tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
next to you: Book 2 Episode 7.1
posted by (Jul 29, 2008 @ 7:52PM) views: 221
episode 1,episode 2
episode 3,episode 4
episode 5, episode 6

Ellie's Dad

Taon taon, nag seset ang magbabarkada ng outing at ngayong taon na ito pinuntahan nila ang nabili nilang private resort sa batangas, doon din itatayo ang kanilang pangatlong branch ng resto kaya't binisita muna nila ito para tignan at suruin na rin. Kasama sa outing nila ang buong barkada at mga girlfriends and boyfriends nila. Kasama ni Kris ang kasintahan na si Charmaine at si JJ naman kasama si Dianne. Sinama na din ni River ang kanyang kapatid ni si Rhys, tutal naman ay wala syang masyadong ginagawa sa condo.

Unang gabi nila sa resort ay nagkatuwaan at nag swimming na muna sila, picture-picture at ng mapagod, umupo sila malapit sa shore at gumawa ang mga lalaki ng bonfire. Ng matapos nilang gawin ito, umupo sila palibot ang bonfire at nag kwentuhan. Magkatabing umupo sina River, Gwen at Bianca, magkatabi naman si JJ at Kris na katabi rin nila ang kanilang mga kasintahan. Nakaupo din katabi ng magasawang Kristine and Lew si Aira. Dahil sa pagod, nakatulog sa cottage si Rhys kaya't hindi na nakasama sa bonfire.

"Tignan nyo sila River oh, katabi nya yung 2 nyang ex." puna ni JJ at nagtawanan silang lahat.
"Baket ba kame pinansiin nyo, ayun sila Kristine ang pansinin nyo oh, sila lang naman dalawa yung nag stay stonger diba." sabi naman ni Gwen.
"Oo nga, hindi ko talaga na imagine that this day will come, I mean for you two, especially for you two." sabi ni Aira kila Kristine.

"Tanong ko lang Lew ha, hindi mo ba namimiss mambabae?" biro ni JJ.
"Panung hindi na miss, puro naman babae kasama ko sa bahay eh. Si bebe ko, tapos si baby Nicole saka yung si yaya." sagot ni Lew at nagtawanan silang lahat.

"Ako naman Jay, maytatanong ako sayo?" sabi ni Lew kay JJ.
"Ano yun?"
"Pare, ngayon ka lang nagdala ng babae sa ganitong occasion ah, I mean after Aira, seryoso ka na ba kay Dianne?" seryosong tanong ni Lew.

Bago itanong ito ni Lew, mainggay at inaasar ni River ang kanyang kaibigan na si Gwen at Bianca at ng marinig nyang tanong ni Lew, bigla nalang itong natahimik at parang nawala sa mood, pero hindi nya ito ipinahalata sa grupo, sabay titig lang kay Dianne.

Nagtingginan lang si JJ at Dianne at napa ngiti sa isa't isa.

"Oo naman, ngayon lang ako naging seryoso, paghihinalaan mo pa?"
"So you mean, hindi ka seryoso kay Aira before?" tanong ni Bianca.
"Guys, konting respeto, dito ako oh, can't you see me?" sabii ni Aira, nagtawanan lang sila.
"Hindi ka kasi nagsasalita dyan eh, busy na busy ka." sabi ni Bianca.

"Pero back to our kwentuhan nga, sya na ba talaga?" Tanong ni Kris kay JJ.

Hindi sinagot ni JJ ang tanong ng barkada bagkus, hinalikan nya ito sa harapan nila, kitang kita sa mukha ni River ang sakit na naramdaman nya ng makita nya ito subalit patuloy parin nya itong tinatago, nahalata ni Bianca ito, pero hindi nalang sya nagsalita.

"Guys, lowbat na phone ko charge ko lang ah." paalam ni River sakanila, tumayo at naglakad papalayo.
"River wait, I'm thirsty sasama ako." Habol naman ni Bianca.

Imbis na pumunta si River sa room nila, pinili nyang pumunta sa may duyan medjo malayo kung saan nag bonfire ang mga kaibigan nya, hindi nya napansin na sumunod sakanya si Bianca.

Kaya lang naman umalis si River para mapagisa at magisip-isip.

"Hindi ko dapat nararamdaman ang ito. Dianne and JJ is my friend. Hindi naman pwede na ganito ako palagi, ayuko masira ang pagsasamahan namen tatlo, kaya ako nalang ang umiwas sakanila. Una ko palang nakita si Dianne, napalagay na ang loob ko sakanya, lalo pa't ng magkakilala kame, pero bakit hindi ko agad sinabi ang nararamdaman ko sakanya?" sabi sa sarili habbang nakahiga sa may duyan at nakatinggin sa mga bituin.

Ilang sandali pa ay dumating si Bianca, pangisahan lang ang duyan kaya't pinili ni River na umupo nalang para makatabi rin nya si Biana at nagusap sila.

"What are you doing here River?"
"Wala lang, nagiisip-isip."
“Ikaw ano ba ginagawa mo d2?” tanong naman ni River kay Bianca.
“Ahh kasi pumunta ako dun sa room naming, uminom ako tapos si Ellie nagising pinatulog ko ulit, eh nakita kita d2, so nilapitan kita.”

“Bakit hindi mo tinawag si Gwen?
“Hay naku naman noh, dedicated na dedicated na sya masyado sa work at baby nya, yaan mo syang magsaya doon with our friends, after kasi namatay si Xavier, parang nawalan na sya ng gana sa lovelife nya e.”

