tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Medyas: A Love Story
posted by (Aug 05, 2008 @ 5:31AM) views: 795


NOTE: Hindi ko po kilala ang mga nasa picture. Nakuha ko lang po sila sa friendster. : l o l :  If ever you know these people kindly extend my apology to them for using their pictures without their authorization. Thank you. : b o w : 

Ang mga nakaraan sa Medyas: A Love Story...

Chapter 1: First Day, First Crush
Chapter 2: Ms. Yu meets Mr. Bernal
Chapter 3: Cyrus' Past
Chapter 4: A hidden message
Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
Chapter 6: Surprise!!!




Chapter 7

Go on or move-on?


Narinig kaya ni Chloe ang sinabi ko? Sana naman narinig niya. Manhid ba talaga un o nagmamanhid-manhiran lang? Ano bang meron ang babaeng un at ginulo niya ng husto ang masayang buhay ko? Hindi naman ako ganito dati ah? Ngayon lagi ko siyang iniisip, lagi akong nag-aalala sakanya at gusto ko rin na lagi niya akong napapansin! Ung para bang hindi niya lang ako pansinin ng isang araw eh guguho na ang mundo ko? Chloe kulang ata ang sampung Advil kakaisip sa'yo! Hanggang sa pagbyahe ko sa jeep ikaw parin ang iniisip ko! Ay putek! Nakalagpas na naman ako sa village namin! Kasalanan mo toh Chloe eh!

"Manong Para!" sabi ko sa drayber ng jeep.

Lumagpas nanaman ako, lagi nalang simula nang makilala ko yang si Chloe. Hay Joshua Garcia ano bang nangyayari sa'yo! Wala akong nagawa kundi lakarin ang papunta sa village namin at sumakay ng tricycle.

"I'm home ma!" bati ko sa nanay ko na katatapos lang magluto at hinalikan ko ang kanyang pisngi.

"Magbihis ka na iho't bumaba at maghahain na ako." sabi ng nanay ko sa akin.

"Yes ma!" sagot ko sakanya. At umakyat na nga ako sa aking kwarto upang magbihis, pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako't dumiretso sa hapagkainan.

"Nagluto ako ng paborito mong menudo. Oh ito anak oh." alok sakin ng nanay ko ng niluto niya.

"Salamat ma. Si kuya?" tanong ko sakanya.

"Dun daw matutulog sa kabarkada niya. Nga pala anak, may nakita ako sa kwarto mo kanina habang naglilinis ah. : n a u g h t y : " nakangiting pagkukwento sakin ng nanay ko na parang may lihim akong nabunyag.

"Ha? Ano un ma?" nagtataka kong tanong.

"Ung picture dun sa kisame sa tapat ng kama mo at ung mga papel papel na ginusot dun sa study table mo. Binasa ko un." sagot niya sakin na para bang kinikilig. Nabulunan naman ako ng marinig ko ang sinabi ng nanay ko.

"Oh anak, napano ka?" sabay abot niya sa tubig at himas sa likod ko.

"Ma? Bakit mo naman binasa ung mga papel papel?" tanong ko sakanya.

"Malay ko ba anak baka importante un at maitapon ko pero love letter lang pala. Para dun ba un sa picture na nakadikit sa kisame mo?" tanong ng nanay ko sakin.

"Hindi po ah! Assignment lang po namin ung mga nakasulat sa papel papel! At ung picture ano... ano... hindi ko alam sino nagkabit nun dun? Di ko nga alam kung paano nagkapicture dun eh?" pagkakaila kong sagot.

"Nagkakaila ka pa. Ung picture nakadikit sa kisame sa tapat ng inuunanan mo tapos hindi mo alam kung paano nagkaroon ng picture dun? Ikaw talagang bata ka." pangiting sabi sakin ng nanay ko.

Ngiti nalang ang sinagot ko sa nanay ko. Hay! Itong nanay ko talaga ang hilig chumismis.

"Tapos na po akong kumain ma. Magpapahinga na ako." sabi ko sa nanay ko nang mailagay ko ang plato ko sa lababo.

"Ay teka anak! Tumawag nga pala si Janine dito, hinahanap ka. Magboxing daw kayo. At meron pang dalawang hindi nagpakilalang mga babae nanaman. Ano ba yan anak ang daming natawag na babae dito? Sino kaya sakanila ung picture sa may kisame ng kwarto mo? : l u v :  " pabirong sabi ng nanay ko.

