tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 18 (Reprise Final Chapter)
posted by (Jul 30, 2008 @ 11:11AM) views: 236
Previous Links




CHAPTER 18

One Winged Angel

Alas-dies ng umaga – tapos na ang klase nina Jillia sa Arts and Humanities I at may break siya nang hanggang alas-dose. Nguni’t nasa kani-kanilang klase pa sina Alfredo, Chito at Rei kaya bubunuin niya ang buong oras na iyon nang mag-isa na bagay na kinababagutan niya tuwing sasapit ang araw na iyon, at bagama’t maaari naman siyang makisama sa kaniyang mga kaklase’y mas gusto niya na hindi kasama ang mga ito dahil madalas nagiging atraksyon siya, at naasiwa siya sa ganoon.

Nagpasya siyang lumagi muna sa SELAMS office. Doon ay itutuloy niya ang mga iba pang gawain sa opisina na hindi pa natatapos, at pagpatak ng alas-once na lang siya bababa para mananghalian. Pagpasok niya sa opisina’y binati agad siya ng nag-iisang estudyante roon na kasalukuyang nakapuwesto sa counter; si Shelley.

‘Good morning Jillia! Lookung busy as usual?’ Bati ng babae sa counter.

‘Sort of. Medyo matagal pa kasi ang break ko so I thought I will work on some things here to eat up some time before lunch.’

‘That’s our Jillia to ya! Maiba ako, kumusta naman ang newly crowned Ms. CEU? I heard from the boys that Clifford was there last night para mag-judge sa pageant?’

‘Why are you asking me that? Hindi ba dapat nasa coronation night ka rin kagabi?’ Nagtatakang tanong ni Jillia sa kausap.

‘Well, I should have. Pero umatake nanaman kasi ‘tong asthma ko kaya hindi ako nakapunta, kind of a let down you see? Anyway, kuwentuhan mo naman ako sa nangyari kagabi! I heard that you and that hunk went out together after the coronation kaya hindi ka nakadalo sa victory party niyo kagabi! C’mon! Tell me!’

‘No, we didn’t. Ang sabi niya kasi busy pa raw siya sa mga practices nila at kailangan niyang gumising ng maaga kinabukasan.

‘Awww man! Ganu’n gano’n na lang ba ‘yon?! And here I am expecting a nice juicy story from you and you’re telling me that crap of an excuse?! C’mon, cut me the suspense would ya?!’

‘Are you deaf or what? I said nothing happened! What do you expect?’ Iritang naupo na siya sa kaniyang cubicle.

‘Eh baka wala ka kasing ginawang move kaya akala niya hindi ka interesado? You should loosen up a little! Nasa tabi mo na ang grasya dinededma mo lang?! Sige ka, baka pagsisihan mo ‘yan at maagaw pa siya ng iba diyan! You know naman someone here na patay na patay sa kaniya at balita ko galit siya sa’yo dahil inagaw mo na nga sa kaniya ang korona, inagaw mo pa sa kanya si Cliff?!’

‘You know Shelley, it’s not good to eavesdrop on someone’s closet! Pagmumulan lang yang ng gulo. At tsaka paki ko kung inis siya sa ‘kin dahil lang sa nakuha ko ang korona? If she would ask me nicely, I’ll be glad to be rid of it. I don’t care! At kung gusto man niya si Cliff, well problema niya na ‘yon.’

‘Ahah! That’s what you’d expect from a beauty queen! Ha! Ha! Very well said!’ At pumalakpak pa.

‘And you shall stop eavesdropping you hear?!’ Tinuro pa niya si Shelley mula sa kinauupuan niya.

‘No can do miss! I’m a journalist and you are as well! At bawat hard news at gossips dapat alam ko! Trabaho natin yan no?!’ Depensa naman nito.

‘But you’re getting overboard! Wala na sa Journalist’s Code of Ethics yang ginagawa mo eh!’

‘You’re just exaggerating things! Well enough of that nonsense, so kung hindi mo pala kasama si Cliff kagabi, eh saan ka nagpunta pagkatapos ng pageant? Don’t tell me nakipag-date ka sa iba?’

