|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Based on a true story
Chapter 1 http://www.tristancafe.com/forum/153729
Chapter 2 http://www.tristancafe.com/forum/153816 Chapter 3 http://www.tristancafe.com/forum/154149 Chapter 4 http://www.tristancafe.com/forum/154184#c6346227 Chapter 5 http://www.tristancafe.com/forum/154250#c6352610 Chapter 6 http://www.tristancafe.com/forum/154378 Chapter 7 http://www.tristancafe.com/forum/154483 Chapter 8 http://www.tristancafe.com/forum/154884 Chapter 9 http://www.tristancafe.com/forum/154986 Dear readers, I just want to take this opportunity to show my appreciation to all of you. Let me start by saying thank you to misz_masungit who uttered chaka.. (alin ang chaka? Ang story o ako?ehem.. ^_^ ), to medjie00021 who always thank me whenever I post an update of this story (I hope you like it.. ), drexel1718 (he became my regular customer este patron pala of Vincent’s love story..hehe!*chuckle) aiszle (she was ecstatic when she saw her name here in my post. Huwag magtaka my dear because it’s a form of showing how grateful I am to my supporters.), kay sweet tooth19 na di na daw pala bata..ehe.( Mahaba pala? Sige mas maikli this time you like? Hihi..),candymeg who flooded with “adik” comments.. (sinong adik?? Ako o si Vincent??) to mommy anyD who supported me. (sa iyo yata ako nagmana? )kay lila82 (nice seeing you again, thanks for reading!), sa aking no.1 adik, I mean avid fan na si Kelvin..(di ako adik.. nakahigh lang.. hahaha. )to sarah who said love it with a smiling face.(thanks sweetie for the sweet comment!), to French_smile who wanted a copy of this story..(sandali po di pa kasi ito tapos.. abangan mo pa sana ito.. ) and to my sister and friends here in TCAF, thank you very much.. I give you this another chapter of Vincent’s love story.Read on.. With love, LARA aka Iversonkoh24 Continuation.. Umaga na pala, napasarap ang tulog ko sa tulong ng beer. Masigla akong bumangon mula sa aking higaan para tingnan ang sarili sa salamin. E ano kung may boyfriend ka na Jess? Di lang naman ikaw ang babae sa mundo. Makakahanap din ako ng magmamahal sa akin. Hindi ako magiging bitter sa nangyari. Makapagligpit na nga ng higaan. Mabibilis ang aking mga kilos. Nakapaghanda ako kaagad ng almusal. Mauupo na ako ng tumunog ang celphone ko. Mamaya ko na lang babasahin. Gutom na ako. Wala akong kain kagabi dahil sa nangyari. Beer at pulutan lang ang laman ng aking tiyan mabuti na lang di ako nagsuka. Pagkatapos kong makakain, naligo ako na ako’t nagbihis. Ilang sandali lang ay handa na akong pumasok sa office. Nasa jeep na ako ng maalala kong may nagtext pala sa akin. Wala sa loob kong binasa ang mensahe galing kay … Jess! Vince, mztah na? Bat d u nagttxt sakin? Glit kba? Sender: Jess +639095622706 Sent: 07:10:30am 5-25-06 Di ko alam kung ano ang dapat kong isagot kay Jess. Sasabihin ko ba sa kanya ang mga nakita ko? Ipapaalam ko ba na nadisappoint ako sa kanya? Matagal bago ko naisend ang text ko sa kanya. Jess, bat me mga2lit sau? Anong reason? Naghintay ako sa kanyang isasagot. Medyo matagal din bago siya nakapagreply. Malapit na akong bumaba ng tumunog ulit ang celphone ko. I’ve got 2 tel u somethin’ Vince.. pero d pa sguro ito ang ryt tym. Pg kya n ktang hrapin, ittxt kta, mgkta tau. Sender: Jess +639095622706 Sent: 07:45:03am 