|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Based on a true story
Chapter 1 http://www.tristancafe.com/forum/153729
Chapter 2 http://www.tristancafe.com/forum/153816 Chapter 3 http://www.tristancafe.com/forum/154149 Chapter 4 http://www.tristancafe.com/forum/154184#c6346227 Chapter 5 http://www.tristancafe.com/forum/154250#c6352610 Chapter 6 http://www.tristancafe.com/forum/154378 Chapter 7 http://www.tristancafe.com/forum/154483 Chapter 8 http://www.tristancafe.com/forum/154884 Chapter 9 http://www.tristancafe.com/forum/154986 Chapter 10 http://www.tristancafe.com/forum/155399 Chapter 11 http://www.tristancafe.com/forum/155561 To all my avid readers, I just want to inform that this story is based on the account of Vincent’s love story. Please note that places and events are true. It cannot be altered by anyone not even by me. I also wish to take this chance to thank all the tcaf people who dedicated little of their time to read this post of mine. I want to thank Kelvin (sorry for the spelling, I still feel terrible because of this darn period. Nakakarelate ang mga girls dito.hehe..), to my sis frann who is now in vacation from school..(hala sige iha, sulitin mo yan..), to maffelli a new reader of this post. (wa kapampangan ku.. kabalen!!sorry kung lagi kayung bitin.. sa uulitin!), thanks to insanity41 (kinukulit talaga ako ni Kelvin.. hanggang ym, para siyang si mike enriquez.. di nya ako tinatantanan..), to misz masungit (kilig ka?ako din weh.. namiss ko tuloy si labs ko.. harhar.), my thanks to tomorrow who has this tendency to post smileys with various numbers (care to explain po kung ano yun? It does make me feel perplexed..), thanks din kay Drexel (mahal na kita.. haha..), kay aiszle who just said “next” (ang konti namang comment mo..tipid mode?), to fresh smile (I already have sent the chapters 1-11. I hope you’ll enjoy reading. Pardon me for my typo errors..) and to all that have read the chapters but were not mentioned here in my love letter, thanks and please read continue to read. From Corinthians chapter 13 “Love is long suffering, love is kind, it is not jealous, love does not boast, it is not inflated. It is not discourteous, it is not selfish, it is not irritable, it does not enumerate the evil.It does not rejoice over the wrong, but rejoices in the truth It covers all things, it has faith for all things, it hopes in all things, it endures in all things. … but the greatest of these is love.” -apostle Paul Love, LARA aka Iversonkoh24 Continuation.. Natauhan ako sa mga sinabi ko, namula ako at biglang umurong ang aking dila. Nasabi ko na lang sa isip ko na bakit ganun ako umamin kay Joy. Feeling ko mukha akong tanga sa harapan nya. Napangiti siyang bigla at tumingin ng diretso sa akin. “Benz, kung mahal mo pala ako, bakit di mo pa ako nililigawan? Tapos ngayon nagseselos ka dyan?”,sabi nya sa akin. Natameme na naman ako, nagiisip ng tamang sagot sa tanong nya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa kanila. “Joy? Umm.. Sweet dreams..” Shit. Maling move na naman. Nakita kong nagiba ang mood ni Joy. Alam kong nagexpect sya pero naunahan ako ng aking katorpehan. Naglakad na siya papuntang gate nung sumagot siya, “Sige sweet dreams din sa iyo, goodnight Benz.” Habang naglalakad pauwi, iniisip ko ang nagawa kong katangahan. Pang-ilang beses na ba? Kung lagi na lang akong ganito, baka sa manyak na yun mapunta si Joy. Dapat magplano akong mabuti para mapasagot ko si Joy. Kinabukasan, pagpasok ko’y parang nagkaroon kami ng gap ni Joy. Nagkasabay man kami sa lunch, ramdam ko na parang wala akong kasama. Di siya umiimik, sumasagot lang siya kapag may tinatanong ako. Naninibago talaga ako sa pakikitungo nya sa akin. Kahit ganun man, iisang baso pa rin ang gamit namin. Yun lang ang nakapagpalubang sa loob kahit malamig ang trato sa akin ni Joy. Naisip kong may konti pang pagasa. Nung pauwi na’y di na ako nakatiis.. Ako na mismo ang kumausap sa kanya. “Joy, bakit tahimik ka na naman buong araw? May problema ba?” “Wala naman..” Patuloy pa rin sya sa paglalakad. Napatigil ako, kailangan ko ng sabihin sa kanya. Humabol ako sa kanya, kinakabahan. “Joy, Teka lang..Nasabi ko na yung matagal ko ng tinatago, pwede ko na bang gawing pormal?” “Ang alin?”, nakakunot ang noo nya. “Pormal na sana akong magaapply bilang boyfriend mo. Ma’am heto po ang