‘Well! What if I tell you I did?’ Parang nanunukso pa ang pamumungay ng mata nito.

‘Y-you did?!’ Nanlalaki pa ang mga mata nito sa pagkamangha.

‘Pero hindi naman ‘yun gaya ng isang romantic date! Call it a quiet moment between special friends!’

‘Special friends?! Magkaiba ba ang best friends sa special friends, huh?’

‘Obvious ba?! Just look at the spelling, duh!’

‘Huwag mo kong pilosopohin bruha! Sino ba itong special friend mo? Is he cute? Mas guwapo ba siya kay Cliff? Ano?’

‘Yes! He’s handsome! And he has such beautiful eyes… so angelic… so serene… with so much kindness… I can almost feel heaven just looking into them, and all my fear, and agony were washed away… You know what? I’m almost certain that he’s my guardian angel, sent to me by the heavens to guide me and protect me… and as long as he’s around I needn’t worry about anything!’

‘Oh brother… there she goes again! Hindi kaya gutom lang ‘yan? Kumain ka na kaya? Anyway, maganda nga ang mga mata niya, eh ang figure at ang height, okay naman ba or baka naman hipan ko lang ‘yon lilipad na?!’ Sa tono nito’y parang nanunudyo.

‘Why should I tell you?! Basta para sa ‘kin siya ang guardian angel ko! And don’t dare badmouthing him or you’re gonna get it from me, got that?!’

‘Oooohhh!!! I’m sooo scared!!! Man, you’re such a weirdo!’

Natigil ang pag-uusap ng dalawa ng biglang may pumasok sa opisina.

‘Speak of the devil!’ Pabulong na nasambit ni Shelley ng makita kung sino ang pumasok na iyon.

‘Shhhhh!!! Keep it down!’ Pananaway naman ni Jillia kay Shelley, bagama’t pabulong.

Palakad na lumapit ang naturang babae kay Jillia. Ang babaeng iyon ang tinutukoy ni Shelley na may galit sa kaniya; si Robbie.

‘Jillia, puwede ka bang maabala sandali?’ Malamig ang tono nitong sabi.

‘Sure, what is it Robbie?’

‘May meeting kasi tayong mga members ng COMPASS club sa GDLSC. Pinapupunta tayong lahat don ni Sir Rick.’

‘A COMPASS meeting? I’ve never heard of such meeting since this morning?’ Sabad naman ni Shelley.

‘Biglaan ang announcement ng meeting at tanging mga officers lang ang ipinatatawag. Is that clear, Shelley?’ Waring may matalim na patama iyon kay Shelley.

‘Oh, I see! Well, fair enough!’ Sabay irap dito.

‘So, Jillia, sumabay ka na sa ‘kin do’n. Sir Rick doesn’t want to be kept waiting.’ Baling naman ni Robbie kay Jillia.

‘Ganu’n ba? O sige, hintayin mo ko sandali’t magliligpit lang ako ng mga gamit ko.’

‘There’s no need. Sandali lang naman tayong imi-meet ni Sir Rick eh, kaya puwede mo na munang iwan ‘yan diyan.’
Nagkatinginan pa sina Jillia at Shelley sa sinabing iyon ni Robbie. ‘Is that so? O-okay, let’s go then.’

Nauna si Robbie na lumabas ng opisina. Bago tuluyang lumabas si Jillia’y humabol pa sa kaniya si Shelley. ‘Watch your back sis! I have a BAD feeling about this!’ Pabulong na sabi niya rito.

‘You think too much! Tigilan mo na kasi ang pagbabasa ng mga detective novels, wala na sa lugar ‘yang paghihinala mo!’

‘Of course not, silly! Basta mag-ingat ka na lang!’

‘Alright already, you’re starting to sound like my mommy!’

Habang naglalakad sila ni Robbie, kinausap niya ito, para hindi ito makahalatang asiwa siya rito.
‘Umm… tanong ko lang no? P-para saan ba ang meeting nating ‘to at biglaan naman yata?’ Pasimple niyang tanong.

