tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Northern Light 19.1 (Latest Chapter)
posted by (Aug 09, 2008 @ 11:01AM) views: 610
BEFORE READING: Hindi nanaman ako nakatupad sa usapan : l o l :  but at least nakapag-post pa rin ako at finally bago na siya!



Previous Link






“Paano ba ang mag-isa?...”
“Paano ba masasabing ang isang tao’y nag-iisa?”
“Minsan naiisip ko ang mga ganitong bagay…”
“Sa buong buhay ko… hindi ko pa naransang mabuhay nang walang kasama… nasanay akong may mga taong nakapaligid sa ‘kin… mga magulang at kapatid… at mga kaibigan…”
“Ni sa panaginip hindi ko naisip na nabubuhay akong mag-isa sa mundo…”

“Pero… ano nga kaya ang pakiramdam ng mabuhay mag-isa?...”
“Katulad rin kaya iyon ng kamatayan?...”
“At kung totoo ang kabilang buhay… lahat ba ng taong naroon ay mga nag-iisa rin?...”





CHAPTER XIX

Recollection

‘Alfredo! Alfredo! Hay, Alfredo, gumising ka na diyan at tatanghaliin na tayo sa mga trabaho natin!’ Ang paulit-ulit na panggigising ni Agusto kay Alfredo.

Namimingat pa ang mga matang nagmulat si Alfredo. Pakiramdam niya’y pagod na pagod siya’t halos dumikit na sa banig ang kanyang balat. Dahan-dahan siyang bumangon, bigla siyang napangiwi nang mag-unat siya ng likod.

‘Hay! Salamat naman at nagising ka rin! Alam kong nanlalambot pa ‘yang katawan mo sa pagod dahil sa trabaho kahapon, ako man gano’n din. Pero gustuhin ko mang hayaan ka na lang magpahinga na muna ay hindi pupuwede gawa ng marami pang nakahain sa ating mga gawain at hindi ko makakayang gawin lahat ‘yon mag-isa, kaya hala’t bumangon ka na diyan’t samahan mo nang kumain si Dante sa kusina.’

Ngunit parang walang narinig si Alfredo; palinga-linga lamang siya sa kanyang paligid.

‘Huy! Iho, bakit nakatunganga ka pa diyan?! Ang sabi ko bumangon ka na diyan at tatanghaliin na tayo!’ Muling usisa ng matanda.

‘N-n-nasaan… po ako?... p-papa’no po ‘ko napunta rito?... S-sino po kayo?’ Sa halip ay kanyang isinagot.

Biglang napahalakhak si Agusto sa sinabi ni Alfredo: ‘Aba, diyata’t sa sobrang pagod mo kahapo’y pinanawan ka na ‘ata ng bait apo? O siya sige, papatulan ko na ‘yang biro mo’t ng magising ka!’ Inilapit ng matanda ang mukha niya sa binata: ‘Ako ang lolo Agusto mo, at ‘yun namang nasa kusina ay ang kinakapatid mong si Dante! At nandito ka sa likod ng kapilya ng Centro Escolar de Señoritas!’ Pagkatapos, muling humalakhak at tinampal pa sa likuran si Alfredo.

Biglang napaigtad si Alfredo: ‘A-ano po?! Centro Escolar… de Señoritas?!’

‘O siya, tigilan mo na ‘yang paglalaro mo diyan at humayo ka na roon sa kusina, hala!’ Hinila na nito si Alfredo sa kanyang higaan at tuluyang bumangon. Ang binata naman, kahit lipos ng pagtataka’y wala na ring nagawa kundi sundin ang matanda.

Pagsapit naman niya sa kusina, na dingding lang ang pagitan sa kuwarto’y naroon ang isang bata na naghahanda ng mga kubyertos at pinggan.

‘O kuya Alfredo, magandang umaga!’ Pambungad nito ng makita siya. ‘Tamang-tama nakahain na ‘ko, tenang kumain! Masarap ang ulam ngayon kuya, binigyan ako kanina ni Padre Cipriano ng kalahating kilong karneng baboy kaya heto inilaga ko, ‘yun nga lang patatas lang ang gulay na sahog na tira pa natin kagabi. Pero ayos lang, mayroon pa tayo mamaya dahil hindi ko naman iniluto lahat!’

‘Bigay nga lang ba, o baka naman hiningi mo?!’ Taas ang kilay na usisa ni Agusto.

