|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
minsan may isang put*
NOTE: just to make things clear. Hindi ko po to gawa.. i just got this from an e-mail. I just liked it. Care to read? basa bsa lng..
.. sorry 4 the terms nga pla.. hnd ku nmn pedeng baguhin ehh..Tingin ng mga bobong kapitbahay ko put@ daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo. Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, Siguro talagang ganoon. Tatlong malil**** na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makaka-limutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Coño. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa!Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatak-buhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. PUT@NG Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tang@ tang@ ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako. Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, Siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayamanan na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tang@ ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. put@ na kase ang isang magandang tulad ko. Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpup*t* kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kiniki-lalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko. Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!" Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko. Pilipinas nga pala. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ahhh
![]()
insanity41
•reply
Aug-9-08@11:31PM
ay sori po.. ang alam ku po kxe nreplyan ku lhat.. sori po tlga..
ke bob ong yata ito sa blog nya dating bobong pinoy...
![]()
insanity41
•reply
Aug-7-08@11:07PM
hnd ku po alm ehh..
as i've said ni e-mail lng skin ng friend ku toh..
nice aman... nabasa q na ito dati...
maganda tlga ung message.. ![]()
insanity41
•reply
Aug-7-08@11:08PM
ei siz! update k n story mu!
ganda nga .. prng may pinaprealize.. ![]() kaya nga naisipan kung ipost..
mitchy_angel08
•reply
Aug-8-08@4:22AM
hahaha... uu nga eh...
eto nga now palang aq mag-uupdate... bz kasi q kgabi eh....
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67555)Arts & Entertainment (7372) Lifestyle & Culture (3200) Politics & Issues (2849) Poetry & Fiction (8923) Random Thoughts (9834) Forwarded Thingies (7234) FrendzCorner/ShoutOutz (20833) Games & Fun Questions (2313) Patawa Ka Talaga (2159) Tristancafe Musikahan (3660) Careers & Work Stuff (1442) School Matters (3131) Technology & Internet (3867) Classifieds & Advertisements (3439) Tristancafe Halo-Halo (1361) Barangay Tristan (1699) Site Announcements (42) Mr_Dimasalang, chikurita, kingkangkong, moimoidamamangan, catharsisofhate, mahal_na_hari, paramore_kittie_31, laceycute, napanona08, and 35 guests Random Love Quotes
|