Ngunit wala itong tugon at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Animo’y nagbingi-bingihan gayong isang hakbang lang naman ang agwat nilang dalawa. ‘Don’t feel like talking huh?’ Pabulong na sabi ni Jillia sa sarili. Hindi na nagtanong pa si Jillia at tuloy-tuloy na lang din na naglakad sunod kay Robbie. Nang sapitin nila ang GDLSC mini theater biglang nagtakip ng ilong niya si Jillia:

‘Ummph! This place reeks! Don’t they ever clean up?!’ Umento niya sa malakas na amoy ng gasolina sa loob ng mini theater.

‘Don’t worry, it won’t take long… dahil sa ilang saglit, magiging kaamoy ka na ng gasolina pagkatapos!’

Huli na para malaman ni Jillia na isang set-up lang ang lahat at naramdaman na lang niya ang malakas na paghataw ng isang matigas na bagay sa kaniyang likuran at siya’y nawalan ng malay.

‘Ngayon! Tingnan natin kung makilala ka pa nila dahil siguradong matutusta ka na parang uling!’ At pagkatapos ay sinindihan ang isang lighter at inihagis iyon malapit sa mga silya. At dahil puno na ng gasolina ang paligid ay madali itong nagliyab. Perpekto ang set-up pagkat sira na ang smoke detector sa loob, at dahil dito’y maaaring huli na bago pa malaman ng iba na nasa labas ang sunog sa loob ng mini theater. ‘Sweet dreams princess! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!’ At nilisan ni Robbie ang teatro at ikinandado pa iyon.

Samantala, katatapos lang ng klase nina Alfredo, at kasama sina Chito at Rei lumabas ng CEU ang tatlo para mananghalian.

‘Haaa!!! Sa wakas bell na! Parati talaga akong ginugutom sa loob ng kuwebang ‘yun! O pa’no guys? Sa’n ba tayo kakain ngayon?’ Si Chito.

‘Baka hindi ako makasama sa inyo ngayon. May bibilhin kasi ako sa may Avenida eh.’ Saad naman ni Alfredo.

‘May bibilhin daw?! Baka may imi-meet na chick kamo! Kala mo ha?! Gasgas na yang diskarte mo!’ Panunukso naman sa kaniya ni Rei.

‘Huwag kang mag-alala Rei. Trabahong matino ito ngayon. Tsaka kung may kakatagpuin man ako kayo muna ang magsasabi sa ‘kin.’ Ganti naman ni Alfredo.

‘O? Ano nanaman yung pinag-uusapan niyo? Parang wala kayong kasama dito ah?! Share niyo naman!’ Sabad ni Chito sa dalawa.

‘Heh!!! Wak kana baho!’ Baling ni Rei kay Chito.

‘O siya mauna na muna ako sa inyong dalawa! Mahalaga kasi itong bibilhin ko eh. Pero susubukan kong humabol sa inyo mamayang kumain.’

‘O sige na nga! Be sure to catch up! Kundi uumbagin kita!’ Pautos na sinabi ni Rei sa binata.

‘Okay boss! He! He! He! O sige na, hanggang mamaya!’ At patakbong humiwalay na sa kanila.

‘Uy! Bruha! Sabihin mo na kasi kung ano yung pinag-uusapan niyo kanina!’ Pamimilit ni Chito kay Rei habang naglalakad sila papunta ng canteen.

‘Careful what you call me fat ass! O sige na, sasabihin ko na! Ito kasing kaibigan mo nakipag-date kay Jillia kagabi!’ Abot tainga ang pagkakabuka ng kaniyang bibig.

‘Si Alfredo nakipag-date kay Jillia?! Tama ba ‘ko ng rinig?!’

‘Lintik kang baboy ka, ayaw mo namang maniwala! Totoo!’

‘Niyaya ni Alfredo si Jilliang makipag-date?! Imposible naman yun! Buti pumayag siya?!’ Hindi pa rin siya makapaniwala na ang mga mata niya pa’y mulagat na mulagat.