‘Lolo naman! Siyempre hindi ko po ‘to hiningi! Nagkataon lang naman na nakita ko si Padre Cipriano kanina na may dalang karneng baboy at –‘

‘Iyon ang problema pilyong bata!’ Pagputol nito sa sasabihin pa ni Dante. ‘Binibigyan mo kasi ng motibo si Padre Cipriano na bigyan ka kaya mo siya tinitingnan! Hindi ba sinabi ko na sa’yong hindi magandang asal ang hingi nang hingi? Alam kong gustong-gusto mong makatikim ng karneng baboy pero dapat hintayin mong bigyan ka niya at huwag kang nakatanghod sa kanya na parang mga kalapati na naghihintay ng pakain, maliwanag ba apo?’

‘Oo na po ‘lo…’ Naka-iwas ang mukha niyang sabi.

‘Buweno, halina kayong dalawa at mag-agahan na tayo. Ikaw ang manguna sa pagdarasal ngayon, parusa para sa kapilyuhan mo!’

‘Opo…’ Ngunit ang pilyong bata’y nagawa pang bulungan si Alfredo: ‘He! He! Si lolo talaga! Pero ang totoo gustong-gusto rin naman niyang kumain ng karneng baboy, ‘di ba kuya?’

Habang kumakain nagbukas ng paksa si Dante: ‘Kuya, napansin ko parang kanina ka pa walang imik diyan? Ni hindi mo ginagalaw ‘yang ulam mo. Ayaw mo ba niyan?’

‘Sinabi mo pa!’ segunda naman ni Agusto. ‘Aba’y kanina nga kung ano-anong kalokohan ang pinagsasasabi! Kesyo hindi niya alam kung nasaan siya, sukdulang hindi pa niya ako nakilala! Ano bang pumapasok diyan sa tuktok mo bata ka?!’

‘Ah-ahmm… wala naman po… huwag na po ninyo akong intindihan pa…’ Pasakalye na lang niya.

‘Kunsabagay napagod kasi ng husto si kuya sa paglilinis ninyo kagabi. Hindi po ba’t ngayong araw na magsisimula ang pagbubukas ng klase? Sa dami ng mga kalat at dapat ayusin noong bakasyon kulang pa ang araw kahapon para matapos kayo.’

‘Tama ka nga. Marahil gano’n nga, hindi bale, pagkatapos nating linisin ang grotto maaari ka nang magpahinga apo.’

‘Pero… hindi po kaya kayo ang may kailangan no’n? sa dami ng mga gagawin natin dito sa school baka ang katawan niyo naman ang maabuso niyo?’

‘Diyaskeng bata! Iniinsulto mo ba ang lolo mo?! Kung ngayon pa nga lang’y lalambot-lambot ka na sa mahabang paglilinis natin kahapon sa grotto’y wala kang ibabatbat sa ‘kin! Malakas pa ako sa baka makikita mo!’

Sisingit si Dante sa usapan ng dalawa; ibabaling ang tingin kay Alfredo: ‘Ayan! Nagkamali ka nanaman kuya! Alam mo namang ayaw na ayaw ni lolo sa lahat na inaalala siya!’ At tatawa-tawa pagkatapos.

‘P-pero… inaalala ko lang naman po ang kalusugan nin—‘

‘Ah, tumigil ka!’ Pagputol ng matanda sa sinasabi ni Alfredo: ‘Basta’t ako na’ng bahala mamaya, sumunod ka na lang!’ Sabay higop sa kanyang kape. Hindi na rin nang-usisa pa si Alfredo.

‘L-lolo Agusto…’ Sabi niya na tila humuhugot ng lakas ng loob magsalita: ‘Gusto ko lang pong malaman… m-may nabalitaan ba kayong nangyaring sunog… d-dito sa school?’

Nagkatinginan pa sina Dante at Agusto sa tanong na iyon ni Alfredo: ‘Sunog ba kamo?!’ Si Agusto: ‘At bakit naman magkakaroon ng sunog dito?’

‘Kahapon po kasi…. Nagkasunog dito, doon po sa GDLSC building? A-ano nap o ba ang nangyari do’n pagkatapos?’

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ng matanda; waring naalibadbaran sa mga pinagsasasabi ng kaharap; ‘Alfredo, ano bang kalokohan ‘tong pinagsasasabi mo?!’