"Lagot ka kay Janine ma. Inaaway mo. : l o l :  Sige tawagan ko nalang mamaya. Wala nga ung picture ma. Hindi ko alam pano napunta yun dun. Akyat na po ako." sabay halik ko uli sa pisngi ng nanay ko.

Ang kulit ng nanay ko ano? Nagmana sakin un eh. Bakit kaya napatawag si Janine? Matawagan nga.

Si Janine nga pala ang tomboy kong kababata na seatmate ni Chloe. Sayang nga't may ichura pa man din ung si Janine naging tomboy pa.

"Hello pwede po kay Janinay?" tanong ko sa nakasagot ng telepono.

"Joshua?" tanong ng nakasagot.

"Pare ikaw na toh ano?" tanong ko muli sakanya na naghinalang si Janine na ang nakasagot ng telepono.

"Joshua, buti napatawag ka. Kasi.. kasi.. pinapupunta ka ng nanay ko dito sa bahay namin bukas. Birthday niya kasi eh may kaunting handaan." pag-aalok ni Janine.

"Sige pare. Basta ikaw! Pakisabi nalang kay Tita Len advance!" sagot ko sakanya.

"Sige salamat. Bye na may gagawin pa ako eh." at binaba na nga ni Janine ang telepono. Tagal na rin kaming hindi nakapagbabasketbol nung pare kong un ah.

Pagkababa ko ng telepono ay dumiretso na ako ng kwarto at humiga sa kama para magpahinga. Nakita ko ang picture na tinutukoy ng aking nanay at kinausap ito.

"Hay! Paano nga ba kita hindi maiisip buong araw? Eh pagkagising na pagkagising ko ikaw na agad ang nakikita ko! Kahit stolen shot yan, ang lakas parin ng dating mo sakin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko naman kasing si Cyrus ang gusto mo at hindi ako. Nararamdaman ko ring gusto ka rin niya, kaya ano naman ang laban ko dun? Kung anu-anong pagpapapansin na ang ginawa ko para lang ako naman ang pansinin mo at hindi si Cyrus pero wala, taob ako. Pati ung papel na binato ko na sinabi kong pulutin mo eh itinapon mo pa. Ikaw talaga! Ano pa ba ang dapat kong gawin para malaman mong ako talaga ang prinsipe mo at hindi si Cyrus? Na ako talaga ang unang nakakuha ng sapatos mo sa laro natin nung first day at hindi si Cyrus? Kaya ko lang naman binigay sakanya yun dahil gusto kong itago ang isang medyas mo na hanggang ngayon ay na sakin parin at nakatago. Haay!" para akong sira ano? Kinakausap ko ang picture. Nasiraan na ako ng bait dahil kay Chloe eh!


Susuko na ba ako? Kakalabanin ang bespren ko?
O isisikreto na lamang ang nararamdaman ko?

Chapter 7 ended




ito na po ung next chapter.
sensya na kung boring toh. : l o l : 
feel free to comment po. kahit positive o negative.
makakatulong po ang comment niyo sa pag-iimprove ko ng story ko. : b l u s h : 

thank you nga pala sa mga walang sawang nagbabasa at nagpapaalala sakin na iupdate toh. : b l u s h :  : c h e e r : 
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
milfeuille_10    •reply Aug 5, 2008 @ 2:26 PM
 
parang.. una ata ako ah : l o l : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:18PM
: c h e e r :  una ka nga! : c o n g r a t s : 
thanks for : b o o k :  : b l u s h : 
mikai_21    •reply Aug 5, 2008 @ 4:05 PM
 
whaaa bitin nman... : c r y :  : c r y :  : l o l : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:19PM
: l o l :  : l o l :  kailangan talaga may abangan ang susunod na kabanata : n a u g h t y : 
salamat sa pagbabasa : b l u s h : 
medjie00021    •reply Aug 5, 2008 @ 7:17 PM
 
hay, sino naman kea ang makakatuluyan nitong si chloe... hehehe dae pwedeng maging twist... nagugulo din isip ko kc baka matagalan na naman si otor mag-update... : n a u g h t y : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:19PM
: l o l :  sensya na po sa matagal na pag-uupdate busy-busyhan lang si otor : l o l : 
thank you uli sa : b o o k : 
frann17    •reply Aug 5, 2008 @ 9:54 PM
 
: b o o k :  yung joshua : l o l :  inadd nya ko sa fs : l o l :  : b o o k : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:20PM
: b u h o k :  : l o l : 
frann17    •reply Aug 5, 2008 @ 9:55 PM
 