‘Kasi ganito ang nangyari!’ Lumapit si Rei kay Chito at binulungan ito.

‘Ahhh!!! Kaya pala pinapunta siya ni Jillia sa back stage, pagkatapos ng pageant kagabi dahil ‘dun ah?! He! He! Magandang tsismis ‘to! Yari yang Alfredo na ‘yan mamaya sa’kin! He! He! He! He!’

‘Pero alam mo, medyo curious ako kung bakit niyaya ni Jillia si Alfred na lumabas, at ano ang ginawa nila buong gabi! Normally, she wouldn’t ask a guy to go out on a date, just like that, and at so late at night! Sure, Alfredo’s a lot more than meets the eye.’

‘Pero hindi ka dapat mag-alala. Kilala ko ang pare kong ‘yan at makakasiguro kang wala siyang gagawing kababalaghan o ano man! Magugulat siguro ako kung sakaling maging sila! Pero sinasabi ko sa’yo; kahit ilang punas pa ang gawin mo sa poong Nazareno hinding-hindi mangyayari ‘yun! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!’

‘Well personally, I wouldn’t mind kung magustuhan man ni Jillia si Alfredo, huwag lang sa Clifford na ‘yon! Yun nga lang gaya ng sabi mo, Alfredo’s such a dumb geek, so I doubt they would make a perfect match!’

‘Sinabi mo pa! Bading ‘yun eh!!! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!’

‘Although I’m very sure that he’s not a green-minded as you!’

‘Heh! Kundi ko pa alam may gusto ka rin sa ‘kin eh! Sori ka, hindi ko tipo ang mukhang lalakeng babae!’ Sabay irap ditong maloko.

‘Yuck! Kapal! Umm!!!’ Binatukan niya ito.
Nasa kalagitnaan ng pagtatalo ang dalawa nang biglang tumunog ang bell.

‘Huh? Nag-bell ulit? Di ba kabe-bell lang kanina?’ Si Rei.

Kasunod noo’y bulto-bultong mga estudyante ang nagmamadaling nagtakbuhan patungo sa North Gate. At sa puntong iyo’y bahagyang kinabahan ang dalawa.

‘T-teka teka! Parang di na tama ‘to ah?!’ Pursigidong malaman ang sitwasyon, biglaang hinablot sa braso ni Chito ang isa sa mga estudyanteng napadaan sa kanila: ‘Hoy teka nga?! Ba’t ba kayo nagtatakbuhan?! Anong meron?!’ Bulalas niyang may halong tensyon.

‘At kayo?! Bakit nakatanga pa kayo dito?! Bilisan niyo nang lumabas dito! Nasusunog ang CEU!!!’ Tila naghihisterya nang sabi ng estudyante at saka nagpumilit pumiglas sa pagkakahawak sa kaniya ni Chito.

‘Ano?! Buwisit, kailangan kong makuha si Jillia!’ Akmang hihiwalay na siya kay Chito nang bigla siyang pigilin nito.

‘Ano ka ba?! Wala na tayong oras maggagala pa sa mga oras na ‘to! Halika na!’

‘No! I have to get her first! Let go of me!!!’ Pilit nagpupumiglas si Rei sa pagkakahapit ng kamay ni Chito sa braso niya.

‘Huwag ka ngang mag-panic! Huminahon ka lang! Siguro naman kasama na rin niyang nakatakbo yung iba pa! ang importante ngayon makalabas na rin tayo!’ Hindi na niya hinayaan pang makapagsalita si Rei at kinaladkad niya na lang ito pababa ng hagdan.

Nakalabas namang ligtas sina Chito. Agad namang humiwalay si Rei sa binata para hanapin si Jillia. Sa kakatakbo niya’y nasalubong niya si Shelley.

‘Shelley, nakita mo ba si Jillia?! Nasa’n na siya?!’ Hawak niya sa magkabilang balikat si Shelley na naghihisterya na.