‘Pero totoo po! Kahapon nasunugan itong eskuwelahan! K-katunayan, pumasok pa nga ako dito noon dahil hinanap ko ang kaibigan ko! Nakita ko siya ‘ron at—‘

‘Tigilan mo na ‘to apo. Para sabihin ko sa’yo, walang nangyaring sunog o anuman sa lugar na ito. Walang nandito kahapon kundi tayong mga tagapaglinis lang at si Padre. At ‘yang sinasabi mong GDLSC; apo, sa tagal ko na rito’y wala pang gusali ng GDLSC na nakatayo rito, kaya papaanong masusunugan ang isang lugar na hindi naman umiiral?’
‘A-a-anong… sinabi n’yo?!...’ Si Alfredo, na larawan ng pagkagimbal sa sinabing iyon ng matanda.

‘N-naku ‘lo! B-baka naman nanununo na si kuya?! Kahapon kasi aksidente niyang natabig yung punso habang naglilinis tayo ‘don sa grotto!’

‘Dante, tumahimik ka d’yan sa kalokohan mo!’ Pagkuwa’y humarap muli si Agusto kay Alfredo: ‘Apo kung mayroon mang gumugulo sa’yo, maaari mo namang ibahagi sa iyong lolo, o kaya naman puwede nating kunsultahin si Padre Cipriano. Pero hindi mo puwedeng kimkimin anuman ang gumugulo sa’yo apo, maliwanang ba?’

‘O-opo… pasensya na po kayo sa ‘kin…’ Ang tangi na lang niyang nasabi.

‘O sige, ano ba’ng gumugulo sa isip mo ngayon? Huwag kang mag-alala makikinig kami.’

‘Hindi na po kailangan lolo. Siguro nga nanununo na nga ako dahil hindi ako nag-ingat at naapakan ko ang bahay ng nuno.’ Pasakalye niya. Katwiran niya’y hindi rin naman siya maiintindihan nito.

‘Hay naku Alfredo! Iyang kapilyuhan ninyong magkapatid ang siyang gugupo sa mga tuhod ko!’ At hahalakhak ng malakas pagkatapos: ‘O siya, madaliin na ninyo ang pagkain, hindi titigil ang oras para sa mga tamad!’ At pagkuwa’y muling tatawa ng malakas habang iiling-iling pa.

Pagkatapos kumain, sama-samang nagpunta ang tatlo sa kapilya upang magdasal, pagkatapos ay dumiretso naman sa bulwagang pang-musika.

‘O pa’no mga bata, dito muna tayo maghihiwa-hiwalay. Duon ako magsisimulang maglinis sa ikatlong palapag at kayo nama’y dito sa bulwagan ang aasikasuhin. Pagkatapos ninyo dito’y puwede ka nang magpahinga pansamantala Alfredo.’

‘Ako rin po ba lolo, puwede na ring magpahinga kasama ni kuya?’ Singit ni Dante.

Tikwas ang kaliwang kilay na binalingan ng matanda si Dante: ‘Ang sabi ko si Alfredo lang! Ikaw ay kailangang humabol sa ‘kin sa itaas pagkatapos ninyo dito sa bulwagan, maliwanag ba?!’

‘Opo…’ Mahaba ang tonong sabi ng bata.

Nang humiwalay na ang kanilang lolo Agusto’y humayo na rin ang dalawa sa loob ng bulwagan. Una nilang pinuntahan ang maliit na teatro upang magsimulang maglinis. Nauuna si Dante habang nakabuntot lang si Alfredo, na hanggang sa mga sandaling iyo’y hindi pa rin magkandatuto sa mga nagaganap sa kanyang paligid.

‘Bakit ka nagsinungaling kay lolo kuya?’ Usisa ni Dante kay Alfredo habang sila’y naglalampaso.

Hindi nakasagot agad si Alfredo; medyo nagulat siya sa reaksyon ng bata: ‘B-bakit mo naman nasabi?’

‘Alam ko dahil hindi ka makatingin ng diretso kay lolo kanina. Ano ba kasi ang dahilan?’

‘Umm… Ang totoo hindi ko rin talaga maintindihan. Ni hindi ko nga alam kung papa’no ko ipapaliwanag.’

‘Isa pa nga pala, bakit ganyan ang suot mo kuya? Hindi ko pa nakitang isinuot mo ang mga damit na ‘yan. Ampangit ng kulay at ang tela; magaspang!’ Sabi niya habang sinisipat ng kanyang palad ang suot ni Alfredo na maong na pantalon.’

Napangiti tuloy si Alfredo: ‘Bakit naman ganyan ang reaksyon mo? Hindi ka pa ba nakakapagsuot ng maong?’

