|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Moondance
Nakatingin na naman ako sa kawalan.Ilang araw na din akong di nagpapakita sa kanya. Sabagay malamang indi naman nya ko hahanapin. Masaya na sya sa buhay nya. Masaya na sya kay Nicole. At ako? Eto, medyo nanghihinayang.
Medyo lang. Unang una, ako ang umayaw sa kanya. Hmmm teka, hindi pala. Hindi ko sinabing ayaw ko sa kanya, Hindi ko rin sinabing gusto ko sya. Kasi sa palagay ko wala din namang patutunguhan. Mas mabuting walang sabihin. Ang labo. Malapit sa imposible. Masyadong kumplikado. Sa kanya na mismo nanggaling, ayaw nya din magkarelasyon sa kin. At palagay ko gusto lang nya talaga ng kausap. Nagkataon na nandun ako kaya ayun, akala nya gusto nya ko. Wow, parang ang sakit sa ego ah. Aaaargh at ganito pala ang epekto sa akin. Wala akong kamalay malay na ang damdamin kong pinipigilan, eto, lumulunod sa katinuan ko. Ipinagtulakan ko sya kay Nicole. Na lagi nyang itinatanggi na gusto nya. Pinaintindi ko sa kanya na di nya dapat hanapin ang pagiging perpekto sa isang tao. Ayun, napaisip ang mokong, malamang sila na. Alam kong wala akong kalaban-laban... Naalala ko sa isang usapan namin, sabi ko sa kanya, yung susunod na lalaking dumating, di ako magaalinlangan, kahit masaktan sisige ako. Wala. Kinain ko lang ang sinabi ko. Di pala masarap nguyain ang mga salitang lumabas sa sariling bibig. Di ko rin kayang lunukin. Lagi kong hinaharangan ang mga pagkakataong lumalapit sya. Sabi ko na nga ba. Abnormal ako. Pero sa totoo lang, masyado lang akong takot (huwaw, kamote, biglang umamin...). Alam ko kasi, dadating yung panahon na magsasawa sya sa kin. Minsan siguro ayos din kung susundin ko ung mga ipinapayo ko sa iba. Lagi kong sinasabi sa kanya na sumige lang. Huwag intindihin ang sinasabi ng iba, basta masaya sya. Yada, yada, yada. Hay, sana kaya ko ding gawin... Di na kami naguusap. Di ko rin alam kung pano na. Wala syang kamalay-malay nagkakagusto na din ako sa kanya. Parang tanga wahaha. Nakakainis. Iniisip ko tuloy, sasabihin ko ba? Pano ba? Alam ko na ngayon ung pinagdaanan nya nung sabihin nyang gusto nya ko hehe. Mahirap pala talaga. Ang hirap umamin. Ang hirap tanggapin. Ay ewan, sisihin ko man ang sarili ko wala din. Di ko naman pwedeng kalimutan na lang. Sana lang ganun kadali. Sana... :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
hmmm... cguro nga mahirap sabihin at aminin sa isang tao na gusto mo xa...
lalo na nga kung d mo sinasadyang mahulog sa knia... pero minsan mas magandang subukan kesa panghabangbuhay mong isipin na pano kaya kung? etc. etc. etc... at magsisi sa bandang huli ![]()
mitchy_angel08
•reply
Aug-6-08@6:30AM
fiction man ito o hindi...
ikaw lang naman ang nakakaalam kung 22o nga ba ito eh... readers lang kami... pero sana aman poh gawin mo kung ano ung dapat mong gawin...
pristine_solstice
•reply
Aug-6-08@6:31PM
kahit malabo pa sa tubig labak?aaaaat di na nya ko gusto.malabo talaga.
mitchy_angel08
•reply
Aug-7-08@2:42AM
awts... nun bah... ahm bat mo naman nasabi na malabo?
pero kung ganun man... ah eh... yaan mo nalang... marami pa aman dian eh...
pristine_solstice
•reply
Aug-7-08@11:12PM
lol labo nga sabi ko sayo.wehehehe kumplikado.malabo dahil masyado syang ...
pero tama ka madami pang iba dyan nyahahaha ung di kumplikado, ung di malabo. sa ngayon magpakasaya sya ng wala ako (huwaw)at ganun din gagawin ko woohoo chalamat sayo
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67527)Arts & Entertainment (7370) Lifestyle & Culture (3199) Politics & Issues (2848) Poetry & Fiction (8918) Random Thoughts (9828) Forwarded Thingies (7233) FrendzCorner/ShoutOutz (20830) Games & Fun Questions (2313) Patawa Ka Talaga (2158) Tristancafe Musikahan (3659) Careers & Work Stuff (1440) School Matters (3131) Technology & Internet (3864) Classifieds & Advertisements (3436) Tristancafe Halo-Halo (1357) Barangay Tristan (1699) Site Announcements (42) Cessy89, blahblah89, bookish, einmj, kevsz, JOHANNLUCAS, mishka_burton, diox8, rechard_guchiriz, jehllaygurl2, and 49 guests Random Love Quotes
|