‘No! She’s not with me when I came out! Magkasama sila ni Robbie kanina papuntang GDLSC p-pero hindi na siya bumalik sa opisina hanggang sa may sumigaw na lang na may sunog!’ Maluha-luhang tugon ni Shelley.

‘Anong sabi mo?! Eh si Robbie?! Nasa’n siya?!’

‘H-hindi ko rin alam! H-hindi na rin siya bumalik sa office nung time na ‘yon!’ Ngayo’y lumuluha na ito.

‘Gaga ka talaga! Bakit mo siya hinayaang mag-isa kasama ng babaing ‘yon?! Wala ka talagang kuwenta!!!’ Masusuntok n asana ni Rei si Shelley kung hindi lang naagapan ni Chito ang kamay nito:

‘Tumigil ka na!!! huwag mo siyang pagbalingan, wala ka na sa katwiran! Ano’ng magagawa ng pag-aamok mo diyan, sa paghahanap kay Jillia?! Maging positibo lang tayo, baka naman nakalabas na siya nang mas maaga kaysa sa ‘tin! Hanapin na lang natin siya!’

‘Oh… Jillia… Jillia… b-baka natatakot siyang mag-isa ngayon! B-baka nasa panganib na siya!’ Tuluyan nang nilukob ng takot si Rei at napahagulgol na lang sa balikat ni Chito.
‘Grrrh!!! Asar! Ba’t ba nangyari pa ‘to?!’ Napakuyom ng kamao si Chito. Hindi rin niya malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.

Samantala, sa nagliliyab na mini theater, muling nagkawisyo si Jillia. Gegewang-gewang pa siya habang pinipilit na iayos ang sarili, at nang makabawi ng kaunting lakas ay saka niya napagtanto ang sitwasyon. Nagimbal siya – halos lamunin na ng apoy ang buong silid, kaya’t kahit mahilo-hilo pa’y pinilit tumayo ng dalaga upang tumakas. Ngunit nang subukan niyang buksan ang pinto’y hindi niya ito maitulak at napansin niyang nakakadena ang pinto mula sa labas. Natataranta man, pinilit niyang itulak ang pinto gamit ang natitirang lakas ngunit balewala. Nagsisigaw siya para humingi ng saklolo nguni’t wala nang natitira pang tao roon na makakarinig sa kanya.


Unti-unti, dahil sa init ng silid at sa sobrang daming usok na nalanghap niya, bumigay ang katawan ni Jillia at bumagsak sa tapat ng pinto:

‘N-no… I… I don’t want to die… not… now… oh… A-Alfred…’

Sa mga oras ring iyon, nasa gawing FEU na ang nalalakad ni Alfredo; pinili niyang lumakad para makatipid sa pamasahe. Habang naglalakad, napukaw ang kaniyang atensyon ng isang fire truck na humaharurot patungo sa direksyon ng Legarda. Huminto siya’t tumingin sa direksyong iyon, at waring isang masamang kutob ang bigla’y sumipa sa dibdib niya. Minabuti niyang bumalik sa CEU upang makatiyak.

Pagdating pa lamang niya sa Legarda intersection ay bumulaga na sa kaniyang harapan ang mahabang linya ng mga estudyanye ng CEU. Lalong lumakas ang kabang nararamdaman niya, at sumagi agad sa isip niya sina Chito, Rei at Jillia. Pasugod na siya papuntang CEU nang maramdaman niya ang isang kakaibang sensasyon – Katulad ito noong mawalan siya ng malay noong nasa quiapo siya. Wala sa loob niyang mapatingin sa kanyang likuran at doon nakita nanaman niya ang mahiwagang manghuhula:

‘Dito magsisimula ang lahat… bagaman hindi mapipigil ang agos ng panahon, at ang pagpapaanod sa agos ay mangahulugan ng kamatayan… ngayon, handa ka na bang harapin ang iyong tadhana?’

‘Ikaw nanaman?! Bakit sa mga pagkakataong ito pa?! Ano ba ang gusto mong sabihin sa ‘kin?!’ Naghahalo na ang pagkalito at takot sa puso niya.