‘Ah! Maong pala ang tawag diyan? Pero kung ako, ayokong mag-suot ng ganyan! Mas maganda pa rin ang mga amerkana at kurbata!’

‘Ang ibig mong sabihin hindi ka pa nakakakita ng maong kundi ngayon lang?!’ Tila hindi makapaniwala sa kainosentihan ng bata.

‘Hindi pa, ngayon lang, dahil suot mo.’

‘Talaga? Nakakapagtaka naman ‘yang pinagsasabi mo, samantalang normal kong suot ‘to, uniporme ko pa nga ito sa eskuwelahan.’
Biglang napatawa ng malakas si Dante sa sinabing iyon ni Alfredo: ‘Ikaw talaga kuya, parang may bubuyog ‘yang ulo mo! At kailan ka pa pumasok sa eskuwela, eh hindi ka naman marunong bumasa at sumulat?!’

‘H-hindi kita maintindihan?...’ Naguguluhan nang sabi ni Alfredo.

‘Gumising ka nga kuya! Papa’no ka magkakaro’n ng uniporme eh hindi ka naman nag-aaral?!’

Sa narinig na iyon ni Alfredo’y muli niyang napagtantong hindi nga pala niya kilala ang batang si Dante at si Agusto. Ngunit ang mas ikinagulat niya’y ang mga reaksyon ng bata; wari ba’y parang kilalang-kilala siya nito, lalo na nang sabihin nitong hindi siya nag-aaral at ni hindi marunong bumasa at sumulat. Dumagdag pa sa kanyang alalahanin na parang kakatwa sa paningin ng bata na may suot siyang maong na pantalon.
‘Kuya? May problema ka ba?’ Usisa ni Dante nang matahimik ng matagal si Alfredo.

‘A-ah… wala ‘to. Sige na magpatuloy na tayo sa paglilinis.’





TO BE CONTINUED...




sana makita 'to nina yingying at gingging! (teka? san galing yung gingging?: r o l l : )
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
must we? shall we?
older post:
mY sO caLLed "ADIK"

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
etina0511    •reply Aug 9, 2008 @ 12:33 PM
 
whehe nag time travel c alfredo???
  insanity41    •reply    Aug-9-08@1:29PM
ei ate etina i saw you sa candymag nagbbsa k rin b dun?
  etina0511    •reply    Aug-11-08@7:24PM
yep, newbie ngalang meh ehehe kaso nd qoe pah alam yung packot ckot nun eh : b l u s h : 
  resemblance    •reply    Aug-10-08@12:21AM
yan talaga plano ko sa story na to; dapat mapaisip kayo : l o l : 
  etina0511    •reply    Aug-11-08@7:25PM
e2 nah nga eh napapa esep nah ehehe

ol i think is nag tatime travel c alfredo and jillia by deyr dream ehehe

pede vah yun???
insanity41    •reply Aug 9, 2008 @ 1:28 PM
 
what the?
anu uhn binablikan ung past?
siguro ung alfredo n apo ni lolo agusto is ung lolo tlga ni alfredo..
(gulo b?) aku din ngu2luhn ehh.. bsta..

alfredo's living in his lolo's tym..
aun po b ngyayare..

nweiz.. just guessing lng nmn.. ; ) 
next n po! : ) 
  resemblance    •reply    Aug-10-08@12:24AM
okay para di ka na maguluhan sabihin na nating isa ito sa mga scenes ng prequel ng story na to : n a u g h t y : 
  insanity41    •reply    Aug-10-08@1:58PM
gets ku nmn po.. : ) 
hirap lng i put on words ung pagkkintindi ku..: ) 
update k n po..:: ) 
yingying    •reply Aug 10, 2008 @ 7:16 PM
 
waaaah meron na : w o o h o o : 


after 48 years..: c h e e r :  salamat kuya..: n o t w o r t h y : 


ano nangyari kay alfredo? san na si jilia? bumalik sila sa nakaraan?? : e s e p :  : e s e p : 


next na! : r a z z : 
ceezzanesz    •reply Sep 10, 2008 @ 8:44 AM
 
aush! bagOng adventure
pra ke alfredO! : r a z z : 

i2 nah atah ung cnasabi
ni Jilli ke Alfredo dati.. : ? 

sana akOh dnsz..
may gn2ng adventure! : r o l l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
must we? shall we?
older post:
mY sO caLLed "ADIK"
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Being deeply loved by someone gives you strength; loving someone deeply gives you courage.

--Lao-Tzu

You need to be logged in to Facebook