: b o o k :  ganda daw toh sabi ni triplets mikai, kaya : b o o k :  ko na rin : b l u s h :  : b o o k : 
  mikai_21    •reply    Aug-5-08@10:27PM
ang cute kc ng story eh : b l u s h : 
  frann17    •reply    Aug-5-08@10:30PM
: b o o k :  nibasa ko na lahat : l u v :  ang ganda ng story : l u v :  : b o o k : 
  mikai_21    •reply    Aug-6-08@4:25PM
ka2inlab dba? : b l u s h : 
  frann17    •reply    Aug-6-08@7:11PM
oo : b l u s h :  : l o l : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:21PM
salamat sa pagrerecruit ng readers : l o l :  : b l u s h : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:20PM
salamat sa : b o o k :  : b l u s h : 
swt_lil_cuti3    •reply Aug 5, 2008 @ 10:29 PM
 
maganda yung story...nakakasira ng ulo!..pero magiintay paden ako sa next episode!.. : c h e e r : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:22PM
hala nakakasira ng ulo : l o l : 
sira kasi ulo ng otor kaya ganun : l o l : 
thank you thank you : c h e e r : 
frann17    •reply Aug 5, 2008 @ 10:29 PM
 
: b o o k :  "Nga pala anak, may nakita ako sa kwarto mo kanina habang naglilinis ah. : n a u g h t y :  ."
amfutekkk lakas ng tawa ko dun : l o l :  naiimagine ko daw si nanay nya with naughty face : n a u g h t y :  : r o l l :  : b o o k : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:23PM
naimagine ko kasi ung mga nanay na makukulit.
ung mga nambubuko ng anak. : l o l : 
frann17    •reply Aug 5, 2008 @ 10:30 PM
 
: b o o k :  ganda naman : l u v :  : n o t w o r t h y :  : b o o k : 
precious_joy05    •reply Aug 6, 2008 @ 12:53 AM
 
: l o l :  parang ang igsi
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:23PM
para hindi nakakapagod magbasa : l o l : 
salamat : b o o k :  : b l u s h : 
maffelii    •reply Aug 6, 2008 @ 3:05 AM
 
aNg tagal nmaaaaannnnn

nxt na plssss : c r y :  : b l u s h : 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:24PM
: l o l :  saglit lang po. busy pa si otor. nag-aaral. : k a p e : 
post ko agad ung next chapter pag natapos ko na.
salamat for : b o o k :  : b l u s h : 
saint_4_sin    •reply Aug 6, 2008 @ 4:24 PM
 
joshua..akin ka nalang : ? 
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:26PM
: l o l :  : l o l :  : l o l : 
Joshua: mahal mo na ako noh? : l o l : 
thank you sa pagbabasa : b l u s h : 
insanity41    •reply Aug 6, 2008 @ 6:16 PM
 
ang kyut!
nkita ku n ung pic ni xyrus s isng site..
nklimutan ku lng kung saan.. : l o l : 
nxt n po!
  stoo_pid    •reply    Aug-6-08@10:28PM
artista pla yang si cyrus, hindi ko alam : m a d :  : l o l : 
thank you sa pagbabasa : b l u s h : 
tEary_eYes    •reply Aug 7, 2008 @ 2:23 AM
 
ooohhh...parang mas gusto ko chloe and joshua labstori.... : l o l : 
aIszLe    •reply Aug 7, 2008 @ 2:50 AM
 
: n a u g h t y : 
ChugiBear    •reply Aug 7, 2008 @ 4:30 AM
 
: g a l e n g : 
kyut naman.
dark_princezz    •reply Aug 8, 2008 @ 7:48 AM
 
cute naman nung pic ni cyrus... : g r i n : 
lyra14    •reply Aug 8, 2008 @ 8:28 PM
 
waaaaaaaaaah.. c joshua nlng prince nya!!!! : l u v : 
bheby_mhie    •reply Aug 11, 2008 @ 6:25 AM
 
ang ikli..!!!!: ( (
etina0511    •reply Aug 11, 2008 @ 7:44 PM
 
go fight 4 it joshua ehehe tapos akin nah lang c cyrus
anyD    •reply Aug 16, 2008 @ 6:05 AM
 
kawawa naman si fafa josh.. : s a d :  akin ka na lang kung gusto mo.. kung gusto mo lang naman.. : r o l l : 
ceezzanesz    •reply Sep 6, 2008 @ 10:15 AM
 
c chlOe.. bulagsz atah! : l o l : 

kawawa nemen c jOshua! : ( 
maffelii    •reply Sep 11, 2008 @ 8:32 AM
 
: b l u s h : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Moondance
older post:
Chemistry Romance: Episode 2
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com