‘Ang lahat ng kasagutan sa iyong mga agam-agam… ang iyong mga kahilingan… ang iyong mga pangarap… ang iyong katauhan… lahat ng ito’y masusumpungan mo rito… anuman ang iyong gagawin, iyon ang magtatakda ng iyong tadhana…’

Kakausapin pa sana ni Alfredo ang manghuhula nguni’t dahil sa komosyon nawala na ito sa paningin niya.

‘Patakbo niyang tinungo ang north gate ng CEU. Hindi pa siya nakakalayo ay hinarang na agad siya ng dalawang fire truck na nakaparada sa daraanan niya – tuluyan nang nilukob ng pagkatakot si Alfredo nang tumambad sa kanya ang maitim at makapal na usok mula sa gate. Agad niyang hinanap sina Chito at Rei sa mga kumpulan ng tao roon. Hindi nagtagal nakita niya rin ang mga ito:

‘Chito! Rei! Mabuti nakalabas kayo!’ Bahagyang humupa ang kaba sa dibdib niya.
‘Alfredo si Jillia, hindi namin siya makita!’ Humahagulgol na pagsalubong ni Rei kay Alfredo.

‘A-ano?! Pero baka naman nakalabas na siya?! H-hindi ba?!’ Muling nabuhay ang kaba sa dibdib niya.

‘Hinanap na namin siya kung saan-saan… p-pero hindi namin siya nakita. Kung nakalabas nga siya, makikita namin siya agad… P-pare baka – ‘

‘Hinde!!!’ At bigla’y napalingon siya sa nasusunog na gusali. Hindi man siya sigurado nguni’t malakas ang kutob niyang nasa loob pa si Jillia – at nanganganib siya.

Luminga-linga si Alfredo sa paligid, at nang mamataan ang isang helmet mula sa isang nakaparadang motorsiklo’y kinuha niya ito. Pagkatapos, kinuha rin niya ang lona na nakatakip sa isang kotseng katabi ng motorsiklo. Sunod nito’y nagpabasa siya sa tumatagas na tubig mula sa fire truck na nakaparada roon at walang pag-aalinlangang sinugod ang nasusunog na gusali, at dahil abala sa kanilang ginagawa’y hindi na siya napigilan ng mga rumerespondeng bumbero roon.

Pagpasok sa loob, pinuntahan niya ang canteen sa parent’s lounge at doo’y kinuha ang isang fire extinguisher na hindi pa nagagalaw, na marahil sa taranta ng mga tao’y hindi na nila nagamit. Wala siyang ideya kung saan hahanapin si Jillia, ngunit sa isip niya, kung nasa panganib nga si Jillia’y maaaring nasa lugar siya kung saan nagmumula ang apoy, kaya’t maaaring nasa GDLSC siya.

Gamit ang helmet at lonang pinuslit niya kanina’y sinuong ni Alfredo ang makapal na usok sa GDLSC building. Bahagya siyang napaatras nang makarating na siya sa mismong nasusunog na silid. Binugahan niya ng fire extinguisher ang nagliliyab na pinto. Pagbukas niya ng pinto’y, naroon nga si Jillia’t nakabulagta sa sahig. Agad niyang dinaluhan ang dalaga at sinuri ang pulso nito – bahagya siyang nahimasmasan nang matiyak niyang buhay pa ito.

‘Salamat sa diyos! Huwag ka nang mag-alala, ilalabas na kita rito!’ hinubad niya ang suot na helmet at isinuot iyon kay Jillia. Ibinalabal din niya sa dalaga ang lonang gamit niya para protektahan ito – ngayo’y wala na siyang kahit anong pananggalang.

