|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
N.L. 17 (Reprise)
IV-V VI VII VIII-IX X XI-XII XIII XIV XV XVI CHAPTER XVII Hideaway ‘O kumusta naman ang usapan niyong dalawa? Panimula ni Jillia pagdating. ‘Pretty good! We talked about a lot of things at nag-enjoy naman kaming dalawa sa kuwentuhan namin! Right Alfred?’ Ngunit wala sa sarili niya sa pagkakataong iyon si Alfredo. Niyugyog na tuloy siya ng dalaga: ‘Alfred? What’s the matter? Why the long face all of a sudden?’ Usisa ni Jillia. ‘H-ha?... a-ah… w-wala naman! Siguro medyo inaantok na ‘ko. M-medyo puyat kasi ako kanina eh…’ Pagdadahilan na lang niya. ‘Well I guess I have to go now honey. May practice pa kasi kami bukas. Pasensiya ka na kung hindi kita masasamahan sa victory party ninyo. And I can tell I’m not welcome there… We’ll have our celebration some other time! Okay? Goodnight!’ Singit naman ni Clifford at humalik sa pisngi ng kasintahan. ‘O-okay… good night.’ May panlulumo sa mukha ni Jillia. ‘Well Alfred, it’s nice meeting you! Let’s talk again sometime okay? Siguro baka sa gimikan naming mga barkada ko. Marami akong alam na puwedeng puntahan na magugustuhan mo para naman marami kang makilala pang iba.’ ‘Salamat. Aasahan ko ‘yan.’ Matamlay niyang tugon. Pagkaalis ni Clifford sabik namang hinarap ni Jillia si Alfredo: ‘So! What do you guys talked about while I was away?’ ‘Wala namang espesyal. Tungkol lang sa pagba-basketbol niya.’ Pagsisinungaling na lang niya. ‘Is that so?... By the way, are you off somewhere tonight?’ ‘Hindi. Pauwi na ng bahay ang tuloy ko nito. Bakit?’ ‘N-nothing… I just thought kung puwede mo kong samahang mamasyal nang konti ngayong gabi…’ Nakatungó nitong sabi. ‘Ngayong gabi? Pero medyo gabi na ah? At saka ‘di ba may victory party kayo nina Rei sa bahay ninyo? Hindi naman yata magandang asal na hindi mo sila sisiputin?’ ‘Kind of. But I don’t feel like going… Tsaka hindi naman mahalagang nando’n pa ‘ko, nando’n naman si Mike na kasama kong nanalo sa pageant kanina kaya okay lang na wala muna ako sa party…’ Nakatungo pa rin itong nagsasalita habang pakuya-kuyakoy pa. Waring pinakikiramdaman lang si Alfredo sa isasagot nito. ‘Kung gano’n… saan mo naman gustong pumunta?’ Umangat na ng ulo si Jillia. ‘Kung gano’n, sasamahan mo na ako?’ May pananabik niyang tanong. ‘Pero sandali lang tayo, baka kasi mag-alala sila sa’yo pag masyado tayong nagtagal, medyo alanganin na kasi ang oras. Okey?’ Nakangiting sagot ni Alfredo. ‘Yes! You’re my guy! Promise, hindi tayo magtatagal! Okay tayo na!’ Kumapit pa siya sa braso ni Alfredo at hinila-hila siya paalis. ‘Pero teka Jillia? Saan nga tayo pupunta?’ Pigil naman niya sa dalaga. ‘Ikaw na’ng bahala!’ ‘Ako?! T-teka ka nga ano bang ibig mong sabihing ako na’ng bahala?!’ ‘Basta! Kahit saan! Kumbaga date mo ‘ko ngayon kaya sagot mo ‘ko! Hi! Hi! Hi! Hi!’ ‘Hayyy! Ang labo mo talaga! Pag-iisipin mo pa ‘ko ngayon!’ Iiling-iling siya. ‘You should always be prepared for times like this you know? You wouldn’t want your girl to sulk in boredom the whole night would you? Pero alam ko prepared ka naman di ba?’ Sabay tawa ng maharot. ‘Ahh!!! Bahala na nga! Sa daan ko na pag-iisipan baka gabihin pa tayo sa pag-iisip!’ Mabagal ang paglalakad nila palabas ng CEU. Sinadiya ni Alfredo iyon para makakapag-isip siya ng matagal-tagal pa. hanggang isang ideya ang sumagi sa kaniya nang nasa tapat na sila ng sakayan ng jeepney. Pagkatapos ay hinarap si Jillia: ‘Amm, Jillia, may naisip na akong puwede nating pasyalan. Medyo gagawi nga lang nga tayo sa may Tundo. Ayos lang ba sa’yo ‘yon?’ ‘Okay lang sa ‘kin kahit saan! Kahit sa may impiyerno pa ‘yan!’ Pabiro nitong sabi. ‘Pero ang totoo impiyerno ang pupuntahan natin? Sigurado ka ba?’ Ganti naman niya. ‘I don’t really mind! I know you’re beside me so it won’t matter kung saan man tayo mapadpad.’ ‘Talagang hindi mo ‘ko sineseryoso no? Siyempre sagutin kita! Malilintikan ako niyan sa mamá at papá mo kapag pinabayaan kita! Hay! Tayo na nga, walang silbing makipag-usap sa’yo!’ Iiling-iling siya bagama’t nakangiti. Sumakay ang dalawa nang jeepney na biyaheng Divisoria. Pagsapit doo’y sumakay uli sila ng jeep na papuntang Sta. Cruz at bumaba sa may simbahan ng Binondo. Puwede rin sanang naglakad na lang sila papunta roon ngunit sa isip ni Alfredo kasama niya si Jillia at may suot itong mga alahas kaya takaw atensyon sa mga mandurukot. May naka-puwestong peryahan na katabi lang ng simbahan. Alas-seis na ng gabi at halos kabubukas lang ng peryahan kaya’t marami nang tao roon. ‘Wow! Napaka-lively naman sa lugar na ito! Para siyang amusement park!’ Tangi niya na lang nasabi sa labis na pagkamangha. ‘Mukhang ngayon ka lang nakapunta sa isang peryahan ‘no? Tuwing sabado may peryahan dito nang alas-sinco nang hapon. Magpa-pasko na kasi kaya uso nanaman ang peryahan. Madalas kami rito nina Chito at nung isa ko pang kaibigan noong nasa hayskul pa kami. Hindi nga lang ‘to kasing garbo ng karnabal, pero kung medyo tight ang budget mo, swak na swak ang peryahan na pamalit! O sige! Ano ba ang gusto mong gawin una? Mamamasyal ba muna tayo o sasakay na agad tayo ng mga rides?’ ‘I want to explore the place! Mamasyal muna tayo nang konti!’ ‘Okey! Ikaw ang boss! Hawak ka lang sa ‘kin na mabuti prinsesa! Mahirap mawala dito, walang paging section dito!’ Biro niya rito. ‘How mean! Hindi na ako bata no?!’ Hinampas pa nito ang braso ng binata. ‘Oo nga! Pero batang isip naman!’ Sabay tawa. Naglakad-lakad sila – mabagal lang para mapagmasdan ang kapaligiran. Maya-maya huminto si Jillia sa tapat nang umpukan ng mga tao. ‘Alfred, ano yung nilalaro ng mga tao? Mukha kasing excite na excite sila.’ ‘Yan ba? “Colors” ang tawag diyan. Hindi lang sila basta naglalaro, may pustahan kasi ng pera diyan kaya excite na excite sila.’ Pabiro ang pagbanggit niya sa mga salitang “excite na excite.” ‘Oh… But how exactly do they win in that?’ ‘Simple lang naman. Tatayaan mo lang yung kahit anong kulay sa color wheel board. Tapos pagugulungin na nung mama yung bola at kung sa’n matapat na kulay, panalo. Kung magkano ang taya mo nung nanalo ka yun ang makukuha mo.’ ‘Ah… simle lang naman pala…’ ‘Gusto mo bang subukan natin?’ ‘Well, why not? Mukha namang masaya siya! Sana suwertehin tayo!’ ‘Okey!’ Dumukot nang veinte pesos sa bulsa niya si Alfredo. ‘San mo gustong itapat?’ ‘Hmmm… lemme see… Let’s try the red one!’ ‘Ayos!’ Pagkatapos ay inilapag na ang pera sa kulay na sinabi ni Jillia. Masuwerte ang unang bagsak nang bola. ‘Wow! Maganda ang buwenamano natin ah?! O sige, ‘san mo naman gustong isunod?’ ‘Well, may palagay akong mananalo uli yung pula kaya diyan na lang ulit!’ ‘Sa palagay mo? O di sige! Manong! Sa pula uli kame!’ Matagal-tagal rin silang tumaya sa colors. Waring kinasihan sila ng suwerte nang gabing iyon – ang kaninang veinte pesos na taya ni Alfredo ay lumago ng hanggang limandaan. Aliw na aliw naman si Jillia na hindi pa sana titigil kungdi pinigil ni Alfredo. ‘Ang KJ mo talaga! Hindi pa nga napapatid yung win streak ko pinigilan mo na agad!’ Himutok ni Jillia. ‘Baka kasi maubusan na tayo ng oras, Jillia. At tsaka nakalimutan kong sabihin, bawal ang mga sugal dito. Nakakalusot lang ang mga ‘yan kasi may kapit silang parak! Mahirap na, baka masabit pa tayo!’ ‘T-talaga? Alrighty then…’ Bahagyang nanginig si Jillia sa sinabing iyon ni Alfredo. ‘Tsaka okay na ‘yang 500 mo. Sa sobrang buenas mo kanina kung itinaya mo sa lotto ‘yung bente baka milyonaryo ka na ngayon dahil kung colors lang hindi ka kikita ng 500!’ Pampalubag-loob naman nito. ‘Kunsabagay! Pero in fairness nakaka-addict siya ha? Parang gusto ko pa nga eh! Hee! Hee!’ Nagpatuloy sila sa pamamasyal. Maya-maya uli, napukaw nanaman ang interes ni Jillia ng isang kumpulan ng mga tao. Huminto sila para usisain ang pinagkakaguluhan ng mga tao roon. ‘Oh! It’s only a bunch of little men here… What’s the ruckus about?’ Takang nakakunot ang noo nitong hinarap si Alfredo. ‘Ha! Ha! Nakakatwa naman ‘yang reaksyon mo! Mga sirkero ‘yang mga ‘yan.’ Tuwang-tuwa siya sa pagiging inosente ng dalaga kaya hindi niya napigil mapatawa. ‘Sirkero? You mean acrobats? Those little men? Hmm?… I wonder…’ ‘ Mas maliliwanagan ka kung panonoorin mo na lang! Lika, ‘dun tayo pumuwesto.’ Nang maka-puwesto na ang dalawa, kasunod halos na nagsimula ang mga sirkero na magtanghal. Sa umpisa, may dalawang unanong sumasayaw sa saliw ng “novelty music.” Aliw na aliw ang mga tao, lalo na si Jillia. Nuon lang kasi siya nakakita ng mga pandak na sumasayaw. Sa deskripsyon niya nga, para lang silang mga batang paslit. Maya-maya, may dalawa pang pandak na mga lalake ang lumabas; may dalang upuan ang isa habang isang malapad na tabla naman ang sa huli. Inilapag ng isa ang upuan at tumuntong roon ang isa sa kaninang sumasayaw sa stage. Pagkatapos, iniabot sa kanya ng isa pa ang hawak nitong malapad na tabla at pumuwesto ang natitira pa sa magkabilang dulo ng stage, may trampoline sa bawat dulo nito at duon tumalun-talon ang dalawang natitirang mga lalake – bumubuwelo ang mga ito. Mga ilang ulit na pagtalon pa ang ginawa nila, habang pigil hininga naman ang karamihan. At nang matiyak ng dalawa na pantay na ang taas nila sa ere ay sabay silang tumalon nang paarko sa direksiyon ng isang lalaking nakatuntong sa upuan, na may hawak na malapad na tabla at matagumpay na nakatuntong roon. Hiyawan naman ang mga manonood pati na si Jillia na napatalon pa, hindi makapaniwala sa napanood. Ngunit hindi pa doon natapos ang palabas pagkat sa likuran ng tatlo ay bumubuwelo naman ang ikaapat na lalake at sinusubok makatuntong sa pinakatuktok ng nabuo nilang human pyramid. Nang matiyak na sapat na ang buwelo’y buong puwersa itong pumailanglang sa ere at perpektong nakatuntong sa pinakatuktok. Lalo namang nagkagulo ang mga manunood sa palabas na iyon. ‘Booya!!! Woohoo!!! That was marvelous! For a while there medyo kinabahan ako ‘don, but they’ve actually did it with style! Galing!’ Si Jillia habang pumapalakpak pa. ‘Kita mo na?! Sa perya lang meron niyan! Ha! Ha! Ha! Ha! Okey di ba?’ ‘Definitely! Idol ko na nga sila eh! Ayos pala rito sa peryahan! Oo nga’t hindi siya kasing-glamorous ng mga theme park, but it sure has some pretty good shows and a lot of unusual things to look at!’ ‘Buti naman nagustuhan mo rito kahit pa’no. Hayaan mo, sa pista ng Tundo sa January kung may time ipapasyal kita uli rito, siyempre kasama na sila Chito at Rei, kung gusto niya!’ ‘Siyempre gusto rin niya! We both love theme parks kaya sinisiguro ko sa’yo magugustuhan niya rin dito.’ ‘Mabuti kung gano’n! Okey, prinsesa, ‘san na tayo sunod na pupunta?’ ‘Medyo ginutom ako sa pamamasyal, kain naman tayo!’ ‘Ganu’n ba?... May mga mabibilhan dito kaya lang… hindi ko alam kung magugustuhan mo.’ ‘Di subukan natin! Meron naman siguro diyan na masarap! Pero dapat ikaw manlibre! Date mo ‘ko remember?’ Sabay tawang mahinhin. ‘He! He! He! He! Talagang pinagdidiinan mong date kita ha? Pero di ba dapat sasamahan lang kita mamasyal?’ Biro nito. ‘Oo nga! Nang sinabi kong samahan mo kong mamasyal kanina what I mean is we’re going out on a date! Hee! Hee!’ ‘Ang totoo hindi ko naintindihan! Pero hindi naman ako makakahindi di ba?’ ‘Naghanap si Alfredo ng food stand. Na-ispatan niya ang isang tindahan malapit sa Ferris wheel ride at dinala niya roon si Jillia. ‘O ayan, pili ka lang ng gusto mo diyan tapos ilagay mo rito sa lalagyan mo.’ Binigyan niya si Jillia ng isang stick at papel na lalagyan. ‘Hmm… I don’t know what to pick first. Any suggestions?’ Nalilitong baling niya kay Alfredo. ‘O sige ganito na lang, bakit hindi mo tikman isa-isa? Ako’ng bahala sa lahat basta kunin mo kung ano’ng patok sa panlasa mo.’ ‘Okay… I’ll try this one first…’ Una nitong tinuhog ang tokneneng at tinikman iyon. Matapos nguyain at lunukin, bahagyang pumakla ang ekspresyon nito. ‘A little bit salty!’ ‘Okey, eliminated na ang tokneneng. Try mo naman ‘tong kwe-kwe.’ Tinulungan pa niyang magsalin ng pagkain ang dalaga. Sumubo ng isa si Jillia. ‘Hmmm… This one’s tasty! I think I’ll have some more!’ ‘Oo naman! Sige, kunin mo lang ang kaya mong ubusin, ako’ng bahala! Baka gusto mo rin nitong helmet? O kaya nitong IUD? O kaya naman itong adidas?’ ‘That one looks creepy…’ Tinutukoy ang inihaw na ulo ng manok. ‘Wouldn’t my tummy get hurt if I eat that?’ ‘Ha! Ha! Ha! Ha! Siyempre hindi ah?! Magbebenta ba naman sila ng hindi nakakain? Pero sige, para hindi ka na mag-alinlangan kakain muna ako!’ Kumuha ng isang stick ng helmet si Alfredo, pagkatapos ay inilublob niya sa garapon ng sarsa at inilapag sa initan. Mga ilang minuto ang nakalipas, hinango na ng tindero ang pagkain at kinuha ni Alfredo. Humarap pa muna siya kay Jillia na para bang may gagawing demonstrasyon. ‘O eto, panoorin mo ko kung pa’no ang pagkain nito!’ Kinagat nito ang isang piraso at kinuha naman iyon ng isa niyang kamay. Pagkatapos ay nginata na para bang kumakain lang ng hita ng manok. ‘Hmm! Shalap! Shubukan mo!’ Inabot nito sa dalaga ang hawak niyang stick na may natitira pang dalawang piraso ng ulo ng manok. ‘O-okay… here goes nothing!’ Hinila na lang niya ng kamay ang ulo ng manok sa stick at nginata-ngata rin iyon, gaya ng kung paano ginawa kanina ni Alfredo. ‘Hey! Not bad! It tastes just like chicken meat!’ Sinimut-simot pa niya iyon. ‘Kitam? Pero meron pa ‘yan sa loob!’ Hinimay ni Alfredo ang ulo ng manok at hinigup-higop iyon. ‘Masarap din ang utak ng manok! Utak ibon nga siya pero malaman naman! Try mo din! He! He! He! He!’ ‘Pero… hindi ako marunong maghimay. Masiyado siyang matigas!’ ‘Madali lang! kagat-kagatin mo lang yung ulo niya tapos ‘pag medyo bumuka siya saka mo sipsipin. Sinasabi ko sa’yo, mas masarap pa ang laman niyan kesa sa laman mismo ng manok!’ ‘Okay, susubukan ko…’ Kinagat-kagat ni Jillia ang ulo ng manok. Ngunit dahil baguhan, halos dumulas sa bibig niya ang pagkain, hanggang nahulog na nga niya ito. ‘Ah! Forget it! It’s too difficult! Okay na ko sa balat!’ ‘He! He! Masiyado kasing alalay ang pagkagat mo kaya dumulas! Dapat sa susunod kagatin mo nang buong puwersa. O pa’no, pili ka na lang ng iba mo pang gustong kainin.’ ‘No, I think I’m full, thanks. Mamasyal na lang tayo ulit.’ ‘O-okay… sabi mo eh…’ Iniwan nila ang tindahan at muling naglakad-lakad, nauuna si Jillia habang nakasunod lang si Alfredo. Tahimik lang ang dalaga, di gaya kanina habang kararating pa lamang nila sa perya. Maraming minuto ang lumipas at wala pa ring imikan ang dalawa. Bahagya siyang nag-alala kaya kinausap na niya ito: ‘G-gusto mo na bang umuwi?’ ‘Umm… i-ikaw? Gusto mo na bang umuwi tayo Alfred?’ Balik-tanong naman ni Jillia. ‘Ayos lang sa ‘kin kung ayaw mo pang umuwi tayo. Basta’t sasamahan kita hanggang gusto mo nang umuwi.’ ‘Right… Okay…’ At nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad Sa kanilang pag-iikot-ikot sa perya, napadaan ang dalawa sa tapat ng ferris wheel. Tumigil sandali si Alfredo: ‘Jillia, halika sumakay tayo ng ferris wheel!’ Tawag niya sa dalaga na halos nakalayo na. Hindi naman sumagot si Jillia; lumapit na lang siya kay Alfredo. Pumila sila sa linya ng Ferris Wheel. Hindi pa naman marami ang tao kaya nakasakay sila agad. Nagbayad si Alfredo para sa pitong ikot sa Ferris Wheel. Nararamdaman niyang kailangan ni Jillia ng espasyo, at sa ferris wheel ang pinakamainam na lugar para sa kanya. Tahimik lang si Jillia habang pumipila sila ni Alfredo, nag-alala tuloy ang binata sa kaniya – maaaring seryosong bagay ang gusto nitong pag-usapan. Nang medyo nasa tuktok na sila ng Ferris Wheel ay saka lang uli nagsalita ang dalaga: ‘I’m sorry for the trouble… I’m quite a handful to you aren’t I?…’ ‘Hindi naman. Kung may gumugulo sa isip mo puwede mong sabihin sa ‘kin kahit kailan. Kaibigan mo ‘ko di ba?’ Ngumiti siya para mapalagay ang kaharap. ‘alam ko… kaya nga masaya akong nakilala ka. We’ve only known each other for a while, but you’ve already became a best friend to me…’ ‘Sobra ka naman… ngayon mo pa naisipang maging sentimental. Minsan tuloy nalilito ako sa’yo – may mga panahong masigla ka at may mga panahon din na parang nakikimi ka na hindi ko maipaliwanag.’ ‘Yan kasi ang problema sa inyong mga lalake! Wala kayong idea sa kung ano talaga ang tunay na damdamin namin, dahil ayaw niyong alamin! Kundi pa tayo napadaan sa ferris wheel hindi ka na makakahalata!’ Sabay irap sa binata. ‘Ha! Ha! Ha! Ha! O sige, sige, mali na ‘ko, pasensya na! O sige, ano ba’ng gusto mong pag-usapan natin?’ ‘Mag-isa ka diyan! Hmph!’ At tuluyan na ngang tinalikuran nito ang binata. ‘Haaayyy… ayan na, nagalit na!’ Kakamot-kamot na lang tuloy siya ng ulo. Matagal nanamang walang imikan ang dalawa. Gusto sanang makipag-ayos ni Alfredo sa dalaga, ngunit nang makita niyang nakasimangot pa rin ito’y napaurong siya. Nakaikot na nang dalawang ulit ang Ferris Wheel bago muling nagsalita si Jillia: ‘I’m sorry… I got ahead of myself…’ Paumanhin niya sa kanyang inasal kanina. ‘Balewala naman ‘yun sa ‘kin! Kung may gumugulo sa isip mo puwede mo namang sabihin sa’kin nang hindi nag-aalinlangan. O siya, ano bang atin?’ ‘You’re always like that; acting the way as if nothing really happend… balewala na sa’yo ang paliwanag… para kang telepono na tanggap lang ng tanggap sa kahit anong tawag ng mga gumagamit sa’yo…’ Nangingiti siyang nagpapaliwanag. ‘Ayos lang sa akin na maging telepono para sa’yo; kahit pa umagahin tayo rito handa akong makipag-telebabad sa’yo para masiguro ko lang na may makikinig sa mga pinoproblema mo.’ ‘Hee! Hee! Isa pa ‘yan sa mga nagustuhan ko sa’yo; ‘yang pagkapilosopo mo! Hindi ko alam pero mas natatawa ako sa’yo kesa sa mga jokes ni Chito!’ ‘Pero baka sumama naman ang loob no’n kapag narinig niya ‘yang sinabi mo? Wala pa siyang jinowk na hindi tumawa! He! He! He!’ ‘Dahil mababawaw lang naman akong tao… love ko nga ang mga corny jokes, at kahit corny ipipilit kong nakakatawa ‘yon… kaso marami ang hindi nakakaintindi ‘non…’ ‘Naiintidihan ko. Iyon ang masaklap na katotohanan; hindi mo mapipilit ang lahat ng tao na magustuhan kung ano man ang ginagawa mo, o kung ano ang sinasabi mo. Magkakaiba lang talaga kasi ang bawat tao.’ ‘Alam mo ba, kanina sa pageant, kahit napaka-ingay sa loob ng auditorium at nagse-celebrate ang mga tao sa pagkapanalo ko bilang Ms. CEU… I don’t what got into me… I just felt empty… and sad… the cheers and claps of the audience felt like the rain… it pierces through my skin like daggers… and everything seems like all shades of gray and black…’ ‘Bakit mo naman nasabi ‘yon?’ ‘Ewan ko nga ba? Siguro isa lang nanaman sa mga ka-weird-ohan ko? At may isa pa; alam mo ba, sa tuwing nakakarinig ako, mula sa mga taong kakilala ko kung paano nila pagtawanan ang mga babaeng hindi kagandahan, at kung pag-usapan nila ay parang isang taong may malalang sakit… para bang may pakiramdam akong ako yung pinatatamaan nila… Ni minsan walang nagsabi sa ‘kin na pangit ako, pero pa’no nga kaya ang feeling ng pangit? Yung sa sobrang pangit, pinandidirihan at pinagtatawanan ng mga tao? I’m just wondering, kung magiging katulad nila ako… ano kaya ang magiging pakiramdam?...’ Bahagyang natatawa si Alfredo: ‘Kahit anong pilit kong irehistro sa isip ko hindi ko makumbinsi ang sarili ko; lalo ngayon at nakatingin ako sa mukha mo! Hindi talaga tama!’ ‘Mahirap kasi hindi mo pa ‘ko nakikitang pangit…’ Sabi naman niyang bahagyang nagbaba ng tono. ‘Pero bakit mo naman iniisip na maging pangit? Maganda ka na at sikat, napakatalino pa? Bakit mo gugustuhin na maging pangit?’ ‘For once I wan’t to be in their shoes. Gusto ko kasing malaman kung sa kabila ba ng pagiging pangit ko may papansin pa ba sa ‘kin o makikipagkilala man lang. Gusto kong malaman kung sa kabila no’n marami pa rin akong kaibigan, o kung mamahalin pa rin ako ng boyfriend ko… Kung ang moment of truth ay ang pagiging pangit I’m more than willing to give-up all for that… Ikaw ba, kung magiging pangit man ako pagpatak ng twelve, will you still be my friend? Kung noon ay nakilala mo ‘kong pangit, kakaibiganin mo pa rin ba ‘ko? Ha, Alfred?’ Humugot siya ng maikling buntong-hininga bago nagsabi: ‘Mahirap ‘yang tanong mo… Kung sasabihin ko namang “oo” madaling maniwala, para sa’yo na nagsisinungaling lang ako. Aminado naman ako na noong una kitang makita nabighani talaga ako sa’yo ng husto. Mula noon inasam ko nang makita kita ulit. At kung nakilala nga kitang pangit noon, sa ganoon ding pagkakataon, siguradong hindi kita gaanong mapapansin…’ ‘I knew it… it’s a good thing I’m what I’am now…’ Sabi niyang namemeke ng ngiti. ‘Pero kung hindi man kita napansin sa unang pagkakataon, siguradong mapapansin kita sa susunod nating pagkikita. Naging mabuti ka sa ‘kin noon at ‘yun naman ang mahalaga. Hindi naman mahalaga pa kung ano man ang ipukol sa’yo ng mga tao sa paligid, kundi kung paano mo sila haharaping lahat, na proud at walang pag-aalinlangan!’ ‘Alfred…’ ‘Ito lang ang dapat mong tandaan prinsesa; maganda ka hindi dahil sa mga damit, o magandang make-up, maganda ka dahil tapat ka at mapagmahal in the sense na hindi ka nag-aalinlangang ipakita kung ano man ang iyong nararamdaman! Mag-celebrate ka ngayon dahil ngayong gabi ikaw ang pinaka-magandang babae sa buong mundo!’ ‘Alfred…’ Sabi niyang humihikbi at pupungas pungas ng mata: ‘Thank you… thank for being a best friend…’ ‘Nako naman! Ayan at umiiyak ka na! alam mo papangit ka talaga niyan!’ Pagbibiro naman niya. ‘Che!!! Umiiyak ako dahil masaya lang ako! Ngayon kumbinsido na ako na ako nga Ms. CEU… dahil sa’yo ‘yon Alfred!’ ‘He! He! Kaya lang para naman akong matutunaw sa ka-corny-han! He! He! He! He!’ ‘Sira!!! Tara na nga, ihatid mo na ‘ko sa ‘min!’ ‘Oo naman! Prinsesa!’ Mariin ang pagkakasabi niya ng salitang “prinsesa.” Agad nilisan nina Alfredo at Jillia ang peryahan pagkababa nila ng Ferris Wheel. Hindi pa sila nakakalampas ng Legarda ay nakatulog na si Jillia, marahil sa pagod mula sa katatapos lang na pageant tuloy-tuloy hanggang sa pamamasyal nila sa perya. Bahagya niyang kinabig sa balikat niya ang dalaga para maging kumportable ito. Nakatuwaan niya tuloy na pagmasdan ito habang tulog. Bigla tuloy sumagi muli sa isipan niya ang araw na una silang magkita. At hanggang ngayon napipinid pa rin ang kaniyang paghinga sa tuwing masisilayan niya ang pagkaganda-gandang mukha nito na para bang sumpa na hindi mabali-bali. At walang anu-ano’y napapangiti na lang siya. Natauhan na lang sa pagmumuni-muni niya si Alfredo nang biglang mag-ring ang mobile phone niya. Si Rei ang tumawag na iyon. ‘O Rei, napatawag ka?’ Panimula ni Alfredo sa kabilang linya. ‘Umm pasensya na sa abala Alfredo pero alam mo ba kung saan nagpunta si Jillia? Bigla na lang kasi siyang nawala kanina eh?’ May pag-aalala sa tono ni Rei. ‘Ano?! Ang ibig sabihin hindi ka niya inabisuhan?’ Hindi sinasadyang bulalas niya. ‘Huh?! I-I don’t get it! Paki-esplika nga?’ Bahagya pang natawa si Alfredo: ‘Sinasabi ko na nga ba! Hindi siya nagpa-alam sa inyo! Si Jillia talaga!’ ‘You mean magkasama kayo?!’ ‘Oo. Ang sabi niya kasi gusto niyang mamasyal ngayong gabi kaya pinilit niya akong samahan siya, at ang sabi pa niya hindi naman daw kayo mag-aalala sakaling hindi niya kayo siputin sa victory party ninyo.’ ‘Arghhh!!! That woman! Minsan talaga gusto ko na siyang sabunutan sa kapilyahan niya! So, nasa’n na kayo ngayon?’ ‘Pauwi na kaming dalawa. Galing kami sa peryahan sa lugar namin. Dun ko na lang siya dinala para hindi kami gaanong lumayo at gabihin sa daan. Heto nga nakatulog na sa pagod!’ ‘Gano’n ba? Well I’m relieved to hear that. Akala ko dinala na siya nung aswang na Clifford na ‘yon kung saan! At least ikaw ang kasama niya. Pasensya na sa abalang ginawa niya.’ ‘Hindi na kailangan. Pareho lang naman tayong nag-aalala sa kaniya. Huwag ka nang mag-alala, ako nang bahala sa kaniya.’ ‘Thanks Alfredo! You’re a life saver! Okay, gotta tell this to her mom and dad. Medyo nag-aalala na nga rin ang mga yun eh! By the way, pagkarating mo rito, why not join us for a moment? Tutal papunta ka na rin naman dito. ’ ‘Naku pasensya na. May kailangan pa kasi akong asikasuhin pagdating ko sa bahay eh. Pero salamat na rin sa imbitasyon.’ ‘I see. Well, ingat na lang kayo sa daan okay? And thank you again Alfredo!’ ‘Walang problema! O sige na, bye!’ Makalipas ang mahigit dalawang oras na biyahe, narating na rin ni Alfredo ang subdibisyong tinitirhan ni Jillia. Tulog pa rin ang dalaga hanggang sila’y makarating kaya’t pinasan niya na lang ito sa kaniyang likuran. Nasa pinakadulo pa ng subdibisyon ang tinutuluyan nito kaya’t maglalakad pa siya ng matagal-tagal. Habang naglalakad, biglang umungol si Jillia. Napangiti tuloy si Alfredo. Mukhang sa sobrang himbing ng tulog nito’y hindi na niya namalayang nakarating na sila sa subdibisyon at waring nananaginip pa. ‘Ha! Ha! Nakakatuwa talaga siya ‘pag tulog!’ Pabulong niyang sabi, ngunit unti-unti naparam ang kaniyang ngiti at tuluyang nabahiran ng pagkalungkot. ‘Huwag kang mag-alala… papasanin kita… kahit saan… hanggang sa dumating ang araw na hindi mo na ako kailangan… pangako…’ Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
waah..
kelan n ung sunod.. nxt n po.. pra ung hnd n reprise.. ![]()
resemblance
•reply
Jul-27-08@11:50PM
hindi na ko magpapangako baka hindi ko nanaman matupad eh
basta hindi later than this week
Papasanin kita... Kahit saan hanggang sa dumating ang araw na hindi mo na ko kaylangan...
So swit yet so sad.... Ganda talaga! :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77642)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) lilzupladitah20, tulungatong, cptnoname, vani_014, mhelaisky, anonsenselove, arzel18, and 49 guests |