|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 19.2
Medyo inspired ako sa gabing 'to dahil nanalo ang team ko kanina; ang Ginebra. (Their best game so far for me! Talk about pure heart!) Heto na nga pala ang part 2 ng chapter 19.
Part I 1,2,3 4,5 6 7 8,9 10 11,12 13 14 15 16 17 18 Part II 19 (Part 1) CHAPTER 19 (Part 2) Recollection ‘Ayan, sa wakas tapos na tayo sa paglilinis dito sa bulwagan. Puwede ka nang magpahinga kuya Alfredo, nakakainggit ka at magpapahinga ka na samantalang ako hahabol pa kay lolo du’n sa taas! Sana naman bigyan din ako ni lolo ng pahinga ‘no?!’ ‘Salamat. Sa totoo lang hindi naman pagod ang pakiramdam ko ngayon pero tatanggapin ko na rin. Gusto ko kasing magmasid-masid muna.’ ‘Ganu’n ba? O sige na kuya, pupuntahan ko na si lolo sa itaas, kita na lang uli tayo mamayang tanghalian!’ At patakbong iniwanan na ni Dante si Alfredo. ‘Sige, hanggang mamaya!’ Paalam naman niya habang habol-tingin sa bata. Bumalik si Alfredo sa loob ng bulwagan; gusto niyang mag-imbestiga sa paligid. Naisip niya, maaaring isa nanaman ito sa mga kakaiba niyang panaginip noon, bagama’t sa pagkakataong ito’y may mga persona na siyang nakakasalamuha at kumpara noon sa mga dati’y mas may buhay ang lahat sa paligid niya; ang klima, ang mga tao sa paligid, at ang awra. Sa kanyang pamamasyal, bigla’y naulingan niya ang pianong tumutugtog: ‘Aba? May tao na sa bulwagan ng ganito kaaga?’ Sa kuryosidad binalikan niya ang kuwartong pinanggalingan niya kanina kung saan nakalagak ang grand piano. Naispatan niya ang isang babae roon na tumutugtog sa piano. Sumungaw lang siya sa may pinto para manood. Hindi niya mamukhaan ang babae sa malayo dahil nakapuwesto siya sa likuran nito, bagaman sa obserbasyon niya’y tila nahahawig nang kaunti ang hubog nito kay Jillia, at kakatwang maging sa pagtugtog nito ng piano’y hindi rin nalalayo ang kanilang kakayahan. Sa gitna ng kanyang panonood sa dalagang tumutugtog, bigla na lamang itong huminto, at akmang lilingon sa kinaroroonan niya. Sa pagkabigla niya’y nagtago siya: ‘Nakup! Nahuli niya ‘ata akong nanonood sa kanya!’ Pabulong niyang sabi habang kagat-kagat ang kanang hinlalaki. Mga ilang minutong hindi kumilos sa kinatatayuan niya si Alfredo, pinakikiramdaman ang babaeng nasa kabilang panig ng bulwagan. Nang mapansin niyang tila tumahimik, napasungaw siya: ‘Aba? San na nagpunta ‘yung babae? Umalis na ‘ata?’ Sabi niyang palinga-linga sa loob ng kuwarto na bahagyang nakasungaw ang sa may pintuan: ‘Teka nga?! Bakit nga ba ako nagtatago rito, eh nanonood lang naman ako?!’ Kaya naman, lumabas na siya mula sa likuran ng pintuan at pumasok sa loob. Sinuyod niya ng tingin ang paligid, wala na nga roon ang babae ngunit naiwang bukas ang takip ng piano: ‘Naiwan niyang bukas ang cover… baka umalis lang siya saglit…’ Napansin niya ang piyesang tinutugtog ng babae kanina; “Moon Chant” ang pamagat noon, bigla siyang napakunot-noo: ‘Parang may naaalala ako sa piyesang ito… hindi lang ako sigurado pero parang narinig ko na ang piyesang ito…’ ‘Kumusta?’ Anang boses mula sa likuran ni Alfredo. Napa-igtad sa pagkagulat ang binata, nang makita ang babaeng tumutugtog: ‘J-Jillia?!’ ‘Jillia? Ako ba ang tinutukoy mo?’ ‘A-ah… h-hindi… w-wala… wala ‘yon… pasensya ka na …’ Maang niyang sabi bagama’t hindi pa rin nakakabawi sa kanyang pagkabigla. ‘Namumutla ka ginoo. Ayos lang ba ang pakiramdam mo? Kung gusto mo’y ihahatid kita sa klinika sa ibaba?’ ‘H-hindi ayos lang ako. P-pasensya ka na sa panghihimasok ko sa pagtugtog mo.’ ‘Huwag mong alalahanin ‘yon. Siya nga pala, ang tinutukoy mong Jillia, sino siya?’ ‘Ah wala naman. Sa pagkabigla ko siguro bigla ko na lang naisigaw…’ ‘Gano’n ba?...’ Naglakad itong paikot kay Alfredo na wari’y kinikilatis siya: ‘Kakatwa ang iyong pananamit ginoo, iyan ba ang bagong moda ngayon? Maaari ko bang malaman kung ano at saan mo nabili ang ganyang damit?’ Sa tono ng pananalita’y waring nang-uuyam. ‘H-ha? I-ito ba?’ Bahagyang nanginginig ang kanyang boses: ‘Maong ang tawag dito at ito namang pang-itaas ko’y polo shirt. Nabili ko ang mga ‘to sa Divisoria.’ ‘Siya nga? Kunsabagay madalang naman akong pumasyal sa Divisoria at hindi ako pamilyar sa mga pamilihan roon. Ngunit hindi ko lang maiwasang… maging mausisa sa suot mo; kakaiba talaga!’ Natatawa pa niyang sabi. ‘Maiba ako, kung hindi mo mamasamain maaari ko bang malaman ang pangalan mo?’ ‘A-ako si Alfredo… i-ikinagagalak kitang makilala… umm…’ ‘Febronia. Febronia ang pangalan ko, ikinagagalak rin kitang makilala, pero nang tawagin mo akong Jillia kanina’y parang nagkaroon ako ng pakiramdam na ako ang taong iyon. Isa ba siyang kaibigan mo?’ ‘Ah… o-oo. Isa siyang matalik na kaibigan… at… nakakatuwang isiping may pagkakahawig kayong dalawa.’ Sinabi niya iyon bilang biro kay Febronia ngunit hindi para sa kanya. ‘Talaga? Nakakatuwa naman! Isa rin ba siyang estudyante dito sa unibersidad?’ ‘O-oo. Pero sa ngayon wala siya dito sa unibersidad…’ Maang niyang sabi. ‘Hay, sa tingin mo ba talaga bibilhin ko ‘yang istorya mo? Hindi naman kaya… ako ang Jilliang iyon?’ Ani Febronia na ipinahiwatig ang pagkadiskumpiyado sa mga sinasabi ni Alfredo sa pagbibiro. Sa pagkapahiya’y hindi naman nakasagot ang binata. ‘Pero huwag kang mag-alala, malaya kang manood sa akin hangga’t gusto mo, tutal ako lang naman ang nadirito ngayon sa bulwagan at mamaya pa naman ang klase ko.’ ‘S-salamat… kung maaari gusto sana kitang… pakinggan pang tumugtog.’ ‘Oo naman. Tamang-tama may bago akong ginawang piyesa, tutugtugin ko at ikaw ang maging kritiko noon.’ ‘P-puwede rin… pero sa tingin ko hindi ako karapat-dapat maging kritiko mo.’ Nakakamot-ulo niyang sabi. ‘Hindi mo naman kailangang maging karapat-dapat, basta’t pakinggan mo lang akong tumugtog, sapat na iyon.’ ‘B-buweno… makikinig ako…’ ‘Kung gano’n… Alfredo, inihahandog ko ang musikang ito, para sa selebrasyon ng ating unang pagtatagpo… sana’y maibigan mo...’ Umupo na si Febronia at inilipat ang pahina ng songbook, pagkatapos, iminuwestra ang mga paa sa pedal ng piano at nagsimulang tumugtog. Mataman namang nanonood sa kanya si Alfredo. Napaka-elegante ni Febronia habang tumutugtog; katangi-tangi ang kanyang pustura sa pagtipa pa lamang ng mga keys. Nakakaaliw pagmasdan ang kanyang katawan na tila kusang sumasabay sa bawat nota ng musika, gaya ng mga halamang sumasabay sa hihip ng hangin. May mga sandali pang lilingunin pa siya nito at ngingitian ng pagkatamis-tamis, nang hindi man lang nawalala ang pokus sa ginagawa. Kaya kung pagmamasdan siya’y aakalain mong hindi siya isang estudyante kung tumugtog. Hindi tuloy niya naiwasang maisip si Jillia. Habang pinanonood ni Alfredo si Febroniang tumugtog pakiramdam niya’y nakita na niya noon ang tagpong ito matagal na panahon na. At kumpara noon sa musikang narinig niya at naramdaman kay Jillia, ang musika ni Febronia’y waring nagpapaalala sa kanya ng maraming bagay. At unti-unti, kung makikita lamang sana niya ang kanyang sarili habang pinanonood si Febronia’y lumuluha na pala siya.’ ‘Alfredo? Bakit ka umiiyak?’ Tapos na palang tumugtog ni Febronia’y hindi man lamang ito namalayan ni Alfredo. ‘H-ha?!’ Pinahid niya ang kanyang pisngi nang maramdaman ang pamamasa nito.Sa pagkamangha’y napapiyok pa siya: ‘N-naku p-pasensya na! Masyado lang siguro akong… nadala sa tinutugtog mo, hindi ko na namalayang tapos ka na pala…’ Pasakalye na lang niya. ‘Walang anuman ‘yon. Ako nga siguro ang dapat humingi ng paumanhin sa’yo, siguro’y napukaw ko ang damdamin mo nang hindi sinasadya, at nagdulot ‘yon sa’yo ng kalungkutan.’ ‘Hi-hindi naman! Alam mo ganito lang talaga ako, madali akong madala sa kahit anong bagay, lalo na sa musikang pinakikinggan ko. Minsan hindi ko napipigilan ang sarili ko at napapaluha na lang ako basta.’ ‘Wala akong kaide-ideya na napakasensitibo mo pala! Talaga ngang kakaiba ka Alfredo, katulad ng iyong kasuotan!’ Mahinhin siyang napahagikgik, ‘Ngunit sa kabilang banda’y masaya ako’t nagkaroon ng halaga para sa’yo ang aking musika; isang bagay na ikinararangal ko… salamat.’ ‘Masyado ka naman ‘atang pormal d’yan? Sa husay mong tumugtog hindi na bago sa pandinig mo ang mga sinasabi ko sa’yo.’ ‘Tama ka… sa dami nga ng mga taong pumipitagan sa akin pakiramdam ko iisang mukha lang ang nakikita ko araw-araw, at iisa lang din ang sinasabi; por que magaling ka, maganda ka at kung anu-ano pa, pero ang totoo’y sa mukha ko lang naman sila nakatingin! Minsan gusto kong may magsabing napaka-pangit ko para naman maiba naman!’ Pagkasabi niyo’y napahalakhak pa siya. ‘Yun naman ang hindi tama! Hindi makatarungang sabihin sa isang taong katulad mo na pangit ka!’ ‘Iyon ang punto; dahil maganda ako… pero alam ko, kapag naging pangit ako, wala kahit sinong magtiyatiyaga man lang na umupo sa tabi ko at pakinggan akong tumugtog ng piano… tinanggap ko na sa sarili ko na walang puwang sa mundo ang mga pangit at walang kakayahan. Minsan kapag naiisip ko ang mga bagay na ‘yon nalulungkot talaga ako… kaya sa buong buhay ko, maliban sa aking ama’y wala na akong iba pang taong mapagkakatiwalaan pa…’ Napatahimik naman si Alfredo. Hindi niya inakalang makakapagsalita ng ganoon si Febronia. ‘P-pasensya ka na Alfredo…’ Nauutal niyang sabi dahil sa pagkapahiya: ‘Hindi ko napigilan ang sarili ko, kung anu-ano tuloy ang nasabi ko… kalimutan mo na lamang ‘yon…’ Napapangiti naman si Alfredo; pakiramdam niya’y waring pinaglalaruan siya ng pagkakataon: ‘Alam mo, may isang babae rin akong kakilala na kapareho mo rin kung mag-isip…’ ‘Ayan ka nanaman sa kalokohan mo! Luko-luko!’ Pakli niya kay Alfredo. ‘Ang ipinagkaiba nga lang ninyo, gusto niyang maging pangit para maranasan niya ang buhay sa ganoong kalagayan. Katulad mo ginugulo rin siya ng mga alalahaning kung magkakaroon pa ba siya ng mga taong matatawag niyang kaibigan… o ng isang taong mapaglalaanan niya ng buo niyang tiwala…’ ‘At… ano naman ang isinagot mo sa kanya?’ ‘Sinabi ko sa kanyang… hindi naman mahalaga pa ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga’y kung papa’no ka haharap sa kanila.’ ‘Kung paano ako… haharap sa kanila?’ ‘Febronia, hindi naman mahalaga ang sasabihin ng mga tao sa’yo; kundi kung ano ang totoong ikaw na makikita nila, at dahil do’n malalaman nila kung gaano ka kaganda kahit pa pangit ka. sabihin na nating may mga tao pa rin diyan na hindi makakaintindi sa’yo, pero sigurado naman akong may ilan din naman sila diyan na tatanggapin ka nang buong-buo. Basta’t ang importante’y maniwala kang “maganda” ka – at matalino pa!’ ‘Ganyan din ba ang sinabi mo sa babaeng ‘yon, ha Alfredo?’ Tikwas ang kilay na sabi ni Febronia. ‘Buweno… sabihin na nating oo, pero medyo pinaikli ko na siya!’ Natatawa niyang pagpapaliwanag. ‘Talaga ngang basag yang pula mo Alfredo… pero aminado akong kahit papa’no’y gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi mo… maraming salamat…’ ‘Wala sa ‘kin ‘yon! Isipin mo na lang na pakunswelo ko sa’yo ‘yun dahil hinayaan mo kong panoorin kang tumugtog. At minsan ko pang sasabihin; maganda kang talaga!’ ‘Pilyo! O sige na nga, naniniwala na ako sa’yo!’ Nang bigla’y tumunog ang batingaw; hudyat na oras na ng unang klase sa umaga: ‘Oras na agad ng klase para sa umaga? Sa bilis ng oras hindi ko namalayan…’ si Febronia habang tinitingnan ang kanyang pocket watch. ‘Pasensya ka na Alfredo pero kailangan ko nang pumanhik sa klase ko… Ummm… magkikita pa kaya tayo ulit?’ Hindi man sigurado sa kanyang sagot, sinabi niya: ‘Palagi lang akong nasa tabi-tabi Febronia… ‘yun lang ang masasabi ko…’ ‘Sumilay ang maliwanag na ngiti sa kanyang bibig sa narinig: ‘Kung gano’n hanggang sa muling pagkikita Alfredo! At sa susunod marami pa akong iparirinig na piyesa ko sa’yo!’ ‘Aasahan ko ‘yan prinsesa! O pa’no, hanggang sa uulitin?!’ ‘Oo! Sa uulitin!’ At tuluyan nang nagpaalam si Febronia habang habol tingin sa kanya si Alfredo. Nang tuluyang makalayo si Febronia sa bulwagan, sukat namang lumitaw mula sa likuran ng pinto si Dante, na hindi pala talaga umakyat para samahan ang kanyang lolong maglinis at kanina pa pala tinitiktikan si Alfredo: ‘Aha! Ikaw kuya ha?! Ngayon alam ko na kung bakit ka nagsinungaling kay lolo kanina! Napakaganda niya kuya! Sino siya? Ikuwento mo naman sa akin kung paano kayo nagkakilala?!’ Agad niyang bungad. ‘Dante?! Bakit ka pa nandito? Hindi ba sinabihan ka ni lolo Agusto na tulungan mo siyang maglinis dun sa itaas?’ ‘Eh… tinatamad kasi ako eh! Tsaka malakas naman si lolo, kahit wala ako makakaya naman niya ‘yung mag-isa. Tungkol ‘dun sa tanong ko sa’yo kanina, sino ang babaeng ‘yon na kasama mo at paano kayo nagkakilala?’ ‘Iyon ba? Si Febronia ‘yon. Nahuli kasi niya akong nanonood sa kanya kanina habang nagpi-piano siya. Pero mabait naman siya, katunayan pinaunlakan pa nga niya akong makinig sa kanya habang tumutugtog siya.’ ‘Tama ka kuya, at bukod do’n magaling rin siyang tumugtog! Kanina nga habang pinakikinggan ko siya parang naaalala ko ulit yung nanay ko, na para ba akong ipinaghehele sa pagtulog... Pero ang ikinagulat ko, hindi ko akalaing nasa tipo mo pala ang maniniktik sa babae kuya!’ Sabay malisyosong tumawa. ‘O siya! Tumigil ka na sa kalokohan mo at samahan mo na si lolo sa itaas! Baka mahalata niyang naglalakwatsa ka ditto malalagot ka nanaman niyan!’ ‘Pero umamin ka kuya; gusto mo siya ano?! Madali namang malaman kasi halata sa mga mata mo!’ May kapilyuhan niyang siniko-siko pa si Alfredo. ‘Puro ka talaga kalokohan! Sige na, pumanhik ka na ‘ron at siguradong mapapagalitan ka nanaman niya kapag hindi ka pa nagmadali!’ Lumipas ang magdamag, hanggang sa pagtulog dala pa rin ni Alfredo ang mga nangyari nitong nagdaang araw. Hindi nangyari ang mga bagay na kanyang inaasahan, na lalo namang nagpagulo sa kanyang sitwasyon: ‘Walang nangyaring kakaiba sa akin… ano bang nangyayari dito ngayon?... Ang akala ko nanaginip lang nanaman ako pero… masyadong makatotohanan ang lahat para maging isang panaginip… sina lolo Agusto at Dante… parang kilalang-kilala nila ako… sino ba sila at ano ang kaugnayan ko sa kanila?... At si Febronia… hindi ko akalaing makikita ko siya dito… Bakit ba, kaninang nakikinig ako sa tugtog niya… hindi ko maipaliwanag pero bigla na lang akong napaluha?... Pero… Ako nga ba… ang umiiyak kanina?...’ Sa sobrang pag-iisip unti-unting namingat ang mga mata ni Alfredo, at tuluyan siyang nakatulog. END OF CHAPTER Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
pabisita lang kuya..
![]()
resemblance
•reply
Aug-17-08@10:30AM
okay ka lang bumisita... pero mas todo okay kung magbabasa ka rin di ba?
grabeh nosebleed aqoe masyado clang matagalog ehehehe
resemblance
•reply
Aug-17-08@7:35PM
ikaw kaya ang mapunta sa 1930s era; kundi ka pa maubusan ng dugo
etina0511
•reply
Aug-17-08@7:39PM
Inferness yur ryt mauubusan meh nah nang bloodugo ehehe
vti nah Lang at ala meh dyan
resemblance
•reply
Aug-17-08@7:44PM
kung me di ka na-gets na word pede mo namang itanong to yours truly!!!
next n po sir!
ang ganda ng story m.... ![]()
resemblance
•reply
Aug-18-08@8:45PM
thanks new reader! sana bisitahin mo rin yung gallery ko prior dito sa NL heto yung link:
http://www.tristancafe.com/forum/156598 salamat ulit
kuya.. may tanOngsz pOh akOh!
kxe sa kaunaunahang pgkakataOnsz.. may ndi akOh naintindihansz.. sa nkknOsebleed mOng tagalOg! ![]() ‘Talaga ngang basag yang pula mo Alfredo… translatiOn plsz! ![]()
resemblance
•reply
Sep-10-08@10:48AM
idiomatic expression yun na ang ibig sabihin ay nasisiraan ng bait. although ginamit ko yung idiom na yun para i-denote yung pagkadiskumpiyado ni febronia sa mga pinagsasasabi ni Alfredo sa kanya (pero ang totoo hindi naman as you have read
)
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77643)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22950) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) anonsenselove, freakathon, chinkyeyes_killer, peacemaker_13, jewel_emerald, ynill, tootsing, and 47 guests |