we are very proud of you…’

‘S-salamat po… sa kabutihan niyo… hindi ko alam ang sasabihin kundi ang magpasalamat…’

‘No, the pleasure is mine. Kaya kung kailangan mo ng kahit anong tulong, just give me a call, and I’m more than willing to assist you in any way I can. So, with that being said, I will now excuse myself iho. You see, may mga kaibigan ka pa kasing kanina pa naghihintay sa labas. I wish you well soon iho.’

‘Sige po… Marami pong salamat uli…’

Sa paglabas ni Andrei, agad, pumasok naman si Warren, kasama ang kanyang kapatid na si Annie:
‘What’s up bro?!’ Agad na bati ni Warren pagpasok nila ni Annie: ‘I see that you are well now, mabuti naman. When I heard the news I couldn’t believed it, but you really made yourself some sort of a hero back then, you’re amazing!’

‘Huwag mo na akong purihin… dahil kung nagkataong hindi ko nahanap roon si Jillia’y baka namatay na lang ako nang walang saysay…’

‘You jest! Alam mo hindi basta-basta yung feat na ginawa mo! Sa totoo lang kung ako ang nasa katayuan mo nang mga oras na ‘yon, hindi ako mangangahas na suungin ang isang mapanganib na lugar kung hindi naman ako sigurado sa mahahanap ko sa loob, pero ikaw, sumugal pa rin, to think na muntik mo pang ikamatay ‘yun, and not everyone could do what you just did, so you should be proud of yourself! Anyway, I brought here my little sis, said she wants to meet you— H-hey!? Watch it!‘ Bigla kasi siyang hinawi ni Annie.

‘Hi!’ Pagsingit ni Annie; hindi na hinayaang matapos magsalita ang kapatid: So, you’re Alfredo right? Warren told me a lot of things about you; I’m Annie by the way, it’s a pleasure to meet you!’ Nakipagkamay ito.

‘Ako rin. Salamat at nadalaw ka…’

‘Alam mo ba, nando’n ako sa CEU nang magkasunog, and it happened, I spotted you, rushing in to the building! At first I thought you were just some kind of a “madman” who wants a death wish for himself, pero nung makita kitang bitbit-bitbit mo si Jillia paglabas mo, I was amazed! You looked so gallant back then! Well, sabihin na nating baliw ka nga, sa pagragasa mo ‘run sa sunog nang hindi man lang nag-iisip, pero hindi maikakailang naging bayani ka nung araw na ‘yon! And that’s what I really like from a man; a lot of guts!’
‘Ehe! He! He!... Grabe naman… hindi tuloy ako makapagsalita…’ Ani Alfredo na hiyang-hiya.

‘Well now, with that being said, I hope you get better soon para makabalik ka na sa school. O pa’no Alfredo, tutuloy na kami ni kuya, have a good rest!’

‘That’s right! Take care now!’ Segunda naman ni Warren.

‘Oo. Salamat sa pagdalaw, Annie, Warren…’

Paglabas ng dalawa, naiwan nang nag-iisa si Alfredo. Inaasahan niyang susunod na papasok roon si Jillia para dalawin siya, ngunit mahigit isang oras na siyang naghihintay ni katok mula sa pinto, ni anino’y walang dumating. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala rito.

‘Sana naman maayos siya…’ Tanging nasabi na lang niya.

Maya-maya pa, napukaw si Alfredo nang may marinig na mahinang kalabog mula sa pintuan:

‘Nay, ikaw ba ‘yan?’ Pagtawag niya, ngunit walang sumagot, bagkus, unti-unting bumukas ang pintuan, at iniluwa si Jillia.

Sa pagkamangha’y natagalan bago naka-imik si Alfredo: ‘I-ikaw pala… kanina ka pa ba diyan sa labas?’ Usisa ni Alfredo sa kanya, ngunit tahimik lang itong nakatungo.

‘Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon? Ayos ka lang ba?’ Muli niyang tanong.
‘I-I’m fine…’ Mahina niyang sabi: ‘Hindi naman ako nasugatan… nakalabas rin naman ako ng ospital kinabukasan… katunayan nga nakapasok pa nga ‘ko sa school…’

‘Natutuwa naman ako at walang nangyaring masama sa’yo, kanina pa kasi ako nag-aalala; sabi kasi ni Rei mag-iisang linggo ka na raw hindi pumapasok sa eskuwela…’

‘Wh—?!’ Bigla siyang naumid; nabuko kasi ni Alfredo na nagsisinungaling siya nang sabihin niyang nakapasok na siya sa eskuwela. ‘Ooohhh!!! That woman; there’s no secret kept with her around!’ Inis niyang sabi dahil sa pagkapahiya.

