|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Worst-Case Scenario [Episode I] (re-post)
"Sige, Ate, hulaan mo mangyayari sa'ken."
Nabangit kasi sa kwentuhan na marunong mag-basa ng palad ang Ate Lala (biro mo, classmate na, ate pa) kaya wala nang hiya-hiya pang nag-prisinta si Claire ng kanyang kamay. Halos ganito na lang 'pag last subject namin. Nauubos ang oras sa kakahintay sa maestrang uugod-ugod sa pag-desiyon ng kung anong petsa nga ba siya mag-reretiro. Nauubos ang oras sa walang katapusang tsismisan, angalan, payabangan at pakitaan ng mga galing at talentong walang katuturan. Katatapos lang namin ng 4 na round ng patintero at nagpapahinga nang kamustahin namin ang panliligaw ni Berto. "Sablay ka naman Ate. Hindi man ako sinagot kahapon," reklamo ng bugok. Biglang tumayo si Ate Lala. "Eh bakit ka nga naman hindi sasagutin ni Eunice eh andun sa likod ung nanay nya nung umentrada ka?" Nagtawanan ang mga kasama namin sa covered walk. "Saka saan ka nakakita ng nag-liligawan sa gitna ng palengke?" "Sabi mo kasi..." "Ang sabi ko, dahan-dahanin mo lang at makukuha mo 'yung gusto mo. Sugod ka kasi ng sugod hindi ka man lang nag-iisip." "Tama na 'yan Ate. Ako na lang hulaan mo, sure na sure, susundin ko sasabihin mo." sabad ni Claire. "Ows, hindi nga?" bulong ko. At natahimik ang lahat, Nakapagtataka, dahil ang Principal mismo hindi kayang patigilin sa pag-iingay ang III-17. Napakadalang na katahimikan. Ngunit sadyang hindi rin nag-tagal. "Anjan na si Ma'am!!" Dali-dali kaming tumakbo papuntan ng kwarto. Sakto, dahil nagbuklat na si Ma'am Pugo, este Ma'am Pineda ng class record. "Ba't wala yatang nakapansin na sumaan si Pugo?" "Sa likod da kaya dumaan. May kinuha yata sa Sci Bldg.", tugon ni Fred. "Laxamana!!" "Uy, Laxamana daw!", puna ni Claire. "Present!" Pambihira naman kasing hina ng boses kaya hindi marinig. At nagsimula na siguro ang pinakabuset na siguro naming subject: Pilipino. Wala namn ibang gagawin kundi... "Bibili ng xerox, magbabasa, bibili ng formal theme, susulat." bulong ni Shylla. Na siya namang tinugunan nila Danilo, Erwin at Ralph: "WALANG KABUHAY-BUHAY!!!" At walang kabuhay-buhay ring natapos ang 25 minutos. Gabi na rin akong nakauwi dahil sa trapik. Opo, dahil po trapik sa computer shop kaya natagal ako bago nakapag-laro ng Ragna. Siyempre, bihis muna bago bumanat ng pagkain habang kinakalikot ang celphone ng lola. At himala! May mga nag-text sakin! Claire: Bcard mu naman # ni te lala Berto: wat page kc assign? Fred: HOY UNG WORKBUK KO NSA BAG MO!!!! Dun ko pa lang naalala ung tungkol sa assignment namen, kaya binilisan ki na ung pagkain ko. Nang natapos ko nang hugasan ang mga pingan, nagmadali na ako sa kwarto at kiniha ung workbook sa bag. Ewan ko ba, pero litong lito ako sa lesson kaya panay ang tingin ko sa mga nakaraang lesson para maintindihan ung mga tanong. Habang binubuklat ko ung workbook, me nakita aking papel na napakadilaw dahil sa luma. Syempre, curiosity kaya binasa ko ito. Sakali mang mag-kulay berde ang buwan at mabasa mo papel na ito, mandirigma, hanapin mo ang mga taong nakasaad ang mga pangalan dito. Erika Sicat Jonathan Ramirez Sanjyn Magat Alexader Po Dylan Paulino Nicholas Esguarra Marie Antonette Lopez Corny. Napaka-korny. Pwera lang sa isang detalye. Ang pangalan ng pinsan ko, sa isang dahilan na hindi ko alam, ay nasa listahan. Ang pinsan kong mga 3 taon na mula nang namayapa. the first episode ng aking "manga"-novela notes: -nakakbitin talaga, since manga-based na storytelling ang nasa isip ko noong sinisimulan ko itong isulat. -pareng sanmig, nahirapan ako dun sa codes na sinend mo. mali-mali ung mga backslash ska nakakaduling... pasend naman po ng magandang codes, woh?.?, -after 24 hours, i-popost ko ung episode II and the previously unreleased episodes II and IV. after nun, weekly na lang ako mag-update... -thx for reading... :: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
-after 24 hours, i-popost ko ung episode III and the previously unreleased episodes II and IV. after nun, weekly na lang ako mag-update...
my bad... :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy (70019)Arts & Entertainment (7531) Lifestyle & Culture (3266) Politics & Issues (2920) Poetry & Fiction (9263) Random Thoughts (10128) Forwarded Thingies (7333) FrendzCorner/ShoutOutz (21274) Games & Fun Questions (2342) Patawa Ka Talaga (2294) Tristancafe Musikahan (3758) Careers & Work Stuff (1504) School Matters (3221) Technology & Internet (3972) Classifieds & Advertisements (3551) Tristancafe Halo-Halo (1541) Barangay Tristan (1722) Site Announcements (42) bloody_parrot, alvyn, marcan, President_of_D_Room, derikFTW, and 31 guests Random Love Quotes
|