5-25-06 Di ko na nakuha pang sagutin ang text nyang iyon. Jessica kahit di na tayo magkita pa, alam ko na ang sasabihin mo sabi ko sa loob loob ko. Habang naglalakad ako papasok sa office ng may tumawag sa pangalan ko. “Vincent! Kumusta naman ang restday?”, bati sa akin ni Joy. Nakangiti si Joy sa akin, naisip ko na siguro wala ng gumugulo sa kanyang isipan. Naisip kong namiss ko ang kanyang ngiti. “O-Ok naman. Namasyal lang ako sa ibang mall kahapon. Nakakasawa na rito sa atin e. Para maiba naman di ba?” Nautal ako sa aking unang sinabi. Ewan ko ba, parang kinabahan ako pagkakita ko kay Joy. “Ganun ba? Sabagay, dito kasi tayo nagtatrabaho e. Sa restday ko din, yun ang gagawin ko.. and speaking of iba, Benz parang may bago sa iyo, bagong gupit ka!” Tiningnan akong maigi ni Joy, para akong mauupos na kandila sa hiya. Umiral na naman ang pagiging mahiyain ko. Wala akong maisagot, yumuko na lang ako. “In fairness, bagay mo Benz! Mas lalong bumagay sa iyo.” “Ah e, Joy salamat sa papuri,feeling ko nga di ko bagay e.” Di ko namalayan na malapit na kami sa kanya kanyang department. “Benz, bagay sa iyo tapos! Anyway, sabay ulit tayo mamaya ok? Ako naman ang manlilibre. See you.” Kumaway pa sya bago pumasok sa pinto. Ako naman ay ngiting ngiti habang papasok sa department namin. Nakita ko si Arsenio na nakaupo na sa kanyang cubicle. “Pare kumusta? Parang walang nangyari ah?”, gagad nyang tanong pagkaupo sa aking sariling cubicle. “Syempre pare, napagisip isip kong tama ka. Pride lang ang nasaktan di itong puso ko.”, sagot ko habang inaayos ang mga inventories sa mesa ko. “Yan pre, dapat ganyan ang isipin mo. Mga babae lang yan..”,pagkasabi nun ay luminga linga si Arsenio. “Pare lagot ka kapag narinig ka nung girlfriend mo.”,napapailing kong sagot. Naging magaan ang trabaho ko nung umagang iyon. Walang mababakas na anumang nangyari sa akin kagabi. Nagkasabay din kami ulit sa lunch ni Joy na parang walang nangyari. Sabay din kaming umuwi. Hinahatid ko pa siya sa bahay nila. Di maiwasan ang tuksuhan pero tawa at kibit balikat lang ang laging sagot ni Joy. Ako naman ay puro iling na lang. Nagsawa na rin ako sa kakasaway sa kanila. Sa mga nagdaaang araw ay napapansin kong lalong gumaganda sa aking paningin si Joy. Kapag nakikita ko naman siya’y kinakabahan ako. Isang gabi habang naglalakad kami pauwi sa kanila, di ko inaasahan ang tanong nya sa akin. Nasa may gate na kami ng nagtanong sya sa akin. “Benz, may balak ka bang ligawan ako?”,bigla nyang tanong sa akin. Natameme ako sa aking narinig. Di ko inaasahan yun. “Ha, e..” Di ko malaman ang isasagot ko nung mga sandaling iyon. Meron nga ba? “Benz, ok lang huwag mo ng sagutin. Goodnight!”sabi nya na nakangiti ng sobrang tamis sa akin. Nakauwi na ako pero di pa rin ako makatulog sa sinabi nya. Hint ba iyon na gusto nya rin ako? Bakit kaya nya tinanong sa akin yun? Sabagay, lagi ko syang hinahatid pauwi. Lagi rin kaming sabay kapag lunch time. Aamin na ba ako sa kanya o hindi? Naisip kong ligawan sya pero nagaalinlangan ako. Natatakot ako na baka tulad din sya ni Jess na paglalaruan lang ako’t paaasahin. Ah! Ewan.. Nalilito ako! Malalim na ang gabi pero siya pa rin ang laman ng isipan ko. To be continued.. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
well, well, well.. masubukan nga if makakalusot comment ko sa proxy..
