|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Based on a true story
Caution: masakit ang ulo ko today..
Kaya i hope you'll bear with me dito sa next installment nglovestory ng friend kong si Vincent. Before we proceed, I just want to thank all the dear readers for their undying support to Vincent's journey of discovering his true love. I want to present this part to Kelvin1984,etina0511,angelicniz21, misz_masungit,sweet_tooth19,mysElla ,drexel1718,medjie00021,mommyanyD, to my sisters here in tcaf and to my idol jeddsteelhead. Thank you very much to all and enjoy reading.. Chapter 1 http://www.tristancafe.com/forum/153729 Chapter 2 http://www.tristancafe.com/forum/153816 Chapter 3 http://www.tristancafe.com/forum/154149 Chapter 4 http://www.tristancafe.com/forum/154184#c6346227 Chapter 5 http://www.tristancafe.com/forum/154250#c6352610 Chapter 6 http://www.tristancafe.com/forum/154378 Chapter 7 http://www.tristancafe.com/forum/154483 Continuation.... Restday ko ngayong araw na ito, kaya medyo tinatamad pa akong tumayo mula sa aking kama. Anong oras na kaya?Tiningnan ko ang alarm clock. Magaalas dose na! Di ako kaagad nakatulog kagabi sa pagiisip. Makatayo na nga para makapagluto ng pananghalian. Habang nagluluto, naisip kong ngayon na isakatuparan ang pagpunta ko kina Jess. Dapat pala magpapogi ako nito kung dadalawin ko siya. Pumunta kaya ako ng mall para magpagupit? Doon na rin ako bibili ng regalo. Ginanahan akong kumain sa aking naisip. Matagal tagal na rin akong nanliligaw sa kanya bago ko pa nakilala si Joy. Joy na naman.. Di pa rin mawaglit sa aking isip ang nangyari kagabi. Maitext nga siya, medyo nagaalala pa rin ako dahil parang nagiba si Joy mula ng tinutukso kaming dalawa sa isa't isa. Di kaya namisinterpret nya ang pagiging close namin?Chineck ko muna ang message bago ko isinend sa kanya. Gud afternun Joy!Musta kna?Ok ka na ba?Rd ko 2day,so c 2 2morow nlang. ingat k sa pguwi mo. Patapos na akong kumain nung nagreply siya sa akin. Hi Benz!ka2tpos k lng mgeat. Now k lng nbasa txt mo sakin. Yup, bkas nlng po. Ingat ka din. Mis u. ![]() Sender: Joy +6391512242003 Sent: 12:41:55pm 5-24-06 Miss na nya daw ako?Magkasama lang kami kagabi ah.. Ano ba itong nararamdaman ko?Di ko maipaliwanang ang kasiyahang hatid ng text nya sa akin. Hindi.. Hindi ko dapat bigyan ng malisya itong text nya sa akin. Naku naman Vincent, huwag ka masydong feeling. Ano kayang sasabihin ko kay Joy? Ganun ba?Miss n din kta. Cu 2morow!Tc.. Tama ba itong sinend ko sa kanya? Sinabi ko lang naman ang totoo e,namiss ko sya dahil di ko nakasabay sa lunchbreak ang kaibigan ko. Kaibigan nga ba Vincent? Makapagligpit na nga, para akong siraulo na kinakausap ang sarili. Mga alas kuwatro ng hapon nang marating ko ang mall, una kong pakay ay ang barber shop. Medyo may pagkamahal ang presyo ng kanilang serbisyo pero di ko inalintana yun. Pumasok ako at naghintay sa may waiting area. Di nagtagal may lumapit sa akin. "Sir ano pong gupit ang gusto ninyo?",tanong ng isang lalaki sa akin. "Kung ano po yung bagay sa akin, kayo na pong bahala.",sabi ko. Parang nagdadalawang isip pa ako dahil di ako sigurado kung anong babagay sa akin. "Sumunod po kayo sa akin sir",pagkasabi niyon ay tumalikod na siya. Iginiya niya ako sa isang upuan. Umalis muna siya at di nagtagal ay bumalik na siya. May kasama pa siyang isang lalaki. "Sir siya po ang gugupit sa inyo. Siya na ang bahala." tumango lang siya sa kanyang kasama at bumalik na sa kanyang puwesto. Ang lalaking naiwan naman ay tahimik na nagsimula sa kanyang trabaho. Ako naman ay nakatingin sa buhok kong nahuhulog sa sahig. Bahala na. Di ko namalayan ang oras, narinig ko na lang nagsalita ang gumupit sa buhok ko. "Sir tapos na po. Doon sa counter na lang kayo magbayad." Sa unang pagkakataon ay ngumiti ang lalaki sa akin. Napatingin ako sa aking repleksiyon sa salamin. Wow, mas lalo yata akong gumwapo ah. Hehe. Bumagay ang gupit ko sa