|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
INTERTWINED
CHAPTER 1
ARLENE “Hoy Arlene!! Gising na!!” sigaw ng ina mula sa pinto ng kwarto ng dalaga. “Male-late ka na sa school!!” Tinaas bahagya ni Arlene ang ulo para tignan ang orasan sa ibabaw ng kanyang drawer. Alas-siyete na ng umaga. Agad tumayo ang dalaga at nagmadaling mag-ayos para sa eskwela. “I am never staying up that late again!!” sa isip ng dalaga. Naghihintay na sa labas ang ama ng dalaga para ihatid ito sa eskwela. Doon din naman ang daan nya papunta sa trabaho. “Ano ba yan Arlene. Pareho tayo late nito!” nagagalit nang sabi ng ama. “Sorry po dad. Napasarap po tulog ko.” “Sige na, go in the car. I’ll buy your breakfast on the way.” Minadali ng dalaga ang paglakad papunta sa kanilang classroom dahil nagsisimula na ang kanilang klase. Nang marating ni Arlene ang klase ay nagkukwentuhan pa din ang mga classmates nito. Wala pa ang teacher nila kaya nakahinga siya ng maluwag. Sa likod ng klase ay nandon ang dalawang kaibigan nito. Sina Nikki at Bianca. Naupo ang dalaga sa tabi ni Bianca. Laging nakapagitna si Bianca kanila Arlene at Nikki. “Sa wakas! Akala namin ni Nikki, di ka na papasok.” Tuwang sabi ni Bianca. “Hay nako. Kanina ka pa n’yan hinihintay.” Nakangiting sabi ni Nikki. “Eh, bakit mo pa ako hinahanap? Nandyan naman si Nikki ah.” Takang sabi ni Arlene. “Sus! English kaya subject natin. Alam mo naman yang si Nikki, laging concentrated.” “Tigilan nyo akong dalawa. Ayan na si Ms. Parmenter.” Isang matangkad na babae ang pumasok sa classroom. Balingkinitan ang katawan nito at madaming palawit sa katawan. Sa kanang kamay nito ay madaming bangles na umaabot halos malapit na sa kanyang siko. Ang mga daliri naman nito sa kaliwang kamay ay puno ng mga singsing. Matandang dalaga ang kanilang guro ngunit parang teenager kung magdamit. Makapal ang make up nito. Laging namumula ang mga pisngi dahil sa kapal ng blush. Pink, green o purple na eyeshadow naman ang paboritong gamitin nito. At may ipit ito na bulaklak na merong mga tila balahibo ng ibon. Sa tuwing gumagalaw ito ay maririnig ang mga bangles nito na tumatama sa isa’t isa. Sa unang araw ng pasukan ay nabigla ang tatlo ng makita ang kinlang guro. Napatingin na lamang si Arlene kay Bianca. Si Nikki naman ay yumuko na lamang para hindi makita ng guro ang pagkagulat. Salamantalang si Bianca naman ay bigla na lamang natawa. Hindi magkatinginan sa mata ang tatlo ng buong klase na iyon sa pagkat alam nila na matatawa lamang sila. Lumapit ang guro sa kanila para malaman ang mga pangalan ng tatlong dalaga. Mabait naman ito kung paborita ka niya. Matapos tanungin ang tatlo ay tumalikod ito para kausapin ang iba pang estudyante na naka-upo sa harap nila Arlene. Yumuko ito at tumambad sa tatlo ang hindi nila inaasahan. Kita ang pangloob ng guro dahil puti na pantalon ang suot nito. Yumuko na lamang si Arlene at pinilit gawing abala ang sarili. Si Bianca naman ay kinakagat na ang libro niya para pigilin ang malakas na pagtawa. Habang si Nikki naman ay tumingin na lamang sa binta at binatukan si Bianca para tumigil ito ng katatawa. Pagkatapos ng ilang buwan ay nasanay na mga ito sa guro kaya bali wala na lamang ito sa kanila. Tuwang tuwa ang tatlo ng matapos ang klase. Pakiramdam nila ay masmahaba ito sa normal na oras ng kanilang mga klase. Naglalakad ang tatlo papunta ng canteen. Isang all girls school ang pinapasukan ng tatlo. Nanibago sina Arlene at Nikki sa mga unang linggo nila sa paaralan. Galing sila pareho sa co-ed schools samantalang si Bianca