Binuhat niya ng kaniyang mga bisig si Jillia sa halip na pasanin niya ito sa likuran upang hindi siya tamaan ng kung ano mang debris na maaaring mahulog mula sa kisame. Sa mga sandaling iyo’y hindi na niya alintana pa ang kaniyang kaligtasan; ang mahalaga’y mailabas niya ang dalaga roon. Hindi pa man siya nakakahakbang palabas ay biglang bumigay ang kisame at wala na siyang pagkakataong umilag pa kaya’t sa huling sandali’y ipinananggalang niya na lamang ang sarili sa dalaga. Napahiyaw siya sa sakit nang tumusok sa tagiliran niya ang isang natunaw na bakal. Bahagya siyang napaluhod, na halos mabitiwan na niya si Jillia. Ramdam niya ang pag-agos ng sariwang dugo sa tagiliran niya at anumang oras ay maaaring bumigay siya.

‘H-hindi… anong mapapala ko kung mamamatay lang kami pareho dito…hindi maaari… hindi mo ko mapipigilan!!!’

Hinugot ni Alfredo ang natitirang pang lakas upang buhatin si Jillia at patakbong lumabas sa nasusunog na silid. Niragasa niya ang nasusunog na pasilyo; di alintana ang mga debris na tumatama sa kaniyang katawan hanggang sa wakas ay nakalabas sila. Nagbunyi ang mga tao nang makita siyang lumabas kasama si Jillia. Agad naman siyang dinaluhan ng ilang rumespondeng paramedics, at sina Chito at Rei:
‘Ang galing mo tsong!!! Hindi ko akalaing sa liit mong ‘yan nagawa mo ‘yun! Talagang mana ka sa ‘kin! Ha! Ha! Ha! Ha!’ Tinapik-tapik pa nito sa balikat si Alfredo.

‘You did it Alfredo! You really did it!!!’ Napayakap ito sa binata sa labis na kasiyahan, bagama’t may bakas pa ng mga luha ang kaniyang mga mata.

‘N-nagawa ko… Nagawa ko… hindi ba?...’ Hinang-hinang sabi ni Alfredo.

‘Oo naman! Ikaw na ang bida ngayon dito! Pakinggan mo ang mga palakpakan ng mga tao! Nailigtas mo si Jillia!’ Si Chito.

‘G-gano’n… pala… s-salamat… naman…’ Iyon lang at nawalan na ng malay si Alfredo, nagulat naman sina Chito at Rei hanggang matuklasan nilang malakas na umaagos ang dugo mula sa tagiliran nito.

‘N-no!!! Alfredo?! Alfredo?!! Tulungan niyo kami!!! Malalim ang sugat niya!!!’ Si Rei habang karga ang nawalan ng malay na si Alfredo.






Moments MP3.


CLICK nyo 'to. Ituring nyo itong ending theme sa anime! : l o l : 
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
resemblance    •reply Jul 30, 2008 @ 11:12 AM
 
At last nasa part 2 na ko : l o l : 
insanity41    •reply Jul 30, 2008 @ 7:33 PM
 
yipee..

next n! : c h e e r : 
  resemblance    •reply    Jul-30-08@10:52PM
heheh this week na! at last : l o l : 
  insanity41    •reply    Jul-31-08@12:01PM
honga..

: c h e e r : 

this week n!

tgal ku din ng antay.. : l o l : 
marjheoni    •reply Jul 30, 2008 @ 7:41 PM
 
hi..

kelan po ang ssunod n chapter??

ang ganda ng story! : r a h r a h : 
  resemblance    •reply    Jul-30-08@10:52PM
heheh this week na! at last : l o l : 
yingying    •reply Jul 31, 2008 @ 6:30 AM
 
yeheyy : c h e e r :  : c h e e r : 
  mirrorcle_world    •reply    Jul-31-08@7:43AM
mukhang hindi nila nahalata yung ending theme... : l o l : 
candymeg    •reply Aug 1, 2008 @ 12:33 AM
 
: b o o k : 
etina0511    •reply Aug 9, 2008 @ 12:20 PM
 
: r a h r a h :  whehe galing naman ni alfredo whehe
ceezzanesz    •reply Sep 10, 2008 @ 8:26 AM
 
wuhOOO.. tO da rescue c AlfredO!

yung manghuhula nah unsz..
handami png pasikOt sikOt! : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Based on a true story
older post:
WISH GRANTED PICS.!
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com