![]()
ayon.. nakalusot.. humanda ka ngayong post ka.. flood ka sakin.. mabilis lang ito kasi may iniiwasan ako.. yung IT namin, baka madetect ako..
![]()
ayon, as usual.. saludo paren ako sa otor for a job well done.. ganda na naman ng chapter.. kakabitin paren as usual pero it's the factor that keeps me wanting more..
![]()
hoy hoy hoy.. ako ang original suki ng storyang ito.. swerte lang ang mga nauna magcomment sakin dahil nablock tcaf ko dito sa opis.. pero im here,.,. ako na naman ang una...
![]()
anyway, otor, keep it up.. ganda ng pagkakagawa mo ng storya ni vince na kahit minsan eh hindi pa namin nakita na nagparamdam.. multo ba yun?
![]()
job well done otor.. ganda talaga ng story...
one thing lang... we wnat more.. more.. more... hehehe
otor, we really appreciate po the effort sa paggawa mo ng super ganda na story na ito.. idol kita.. idol ka namin... pero....
![]()
pano, belaaat na lang sa mga nauhuli magcomment...
takas na ako.. baka masisante naman ako sa ginagawa ko.. hehehebottomline is, nice job otor.. ![]()
mga kasama, ipressure natin si otor..
samahan niyo ako.. next na chapter 11 ![]() next na chapter 11 ![]() next na chapter 11 ![]() next na chapter 11 ![]() ![]()
oh, siya.. sa mga pareho kong adik ng story na to, have fun reading.. and enjoy..
takas na si kelvin adeek.. peace out.. nice job otor...! ![]()
kelan p nging Benzent c vincent? ngayon lng b sya tinawag n ganun??? haba n nmn... still, can't help but to read it..talented tlga ang otor... ![]()
Iversonkoh24
•reply
Aug-5-08@5:08AM
nyahaha, sa mga nagtanong kung bakit benz ang tawag ni Joy kay Vincent.. refer to the past chapters, Thanks po!!
sweet_tooth19
•reply
Aug-5-08@5:22AM
alam mu ung pg s teleserye..
minsan naiinis ka n kc sabado at lingo ky wala muna then, minsan prng ayaw m ng sundan kc nahook kn tlga.. ay kaloka! huli m (anu b term..?) bsta ung followers mo, we can't help but to ask for more
Iversonkoh24
•reply
Aug-5-08@5:47AM
hahaha.. thanks tlaga kung ganun.. ehehe..
well, baka mamaya ko pa gawin ang next chapter.. kaya di ko na nachecheck kung mali ba ang pagkakatype ko. kasi fresh from my brain pa yan.. lolz..
afTEr 3 yRs!!! yeheeeyy!! nxt n!! nxt n!! go!
Iversonkoh24
•reply
Aug-5-08@5:09AM
thanks aiszle!!hehe.. naku sorry naman.. brainstorming ang drama ng lola nyo.hehehe..
@kelvin
adik ka nga!!di ako nagkakamali.. pero dahil dyan. ako sau.. hahahaha!sige lang iflood mo pa ng mga comments ito.. hihihi.. ![]()
“Benz, may balak ka bang ligawan ako?”,bigla nyang tanong sa akin.
--> assuming si joy.. ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67770)Arts & Entertainment (7386) Lifestyle & Culture (3208) Politics & Issues (2851) Poetry & Fiction (8949) Random Thoughts (9866) Forwarded Thingies (7245) FrendzCorner/ShoutOutz (20871) Games & Fun Questions (2321) Patawa Ka Talaga (2170) Tristancafe Musikahan (3675) Careers & Work Stuff (1450) School Matters (3140) Technology & Internet (3880) Classifieds & Advertisements (3455) Tristancafe Halo-Halo (1380) Barangay Tristan (1702) Site Announcements (42) bes0205, ranjeeta, lyra14, blackbaby, joeljames007, Nohart2bHurts, nitrobioxy, Ms_Big_Butt, hunnie_bhie, and 50 guests Random Love Quotes
|