naman ay nasa all girls school na simula pagkabata. “How could she ask us to make a poem on the spot when all we could see was her butt???” Reklamo ni Bianca sa mga kaibigan. “No choice kaya tayo. Buti na lang madali nakapag-isip si Arlene kahit haiku man lang.” Sagot ni Nikki. Natawa si Arlene sa sinabi ng mga kaibigan. Sa totoo lang ay hindi din niya alam kung saan nya nakuha ang mga sinabi sa guro para sa kanilang tula. “Buti na lang kamo nabasa ko yung ibang sinulat mo kaya pinagsama sama ko na lang.” sabi ni Arlene. “Hay nako! As long as na hindi na uulitin ng bruha na yon yung kanina!” Inis na sabi ni Bianca. “Stop complaining. We know how much you hate that subject but we just have to put up with it.” Naasar ng sabi ni Nikki. “Kumain na nga tayo. Gutom ka lang Nikki kaya nagsusungit ka nanaman.” Nakangiting sabi ni Arlene sa kaibigan. “Libre mo ko!” sabi ni Bianca sa dalaga habang nakangiti ito. “Libre ka dyan! Kami dalawa ilibre mo noh!” Sabay sabay na naglakad ang tatlo sa canteen. Pagkatapos bumili ng makakain ay naghanap ng mauupuan ang tatlo. Sa gilid sila ng malaking bintana kung saan ay matatanaw ang lawa sa tabi ng kanilang school. Pinapanood ni Arlene ang mga nakababatang eskwela na naglalaro sa courts at mga naka-upo sa gilid ng lawa. “Bakit ba… Tayo’y pinaglalayo…” Nagulat ang dalaga sa narinig na pagkanta ni Bianca. Natawa ito sa ginawang iyon ng kaibigan. “Ang baduy mo talaga!” natatawang sabi ni Nikki sa kaibigan. Tinabihan nito si Arlene habang si Bianca naman ay nasa kaibilang tabi ng dalaga. “Ang layo ng tingin mo ngayon ah. May problema ba?” seryosong tanong ni Nikki kay Arlene. “Mukang puyat ka din. Nakausap mo ba siya kagabi?” tanong ni Bianca sa dalaga. “Wala toh guys.” Sagot lamang ng dalaga sa mga kaibigan at nagpakawala ng isang pilit na ngiti. “Alam mo, ikaw pwede ka magsinungaling pero mga mata mo kahit kelan hindi.” Sabi ni Nikki. “Ano ba kasi ang nangyari? Nasa inyo lang kami kahapon tapos nagbibiruan buong barkada tapos ngayon bigla kang ganyan.” “Bru, yang buhay mo. Please lang itigil mo na ang pag-ikot nyan don sa lalakeng yun!” serosong sabi ni Bianca sa dalaga. “Ang dami dami naman ditong lalake.” Hindi na lamang sumagot si Arlene sa mga sinabi ng mga kaibigan. “Guys, kain na lang tayo. Malapit na din mag-resume yung next class natin.” ...Itutuloy... repost ko lang po dahil itutuloy ko na po yung story ![]() sa tagal po na nawala ako dito baka hindi alam kung ano story nito hehehe sana po subaybayan nyo po ito tulad ng suporta nyo sa Childhood Playground ![]() ![]() Thank you po sa pagbabasa! ingat po lagi!
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
higly appreciated po lahat ng comments nyo
![]() comment pa po sana kayo para may feedback po and malaman po qng ano improvements dapat hehe ![]()
sige sis.. subukan kong masubaybayan toh.. alam mo namang busy rin aq.. hehehe.. sensya na ha
![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (68943)Arts & Entertainment (7463) Lifestyle & Culture (3254) Politics & Issues (2881) Poetry & Fiction (9118) Random Thoughts (10022) Forwarded Thingies (7303) FrendzCorner/ShoutOutz (21050) Games & Fun Questions (2325) Patawa Ka Talaga (2235) Tristancafe Musikahan (3709) Careers & Work Stuff (1471) School Matters (3186) Technology & Internet (3930) Classifieds & Advertisements (3505) Tristancafe Halo-Halo (1548) Barangay Tristan (1708) Site Announcements (42) opLuKe_eLaiNe35, dlanor_09, crys04, n0bOdy, supladita09, kheirsey, zhyram_aq, xisprin, and 32 guests Random Love Quotes
|