‘Hmm? Bakit mo naman sinisisi si Rei? Ano naman ang masama kung sabihin niya ‘yon?’

‘W-well I… N-no… I-it’s nothing…’ Maang na lang niyang sabi: ‘S-so… h-how are you feeling now?...’

‘Medyo nananakit pa ‘tong tagiliran ko, pero maayos na rin ang pakiramdam ko kahit pa’no, at sa tingin ko mas masigla ako ngayon dahil dinalaw ninyo akong lahat.’

‘That’s a relief… H-here, I brought you something. Naisip ko lang kasing baka magising ka na at baka gutom ka na… kaya heto dinalhan kita ng makakain. Mga prutas lang ‘to, para bumalik ang lakas mo…’

‘Salamat, nag-abala ka pa…’

Naupo lang si Jillia sa tabi ni Alfredo, habang pinagbabalatan niya ito ng prutas. Mahabang sandaling wala silang imikan, ni hindi na nila namamalayan pa ang mabilis na paglipas ng mga oras. Para bang sa ilang linggong hindi sila nagsama’y muli silang naging estranghero sa isa’t-isa.

‘Alfred… Can I ask you something?...’ Mula sa mahabang katahimika’y pagsisimula niya.

‘Sige, ano ba ‘yon?’

‘Bakit mo ‘ko iniligtas?...’

‘…Nakakabigla ka naman… bakit mo naman naitanong ‘yan?’

‘Siguro naman na-realize mo kung gaano kadelikado ‘yung ginawa mo; na papasok ka na lang basta-basta sa isang nasusunog na building nang hindi man lang inaalala kung tama ba o katangahan lang yung ginagawa niya. And to top it all, if it happened that you came too late, you’ll get burned to crisp along with me, much worse, mag-isa ka lang buburulin at paglalamayan ngayon, kung nagkataong wala na ako ‘ron… siguro naman naisip mo ‘yon?...’

Napangiti lang sa sinabing iyon ni Jillia si Alfredo: ‘Sabihin na nating hindi ko nga naisip ‘yon... at marahil kung hindi ako sinuwerteng makita at mailabas ka ‘ron, siguradong paglalamayan na ako sa mga sandaling ‘to.’

‘Then you really are a lunatic… I can’t imagine you can still say those things after all that happened… o baka naman talagang hindi mo lang ako sineseryoso?’ Irita niyang sabi.

‘Ang totoo hindi ko alam kung ano ba talaga ang pumasok sa kukote ko noong mga panahong ‘yon… Sa katunayan, ngayon ko lang napag-isip-isip, na kung hindi ako sinuwerteng makaligtas, malamang patay na ako ngayon… at alam mo ba, natakot din ako kahit pa’no. Pero no’ng makita kong nasusunog noon ang CEU, ewan ko ba… ikaw agad ang naisip ko… at naramadaman ko na lang sa sarili kong kailangan kitang iligtas. Kaya hayun ako; walang anu-anong lumusob sa nasusunog na building, kahit hindi ko alam kung may dadatnan ba ako ‘ron, o baka isinugal ko lang ang buhay ko sa wala… nu’ng mga oras na ‘yon hindi ko na talaga inalala pa ang sarili ko, basta’t ang mahalaga’y mailigtas lang kita… suwerte naman, naging maayos ang lahat, at pareho pa tayong buhay ngayon… pero kung sakaling hindi umayon sa ‘kin ang pagkakataon, ayos lang. Kung buhay ka naman at least ako lang ang masisisi sa pagkamatay ko, dahil sa katangahan ko!’ Pagbibiro pa niya.

‘Napakamakasarili mo talaga!’ Walang anu-anong bulalas niya: ‘Sa tingin mo ba ayos lang na mamatay ka nang ganu’n-gano’n lang?! hindi mo man lang ba iniisip ang mararamdaman ng mga taong nakapaligid sa’yo?! Ganyan ka ba talaga ka-manhid?!... kung… kung namatay ka… kung namatay ka, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko… dahil… kung ako ang magiging dahilan ng pagkamatay mo… mas gugustuhin ko pang… sumunod na lang ako sa’yo…’ Nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha.