akin. Salamat kay Manong barbero. Sa aking tuwa ay nagbigay ako ng tip sa kanya. "Heto tip ko sa inyo manong. Salamat po." Pagkatapos kong magbayad, lumabas agad ako sa barber shop. Naghanap ako ng maireregalo kay Jess. Pagpasok ko sa flower shop, tumingin ako sa isantante na may iba't ibang flower arragements. Napili ko ang isang basket na may isang cute na bear at maliliit na lobo na may iba't ibang hugis at kulay. Pinalagyan ko rin ng tatlong mapupulang rosas ang basket. "Sir anniversary ba ninyo ng gf mo? Tamang tama po ang ibibgay ninyo sa kanya. Napakaespesyal po kasi e. Kakainggit naman." "Ah hindi, nanliligaw pa lang ako. Sana nga sagutin na ako." "Naku Sir, kung isang lalaki na tulad ninyo ang magbibigay nito sa akin, sasagutin ko agad." Di ko napigilan ang mapangiti sa tinuran ng saleslady. Ramdam ko ang guwapo ko sa araw na ito. "Sir heto na po, 1,500 pesos lang. Kasama na po yung bear." Ang mahal pala nito. Sana maimpress si Jess sa akin. Nakapagbayad na ako nung napansin ko ang oras. Nagtext muna ako kay Jessica bago ako dumiretso sa kanila. Hi Jess. Ppunta me sa inyo ngyon. Da2lawin kta. Mis u. Naghintay ako sa sagot nya pero nagdaan ang sampung minuto wala pa rin ako natanggap na reply galing sa kanya. Siguro may ginagawa siya. Di ko na hihintayin ang sagot nya. Lumabas ako ng mall at pumara ng taxi. Habang nasa taxi ako'y sinubukan kong tawagan si Jess. Baka wala siyang load. Nakailang dial na ako'y wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Bakit di kaya sinasagot ni Jessica ang tawag ko? Malapit na ako kina Jess ng mapansin kong may nakahintong taxi sa may tapat ng bahay nila. to be continued.. :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
yeah... I just started reading this story today... naubos ko na lahat ng chapters.. nice talaga siya, pero bitin!!!
![]()
ask q lng... bkit po iba ang oras dito?
Iversonkoh24
•reply
Jul-30-08@5:48AM
di ko rin po alam e.. pero nasa philippines akow..
Thanks po sa support!!
ay.. bitin ulit..
![]()
Iversonkoh24
•reply
Jul-30-08@5:52AM
hi po.. now ko lang nabasa name mo. Thanks for
reading!! kakatouch!!
parang teleserye na palaging bitin ano? hahaha
Iversonkoh24
•reply
Jul-30-08@6:03AM
hehehe.. syempre po..ganun talaga.. ehehe.. kung
di ko kau bibitinin.. masusuya naman kayo sa haba ng post ko..
Thanks po sa mga readers.. sorry sa mga pambibitin people.. ahehe.. pero don't worry..
I regularly post each chapter.. ehe. ![]()
ay.. ay... ay bakit?
sino yung nasa taxi? ang epal nung saleslady... haha ![]()
wooohoo.. after 15 years.. nakapag-online din ulit ako sa tcaf..
pakshet kase eh.. pati tong site na ito na kaligayahan ko sa opis eh blinock pa nila. bwiset, bwiset, bwiset! ![]()
anyway, author, nabasa ko na ito last time..ito yung last na nabasa ko before mablock ito sa opis.. ngayon lang ako nakapagcomment.. anyway, as i've said sa YM, maganda.. nakakabitin pa ren.. as usual. .
![]()
saludo paren ako sa paggawa mo ng teleserye ng totoong buhay ni vincent the invisible friend mo.. nyahahaha
![]()
mga kaibigan, si vincent po ay hindi invisible. existing po siya pero hindi online sa tcaf kaya tinatawag ko na invisible para mawindang si otor.. nyaahaha..
pano otor, episode 9 naman ang kakalatan ko ha? hehehe YM tayo on Monday night. pauwi na ko that time from a very special love, este vacation... heheher ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (67884)Arts & Entertainment (7390) Lifestyle & Culture (3210) Politics & Issues (2851) Poetry & Fiction (8960) Random Thoughts (9877) Forwarded Thingies (7247) FrendzCorner/ShoutOutz (20882) Games & Fun Questions (2321) Patawa Ka Talaga (2175) Tristancafe Musikahan (3680) Careers & Work Stuff (1451) School Matters (3148) Technology & Internet (3884) Classifieds & Advertisements (3460) Tristancafe Halo-Halo (1389) Barangay Tristan (1701) Site Announcements (42) mishka_burton, xknothing, lyra14, and 36 guests Random Love Quotes
|