bio data ko.” Sabay abot sa kanya ang isang papel, may nakasulat na boyfriend now, future husband sa position desired... Napatawa siya ng malakas dahil doon. “Benz, baliw ka!” Nagisip siya saglit at nagsabing “Sunduin mo ako sa bahay bukas, breakfast tayo for your interview bago tayo pumasok sa trabaho.” Napatawa na rin ako, “Opo Ma’am at your service.” Masaya ang gabing yun para sa akin dahil sa wakas makapanliligaw na ako kahit nagtapat ako sa kakaibang paraan. Nakatulog ako sa ng mahimbing paguwi ko sa bahay, baon sa panaginip ang mga ngiti at tawa ng aking si Joy. Kinaumagahan, alas sais ng umaga, nasa tapat na ako ng bahay nina Joy. Di ko alintana na naghintay ako ng matagal, basta makasama ko lang siya. Sa wakas lumabas na din sya. Ngumiti ako pagkakita sa kanya. “Good morning ma’am Joy! Saan nyo gusting pumunta?” Napangiti siya ng matamis sa tinuran ko. “Kahit saan, ok lang naman sa akin.” Kinuha ko ang bag nya at nagsimula kaming maglakad sa may terminal para sumakay ng jeep. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa isang 24 hour na restawran. Iginiya ko siya papasok at inalalayan sa pagupo. Lumapit ang isang waiter para sa aming order. “Anong gusto mo ma’am? Sabihin mo lang. Para makapasa ako sa interview, bubusugin kita.”, sabi ko habang hawak ang menu. “Kahit ano Benz, ikaw ang bahala. Di ganun kadali yun noh.”, sabi nya habang tumitingin sa menu. Umorder ako ng para sa aming dalawa. Nung makaalis ang waiter, si Joy ang unang nagsalita. “Benz, paano kung sabihin ko sa iyo na pang 16th na kita sa mga magiging boylet ko?” Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi ko maapuhap ang isasagot ko. “Gusto kong malaman mo Benz na playgirl ako at madami akong boyfriends.”, pagpapatuloy niya. Naisip ko na baka nagbibiro lang itong si Joy. “Joy naman, nagbibiro ka na naman.”,sabi ko na hindi na nakatawa. “Benz, totoo yung sinabi ko. Paano kung pang 16th ka nga, payag ka ba?” What the hell, sabi ko sa sarili ko, mahal ko na siya. I’ll take the risk. “Tatanggapin ko Joy. I don't care kung magiging kabit lang ako.” “Then pwede ka ng manligaw sa akin..” to be continued.. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
pang16th totoo ba yan ![]()
Iversonkoh24
•reply
Aug-10-08@2:35AM
hahaha,, kailangan nyong tunghayan ang mga susunod na pangyayari,,hehe..
thank you po sa magandang kwento.. un nga lang at BITIN ulit.. ang lupit ni joy.. pang16th? malamang current BF un.. hahaha.. ang dami.. hope to see the next episode.. sana next time mahaba haba.. i mean two hours kami nagbabasa. hehe thank you..
Iversonkoh24
•reply
Aug-10-08@2:39AM
sorry naman ikaw ay bitin.. ahahaha.. msusuya kayo sa sobrang haba naman!!
otor, job well done again.. lage naman yan sinasabi ko pero as always, lage naman job well done kase ganda ng story.. it's bitin paren pero trademark mo na yun kaya tanggap ko na
![]()
hindi ma-aanoy sakin si otor dail ako ang numero unong fan niya..
![]()
im starting to read it na..
thanks...
kelvin1984
•reply
Aug-9-08@4:18AM
reading this story will be one of the best things you'll ever experience...
enjoy...
otor, angh galeng na naman ng episode..
boylet collector pala yung bida na girl? ![]()
otor, layas na ako.. papasok na ako sa work.. badtrip kasi blocked na talaga mga sites sa opis... wala na.. di na namin magawan ng paraan.. risk na lang yung mag-open.. kaso, baka masisante naman kapag nahuli..
![]()
before i leave, iwan ko din muna trademark ko... kala mo kaw lang may trademark ha..
otor, next na ![]()
aaaargggggggggggggggggh! sablay...
next na ![]() next na ![]() next na ![]() next na ![]() next na ![]() next na ![]() next na ![]()
with that said and my mark left, alis na ako.... hehehe
praises to otor for another scintillating episode.. spell scintillating? ![]()
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67884)Arts & Entertainment (7390) Lifestyle & Culture (3210) Politics & Issues (2851) Poetry & Fiction (8960) Random Thoughts (9877) Forwarded Thingies (7247) FrendzCorner/ShoutOutz (20882) Games & Fun Questions (2321) Patawa Ka Talaga (2175) Tristancafe Musikahan (3680) Careers & Work Stuff (1451) School Matters (3148) Technology & Internet (3884) Classifieds & Advertisements (3460) Tristancafe Halo-Halo (1389) Barangay Tristan (1701) Site Announcements (42) denzthegreat22, WaFoNG, and 42 guests Random Love Quotes
|