‘J-Jillia?… May nakain ka bang kakaiba ngayong araw?...’ Sarkastikong tanong ni Alfredo.

‘Tumahimik ka diyan, sira-ulo!!! Magda-drama ako hangga’t gusto ko! Hindi lang ikaw ang may karapatang magdrama dito!’ Ganti naman niya.

‘Kunsabagay! Parati ka naman kasing nagda-drama, katulad ngayon! Wala namang araw na hindi ka madrama!’

‘Titigil ka diyan, o dudurugin ko ‘yang tagiliran mo nang tuluyan ka nang mamaalam?! Sige, alaskahin mo pa ‘ko!’

At pagkatapos noo’y kapwa sila napahalakhak ng malakas.

‘Alam mo Jillia, masaya na ‘kong makita kang ligtas, at wala na ‘kong mahihiling pa bukod ‘don… siguro bonus na lang at nabuhay pa ‘ko ngayon… pero higit ang sayang nararamdaman ko ngayon sa mga sinabi mo. Salamat Jillia…’

‘You shouldn’t have… I was the one who should be thankful to you… now it’s clear to me, that you really are my guardian angel… thank you… Alfred…’ Masuyo niyang kinuha ang kamay ni Alfredo at inilapat sa kanyang pisngi. Bumaling naman paiwas sa kanya ang binata, marahil sa hiya. ‘Oh! I almost forgot!’ May kung ano siyang kinuha sa kanyang bulsa: ‘I want you to have this Alfred.’
‘H-hindi ba… ‘yan ‘yung paborito mong fountain pen? Ang alam ko mahalga sa’yo ‘yan, kaya bakit mo ibibigay sa ‘kin?’

‘Oo, mahalaga nga sa akin ang pen na ‘to, kaya nga gusto kong mapasaiyo ‘to. Pero huwag mong isiping ibinibigay ko ‘to sa’yo bilang pasasalamat ko sa pagligtas mo sa ‘kin; that’d be too cheap for an offer of gratitude. Ang gusto ko lang… malaman mo na mula ngayon, ipinagkakatiwala ko na sa’yo ang buhay ko, at natitiyak ko na pahahalagahan mo rin ‘to katulad ng pagpapahalaga mo sa ‘kin…’

‘J-Jillia… maraming salamat… Huwag kang mag-alala pahahalagahan ko ang bahaging ito ng puso mo, pangako…’

‘I know you would! So, now that everything’s been settled, gusto ko namang magkuwento ka sa ‘kin ng tungkol sa’yo Alfred! Matagal-tagal na rin tayong magkasama pero kaunti pa lang ang nalalaman ko tungkol sa’yo…’

‘Oo ba?! Sige, saan mo ba ako gustong magsimula sa kuwento ko?’

‘Let’s see… Let’s start with your childhood! Ikuwento mo sa ‘kin kung saan ka ipinanganak, kung saan ka nakatira, everything!’

‘O sige! Noong 12 years old ako nakatira kami ng mga magulang ko sa probinsya sa Ilocos. Hindi pa nag-a-abroad sa Iraq noon ang itay ko, kaya binubuhay niya kami sa pagsasaka. Tumutulong din ako sa kanya sa ginagawa niya; nagtatabas ako ng mga inaani naming palay, pagkatapos ibinibilad namin ang mga ‘yon. At dahil wala kaming sariling kiskisan kaya nakiki-kiskis kami sa mga mayayamang may-ari ng lupang sakahan, kaya masasabi kong mahirap din ang ginagawa ng itay ko noong nasa probinsya pa kami.’

‘Wow! You were a farmer when you were a little kid?! I can’t imagine! I wonder how Alfred looked like as a farmer?’

‘Sa totoo lang, hindi lang naman ako ang batang gano’n sa probinsya namin. Sa mga probinsya kasi, obligado ang mga batang tumulong sa mga gawain ng mga magulang nila, dahil nga sa hirap ng buhay sa probinsya. Kaya masuwerte ka Jillia at mula pagkabata mo hindi ka nahihirapan, salamat sa mga magulang mo. At hindi na rin nakapagtatakang napakaganda mo ngayon, dahil nga alagang-alaga ka nila.’

‘Hmm? Parang may gusto ka pang sabihin ah?!’