“Alam mo, hanggang ngayon nasa langit na si Xavier, hind ko alam kung pano sila nagkakilala at nag meet ni Gwen.”
“Well kwento ni Gwen, dba she came from Baguio. Can you still remember the guy, yung sorry, buy yung guy na pinalit nya sayo?”
“Hmmpp. Oo yung si Mack, yung gago?”
“Yea that’s it. Ng nagbreak sila nun, devastated si Gwen, kasi nga she really really love him tapos like what you did, pero sya naman nagpakasal sa ibang girl kasi nabuntis nya, eh iniwan din si Gwen.”

“Let me just clear things ha, I called her even before me and Tina get back together, kala ko nga aayos pa pero she told me that she found another guy so I let go of her.”
“Do you want to hear the story or not?”
“Ok. Sorry. Go on.”

“Then we went to Baguio, just to unwind and then they bumped to each other while were in market. She told us na childhood sweethearts sila simula ng bata, she planned that Xavier would be just her rebound guy, but things turn out so quickly, before I even knew, mahal nya na si Xavier, he is really a good guy, he even move to Manila for Gwen. Then yun nga, 2 years after graduation…”

“They got married.” Sabi ni River.
“Ye. But you should know those details, you’re her best friend right?”
“Ayuko naman magtanong ng ganun noh, baka kung ano isipin ni Xavier eh, pero sayang nga eh, hindi nya nakikitang lumaki si Ellie, saka sayang din mabait pa naman sya.” Sabi n River.
“Kaya siguro hindi na nag boyfriend ulit si Gwen, kasi natatakot sya mawala ulit yung person na mamahalin nya. Hello sa mga naging ex nya lahat yun iniwan sya, INCLUDING YOU. Kawawa naman si Gwen.
“What??” sagot ni River.

"Pero, Nakita ko yun ah."
"Ha? Anung nakita mo?"
"When he kissed her, you walked away. Are you inlove with her?" tanong ni Bianca
“Sino ba pinaguusapan naten?”
“Well kanina si Gwen and Xavier nya, pero ngayon si Dianne na.”

"Nauna ko sya nakilala, nagkita kame sa airport. Rhys mistaken got her suitcase and Dianne got Rhys suitcase as well. The next day nag meet uli kame, i dropped her off in her dad's office. After what happened, akala ko hindi ko na sya makikita ulit, pero that evening, maykameeting sya sa level8 and I saw her, kinausap ko sya, mas lalo ko sya nagustuhan sa mga kinilos nya." pagpapaliwanag ni River.

"Yun naman pala eh, bakit si JJ yung boyfriend nya ngayon?"
Napaiiling si River at hindi nakasagot.

"Alam mo, since you came back here from living in England for 2 years, parang hindi ka na nag seryoso ng babae, you went out with them, but only for 1 night and then that's it. Ano ba talaga ngyari sayo? Hindi ka naman ganyan dati ha. Yung River kasi na nakilala, kaibigan at naging boyfriend ko dati ay gagawin nya lahat. He'll do everything for love." Sabi ni Bianca.

Kinuwento ni River ang ngyari sakanila ni Tina ng nasa England sya at nakinig naman si Bianca ng mabuti.

TO BE CONTINUE…
 
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
milfeuille_10    •reply Jul 29, 2008 @ 8:08 PM
 
: s m i l e : 
  jhoizie2810    •reply    Jul-29-08@8:24PM
: h m m : 
medjie00021    •reply Jul 29, 2008 @ 9:01 PM
 
bitin.... huhuhu : c r y : 
medjie00021    •reply Jul 29, 2008 @ 9:02 PM
 
sobrang nakakabitin phow....
jhoizie2810    •reply Jul 29, 2008 @ 9:14 PM
 
harhar bukas na po yung next super haba eh baka mabato keyu sa pag : b o o k :  : l o l :  : l o l : 
moimoidamamangan    •reply Jul 29, 2008 @ 9:19 PM
 
gooooooooooooosh! ano ung kwento?! haha.. share nmn kayo river and bianca. tsk!
  iloveyou_22    •reply    Jul-29-08@9:52PM
hi mAIne.. : l o l : 
  moimoidamamangan    •reply    Jul-31-08@9:12PM
hi psalm. haha
jhoizie2810    •reply Jul 29, 2008 @ 9:21 PM
 
bukas na umaga na dito magigicing na si father and mother baka : j o m b a g :  na abutin ko harhar
: t a k a s :  na po ako
iloveyou_22    •reply Jul 29, 2008 @ 10:01 PM
 
bitin nMn ; ) 
assenav_71099    •reply Jul 29, 2008 @ 11:36 PM
 
san npo un next? : t u m b l i n g : 
insanity41    •reply Jul 30, 2008 @ 12:24 AM
 
awtss..
bkit nmn Xavier ung name nun..

wee..

naumpisahan ku n po to..

wla p lng po dito..

naisip ku mag detour muna..

it's just really sad n hnd cla gwen at river nagkatuluyan..

nweiz..


bukas ku n ulit i2loy ung paghbol ku..

midnyt n po d2 ehh..: ) 
aIszLe    •reply Jul 30, 2008 @ 3:16 AM
 
: l u v : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
WISH GRANTED PICS.!
older post:
Based on a true story
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
Google
Web tristancafe.com