‘Ba! Ikaw lang ang nagsasabi niyan!’ Natatawa niyang sabi.
‘Eh ba’t ka natatawa?!’

‘Eh ikaw kasi, ang sama mo mag-isip, eh wala pa naman akong sinasabi!’ Ngunit natatawa pa rin siya.

‘Whatever, you jerk! Pero naguguluhan ako; yung kiskisan, ano ba ‘yun? Is it something you use to polish grains to make it smooth or something?’

Napahalakhak ng todo si Alfredo sa napakainosenteng tanong na iyon ni Jillia: ‘Puwede mo ring sabihing gano’n, ‘yun nga lang ang ginagawa sa kiskisan, tinatanggal niya yung kulay brown na balat ng palay para maging bigas. Kasi hangga’t hindi pa napapakiskis ang palay hindi pa siya bigas, kaya hindi mo pa siya puwedeng isaing. At ‘di lang ‘yon, hindi mo pa puwedeng ipakiskis na lang basta ang palay kapag hindi pa siya napapabilad. Kasi kapag bagong ani pa lang ang palay medyo mamasa-masa pa siya, at kapag ipinakiskis mo ang palay nang hindi pa naibibilad, madudurog lang ‘yon kapag ipinakiskis mo.’

‘Ganu’n? Eh gaano naman katagal bago mo maipakiskis ang palay?’

‘Siguro sa tantiya ko… kakailanganin ng buong maghapon bago matuyo ang palay at maipa-kiskis. Bale kung ibibilad mo siya ng mga alas-siyete ng umaga, hahanguin mo siya sa pagitan ng mga alas sico hanggang alas seis. Pero minsan mas matagal pa ‘ron ang pagbibilad kasi may mga panahong umuulan, at kapag nabasa ang palay, lalong mas tatagal ang pagbibilad.’

‘Sobrang hassle naman nu’n! Hay, tama na nga ang kuwentong palay! Sunod mo namang ikuwento yung teenage years mo! Yung mga time na nasa high school ka na!’ Sabik niyang sabi.

‘Ah. Tungkol naman do’n…’

At natapos na nga ang buong araw na iyon. Bagama’t para kina Alfredo at Jillia, ang mahabang gabi ay simula pa lamang ng mas lumalalim pang ugnayan nila sa isa’t-isa.




END OF CHAPTER
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
insanity41    •reply Aug 26, 2008 @ 2:34 PM
 
: w o o h o o : 
nag update c kua!
isa p
: w e l g a : 

update k uli..
: c h e e r :  : c h e e r :  : c h e e r : 
  resemblance    •reply    Aug-27-08@7:41AM
hehe muntik nanamang mag-flop ang post ko... hehehe... haaayyy
marjheoni    •reply Aug 26, 2008 @ 6:18 PM
 
yes! my update na..

next n po ulit... : l o l :  : l o l :  : l o l : 

: l u v :  : l u v :  : l u v :  this story!
  resemblance    •reply    Aug-27-08@7:51AM
thanks sa pag tangkilik : b o w : 
paramore_kittie_31    •reply Aug 26, 2008 @ 8:57 PM
 
huli na nman ako.. : c r y : 
  resemblance    •reply    Aug-29-08@10:50PM
okay lang yan; kesyo late o maaga basta bumibisita okay na okay lang ; ) 
yingying    •reply Aug 27, 2008 @ 5:07 PM
 
haba naman..di ku na mababasa to.. : ( 
  resemblance    •reply    Aug-27-08@9:20PM
sayang naman... salamat na rin sa pagbisita
yingying    •reply Aug 30, 2008 @ 12:30 AM
 
sa wakas mababasa ko na rin to.. : c h e e r : 

: b o o k : : b o o k :  : b l u s h : 
yingying    •reply Aug 30, 2008 @ 10:23 PM
 
nxt na kuya! : r a z z : 
ceezzanesz    •reply Sep 10, 2008 @ 9:28 AM
 
yuhOOO..
buti nkabaliksz nah xa frOm nOwer samwer! : l o l : 



nxt and last nah sO far!
yuhOO.. nakahabOl dnsz! : r a h r a h : 

: r o l l : 
  ceezzanesz    •reply    Sep-10-08@9:28AM
dalawa pah pla.. : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
on her reconstruction
older post:
next to you: Book 2 signing out
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com